You are on page 1of 6

Reviewer for 1st Monthly Examination

AP 10
EKONOMIKS
 Oikos (Griyego) = sambahayan, Nomos = pamamahala
 “Pamamahala ng sambahayan”
 Ekonomiks – isang agham-panlipunan na tumutugon sa pag-aaral ng wastong
pangangasiwa ng mga limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang
hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao
Ang Simula ng Ekonomiks
 Political economy - pangangasiwa ng kabuhayan sa mga lungsod-estado
 Lungsod-estado -> Estadong bansa
 Merkantilismo – sistemang pangkabuhayan na ang sukatan ng kapangyarihan ng isang
bansa ay batay sa taglay na dami ng ginto at pilak
 Digmaang Napoleon – digmaang naganap na pinamunuan ni Napoleon Bonaparte ng
France sa Spain
 Rebolusyong Industriyal – umiral ang kapitalismo ng mga burges
Mga Ekonomista at Pananaw
 Paul Samuelson – “Ang ekonomiks ay isang pag-aaral kung paano gamitin ng tao at
lipunan ang limitadong yaman upang makagawa at maipamahagi ang iba’t ibang
produkto at serbisyo sa mga tao para sa kasalukuyan at hinaharap”
 Adam Smith – Ama ng Makabagong Ekomomiks; “Dapat hayaan ng pamahalaan ang
likas na pagdaloy ng ekonomiya”; Wealth of Nation
 Alfred Mashall – naipakilala ang ekonomiks bilang isang ganap na disiplina
 Thomas Malthus – “Hindi nakakatulong ang lumalaking populasyon sa paglinang ng
mga pinagkukunang-yaman”
 David Ricardo – “Nagpapaliwanag na ang halaga ng isang produkto ay dapat
nakasalalay sa relatibong dami ng paggawa”; comparative advantage
 Karl Marx – “Ang sistemang kapitalista ay magwawakas sa panghihimagsik ng mga
manggagawa”; Das Kapital
 Francois Quesnay – “Ang yaman ng bansa ay wala sa hinahangad na yamang material,
tulad ng ginto at pilak, kundi nasa pagpapabuti ng kanilang lupa”
 Lionel Robbins – “Ang ekonomiks ay ang pag-uugali ng tao bilang isang kaugnayan sa
pagitan ng mga dulo at bahagya na paraan sa pagitan ng iba't-ibang ng iba't ibang mga layunin ng
pag-aaral sa agham”
 John Stuart Mill – “Ang ekonomiya ay dapat na umayon sa malayang pamilihan ngunit
nararapat itong panghimasukan ng pamahalaan tulad ng pagpataw ng mga buwis”
 John Meynard Keynes – Ama ng Makroekonomiks; “Dapat na pagtuunan ng
makroekonomiks ang kabuuang kalagayang pang-ekonomiya ng isang bansa, kasama ang
pangangailangan ng mamamayan tulad ng trabaho at pagtigil ng implasyon”
Laissez faire – ibig sabihin ay “hayaang mag-isa” o hindi makikialam ang pamahalaan sa
gawaing pangkabuhayan ng mga mamamayan
Burges – gitnang uri ng lipunan
MGA IBA PANG AGHAM-PANLIPUNAN
Agham – pag-aaral gamit ang sistematikong paraan upang subukin ang katotohanan sa likod ng
mga haka-haka
Hypothesis – katanungang kinakailangang matugunan
Uri ng Agham
 Natural science – tumutukoy sa sistematikong paraan ng pag-aaral sa kalikasan
o Biology, chemistry, physics
 Social science – tumutukoy sa sistematikong paraan ng pag-aaral sa kaugalian,
pinagmulan, kaasalan at kultura ng mga tao
o Political science, history, sociology
 Exact science – tumutukoy sa tugma at eksaktong pagtugon sa mga abstraktong tanong
o Mathematics, statistics
Pamamaraang Siyentipiko (Ekonomiks)
1. Inaalam muna kung ano ang suliranin
2. Isasagawa ang pagmamasid at pananaliksik tungkol sa suliranin
3. Bubuo ng mga pansamantalang haka-haka/hypothesis
4. Magkakaroon ng mga masusing pananaliksik, pagsisiyasat, pakikipanayam sa mga
eksperto at iba pang katulad na gawain upang makapangalap ng mga impormasyon na
susubok sa katotohanan ng binuong mga haka-haka
5. Kapag nailahad na ang mga nakalap na impormasyon, masusi itong pag-aaralan upang
makabuo naman ng mga kongklusyon at pansamantalang kaisipan, konsepto o teorya
Dalawang Uri ng Pagtingin sa mga Pangyayari sa Ekonomiks
1. Positibong ekonomiks – nagpapaliwanag kung ano ang nangyari at nakikita sa
ekonomiya na walang anumang bahid na opinyon; obhetibo
2. Normatibong ekonomiks – nagpapaliwanag kung ano ang dapat mangyari sa
ekonomiya; subhetibo o personal na opinyon
Correlation – pagkakaugnay ng mga pangyayari na hindi magkatulad
Causation – pagpapakita ng dahilan o pinagmulan ng isang pangyayari
Teorya – pahayag o prinsipyong nagpapaliwanag ng isang katotohanan, kondisyon o penomena
MAHALAGANG KONSEPTO SA EKONOMIKS
Dalawang Konsepto ng Ekonomiks
1. Walang hanggang pangangailangang material
2. Limitado/may hanggan ang pinagkukunang-yaman
Dalawang Uri ng Pangangailangan ng tao
1. Pangunahing pangangailangan – pagkain, tirahan, damit
2. Sekondaryang pangangailangan – kalusugan, edukasyon, pagmamahal, seguridad
Pangangailangan at Kagustuhan
 Pangangailangan – mga bagay o serbisyo na kailangan ng tao upang mabuhay
o Pagkain, damit, tirahan, pera
 Kagustuhan – kailangan ng tao na maituturing na luho at maaring ipagpaliban
o Gadgets, alahas, internet
Kakapusan at Kakulangan
 Kakapusan – kalagayan at suliraning dulot ng walang hanggang pangangailangan at
kagustuhan ng tao sa kabila ng limitadong pinagkukunang-yaman
 Kakulangan – tumutukoy sa pansamantalang kalagayan ukol sa hindi sapat na suplay ng
isang bagay
Alokasyon ng mga Pinagkukunang-yaman
 Alokasyon – ang paraan ng pangangasiwa at pamamahagi g mga produkto at serbisyo
upang makamit ang kasiyahan sa limitadong pinagkukunang-yaman
 Dalawang Uri ng Pagpili sa Lipunan
o Indibidwal na pagpili – nakatutulong ang kaalaman sa maykoekonomiks upang
makapaglapat ng wastong alokasyon ang tao sa panahon at pananalapi sa pang
araw-araw na buhay
o Panlipunang pagpili – ang pagpapasyang tumutugon sa pangangailangan ng
lipunan. Sa bahaging ito, nakatutulong ang pag-aaral ng maykroekonomiks
Pagpili at Pagkonsumo
 Pagkonsumo – paraan ng pagbili at paggamit ng isang produkto o serbisyo
 Pagpili – tamang pagdedesisyon at kasiyahan
MGA LIKAS NA YAMAN NG BANSA
Likas na Yaman – mahahalagang biyaya mula sa kalikasan
Yamang Lupa
 Lupa – yamang hindi napapalitan at itinuturing na pinakamahalaga sa lahat
o Anyong lupa, agrikultural
 Ayon sa datos ng Department of Agriculture noong 2007, mula sa kabuuang sukat na
300 000 km2 ng Pilipinas ay kalupaan.
 Ayon sa National Statistics Office, ay umaabot na sa 88 milyon ang lumalaking
populasyon na isa sa mga suliranin
Yamang Mineral
 Metaliko: ginto, pilak, tanso, manganese, tingga, iron ore, zinc, nickel
 Di-metaliko: buhangin, luwad, marmol, batong apog, asbestos, sulphur
 Panggatong: gas, petrolyo, carbon
 Mining Act ng 1995 – batas upang pagbawalan ang mga dayuhang korporasyon na
magmina lalo na kung walang pahintulot mula sa pamahalaan
Yamang Gubat
 Ang kagubatan ay nagagamit sa mga gawaing komersyo
 Endemic – tanging sa Pilipinas lamang matatagpuan na mga mammal
o Tamaraw, pilandok, bearcat, tarsier
 Uri ng ibon
o Philippine eagle, bleeding-heart dove
 Troides magellanus – pinakamalaking paruparo sa Pilipinas
 Ang mga trosong nakukuha ay nagagamit sa paggawa ng mga bahay, gusali at iba pang
kasangkapan
 Ang mga puno ay pinoproseso upang gawing papel
 Ang ugat ng puno naman ay nakakatulong mapigilan ang mga pagbaha at pagguho ng
lupa
Yamang Tubig
 Anyong tubig, mga isda at iba pang lamang-dagat
 Commercial fishing – tawag sa pangingisda sa laot
 Municipal fishing – pangingisda sa dagat at sa tubig-tabang ng Pilipinas
 Aquaculture – produksyon ng isda sa mga itinayong fishpond sa bansa upang maparami
ang mga ito
 “Ang tubig ay buhay”
Yamang Enerhiya
 Kung walang enerhiya, walang suplay ng elektrisidad para sa mga tahanan, pagawaan at
mga industriya
 Ang yamang enerhiya ng bansa ay mauuri batay sa mga sumusunod:
o Enerhiyang Heotermal – mula sa lupa
o Enerhiyang Hydroelectric – mula sa tubig
o Malampaya Gas Field at Sual Coal Plant - mula sa mineral na panggatong
o Enerhiyang Solar – mula sa araw
o Enerhiyang windmills – mula sa hangin
Sustainable Development – pag-unlad na tumutugon sa mga pangangailangan ng tao sa
kasalukuyan kasabay ang pangangalaga ng kapaligiran upang mapanatili ang kakayahan ng mga
hinaharap na henerasyon na matugunan ang kanilang sariling mga pangangailangan
Yamang Pisikal (Yamang Kapital)
 Yamang Pisikal – tumutukoy sa mga kagamitang lumilikha ng produkto, mga gawaing
pangkomersyo at pamumuhunan
 Investment – paraan ng paglikha at pagpapalawak ng mga yamang pisikal
 Ang kapital sa pamumuhunan ay nagmumula sa savings
 Depresasyon – unti-unting pagbaba ng kapakinabangan dulot ng patuloy na paggamit sa
isang bagay

Yamang Tao
 Yamang tao – pinakamahalagang pinagkukunang-yaman ng isang bansa
 Lakas-paggawa – pangkat ng yamang tao na nasa edad 15 hanggang 64 at may
kakayahan at gusting maghanapbuhay
 Underemployed – mga manggagawang namamasukan sa Gawain o hanapbuhay na hindi
akma o higit na mababa para sa kanilang kakayahan alinsunod na rin sa tinapos nilang
kurso
 Remittance – ang pagpapadala ng mga OFW ng pera sa kanilang pamilya sa Pilipinas
idinaan sa pagbabangko
 Literacy rate – antas ng marunong bumasa at sumulat
Yamang Pinansiyal
 Yamang Pinansiyal – tumutustos sa mga pangunahing pangangailangan ng isang bansa
 Mahalagang yamang pinansiyal ang pagkakaroon ng reserbang dolyar kada bansa
 Dolyar – ginagamit na salapi sa pakikipagkalakalan sa pandaigdigang merkado
 Kung walang sapat na reserbang dolyar ang bansa, hindi makakabili, halimbawa, ng mga
kakailanganing hilaw na materyales sa paggawa ng produkto
 Bababa ang halaga ng piso kung sa reserbang dolyar ang ating bansa
james/reid/

You might also like