You are on page 1of 3

MASUSUING BANGHAY ARALIN

ARALING PANLIPUNAN 9

I.LAYUNIN

Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang maisasagawa ang mga sumusunod;

1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral, at kasapi ng
pamilya at lipunan. AP9MKE-la1

2. Napapahalagahan ng mag-aaral ang mga pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at
maunlad na pagpapasya sa pang-araw-araw na pamumuhay.

3. Nakagagawa ng poster na nagpapakita ng kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-araw na pamumuhay

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Aralin I: Kahulugan at Kahalagahan ng Ekonomiks

Sanggunian: EKONOMIKS, Araling Panlipunan ( Modyul para sa mag-aaral )

Kagamitan: TV, laptop, powerpoint, mga larawan, aklat sa ekonomiks

III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Panimulang Gawain ( Tatayo ang lahat at mananalangin )
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsisiyasat ng kapaligiran
4. Pagtatala ng lumiban sa klase

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong araw klas? Wala po ma’am.

Mabuti kung ganon, dahil mahalaga ang pag-aaralan


natin.ngayong araw na tinitiyak ko na marami kayong
matutunan.
B. Pagganyak
Bago tayo tumungo sa ating talakayan, ay mayroon
akong ipapakitang mga larawan sa inyo at nais kung
suriin ninyo ito ng mabuti.

Ipapakita ang ilang larawan at magbibigay ang mag-


aaral ng isang salita na may kaugnay sa paksang
tatalakayin, batay sa kanilang naunawaan sa larawan na
ipinakita.

Batay sa aking ipinakitang mga larawan, ano sa tingin Tungkol po sa ekonomiks ma’am.
ninyo ang pag-aaralan natin ngayong araw? Magaling!
C. Paglalahad LAYUNIN: 1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa
pang-araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral,
Ang paksang pag-aaralan natin ngayon klas, ito ang at kasapi ng pamilya at lipunan.
ating unang aralin, KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG
EKONOMIKS 2. Napapahalagahan ng mag-aaral ang mga
Bago tayo dumako sa ating unang aralin ay narito muna pangunahing konsepto ng ekonomiks bilang batayan ng
ang ating layunin na dapat matamo sa pagtatapos ng matalino at maunlad na pagpapasya sa pangaraw-araw
talakayan. na pamumuhay.

3. Naisusulat ang kahulugan ng ekonomiks sa


pamamagitan ng concept map.

Pagkatapos ng gawain ay tatalakayin ng guro ang mga


sumusunod:
 Ano ang kahulugan ng ekonomiks?
 Ano ang dalawang sangay ng ekonomiks?
 Bakit maraming pagkakatulad ang sambahayan
at ekonomiks o pamayanan?
 Ano-ano ang mahahalagang konsepto ng
ekonomiks sa paggawa ng matalinong
pagdedesisyon?

E. Paglalapat ( Gagawa ang unang pangkat mag-aaral ng


concept map )
Batay sa tinalakay ngayon, ipakita ang inyong pag-
unawa sa kahulugan ng ekonomiks pamamagitan ng
concept map at poster.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng


wastong sagot.
1. Ito’y isang sangay ng agham panlipunan na nag-aaral
kung paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao
gamit ang limitadong pinagkukunang
yaman.
a. Etika
b. Sikolohiya
c. Ekonomiks
d. Politika
2. Ang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego na
oikos at nomos na nangangahulugang
____?
a. bahay at lupa
b. pamahalaan at sambahayan
c. bahay at pamamahala
d. negosyo at lipunan
3. Ang mga sumusunod ang tumutukoy sa kahalagahan
ng ekonomiks, maliban sa?
a. Matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng
suliraning pangkabuhayan
b. Paggamit ng maayos na limitadong pinagkukunang
yaman
c. Pagsasamantala at pagtatago ng mga produktong
binebenta sa pamilihan.
d. Pagkakaroon ng tamang pagpapasya sa matalinong
padedesisyon
4. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na
kahulugan ng ekonomiks.
a. Proseso ng pagsasama-sama ng input tulad ng lupa,
lakas, paggawa, kapital, entreprenyur,
upang makabuo ng produkto.
b. Pag-aaral kung paano natutugunan ng tao ang
kanyang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan.
c. Pamamaraan ng pagbabahagi ng kabuuang yaman o
kita ng lupain.
d. Ang pagbili ng produkto o serbisyo sa isang takdang
panahon
5. Alin sa mga sumusunod na kaalaman sa ekonomiks
ang higit na makakatulong sa iyong
buhay.
a. Nakakatulong upang makagawa ng matalinong
pagdedesisyon.
b. Nagbibigay ng gabay sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
c. Nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa napapanahong
isyu kaugnay sa ekonomiya ng bansa
d. Nakapagbibigay ng sariling opinyon sa pangyayari sa
lipunan.
V. TAKDANG ARALIN
Magbigay ng isang halimbawa ng sitwasyon na nangyari
saiyong buhay bilang isang mag-aaral
na kailangan mong pumili. At ginamit mo ang
mahahalagang konsepto ng ekonomiks tuald ng
trade off, opportunity cost, marginal thinking, at
incentives sa paggawa ng iyong desisyon. Isulat
ito sa iyong kwaderno.

Inihanda ni:

Hannah D. Canalita
T-I

You might also like