You are on page 1of 7

ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN

Pangalan: __________________________________________________

Pangkat __________Guro: ____________________________________

Aralin
ANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
4
MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES
Nasusuri ang iba’t-ibang sistema ng ekonomiya (AP9MKE-la-3)

Ang Modyul ay binuo para sa mag-aaral ng ika-siyam ng baitang. Ito ay


tumatalakay sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na magpapaliwanag sa iyo bilang
mag-aaral ng kaalaman kung paano ginagamit, pinamamahalaan ng maayos at episyente
ang pinagkukunang-yaman para sa higit na kapakinabangan ng bansa upang
matugunan ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa kabila ng
lumalalang suliranin sa kakapusan. May mga gawain din na inihanda upang makatulong
sa pagpapayaman ng iyong kaalaman na magagamit sa iyong pang-araw-araw na
pamumuhay.

Paunang pagsusulit

Panuto: Basahin ang pangungusap at tukuyin anong sistemang pang-ekonomiya


ang ipinahihiwatig sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat kung ito ay Traditional
Economy, Command Economy, Market Economy o Mixed Economy.

_____________1. Ang paglikha ng produkto sa ganitong uri ng sistemang pang-


ekonomiya ay madali lamang sapagkat nakabatay lamang sa pangunahing
pangngangailangan tulad ng damit, pagkain at tirahan.

_____________2. Nagpapakita ng malayang pamilihan.

_____________3. Sa sistemang ito hinahayaan ang malayang pagkilos ng pamilihan


ngunit ang pamahalaan ay maaring manghimasok dahil sa usaping nauukol sa
pangangalaga sa kalikasan.

_____________4. Ang sistemang nakapaloob sa komprehensibong kontrol at regulasyon


ng pamahalaan.

____________5. Ang presyo ang nagtatakda ng kung gaano karami ang produktong
lilikhain

AP 9- QRT. 1- WEEK 4
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN

Bago ka magtungo sa susunod na aralin. Subukin mo munang sagutin ang Graphic


Organizer ng herarkiya ng pangangailangan ni Abraham Maslow na nakakaapekto sa
pang-araw-araw na pamumuhay.

Herarkiya ng
Pangangailangan

Mula sa naunang aralin, iyong nabatid ang konsepto ng ekonomiks at ang


kahalagahan nito. Napag-alaman mo rin na walang katapusan ang pangangailangan
at kagustuhan ng tao subalit limitado ang pinagkukunang yaman, sa makatwid ang
bansa ay humaharap sa suliranin sa kakapusan. Paano kaya matutugunan ang
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan kung nahaharap sa suliranin sa
kakapusan dahil sa limitado ang pinagkukunang-yaman?

Ang suliraning ito ay tinutugon sa pamamagitan ng isang mekanismo ng


pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, produkto, serbisyo na tinatawag na
alokasyon. Upang maayos na maipamahagi at magamit ng episyente ang lahat ng
pinagkukunang-yaman upang makaagapay sa suliranin dulot ng kakapusan.

Upang matugunan ang suliranin sa kakapusan. Ang mga bansa ay bumuo ng


sistemang pang-ekonomiya. Ang sistemang pang-ekonomiya ay isang uri ng
pamamaraan na kinabibilangan ng produksyon, pamamahagi at paggamit ng mga
serbisyo o produkto sa pagitan ng mga tao na sakop ng isang lipunan, ito ay ang mga
pamamaraang ginagamit ng isang partikular na bansa upang makalikha at
makapamahagi ng mga serbisyo at produktong makakatulong sa nakararami lalo na
kung ito ay may kinalaman sa mga pang-araw-araw na pangangailangan. Saklaw nito
ang mga institusyon, estraktura at mekanismo na siyang batayan sa paglikha upang
makakalap ng mga angkop na kasagutan sa mga pangunahing katanungan na pang-
ekonomiya. Ano ang lilikhain? Paano likhain? Para kanino? At Gaano Karami?
Katulad ng mga ibang sistemang ginagamit sa iba’t-ibang sitwasyon, mayroon rin
itong iba’t ibang uri.

AP 9- QRT. 1- WEEK 4
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN

Pinag-uutos na Ekonomiya
Ang command economy ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at
regulasyon ng pamahalaan. Ang pagpapaplanong pang-ekonomiya ay nagmumula sa
pinakamataas na baitang ng pamamahala at ito ay ibaba sa iba’t-ibang institusyon ng
pamahalaan upang maipatupad.

Sentralisadong pamamahala, kung saan ang pagpapasya sa proseso ng mga


gawaing pang-ekonomiya ay nasa kamay ng pamahalaan lamang, sapagkat ang
Estado ang nagmamay-ari sa pangunahing salik ng produksyon tulad ng lupa at
kapital, gayundin ang pangunahing industriya.

Itinatakda ng pamahalaan ang pasahod ng mga manggagawa upang maging


pantay ayon sa kanilang pangangailangan. Sa sistemang ito, sinasabing walang
mayaman at mahirap, lahat ay pantay-pantay.

Tradisyunal na Ekonomiya
Ang tradisyunal na ekonomiya ay ang pinakaunang anyo ng sistemang pang-
ekonomiya. Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. Ang tanong na ano
ang lilikhaing produkto ay madaling sagutin sapagkat sa pangunahing
pangangailangan tao lamang nakatuon, tulad ng pagkain, damit, at tirahan. Ang
tanong na paano lilikha ng produkto ay tinutugon dahil sa paraan ng produksyon ay
batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng matatanda sa pangkat. Upang
matugunan ang pangangailangan sa pagkain, ang mga kalalakihan ay nangangaso o
kaya nama’y nangunguha ang mga kababaihan ng bungaykahoy.

Sa tradisyunal na ekonomiya, bagama’t walang tiyak na batas ukol sa


alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito.
Halimbawa, ang kalalakihan ang namamahala ng mga sandata tulad ng sibat,
samantalang ang mga kababaihan ang humahawak ng kagamitan sa pananahi. Ang
anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.

Pinaghalong Ekonomiya
Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng
market economy at command economy. Ito ay tinawag na mixed economy sapagkat ito
ay bunga ng pinagsama o kombinasyon ng market economy at command economy.
Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok
o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan,
katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado. Gumagawa ang pamahalaan
ng mga paraan upang mawala ang mga hadlang sap ag-unlad sa pamamagitan ng
paglutas ng mga suliranin upang maging maayos ang pamumuhay ng tao. Katulad ng
mga programang pang-edukasyon, pangkalusugan, pabahay, at mga imprastratura.

AP 9- QRT. 1- WEEK 4
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN

Sa ganitong uri ng ekonomiya, pinahihintulutan ang pribadong pagmamay-ari


sa mga salik ng produksyon, imprastraktura at organisasyon. Pinahihintulutan din
makagawa ng mga pribadong pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal.
Gayunpaman, ang karamihan sa mga desisyon ay ginagabayan ng pamahalaan.

Economy)

Ang market economy, ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng


kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng mga
gawain. Ang presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksyon ng konsyumer at
prodyuser sa pamilihan. Sapagkat presyo ang nagtatakda ng dami ng produkto at
serbisyo na handang bilhin ng konsyumer at presyo rin ang nagtatakda kung gaano
karami ng produkto at serbisyo ang lilikhain at handang ipagbili ng prodyuser. Sa
makatuwid ang konsyumer at prodyuser ay nagkakasundo sa itinakdang presyo.

Samantala, ang pamahalaan naman ang nagbibigay ng proteksyon sa


kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na nangangalaga
sa karapatan, ari-arian at kontrata na pinapasukan ng mga pribadong indibidwal.

Mga sistema na kabilang sa Market Economy


 Piyudalismo
 Merkantilismo at
 Kapitalismo

Mga Gawain

GAWAIN 1: COMPLETE IT!


Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng sumusunod na
pangungusap. Isulat ang tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita.

1 .__ __ __ K __ __ __ __ O __ __ __ Y - Ito ang kasagutan sa pangunahing


katanungang pang-ekonomiko ay ginagampanan ng mekanismo ng malayang
pamilihan.

2 .__ __ __ __ I __ __ O __ __ L __ __ __ N __ __ Y - tumutukoy sa sistemang pang-


ekonomiko na nakabatay sa tradisyon,kultura at paniniwala.

3. M __ __ __ D E __ __ N __ __ __ - Ito ay kinapapalooban ng magkakaugnay na


katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing
pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan
sa ilang gawaing pangkabuhayan.

4. __ __ M __ __ N __ E __ __ __ __ M Y - Ito ay ang ekonomiya na nasa ilalim ng


komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.

AP 9- QRT. 1- WEEK 4
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN

5. __ __ S __ __ M__ __ N G P A __ G - __ K __ N __ __ __ __ __ - Ito ay tumutukoy sa


isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng
produksiyon ,pagmamay-ari ,at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala
ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.

B. Data Retrieval Chart


Panuto: Kumpletuhin ang hinihinging impormasyon sa graph upang mabuo ang mga
datos.

Sistemang Anong Paano ito Para kanino Halimbawa na


Pang produkto ang lilikhain ito lilikhain? bansa
ekonomiya dapat likhain?
Tradisyunal 1. Paggamit ng 2. 3.
lakas ng tao:
Makalumang
pamamaraan
Market 4. 5. 6. US,Japan,Germany
Command Naaayon sa 7. 8. 9.
pamahalaan
Mixed 10. 11. Konsyumer at 12.
lipunan

 Ang alokasyon tumutukoy sa mekanismo ng pamamahagi ng mga


 pinagkukunang-yaman, produkto, serbisyo.
 Ang sistemang pang-ekonomiya ay pamamaraang isinasagawa ng mga bansa
upang maisaayos ang paraan ng produksyon, pagmamay-ari, at paglinang ng
pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang ekonomiya, upang
matugunan ang suliraning ng isang lipunan.
 Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutugon sa suliranin ng kakapusan,ito
ay sumasagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko na: ano
ang lilikhain?, para kanino ang lilikhain?, paano lilikhain? at gaano karami ang
lilikhain?.

 May iba’t-ibang uri ng sistemang pang-ekonomiya ito ay ang;


o Tradisyunal na ekonomiya (Traditional Economy), na nakabatay sa
tradisyon, kultura, at paniniwala.
o Pampamilihang Ekonomiya (Market Economy), ang distribusyon at
paglikha ng produkto at serbisyo ay nagaganap sa mekanismo ng
malayang pamilihan na ginagabayan ng isang sistema ng malayang
pagtatakda ng halaga.
o Ipinag-utos na Ekonomiya (Command Economy), ang ekonomiya sa ay
nasa komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
o Pinaghalong Ekonomiya (Mixed Economy), kombinasyon ng market at
command economy.

AP 9- QRT. 1- WEEK 4
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN

Punan ang patlang upang mabuo ang iyong


natutuhan sa aralin na ito. Ilagay ang iyong sagot sa iyong portfolio.
Aking natutuhan na_____________________________________________________________
_____________________________________________________________________.

I Panuto: ITAMA MO! Basahin ang sumusunod na pahayag. Isulat ang T kung ang
pahayag ay tama at M kung ito ay mali at isulat ang tamang kasagutan upang ito ay
maging tama.
1. Ang command economy ay isang sistema na nakabatay sa tradisyon, kultura at
paniniwala.

2. Sa mixed economy, ang bansa ay sumasailalim sa komprehensibong kontrol ng


pamahalaan.

3. Ang pinagsamang sistema ng traditional at market economy ay nakapaloob sa


sistema ng mixed economy.

4. Ang pagtatakda ng produktong lilikhain at kung magkano ang pasahod sa


manggagawa ay nasa kapangyarihan ng pamahalaan upang magkaroon ng
pagkakapantay-pantay ay makikita sa sistemang tradisyunal na ekonomiya.

5. Sa sistemang market economy, may kalayaan ang mamimili at prodyuser kung ano
at gaano karami ang bibilhin at ipagbibili ngunit may bahaging ginagampanan pa rin
ang pamahalaan upang maisaayos ang ekonomiya ng bansa.

Sa paanong paraan nakatulong sa bansa ang pagpapatupad ng naisabatas


“Ang Bayanihan to Heal As One Act” o mas kilala Bayanihan Act (Republic Act No.
11469)? Sa iyong palagay naging matagumpay ba na matugunan nito ang
pangangailangan ng bawat mamamayan at anong sistemang pang ekonomiya ang
naaangkop sa kasalukuyang panahon?

AP 9- QRT. 1- WEEK 4
ARALING PANLIPUNAN 9- UNANG MARKAHAN

SAGUTANG PAPEL

Pangalan: __________________________________________________

Pangkat __________Guro: ____________________________________

Aralin
ANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA
4
I. PAUNANG PAGSUSULIT :
1. 2. 3. 4. 5.

II. BALIK-TANAW
1. 2. 3. 4. 5.

III. GAWAIN A
1. 2. 3. 4. 5.

IV. GAWAIN B:

1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10.
11. 12.

V. PAG-ALAM SA NATUTUHAN

Ilagay ang sagot sa iyong portfolio.

VI. PANGHULING PAGSUSULIT


1. 2. 3. 4. 5

VII. PAGNINILAY

Ilagay ang sagot sa iyong portfolio.

AP 9- QRT. 1- WEEK 4

You might also like