You are on page 1of 68

ARALING PANLIPUNAN 9

EKONOM
IKS
IBA’T IBANG
SISTEMANG
PANG-
EKONOMIYA
Ano ang inaasahang matututunan mo sa
araling ito?
Pagkatapos ng paksang ito, ang mag-
aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang iba’t ibang sistemang
pang ekonomiya.
ANO ANG MGA SALITANG
PUMAPASOK SA IYONG ISIPAN
KAPAG NABABASA O NARIRINIG
MO ANG SALITANG SISTEMA?
Sinusunod na pamamaraan o
pamamalakad na nakatutulong sa
magtaguyod ng isang organisasyon o
bansa.
ANO NGA BA ANG
SISTEMANG PANG-
EKONOMIYA?
ANO NGA BA ANG
SISTEMANG PANG-
EKONOMIYA?
Ang sistemang pang-ekonomiya ay
tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan
at paraan upang maisaayos ang paraan ng
produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng
pinagkukunang-yaman at pamamahala ng
gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.
SINO ANG DAPAT MAGMAY-ARI?
ANO NGA BA ANG
SISTEMANG PANG-
EKONOMIYA?
Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang
pang-ekonomiya upang matugunan ang mga
suliraning nakapaloob sa produksiyon at
alokasyon ng mga produkto at serbisyo.
ANO NGA BA ANG
SISTEMANG PANG-
EKONOMIYA?
Ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat
na pangunahing katanungan.
1. TRADITIONAL
ECONOMY
1. TRADITIONAL ECONOMY
Ang kasagutan sa pangunahing
katanungang pang-ekonomiko ay
nakabatay sa tradisyon, kultura at
paniniwala.
1. TRADITIONAL ECONOMY
Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto
ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang
pangangailangan ng tao ay umiikot lamang
sa pangunahing pangangailangan tulad ng
damit, pagkain, at tirahan.
ANU-ANO ANG MGA
BANSANG MAY GANITONG
SISTEMANG PANG-EKOMIYA?
B
B H U T A N
T
H A I T I
2. MARKET ECONOMY
2. MARKET ECONOMY
Sa market economy, ang kasagutan sa
pangunahing katanungang
pangekonomiko ay ginagabayan ng
mekanismo ng malayang pamilihan.
2. MARKET ECONOMY
Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok-
konsyumer at prodyuser, kumikilos
alinsunod sa kanilang pansariling interes na
makakuha ng malaking pakinabang.
2. MARKET ECONOMY
Ang mga nasa lakas-paggawa ay maaaring
makapamili ng kanilang nais na papasukang
trabaho.
2. MARKET ECONOMY
Ang market economy ay nagpapahintulot sa
pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-
ugnayan sa pamamagitan ng presyo, pangangasiwa
ng mga gawain.
2. MARKET ECONOMY
Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang
bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang
malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
2. MARKET ECONOMY

KOMPETISYON
2. MARKET ECONOMY
Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay
ng proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado,
kabilang ang mga batas na mangangalaga sa karapatan, ari-arian, at
kontrata na pinasukan ng mga pribadong indibidwal.
ANU-ANO ANG MGA
BANSANG MAY GANITONG
SISTEMANG PANG-EKOMIYA?
A
J A P A N
N
C A N A D A
N
S I NGA PORE
3. COMMAND ECONOMY
3. COMMAND ECONOMY
Sa command economy, ang ekonomiya
ay nasa ilalim ng komprehensibong
kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
3. COMMAND ECONOMY
Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang
planong nauukol sa pagsusulong ng
ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng
sentralisadong ahensiya (central planning
agencies).
3. COMMAND ECONOMY
Katunayan ang pagpapasya sa proseso ng
gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa
kamay ng pamahalaan lamang.
ANU-ANO ANG MGA
BANSANG MAY GANITONG
SISTEMANG PANG-EKOMIYA?
H
N OR T HKOR E A
B
C U B A
MIXED ECONOMY
MIXED ECONOMY

MARKET + COMMAND
MIXED ECONOMY
Walang maituturing na isang kahulugan
ang mixed economy.
MIXED ECONOMY
Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na
katangian ng dalawang sistema tulad ng
malayang pakikilahok sa mga gawaing
pangkabuhayan na pinahihintulutan ng
pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan
sa ilang gawaing pangkabuhayan.
MIXED ECONOMY
Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng
pamilihan subalit maaaring manghimasok o
makialam ang pamahalaan sa mga usaping
nauukol sa pangangalaga sa kalikasan,
katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng
estado.
MIXED ECONOMY
May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng
produksiyon, imprastraktura at mga organisasyon.
MIXED ECONOMY
Ang sistemang mixed economy ay 9 nagpapahintulot din na
makagawa ng mga pribadog pagpapasya ang mga
kompanya at indibidwal. Gayunpaman, ito ay hindi
nanganghulugang ganap na awtonomiya para sa kanila
sapagkat ang karamihan sa mga desisyong ito ay
ginagabayan ng pamahalaan.
ANU-ANO ANG MGA
BANSANG MAY GANITONG
SISTEMANG PANG-EKOMIYA?
E
P H I L I P P I NE S
I
C H I N A
R U S S I A
GAWAIN:

Sagutan ang Gawain 5 sa pahina 10-11


Gawin ang Gawain 6 at 7 sa pahina 12
Sagutan ang “Tayahin” sa pahina 13-15

You might also like