ALOKASYON
Sit Dolor Amet
ALOKASYON
Isang mekanismo ng pamamahagi o
distribusyon ng pinagkukunang yaman
sa iba’t –ibang pagagamitan.
ALOKASYON
Naglalayon itong matugunan ang
pangangailangan ng konsyumer at
prodyuser sa tulong ng pamilihan sa
mga kapitalistang bansa.
Pamilihan
• Itinuturing na pangunahing mekanismo ng
alokasyon dahil ito ang nagpapakita kung paano
nagagawang ibahagi ang mga pinagkukunang
yaman sa bansa sa paglikha ng maraming
produkto.
Limitadong Walang
Pinagkukunang hanggang KAKAPUSAN
Yaman pangangailangan
• Ang alokasyon ay nagsisilbing sagot
sa kakapusan.
Pamamaraan upang mapalawak ang mga
pinagkukunang yaman:
1. KONSERBASYON
-isa sa matalinong paraan ng
paggamit ng mga sangkap ng
produksyon
*Ang pagkalimitado ng mga likas na
yaman ang higit na nangangailangan
ng mabisa at mabuting paggamit
mula sa mga tao.
Pamamaraan upang mapalawak ang mga
pinagkukunang yaman:
2. PAMUMUHUNAN o PANGANGAPITAL
(pagdaragdag ng istak)
-hindi lamang epektibo sa pagpapalawak ng mga
yamang pisikal, ito ay kailangan din sa pangangapital sa
yamang tao sa pamamagitan ng edukasyon at
pagsasanay.
Pamamaraan upang mapalawak ang mga
pinagkukunang yaman:
3. PAGGAMIT NG
MAKABAGONG TEKNOLOHIYA
Teknolohiya
- nagbibigay-daan upang
maparami ang mga
produkto na nililikha ng tao.
Kahalagahan ng
Paggawa ng Tamang
Desisyon
•Kailangan ang paggawa ng tamang desisyon
o pagpapasya upang matugunan ng tao ang
kanyang pangangailangan.
Mga Sistemang
Pangkabuhayan
Sistemang Pangkabuhayan/
Pang-ekonomiya
• Tumutukoy sa mga istruktura, mekanismo at
institusyong sumisibol bunga ng organisadong
pamamaraan ng paggawa ng mga gawaing
pamproduksyon upang matugunan ang
pangangailangan ng lipunan para mabuhay.
•Ang bawat pangangailangan ng
sistemang pangkabuhayan ay
maaaring baguhin ayon sa isang
ekonomiya kaya sinasabing walang
perpektong sistema na angkop sa
bansa sa bawat panahon.
• Karaniwang may kinalaman sa tatlong pangunahing
katangian ang pagkakaiba ng mga sistemang pang-
ekonomiya.
1. Antas ng pag-aaring publiko o pribado sa mga salik ng
produksyon
2. Saan nakatuon ang pagpaplano
3. Laki ng publiko o pribadong paggawa ng desisyon
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
Traditional Economy
(Tradisyunal na Sistemang Pang-
ekonomiya)
Ang alokasyon ng mga pinagkukunang
yamanay batay sa mga kaugalian at
gawi na nakaimpluwensya ng
sinaunang mga pamamaraan ng tao.
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
TRADITIONAL ECONOMY
(Tradisyunal na Sistemang Pang-ekonomiya)
Kadalasan, ito ay matatagpuan sa
liblib na pook.
Limitado lamang sa
pangangailangan ng pamilya o
pamayanan.
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
COMMAND ECONOMY
(Ipinag-uutos na Ekonomiya)
• Kontrolado ng pamahalaan ang
ekonomiya sapagkat ang Estado ang
nagmamay-ari sa pangunahing salik
ng produksyon gayundin ang
pangunahing industriya.
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
COMMAND ECONOMY
(Ipinag-uutos na Ekonomiya)
• Sa ilalim ng sistemang ito, ang Estado
ang nagtatakda ng mga kalakal at
paglilingkod na dapat gawin.
Pamahalaa Pantay-
Alokasyon
n pantay
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
MARKET ECONOMY
(Pampamilihang Ekonomiya)
• Nakabatay sa napagkasunduang presyo o halaga sa pagitan
ng mamimili at nagtitinda
• Umiiral na patakaran dito ang kapitalismo.
• Ang salik ng produksyon o kapital ay tinatawag na free
enterprise o malayang kalakalan
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
MARKET ECONOMY
(Pampamilihang Ekonomiya)
• Batay ito sa doktrinang laissez faire kung saan hinahayaan
ng pamahalaan ang proseso ng kompetisyon sa pamilihan
nag umiral.
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
MARKET ECONOMY
(Pampamilihang Ekonomiya) Hindi pantay
na kita
Pamahalaan
Buwis
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
MIXED ECONOMY
(Pinaghalong Ekonomiya)
Isa itong sistemang pampamilihan
kung saan may bahaging
ginagampanan ang pamahalaan.
Ang pamahalaan ang gumagawa ng
iba’t ibang paraan upang mapaunlad
ang ekonomiya ng bansa.
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
MIXED ECONOMY
(Pinaghalong Ekonomiya)
Gumagawa ang pamahalaan ng mga paraan
upang mawala ang mga hadlang sa
pagpapaunlad sa pamamagitan ng paglutas ng
mga suliranin upang maging maayos ang
pamumuhay ng tao.
Ang programang pang-edukasyon,
pangkalusugan, pabahay at mga imprastraktura
ang pinag-uukulan ng pansin ng pamahalaan.
Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya
MIXED ECONOMY
(Pinaghalong Ekonomiya)
Ang pamahalaan din ang nagbibigay ng
pahintulot ukol sa mga gawaing
pangkabuhayan na isasagawa ng pribadong
sektor.
Ang pribadong sektor ay sumusunod sa
pagpapasya ng pamahalaan.
Mga Pwersa na
Bumubuo sa
Sistemang
Pangkabuhayan
1. Ang kasaysayang pangkultura na
pinagmulan ng paniniwala, mithiin
at pagpapahalaga
• Nasasalamin sa kasaysayan ang
simula ng anumang narrating ng
lipunan o bansa.
2. Ang yamang likas pati na ang
klima
• Ang uri ng mga produktong
ginagawa ay naayon sa uri ng
yamang likas ng bansa.
3. Ang mga pilosopiya at pananaw
na pinili at pinaniniwalaan ng mga
tao.
• Ang pangunahing pilosopiya ng mga
Amerikano sa paggawa ay ang dangal sa
trabaho. Para sa kanila, anumang uri ng
trabaho ay dapat ikarangal.
4. Ang mga nakaraan at
kasalukuyang teorya na nagging
daan upang maisakatupran ang
kanilang mga layunin.
• Nang buuin ni Adam Smith ang teorya ng
laissez faire, napatunayang sa panahong
yaon ay hindi kailangan ang pamahalaan
upang maisagawa ang takbo ng
ekonomiya. Dahil sa pwersa ng demand at
suplay sa pamilihan tila may invisible hand
na siyang nag-aayos nito.
4. Ang mga nakaraan at
kasalukuyang teorya na nagging
daan upang maisakatupran ang
kanilang mga layunin.
• Iba naman ang teorya ni John Maynard
Keynes. Ayon sa kanya, sa pamamagitan
ng patakaran ng pamahalaan sa kita,
pamumuhunan at iba pa, maisasaayos ang
takbo ng ekonomiya at mapatatatag ang
presyo.
5. Ang mga pagsubok at
pagkakamali ng mga tao sa
hinahangad nilang buhay.
Mekanismo ng Alokasyon
sa Ilalim ng Iba’t-ibang
Sistemang Pangkabuhayan
KAPITALISMO
KATANGIAN NG KAPITALISMO
1. Karapatang Magmay-ari ng Ari-arian
2. Kalagayan sa Negosyo
3. Kompetisyon
4. Motibo ng Tubo
5. Pagtatakda ng Presyo
Rebolusyong Industriyal
SOSYALISMO
• Nagsimula ang sosyalismo bilang protesta laban sa hindi mabuting eepekto ng
Rebolusyong Industriyal.
Bourgeoisie vs proletariat
Tutol ang sitemang ito sa sumusunod na mga patakaran ng kapitalismo:
1. Pribadong pagmamay-ari ng kagamitan sa produksyon
2. Pakinabang o tubo
3. Dahil sa pagmamay-ari nagkaroon ng hindi pantay-pantay , paglabag sa
Karapatan, iringan at marami pang iba.
4. Karaniwang bahagi ng imperyalismo ang kapitalismo
SOSYALISMO
• Sa sitemang sosyalismo, pag-aari at kontrolado ng pamahalaan
ang pangunahing sangkap ng produksyon.
• Ang pagmamay-ari ng yaman sa kolektibong paraan ay ginagawa
sa sistemang ito. Hangarin nito ay pagkakapantay-pantay ng tao
sa lipunan.
• Ang welfare state ang daan upang ang mga pangangailangan ng
lahat ng tao ay maibigay ng pamahalaan.
KOMUNISMO
• Karl Marx
-ang tinaguriang “Ama ng Komunismo".
-Isinulat niya aklat na Das Kapital na tinaguriang bibliya
ng Komunismo.
- Pinalawak niya ang kaisipang pagkakapantay-pantay
ng tao sa lipunan hangaring matamo ang lipunang walang
pag-uuri ng tao at kapangyarihan sa mga manggagawa na
tinatawag na proletariat upang makamit ang komunismo.
KOMUNISMO
• Ang komunismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na ang estado
kumokontrol at nagmamay-ari ng lahat ng industriya at yaman ng bansa.
• May isang central planning board ang nagsasagawa ng pagpaplano sa
pangkabuhayang kalagayan ng lipunan.
• Ang lahat ng tao ay gagawa at kikilos batay sa kanyang kaalaman at
kakayahan, sila ay babayaran ayon sa kanilang pangangailangan.
• Hindi pinapayagan ang pribadong pagmamay-ari.
• Lahat ng gawaing pang-ekonomiya at pagpepresyo sa mga produkto ay
itinatakda ng pamahalaan.
PASISMO
• Sa sistemang ito, ang pagmamay-ari ng yaman at bansa
ay kinokontrol at hinahawakan ng isang diktador.
• Si Benito Mussolini ang
nagpasimula ng pasismo
sa Italya noong 1922.
Itinatag niya ang Fascist
Party.
• Si Adolf Hitler naman
ang nagpairal ng
Pasismo sa Alemanya.
PASISMO
• Sa ilalim ng sistemang ito, ang estado na pinamumunuan ng
isang diktador ang nagpapasya ng mga gawaing pampulitika,
panlipunan at pang-ekonomiya.
• Mahigpit na ipinagbabawal ang pag aangkat ng produkto sa
ibang bansa, welga at unyon ng manggagawa. Ang produksyon
ay nakatuon sa mga bagay na kailangan ng bansa.