0% found this document useful (0 votes)
21 views3 pages

Lesson 2

Ang alokasyon ay ang proseso ng paglalaan ng mga pinagkukunang yaman ayon sa pangangailangan ng tao, na maaaring sentralisado o desentralisado. Ang mga sistemang pang-ekonomiya ay kinabibilangan ng tradisyonal, market, command, at mixed economies, bawat isa ay may kanya-kanyang katangian at halimbawa. Ang kapitalismo at sosyalismo ay mga modernong sistema na may iba't ibang layunin sa pagmamay-ari at pamamahagi ng yaman.

Uploaded by

Mary Faith Kibos
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
21 views3 pages

Lesson 2

Ang alokasyon ay ang proseso ng paglalaan ng mga pinagkukunang yaman ayon sa pangangailangan ng tao, na maaaring sentralisado o desentralisado. Ang mga sistemang pang-ekonomiya ay kinabibilangan ng tradisyonal, market, command, at mixed economies, bawat isa ay may kanya-kanyang katangian at halimbawa. Ang kapitalismo at sosyalismo ay mga modernong sistema na may iba't ibang layunin sa pagmamay-ari at pamamahagi ng yaman.

Uploaded by

Mary Faith Kibos
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

LESSON 2: KONSEPTO NG ALOKASYON AT SISTEMANG PANG-EKONOMIKO

A. ALOKASYON

Ito ay tumutukoy sa paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng
tao.

Isinasagawa ito para hindi umabot sa oras ng tuluyang pagka-ubos ang mga limitadong yamang pinagkukuunan sa
kalikasan. Ito rin ay kinakailangang may malinaw na layunin ng paggamit sa mga yamang pinagkukunan.

Halimbawa: Alokasyon ng Oras. Ang oras ay isang hindi maaaring muling ibalik na yaman. Kaya’t mahalaga ang
tamang alokasyon nito sa trabaho, pamilya, at iba pang gawain. Ang time management ay isang mahalagang aspeto
ng personal na alokasyon.

Alokasyong Sentralisado at Alokasyong Desentralisado

• Alokasyong Sentralisado. Ito ay uri ng alokasyon kung saan binubuo at itinakda ng ilang tao, grupo ng tao, o
institusyon. Sila ang nagtatakda ng mga pangangailangan at kagustuhang sinisikip nilang matugunan.

• Alokasyong Desentralisado. Sa uri ng alokasyong ito pinahintulutan ang iba’t ibang kasapi ng ekonomiya na
makagawa ng impormasyon at mag takda ng pangangailangang nais nilang matugunan. Ito ay may dalawang
magkaibang paraan kung paano at sino ang magbibigay halaga sa pinagkukunang yaman. Narito ang mga paraang
ito:

• Pinag-uutos (Command). Dito itinatakda ng patakaran ng pamahalaan.

• Pakikipagpalitan (Exchange). Dito naman itinatakda ng plano ng bawat kasapi.

B. MGA SISTEMANG PANG EKONOMIYA

• Tradisyonal. Pinakaunang anyo ng sistema. Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.

Halimbawa: Ang mga bata na pinalaki sa bukid ay maaaring maging mga magsasaka kapag nasa hustong gulang. Sa
halip na gumamit ng pera, ipagpapalit nila ang mga produkto na kanilang ginagawa, tulad ng gatas o katad, para sa
mga kalakal na kailangan nila, tulad ng mga itlog at gulay para sa pagkain. Batay sa tradisyunal na ugnayan ng
pamilya at komunidad, malamang na makipagpalitan sila sa parehong mga tao na nakipagkalakalan sa kanilang mga
magulang at lolo't lola.

• Market. Ang produksyon at distribusyon ng mga produkto at serbisyo ay nagaganap sa mekanismo ng malayang
pamilihan na ginagabayan ng isang sistemang malayang pagtatakda ng halaga.

Halimbawa: Ang isang halimbawa ng isang ekonomiya sa pamilihan kung saan ang mga gumagamit at indibidwal ay
gumagawa ng mga desisyon batay sa kanilang sariling interes, at ang pamahalaan ay hindi gumaganap ng isang
mahalagang papel sa ang ekonomiya. Ang halimbawang bansa na gumagamit nito ay ang Estados Unidos.

• Command. Ang pangunahing nagmamay-ari ng karamihan sa pinagkukunang yaman ay ang pamahalaan.

Halimbawa: Sa pamamagitan ng pagmamay-ari ng lahat ng mga bahay at pagtatakda ng kanilang mga presyo nang
naaayon, pinapanatili ng gobyerno na mababa ang halaga ng pabahay. Katulad nito, libre ang pangangalagang
pangkalusugan at edukasyon sa mga ospital at paaralang pinapatakbo ng gobyerno.

• Mixed. Dito ipinaghalo ang katangian ng market at command na ekonomiya

Halimbawa: Isang halimbawa ng magkahalong ekonomiya kung saan nagbibigay ang gobyerno ng mga serbisyong
panlipunan tulad ng pangangalaga sa kalusugan at edukasyon, ngunit ang pribadong sektor ang nagtutulak sa
karamihan ng ekonomiya. Halimbawa ng bansang gumagamit nito ay Sweden.
C. ALOKASYON AT MAKABAGONG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA

KAPITALISMO

Ang Kapitalismo (Capitalism), ay kilala rin sa tawag na “free enterprise”, “private enterprise”, o “free market”
economy. Ito ay ang laganap na sistemang pang ekonomiya sa daigidg.

Ang kapitalismo ay isang sistema na kung saan ang mga pamamaraan ng produksyon at distribusyon (lupa, pabrika,
riles, at iba pa) ay pag-aari ng mga pribadong indibiduwal. Malaki ang nagiging epekto ng daloy at kondisyon ng
pamilihan sa paggabay sa produksyon at pamamahagi ng kita at sweldo.

Sa sistemang ito, binibigyan ng pansin ng isang kapitalista ang pagkamit ng tubo lalo na dahil sa matinding
kompetisyon sa ilalim ng sistema na ito. Isa sa mga bansang kapitalismo ang sistemang pang-ekonomiya at Estados
Unidos.

SOSYALISMO

Ang Sosyalismo (Socialism) naman ay isang sistemang panlipunan at pang ekonomiyang kung saan ang salik ng
produksyon ay nasa pangangalaga ng estado o ng pamahalaan. Ang kita ng ekonomiya ay pinamamahagi batay sa
kakayahan ng isang manggagagawa o sa dami ng kanyang kontribusyon sa paggawa. Sa mga teorya ni Karl Marx ang
sosyalismo ay isang hakbang sa pagitan ng kapitalismo at komunismo.

Sa modernong anyo ng sosyalismo, ito ay isang kilusan na nagnanais na mas mapahusay ang economic efficiency at
equity sa pamamagitan ng sumusunod:

• Pampublikong pag-aari sa mga importanteng bahagi ang produksyon at distribusyon nito. Ilan sa halimbawa ay ang
pag-aari ng pamahalaan sa mga public utility tulad ng distribusyon ng tubig, paglikha ng kuryente, transportasyon at
telecommunication.

• Isang anyo ng sentralisadong pagpaplano kung ano ang mga produkto na dapat bigyan ng prayoridad sa
produksyon, ano ang mga paraan na dapat gawin para sa produksyon, at kanino ito dapat ipamahagi.

Sa komunismo, ang pamahalaan ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon. Layunin nito na maibigay nang
pantay-pantay ang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao. Halimbawa ng mga bansang may komunistang
sistema ay North Korea at Cuba, layunin Pantay-pantay na pamumuhay para sa lahat.

Identification Quiz (30 Items)

Panuto: Isulat ang tinutukoy ng bawat pahayag. Isang sagot lamang sa bawat bilang.

1. Tumutukoy sa paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang-yaman ayon sa pangangailangan at


kagustuhan ng tao.
2. Isang uri ng alokasyon kung saan iilang tao, grupo o institusyon ang nagtatakda ng mga
pangangailangan at kagustuhan.
3. Uri ng alokasyon na nagpapahintulot sa iba’t ibang kasapi ng ekonomiya na magtakda ng sarili
nilang pangangailangan.
4. Paraan ng alokasyon kung saan ang patakaran ng pamahalaan ang nagtatalaga ng paggamit sa
yaman.
5. Paraan ng alokasyon kung saan ang plano ng bawat kasapi ang batayan ng paglalaan ng yaman.
6. Isang halimbawa ng yaman na hindi na maaaring muling ibalik kapag ginamit.
7. Konsepto kung saan ang oras ay dapat ilaan ng tama sa trabaho, pamilya, at iba pa.
8. Sistemang pang-ekonomiko na nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.
9. Isang ekonomiyang gumagamit ng sistemang pakikipagpalitan sa halip na pera.
10. Sistema kung saan ang produksyon at distribusyon ay ginagabayan ng malayang pamilihan.
11. Sistemang pang-ekonomiko kung saan ang mga desisyon ay batay sa interes ng indibidwal.
12. Bansa na halimbawa ng market economy.
13. Sistema kung saan ang pamahalaan ang may kontrol sa karamihan ng pinagkukunang-yaman.
14. Sa sistemang ito, libre ang pangangalagang pangkalusugan at edukasyon.
15. Sistemang may halo ng katangian ng market at command economy.
16. Bansa na halimbawa ng mixed economy.
17. Sistemang kilala rin bilang “free enterprise” o “private enterprise.”
18. Sistemang kung saan ang mga pabrika, lupa, at iba pa ay pag-aari ng pribadong indibidwal.
19. Sa sistemang ito, pangunahing layunin ng kapitalista ang pagkamit ng tubo.
20. Sistemang kung saan ang kita ay pinamamahagi batay sa kontribusyon sa paggawa.
21. Ekonomiyang nagbibigay diin sa pampublikong pag-aari ng mga utility gaya ng kuryente at tubig.
22. Isang kilusan na nagnanais mapahusay ang efficiency at equity sa ekonomiya.
23. Uri ng pagpaplano sa sosyalismo kung saan tinutukoy ang dapat iprodukto, paano, at para kanino.
24. Sistemang kung saan ang lahat ng salik ng produksyon ay pag-aari ng pamahalaan.
25. Layunin ng sistemang komunismo sa pamumuhay ng mga mamamayan.
26. Bansa na may komunistang sistema sa kasalukuyan (pangalan ng isa).
27. Ang mga indibidwal sa market economy ay gumagawa ng desisyon batay sa kanilang sariling
________.
28. Sa tradisyonal na ekonomiya, ang mga bata ay sumusunod sa landas ng kanilang mga ______.
29. Sa mixed economy, ang gobyerno ay nagbibigay ng serbisyong panlipunan gaya ng ______ at
______.
30. Ang pangunahing pagkakaiba ng kapitalismo at sosyalismo ay nasa pagmamay-ari ng mga
___________.

You might also like