You are on page 1of 14

Tradisyonal Na Ekonomiya

Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang Tradisyonal na ekonomiya.


Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa
tradisyon, kultura at paniniwala.

Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay


hindi mahirap sagutin sapagkat ang
pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa
pangunahing pangangailangan tulad ng damit,
pagkain, at tirahan. Maging ang suliranin kung
paano lilikha ng produkto ay simple lamang na
tinutugunan dahil ang paraan ng produksiyon ay
batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng
matatanda.
Sapagkat sa tradisyonal na ekonomiya,
bagama’t walang tiyak na batas ukol sa alokasyon,
may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa
paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang
malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang
pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit.

Mga katangian ng tradisyonal na Ekonomiya:


 Ang ganitong uri uri ng sistemang pang-ekonomiya at karamihan nakasentro sa
isang pamilya o siang tribo.
 Karamihan ay mayroon silang primitive na uri ng trabaho tulad ng pagsasaka,
pangangaso, pangingisda at iba pa.
 Nagtitiwala sila sa sarili
 Ang ganitong uri ng sistemang pang-ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan sa
kalakal. Naubos nila ang anumang ginawa nila at umaasa sila sa karamihan sa
mga barter system.
 Kapag ang mga tao sa tradisyonal na ekonomiya ay nakikibahagi sa pagsasaka
mula sa pangangaso, sinubukan nilang tumira at unti-unting bumuo ng isang
lipunan.

Mga kalamangan (advantage) ng Tradisyonal na Ekonomiya


 Hindi gaaanong banta sa kapaligiran habang ang mga tao ay kadalasang
gumagamit ng tradisyonal na paraan ng hanapbuhay tulad ng
pagsasaka,pangingisda pag-aalaga ng baka
 Walang pag-aksaya sa ganitong uri ng sistemang pang-ekonomiya.
 Kinukonsumo nila ang anumang gawa.

Mga di-kalamangan (dis-advantage) ng tradisyonal na Ekonomiya


 Dahil ang ekonomiya ay batay sa pangangaso at pagsasaka, ang ekonomiya ay
nagambala sa off season kapag nagbago ang panahon.
 Sa mga ganitong oras, nagugutom ang mga tao dahil wala silang kalakal upang
mabuhay.

Ang ilan sa mga bansa tulad ng Bangladesh, Haiti ay maaari pa ring gumamit ng mga
primitive ng paraan ng agrikultura.
Market Economy
Sa Market economy, ang kasagutan sa
pangunahing katanungan pang-ekonomiko ay
ginagabayan ng mekanismo ng malayang
pamilihan. Sa ganitong Sistema, ang bawat
kalahok- konsyumer at prodyuser, kumikilos
alinsunod sa kanilang pansariling interes na
makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga nasa
lakas-paggawa ay maaaring makapamili ng
kanilang nais na papasukang trabaho.

Ang pangunahing katanungang pang-


ekonomiko ay sinasagot ng puwersa ng pamilihan. Ang Market economy ay
nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng capital, pakikipag-ugnayan sa
pamamagitan ng presyo at pangangasiwa ng mga gawain.
Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga
mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga
prodyuser. Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser ay may
katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Sa madaling sabi,
presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob
ng pamilihan.
Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng
proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na
mangangalaga sa karapatan, ari-arian, at kontrata na pinasukan ng mga pribadong
indibidwal.

Mga katangian ng Market Economy


 Umaasa lamang sa mga batas ng demand at suplay
 Kontrolado ng mga batas sa demand at supply ang dami ng paggawa ng mga
kalakal at serbisyo.

Mga kalamangan ng Market Economy


 May maraming pagbabago dahil mayroon itong libreng daloy ng mga ideya.
 May higit na kahusayan dahil maraming kompetisyon sa merkado.
 Mayroon din itong mas malaking tsansa ng yaman
 Gumagawa ito ng kalakal ayon sa hinihiling ng mga mamamayan dahil handa ang
mga konsyumer na magbayad ng anumang presyo na singilin nila.

Mga di –kalamangan ng Market economy


 Nahaharap ito sa mga problema sa hindi pagkakapantay-pantay sa mga
mamamayan.
 Dahil ang gobyerno ay walang kontrol sa produksiyon, kita lamang ang motibo ng
paggawa ng mga kalakal.
 Maaring may mahinang kondisyon sa pagtatrabaho dahil wala nang regulasyon ng
pamahalaan sa lugar.
 Maaring tumaas ang kawalan ng trabaho dahil walang tseke ng gobyerno sa
merkado

Ilan sa mga halimbawa ng ekonomiya ng merkado ay ang Estados Unidos, Alemanya


at Canada.
Command Economy
Sa Command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong
kontrol at regulasyon ng pamahalaan.
Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng
ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya
Katunayan ang pagpapasya sa proseso ng gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o
nasa kamay ng pamahalaan lamang.

Tinutukoy rin ang mga gagamiting


pinagkukunang-yaman sa paglikha ng kapital.
Samantala, madaling nalalaman ang distribusyon
ng kita sa lipunan sa pamamagitan ng pagtatakda
ng pasahod para sa iba’t ibang uri ng
hanapbuhay.
Ang kita naman sa lupang sakahan ay
maaaring matukoy sa pamamagitan ng
pagtatakda sa halaga ng mga produktong
nagmumula rito. Ang patakaran sa command
economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union.

Mga katangian ng command economy


 Ang ganitong sistemang pang-ekonomiya ay hindi umaasa sa mga batas ng
demand at supply.
 Ang gobyerno lamang ang magpapasya sa mga batas at regulasyong pang-
ekonomiya.
 Kinokontrol ng gobyerno ang paggawa ng mga kalakal at serbisyo.

Mga kalamangan ng Command Economy


 Hindi ito nahaharap sa mga problema sa hindi pagkakapantay-pantay sa mga
mamamayan.
 Mayroon din itong mababang antas ng kawalan ng trabaho.
 Dahil ang gobyerno ay may kontrol sa paggawa,ang kita ay hindi lamang ang
motibo ng paggawa ng mga kalakal.
 Ang buong lipunan ay maaring mabago ayon sa plano sa ekonomiya ng gobyerno
dahil walang ibang malayang puwers sa merkado.

Mga di-kalamangan ng Command Economy


 Kakulangan ng pagbabago dahil wala itong anumang libreng daloy ng mga ideya.
 Maaring hindi pansinin ang mga pangangailangan ng mga lipunan.
 Ang supply ng mga kalakal ay maaaring hindi katumbas ng demand.
 Hindi kukuha ng peligro na magdala ng bagong bagay dahil ang gobyerno ay may
sariling hanay ng mga patakaran at direktiba.
Mixed Economy
Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market
economy at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed
economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema
tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng
pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan.
Ang salitang mixed economy ay nalikha
upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at
may katangian na bunga ng pagsasanib o
kumbinasyon ng command at market economy.
Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng
pamilihan subalit maaaring manghimasok o
makialam ang pamahalaan sa mga usaping
nauukol sa pangangalaga sa kalikasan,
katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng
estado. May pribadong pagmamay-ari sa mga
salik ng produksiyon, imprastruktura at mga
organisasyon.

Ang sistemang Mixed economy ay nagpapahintulot din na makagawa ng mga


pribadong pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal. Gayunpaman, ito ay hindi
nanganghulugang ganap na awtonomiya para sa kanila sapagkat ang karamihan sa mga
desisyong ito ay ginagabayan ng pamahalaan.

Mga katangian ng mixed economy


 Nakasalalay ito sa mga batas ng demand at suplay.
 Nagpapasya ng gobyerno ng mga batas at regulasyong pang-ekonomiya
 Kinokontrol ng gobyerno ang paggawa ng mga kalakal at serbisyo

Mga kalamangan ng mixed Economy


 Libreng daloy ng mga ideya
 Pinapayagan ang mga batas ng demand at supply na matukoy ang paraan sa
pagpepresyo
 Mayroon ding paglikha ng yaman.

Mga di-kalamangan pakinabang ng Mixed economy


 Maaring pag-aaksaya ng mga mapagkukunan
 Ang mga desisyon ng ekonomiya ay maaring maantala sa pagpapatupad sa
pribadong sektor.
 Maaaring magkaroon din ng hindi magandang pagpapaplano dahil ang isang
bahagi ng merkado ay hindi kontrolado ng gobyerno.
“Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko”
Anak-mayaman si Stella subalit hindi siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang ginawa
kung hindi ay mamasyal sa kung saan-saan at magpakasarap sa buhay. Kahit ang ama niya, si Don Manuel,
at ang ina niya, si Señora Faustina, ay lubos ang pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak.
Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahirap na tao.

Tuwing Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa Marga
Hera. Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon.

Stella, matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni Fey, isa sa mga matalik na
kaibigan ng dalagita

“Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na kahit isang beses lang sa isang
taon ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng dalagita.

“Hindi isang beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte nila sa’yo friend,” sabi ni
Bea sa kaibigan.

Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina Stella ng
piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin silang bagong laruan at may mga hindi
pa nabubuksan na mga regalo.

Habang sumasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang tunay na
dahilan kung bakit malapit ang loob niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera.

“Alam niyo, nais ko silang mapasaya dahil talagang ibang-iba ang buhay natin sa kanila. Maswerte tayo at
lumaki tayo kasama ang pamilya natin.

E, sila, doon na sila bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila ay wala nang ama at ina. Sa tuwing
tinititigan ko nga ang iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila nila sa mga magulang
nila,” pagpapaliwanag ni Stella.
“Ang Mga Nawawalang Sapatos ni Kulas”
Nasa katamtamang estado ng pamumuhay ang pamilya ng batang si Nicholas Cruz. Mas kilala siya sa Kalye
Sampaguita bilang si Kulas, sampung taong gulang na anak nina Julio at Vina Cruz. Nagtatrabaho sa isang pagawaan
ng mga kasangkapan sa bahay ang ama ni Kulas samantalang kahera naman isang tindahan ang kanyang ina. Isang
araw, habang tinatali ni Vina ang sintas ng sapatos ng anak ay nagtaka ito.
“Nak, ba’t ang lumang rubber shoes mo ang suot mo? Di ba binilhan ka namin ng papa mo ng bago?” tanong ng ina
sa bata.

Hindi sumagot si Kulas at nagkataon naman na bumusina na ang sasakyan na maghahatid sa kanya sa paaralan.
Humalik ito sa mama niya at dali-daling tumakbo palabas ng bahay. Natapos ang kalahating-araw ng klase at hinatid
na pauwi sa kanilang bahay sina Kulas at Leon. Pagdating nila sa sala, nagulat ang panganay na may karton na
naglalaman ng bagong sapatos.

“Ma, kanino po ‘tong rubber shoes?” tanong ni Kulas sa ina niya.

Ngumiti ang ina at sinabihan siyang sa kanya iyon. Bagong rubber shoes at mukhang mamahalin yung binili ng mama
niya para sa kanya. Kinabukasan, sinuot niya ito papuntang paaralan dahil sakto naman na P.E. nila. Pagkalipas ng
isang linggo, nagulat si Vina noong sinumbatan sya ni Julio habang nag-aayos siya sa harap ng salamin at ang asawa
naman ay nagbabasa ng dyaryo sa higaan nila.

“Akala ko ba binilhan mo ng bagong sapatos si Kulas kaya naubos ang sweldo mo. Bakit mukhang luma yata yung
nabili mo,” sabi ni Julio.

Nagulat si Vina sa sinabi ng asawa. Idiniin niya bumili talaga siya ng bago at mahal iyon kaya humiram pa siya ng
pera sa may-ari ng tindahan. Pagdating ng tanghalian, nakarating na ang mga bata. Tama si Julio at luma na ang
sapatos na suot ni Kulas. Nagulat ang ina at tinanong ang anak.

“Nak, binilhan kita ng bagong sapatos, e, bakit luma pa rin iyang sinusuot mo?” tanong ni Vina sa anak.

Nagdahilan si Kulas na nakalimutan niya raw na may bago na pala siyang sapatos. Inutusan siya ng ina na kunin iyon
at dalhin ito sa kanya. Ilang minuto na naghintay si Vina pero hindi bumalik si Kulas. Pinuntahan niya ito sa kwarto at
nadatnan niya palakad-lakad si Kulas at balisa. Tinanong ulit ni Vina ang anak tungkol sa sapatos niya. Pang-apat na
pares ng sapatos na iyon na binili para sa kanya ngayong taon.

“Mama, patawad po. Binigay ko po sa kaibigan ko sa labas ng paaralan ang bagong sapatos na bili niyo para sa
akin,” pagtatapat ng bata.

“Ano? Binilhan ka ng bago tapos ipamimigay mo lang pala? Walang mali sa pagbibigay anak pero sana, inisip mo
rin na binili namin ng papa mo iyon para sa iyo. Nag sinungaling ka pa,” sabi ni Vina sa anak.

Pinuri ng ina ang bata sa pagiging mapagbigay nito pero pinaalalahanan rin niya na mali ang magsinungaling
kahit ano pa ang dahilan. Inihayag niya rin kay Kulas na sana ay pahalagahan nito ang mga binibigay nila ng ama niya
dahil pinaghihirapan nila ito. Humingi ng patawad si Kulas at nangako sa ina na pahahalagahan na niya ang susunod
na mga sapatos at mga gamit na ibibigay sa kanya ng mama at papa niya. Nangako rin siyang hindi na siya
magsisinungaling.
“Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon”
Malapit nang makatapos ng elementarya si Inday at parehas silang nasasabik ng nanay niya sa
pinakahihintay na araw. Si Aling Peling halos hindi na makatulog kaka-isip kung ano ireregalo sa nag-iisang
anak.
Isang araw, namasyal si Inday sa bahay ng isa niyang kaibigan at nagkaroon ng oras si Aling Peling
na bumili ng sorpresa para sa anak. Dali-dali siyang pumunta sa pamilihan at doon nakakita siya ng isang
selpon.

“Sakto to. Medyo malayo ang paaralan na papasukan ni Inday sa sekondarya, kakailanganin niya ‘to,” sabi
ni Aling Peling sa sarili.

Nagkasya ang pera ng matanda para sa bagong selpon na ireregalo sa anak sa pagtatapos niya sa
elementary. Pagkauwi nito sa bahay, agad niya itong binalot at itinago sa kanyang aparador.
Lumipas ang isang linggo at dumating na ang araw na pinakahihintay nina Aling Peling at Inday.
Mangiyak-ngiyak ang matanda habang isinusuot sa anak ang medalya sa ibabaw ng entablado. Pagkatapos
ng seremonya, nagpakuha ng litrato ang mag-ina. Inabot rin ni Aling Peling ang kanyang sorpesa kay Inday
na agad naman nitong binuksan.

“Naku! Bagong selpon? Yehey! Salamat Nanay! May selpon na ako,” sigaw ng anak.

Simula noong gabing iyon, palagi nang nakatutok sa selpon si Inday. Kahit bakasyon, malimit sila
kung makapag-usap ng nanay niya. Palagi niya kasing ka-text si Rico o ‘di kaya ay nagtatawagan sila.

“Alam mo bessy, magkikita kami ni Rico bukas. Sa wakas makikilala ko na rin siya. Siguro guwapo siya no,
matangkad, maputi,” kwento ni Inday sa kaibigan niya.

Narinig ni Aling Peling ang mga sinabi ni Inday kay Fiona tungkol kay Rico. Tinawag niya ang anak
at kinausap ito.

“Teka bessy tawag ako ni Nanay. Tatawag na lang ako sa’yo ulit. Bye! Nay, bakit po?” tanong ni Inday sa
ina.

“Ano yung narinig kong makikipagkita ka sa hindi mo kakilala? Ganun ka ba ka kampante na mabuting tao
yan, e, sa selpon mo lang nakilala,” sabi ni Aling Peling sa anak.

“Kaya nga po magkikita kami nay upang magkakilala kaming dalawa. Hirap naman sa inyo minsan na nga
lang ako lumabas marami pa akong maririnig,” sabi ni Inday bago padabog na pumasok sa kwarto niya.

Nagulat si Aling Peling sa inasal ng anak. Dati-rati ay ni hindi ito magawa na sagutin siya nang
ganun. Nagtimpi na lang ang matanda at ipinagpatuloy ang pagluluto ng kanilang hapunan.

Kinabukasan, pagka gising ni Aling Peling ay wala na ang anak sa tabi niya. Inisip niya na lang na
umalis na siguro yun at sana’y mag-iingat siya. Hindi man lang nagpaalam si Inday sa ina niya.

Bumangon na ang matanda, nagluto ng almusal, at inihanda ang kanyang mga paninda sa
araw na iyon. Pagkatapos kumain ay lumakad na siya dala-dala ang kanyang mga lutong bibingka.
Naglako si Aling Peling malapit sa parke. Marami ang bumili sa kanya at noong papaalis na
siya para umuwi ay nakita niya si Inday mula sa malayo. Kahit hindi niya masyadong maaninag ang
mukha ng anak, alam niyang umiiyak ito.

“Nak! Inday! Anong nangyari sa ‘yo ba’t ka umiiyak?” tanong ng matanda sa anak.

“Nay nawawala po si Rico! Dala-dala niya po yung bag ko. Kanina nag-uusap lang kami rito tapos
biglang naiihi raw siya kaya umalis saglit,” sabi ng anak habang umiiyak.

Kinuwento ni Inday na nagkita sila ni Rico sa parke at pagkatapos ng isang oras na pag-
uusap ay nag-presenta itong bitbitin ang bag niya. Habang naglalakad sila ay isinabit ng binata ang
bag ni Inday sa kanya kung kaya’t nahiya na siyang kunin ito.

Kasama sa nawalang bag ni Inday ang bagong selpon na ipinag-ipunan at binigay ng nanay
niya sa kanya. Lubos ang kanyang pagsisisi dahil hindi siya nakinig kay Aling Peling.

You might also like