You are on page 1of 11

Ang mga sumusunod ay mahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa silid aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto..
2. Basahin ng mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Panatilihin ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Ibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutan ang lahat
ng pagsasanay.
Pinagkunan:https://tinyurl.com/AP9Q1M2p2 at https://tinyurl.com/AP9Q1M2p3

Alamin
YUNIT I: Aralin 3: Sistemang Pang-ekonomiya

MGA TIYAK NA LAYUNIN :


● Naipaliliwanag ang sistemang pang-ekonomiya
● Napaghahambing ang mga sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa iba’t ibang
lipunan
● Nasusuri ang mga sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig
● Napahahalagahan ang sistemang pang-ekonomiya bilang tugon sa alokasyon at
pag-aaral ng ekonomiks

Subukin
Panuto : Basahin ang mga sumusunod na pahayag. piliin ang titik ng tamang sagot at
Isulat sa sagutang papel.
1. Sa Command Economy, ang pagpapasya sa kung anong produkto at serbisyo ang lilikhain ay
nakasalalay sa kamay ng:
a. pamilihan b. prodyuser c. konsyumer d. pamahalaan
2. Ito ay sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pagpapasiya ukol sa mga gawaing pang-
ekonomiya ay isinasagawa ng estado at inaasahan na ang mga mamamayan ay susunod sa
naging desisyon.
a. command b. tradisyonal c. mixed d. market
3. Ikaw ay bahagi ng tradisyonal na ekonomiya na may tungkuling__________:
a. wala , sapagkat nagmumula sa utos ng pamahalaan ang aking tungkulin batay sa plano
nito
b. malaya akong makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes
c.makikipagtulungan ako sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakinabang ng mga
pinagkukunang –yaman
d.upang maraming pagpiliian ang mga mamimimili ng mga produkto o serbisyo

1
4.Sa sistemang pang-ekonomiko, kinakailangang magpasya ang pamahalaan sa paglikha ng
produkto dahil sa:
a. kagustuhan ng mamimili c. kakulangan ng pondo
b. suliranin ng kakapusan d. pangangailangan ng tao
5. Ang mga sumusunod ay batayan ng angkop na sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa
isang bansa MALIBAN sa :
a. matataas na gusali c. paggalang sa karapatang Pantao
b. malagong ekonomiya d. mataas na antas ng pamumuhay

Balikan

Gawain 1 : Magbadyet Tayo!


Kung ikaw ay bibigyan ng limang daang piso na gagamitin mo sa iyong pag-aaral sa loob
ng isang linggo, paano mo ito ibabadyet ? Gawin ito sa pamamagitan ng pie graph.
PAMPROSESONG TANONG :
1. Ano – ano ang mga naging batayan mo sa pagpili ng iyong pangangailangan?
2. Bakit kinakailangan mong isaalang-alang ang matalinong pagpapasya sa pagbabadyet?
Ipaliwanag.

Tuklasin
Gawain 2: Think, Tank, Think !
Suriin ang larawang nasa kanang bahagi at
sagutin at pamprosesong tanong.
Ang tao ay likas na hindi marunong makuntento sa
kung anong mayroon ito kaya naman sa paglipas ng
panahon ang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa ibat-ibang panig ng mundo ay parami
ng parami. Halos hindi na matugunan ng limitadong pinagkukunang-yaman ng bansa. Kung
kaya’t maraming bansa ang siyang naging mapamaraan sa pagpaparami ng kani-kanilang
produkto at serbisyo (produksyon) at kung paano episyenteng maipapamahagi ito (alokasyon) sa
lahat ng taong nangangailangan nito. Kinakailangang malinaw ang layunin ng paggamit sa mga
pinagkukunang-yaman upang maiwasan ang pag-aaksaya nito.
PAMPROSESONG TANONG :
1. Ano ang ipinakikita ng larawan ?
2. Ipaliwanag kung bakit hindi pantay ang timbangan ?
3. Sa iyong palagay ,bakit nararanasan ng ating bansa ang ganitong sitwasyon? Ipaliwanag.
Likas sa tao na hindi marunong makuntento sa kung anong mayroon siya kaya
naman sa paglipas ng panahon, ang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa iba’t ibang
panig ng mundo ay parami ng parami na halos hindi na matugunan ang limitadong
pinagkukunang-yaman ng bansa. Dahil dito, maraming bansa ang naging maparaan sa
pagpaparami ng kani-kanilang produkto at serbisyo (produksyon) at kung paano
mabisang maipapamahagi ito (alokasyon) sa lahat ng taong nangangailangan nito.
Kinakailangang malinaw ang layunin ng paggamit sa mga pinagkukunang-yaman upang
maiwasan ang pag- aaksaya nito.
2
Suriin
Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang pamamaraan na kaugnay ng
produksiyon, pamamahagi, at paggamit ng mga produkto o serbisyo sa pagitan ng mga entidad
sa loob ng isang partikular na lipunan. Ito ang kaparaanang ginamit ng lipunan upang gumawa
at mamahagi ng mga produkto at serbisyo. Layunin nito na mapigilan ang labis-labis na
paglikha ng mga kalakal at serbisyo at upang maiwasan ang kakulangan sa mga bagay na ito.
Saklaw nito ang mga institusyon, estraktura at mekanismo na siyang batayan sa paglikha
upang makakalap ng mga angkop na kasagutan sa mga pangunahing katanungan na
pang-ekonomiya. Katulad ng mga sistemang ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon, mayroon din
itong iba’t ibang uri.
Ang pagkakaiba-iba ng sistemang pang-ekonomiya ay nakabatay sa kung sino-sino ang
gumagawa ng pagpapasya at sa pamamaraan ng pagpapasyang ginagawa. Mayroong apat na uri
ng sistemang pang-ekonomiya: a.)tradisyonal na ekonomiya,b.)market economy,
c.)command economy at d.)mixed economy.

Mga Uri ng Sistemang Pang-ekonomiya


Tradisyonal na Ekonomiya- Ito ang pinaka unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya at
mekanismo ng alokasyon na nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala. Ang mga tao sa
ilalim nito ay nagtatrabaho para sa isang komunidad. Ang pamilya, tribo o komunidad ang
nagdedesisyon kung ano ang produktong gagawin, para kanino ang produktong gagawin at
paano ito gawin.Halimbawa nito ay mga bansang Bhutan , Haiti at Yemen.

Market Economy- Ang produksyon ng kalakal at serbisyo ay nagaganap sa malayang pamilihan


at may sistemang malayang nagtatakda ng halaga.
Mga Katangian ng Market Economy
1.Pribadong Pag-aari - Ang mga may-ari ay may karapatang bumili,magbenta, at magparenta ng
kanilang pag-aari.
2.Kalayaang Pumili - Ang mga may-ari ay may kalayaan upang gumawa,magbenta at bumili ng
mga kalakal at serbisyo sa isang mapagkumpitensyang merkado.
3.Kompetisyon - Ang kompetisyon ay nagbibigay ng pressure sa magkakakompetensya na
negosyo na magbaba ng presyo. Ang kompetisyon ay nagdudulot din ng pagkakaroon ng quality
at efficiency sa serbisyo at produkto.
4.Motibo ng self-interest - Sa pangkalahatan, ang mga kalakal ay ibinebenta sa pinakamataas na
bidder ngunit nagkakaroon ng negosasyon para sa pinakamurang mabibili.
5.Limitadong pamamahala ng gobyerno - Hindi kinokontrol ng gobyerno ang kalakalan upang
masiguro na may kalayaan ang mga institusyon na magdesisyon para sa ikabubuti ng lahat.
May mga bansa na itinataguyod ang market economy. Ang ilan dito ang bansang Singapore,New
Zealand at Australia.
Command Economy- Sa ganitong sistemang pang-ekonomiya , ang pamahalaan lamang ang
may tungkulin sa paglutas sa mga suliraning pang-ekonomiya at may ganap na kapangyarihan
na gamitin ang lupa, paggawa at kapital upang makamit ang mga layuning pang-ekonomiya.
Nabibigyan ng trabaho ang bawat mamamayan kaya’t nakasisiguro ang lahat na mayroong
silang gampanin at dahil dito ay nakaaasa sa mga benepisyo na nagmumula sa
pamahalaan.Ilan sa mga bansang kabilang dito ay ang North Korea,Cuba at Soviet Union.
3
Mixed Economy- Ito ay pinaghalong sistemang market at command economy na hinahayaan ang
malayang pagkilos ng mamamayan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan sa presyo
at kaligtasan ng mga mamimili. Ang mga bansang katulad ng Canada,United States at China
ang may ganitong sistemang pang-ekonomiya.

Pagyamanin
Gawain 3 : Double Venn Diagram: Suriin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga katangian
ng mga Sistemang Pang-ekonomiya.Kopyahin ang dayagram sa papel at isulat ang kasagutan sa
loob nito.

Gawain 4: Data Retrieval Chart


Magtala ng tatlong (3) bansa sa bawat sistemang pang-ekonomiya.
SISTEMANG PANG-EKONOMIYA MGA BANSA
TRADISYONAL NA EKONOMIYA
MARKET ECONOMY
COMMAND ECONOMY
MIXED ECONOMY

Isagawa
Gawain 5 : REPLEKSYON
Ngayon ay maaari mo nang itala ang lahat ng bagay at impormasyon na iyong natutuhan sa
aralin. Isulat sa isang buong papel. Ilagay at ipunin sa inyong portfolio ang naging kasagutan
para sa pagmamarka ng guro.

Ang Aking Natutunan Sa Aralin


______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

4
Tayahin
Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Tukuyin ang sistemang pang-ekonomiya na inilalarawan sa bawat bilang.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

______________1.Ito ay sistemang pang-ekonomiya na ginagabayan ng mekanismo ng


malayang pamilihan .
______________2.Sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa tradisyon, kultura, at
paniniwala.
______________3.Ang sistemang pang- ekonomiyang ay nasa ilalim ng komprehensibong
kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
______________4.Ang sistemang ito ay pinaghalong market at mixed economy.
______________5.Legal ang pribadong pagmamay-ari sa ilalim ng sistemang ito.
______________6.Umiiral ang kompetisyon sa negosyo.
______________7.Ang sistemang barter ang pangunahing gawaing pang-ekonomiko.
______________8.Ang pamahalaan ang tagapag-ugnay sa mga desisyong pang- ekonomiko.
______________9.Uri ng sistemang pang-ekonomiya na may malayang kalakalan sa
pagitan ng nagbebenta at bumibili.
______________10.Hindi sagabal ang pamahalaan sa pagnenegosyo.

Matapos mong mapag-aralan ang mga paksa sa modyul na ito at masagutan ang mga
gawain maaari mo nang itama ang iyong mga kasagutan sa pamamagitan ng pagtingin sa
susi ng pagwawasto sa huling bahagi ng modyul na ito.
Salamat sa iyong PAGTITIYAGA at KATAPATAN.
HANGGANG SA SUSUNOD NA MODYUL.

PERFORMANCE TASK # 3
Open Letter
Panuto: Sumulat ng isang liham-pasasalamat sa pamahalaan para sa kanyang
pagsisiikap na maging maayos ang takbo ng ating ekonomiya sa kabila ng
nararanasang krisis dulot ng pandemya. Ilagay ito sa isang long-coupon bond at
gawing maayos ang pagkakagawa upang lubos na maunawaan ang nais ipabatid.

Rubriks sa Paggawa ng Liham


Kraytirya Puntos Marka
A. Nilalaman 5
B. Presentasyon 5
C. Organisasyon 5
D. Baybay ng mga salita at 5
gramatika,paggamit ng malaking titik
at pananda
Kabuuan 20

5
Susi sa Pagwawasto

Talasanggunian:
Mga Aklat
● Imperial et al (2015) Kayamanan Ekonomiks:Batayan at Sanayang Aklat sa Araling
Panlipunan,Rex Publishing ,Inc.
● Department of Education (2015).Ekonomiks.Modyul para sa mga Mag-aaral Unang Edisyon,
● Baluyot et al. (2020)Daily Lesson Plan(Unang Markahan) 9-Ekonomiks (MELCs) unpublished
Mga Larawan
● https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services/alokasyon-at-mga-sistemang-pang-e
konomiya
● https://www.google.com/search?q=sistemang+pang-ekonomiya&sxsrf=ALeKk01WAHyYMDKhtiorN
49Lzwqmbh1VHQ:1594823616631&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwio75f5vM_qAhXa
7GEKHbYCAosQ_AUoAXoECBAQAw#imgrc=2S7ILz9
● https://www.wisegeek.com/what-is-a-traditional-economy.htm
● https://imgbin.com/png/eXcWDVAH/planned-economy-economic-system-economics-illustration-png
● www.pinterest.com
● https://favpng.com/png_view/middle-school-girls-student-cartoon-drawing-illustration-fsfsfsdsdsdp
ng/dfL4p1jQ
Mga Elektronikong Teksto
● https://sites.google.com/site/kahuluganngekonomiks/services/alokasyon-at-mga-sistemang-pang
-ekonomiya
● https://tl.wikipedia.org/wiki/Sistemang_pang-ekonomiya
● https://www.slideshare.net/sirarnelPHhistory/aralin-4-alokasyon-at-sistemang-pangekonomiya-9
7962378
● https://prezi.com/odilsfjagoe_/tradisyunal-na-ekonomiya/
● https://brainly.ph/question/168746
● https://brainly.ph/question/303415

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Bb. Juliza E. Juanites, Guro III at G.Jake Lean L. Romero, Guro I
Tagalapat: G.Marvin Bryan S. Ortiz, Guro I
Tagasuri ng wika: Bb. Trinidad E.Romero ,Guro II
Gng. Nerisa M. Roxas, Dalubguro I
Tagasuri ng Nilalaman: Gng. Regina D. Angeles, Dalubguro II
Tagasuri: Gng. Aireen R. Zipagan, Dalubguro I/OIC
Tagapamahala: Dr. Eladio H. Escolano, Principal IV

6
BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
ARALING PANLIPUNAN
LINGGUHANG PANTAHANANG GAWAING PAGKATUTO
Unang Markahan - Grade 9
Taong Panuruan 2021-2022
Araw at Learning
Oras Area Learning Competency Learning Tasks Mode of Delivery

Araling LC 3 - LAMP CODE AP9MKE-lf12, PAKSA *Kahulugan


Ikaapat Panlipunan 9 APMKElf-13, APMKElg14 week 4 at konsepto ng
Linggo EKONOMIKS alokasyon
“Nasusuri ang iba't-ibang sistemang *Apat na Pangunahing Pagsasauli ng printed
pang-ekonomiya” katanungan module sa paaralan
Mga Layunin: pang-ekonomiya kasama ang papel na
1. Naipaliliwanag ang sistemang sinagutan, ang written
October pang-ekonomiya task # 2 at ang natapos
4-8,2021 na performance task
2. Napaghahambing ang mga *Sistemang
sistemang pang-ekonomiya Pang-ekonomiya Maaari rin namang ang
3. Nasusuri ang mga sistemang A. Tradisyunal na Pagpasa ng mga
pang-ekonomiya na umiiral sa Ekonomiya at Market gawain gamit ang FB
daigdig. Economy messenger or sa
google classroom.
4. Napahahalagahan ang sistemang B. Command Economy
pang-ekonomiya bilang tugon sa at Market Economy
alokasyon at pag-aaral ng A.Subukin -pahina 1-2 at
ekonomiks. balikan - pahina 2
B. Panimulang Gawain
Pagsagot sa tuklasin
-pahina 3 B. Pagbabalik ng mga
C. Pagsusuri - pahina 3 magulang
D. Pagyamanin -pahina 4 sa modyul at mga
at isagawa -pahina 5 kasagutan ng
E.Tayahin -pahina 5
F. Pagwawasto ng mga
gawain sa modyul mga mag-aaral sa
paaralan.
*Pagsagot sa written
task # 2
* Pagsasagawa ng
performance task # 3
“ Paggawa ng open
letter”
ONLINE @ Digitized -
Virtual Classes
PRINTED MODULAR -
Pagsagot sa mga gawain
sa modyul

7
Learning Activity Sheets (LAS)
Grade 9-Economics
MELCS 3-Sistemang Pang-ekonomiya
Written Task #2
Pangalan:______________________ Year and section ______________ Iskor:__________
Gawain 1: Basahin at piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sa Command Economy, ang pagpapasya sa kung anong produkto at serbisyo ang
lilikhain ay nakasalalay sa kamay ng:
A. pamilihan B. prodyuser c. Konsyumer D. Pamahalaan
2. Bakit halos lahat ng mga bansa sa mundo ay mixed economy?
A.Sapagkat ang mga tao ay may kalayaan sa pagdedesisyon sa kanilang pang-araw -araw
na pamumuhay na may gabay ng pamahalaan
B.Sapagkat malaya silang nakakapasok sa kalakalan at nakikinabang sa programa ng
pamahalaan
C.Sapagkat pantay-pantay ang karapatan at kalayaan ng mga tao sa kanyang desisyon
sa kanilang pamumuhay
D. Sapagkat ang private at public partnership ay epektibo at nakakapagbigay ng
progresibo at maginhawang antas ng pamumuhay
3.Ito ay sistemang pang-ekonomiya kung saan ang pagpapasya ukol sa mga gawaing pang
ekonomiya ay isinasagawa ng estado at inaasahan na ang mga mamamayan ay susunod sa
naging desisyon
A. command economy C.mixed economy
B. traditional economy D.market economy
4.Ang sistemang pang ekonomiya ay ipinatupad upang matugunan ang mga suliraning
nakapaloob sa produksyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo. Isa sa mga umiiral
na sistemang pang-ekonomiya ay ang Market Economy. Ang mga sumusunod ay
tumutukoy sa katangian nito MALIBAN sa:
A. Ang pangunahing katanungan pang ekonomiya ay ginagabayan ng mekanismo ng
malayang pamilihan.
B. Ang bawat kalahok ay kumikilos alinsunod sa kanilang sariling interes na makakuha ng
malaking pakinabang
C. Nagpapahintulot ng pribadong pagmamay- ari ng kapital.
D. Ang pagpapasya sa proseso ng gawaing pang – ekonomiya ay nasa kamay ng pamahalaan.
5. Kung ikaw ay kasapi ng sistemang tradisyunal na ekonomiya , alin sa mga sumusunod
ang iyong gampanin sa sistemang kinabibilangan ?
A.Wala, sapagkat ang iyong tungkulin ay nagmula sa utos ng pamahalaan batay sa plano
nito
B.Malaya kang makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakinabang ng mga pinagkukunang
–yaman
D.Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may control sa ibang gawain
6. Ito ay sumasaklaw sa mga istruktura , institusyon , at mekanismo na batayan sa
pagsasagawa ng mga gawain pamproduksyon upang sagutin ang mga pangunahing
katanungan pang -ekonomiya
A.alokasyon C.kakapusan
B. sistemang pang-ekonomiya D.pangangailangan
7. Sa ilalim ng sistemang pang-ekonomiyang ito ,kinapapalooban ng magkaugnay na
katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing
pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang
gawaing pangkabuhayan.
A. command economy C.mixed economy
B. traditional economy D. market economy
8
8. Ito ay Isang uri ng ekonomiya na ang pagsagot sa pangunahing suliranin ng ekonomiya
ay nakabatay sa tradisyon , kultura at paniniwala
A. command economy C.mixed economy
B. traditional economy D. market economy
9. Alin sa mga sumusunod ang nagtatakda ng pagpili ng produkto at serbisyo na dapat
likhain sa ilalim ng sistemang pampamilihan ,
A. pamahalaan C. bahay - kalakal
B. mamimili at nagbebenta D. panlabas na Sektor
10.Sa sistemang pang-ekonomiya , kinakailangan na magpasya kung ano ang iproprodyus.
Bakit kinakailangan itong pag pasyahan?
A. Dahil sa kagustuhan ng mamimili C. Dahil sa kakulangan ng pondo
B. Dahil sa kakapusan D. Dahil sa pangangailangan ng tao
11. Alin sa mga sumusunod na bansa ang nagtataguyod ng isang sistemang pang
ekonomiya na nakabatay sa malayang pampamilihan ?
A. Pilipinas B. Japan C. Singapore D. North Korea
12.Bawat sistemang pang-ekonomiya ay gumagamit ng mga mekanismo upang matugunan
ang mga pangunahing suliraning pang-ekonomiya. Alin sa mga sumusunod na katanungan
pang- ekonomiya ang HINDI tumutugon dito?
A. Ano ang gagawin ? C. Bakit gagawin ?
B. Paano gagawin ? D. Para kanino ang gagawin ?
13. Sa sistemang mixed economy , pinapahintulutang makagawa ang mga pribadong
pagpapasya ang mga :
A. lipunan at mga mamamayan C. pamahalaan at tagapayo
B. nagmamay- ari ng kapital D. kompanya at indibidwal
14. Sa tradisyunal na ekonomiya , ang _____________ ay isang pamamaraan upang
matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng :
A. malayang kalakalan C. sistemang barter
B. buy and sell D. online selling
15. Ang mga sumusunod ay batayan ng angkop na sistemang pang –ekonomiya na umiiral
sa isang bansa MALIBAN sa :
A. may mataas na gusali C. paggalang sa karapatang pantao
B. may malagong ekonomiya D. mataas na antas ng pamumuhay

GAWAIN 2- Dialogue BOX

9
Gawain 3: Passport Ticket
Kumpletuhin ang diwa ng
pangungusap upang makatawid sa
susunod na gawain sa Modyul 4

Mahalaga ang sistemang


pang-ekonomiya sa isang bansa
dahil_______________________
___________________________
___________________________

Kung walang sistemang pang-ekonomiya ang bansa


maaaring:________________________________________
________________________________________________
________________________________________________

10

You might also like