You are on page 1of 3

Transcript of Pambansang Ekonomiya

Background photo by t.shigesa

Turning Point
Ang paghiram ng bahay-kalakalay may kapalit na kabayaran.babayaran ito ng interes ang
hinihiram ng puhunan.
Ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay rin sa paglaki ng pamumuhunan.

Success
Gumagamit ng modelo sa pag-susuri ang makroeonomiks. Ang modelo ay representasyon ng
isang ipinaliliwanag na Konsepto o Kaganapan. Sa pamamagitan ng modelo, naipakikita nang
simple ang reyalidad. Maaaring ito rin ay isang abstract generalization kung paano
nagkakaugnay-ugnay ang mga datos.
Ikaapat na Modelo
Ang ikaapat na modelo ay matutunghayan sa Pigura 17.4 sa susunod na pahina.
Ito ang modelo ng ekonomiya kung saan ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
Kung ang gampanin ang pagbabatayan ang pamahalaan sa usapin ng pamilihan.Kung ang huli
ang pagbabatayan, papasok ang pamahalaan bilang sektor ng modelo.

Ang Pambansang
Ekonomiya
Aralin 17
Iba't Ibang Modelo ng
Pambansang Ekonomiya
May iba't ibang modelo ang pambansang ekonomiya. Depende ito sa uri ng sistema ng
ekonomiya. Depende rin ito sa saklaw ng mg gawaing makikita rito. Sa araling ito, pagtutuunan
ng pansin ang mga modelo ng pambansang ekonomiya sa loob ng sistemang pamilihan.
Mamamalas sa mga ito ang pamamaraan ng paglikom ng pambansang kita

Unang Modelo
Ang unang modelo ay matutunghayan sa Pigura 18.1. Ito ay naglalarawan ng isang simpleng
ekonomiya. Ang sambahayan at bahaykalakal ang mga pangunahing aktor. Ang samabahayan ay
ang kalipunan ng mga mamimili sa isang ekonomiya. Ang bahay-kalakal naman ay ang tagalikha
ng produkto.
Ang kita sa simpleng ekonomiya ay ang halaga ng produksyon sa isang takdang panahon.
Inaasahan na ang halaga ng produksyon ay siya ring halaga ng pagkonsumo sa produkto. Upang
lumago ang ekonomiya, kinakailangang maitaas ng kaukulang aktor ang kanyang produksyon at
pagkonsumo.

Ikalawang Modelo
Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang ekonomiya ang tuon ng ikalawang modelo.
Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga pangunahing sektor dito. Sila ay binubuo ng iba't
ibang aktor.
May dalawang uri ng pamilihan sa pambansang ekonomiya. Ang unang uri ay pamilihan ng mga
salik ng produksyon o factor markets. Kabilang dito ang pamilihan para sa kapital na produkto,
lupa, at paggawa. Ang ikalawang uri ay pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity.
Kilala ito bilang goods markets o commodity markets
Sa ikalawang modelo, ipinapalagay na may dalawang aktor sa isang ekonomiya - ang
sambahayan at ang bahay-kalakal

Ang sambahayan ay may demand sa produkto ngunit wala itong kakayahang lumikha ng
produkto.
Ang bahay kalakal ang tanging may kakayahang lumikha ng produktong ito.

Sa paggamit ng mga kapital ng produkto, kailangang magbayad ng interes ang bahay-kalakal.


Sa paggamit ng lupa ,magbabayad ito ng renta o upa
Sa paggamit ng paggawa magbibigay ito ng pasahod
Ang sambahayan din ang may suplay ng abilidad ng entreprenuer.
Apat ang pinagmumulan ng kita ng sambahayan sa interes, kita ng entreprenyur, renta, upa,at
pasahod sa paggawa.
Gagamitin ng sambahayan ang natatanggap na kita upaang makabili ng produkto.
Sa pananaw ng sambahayan ito ay gumagastos ang sambahayan doon kumikita ang bahay-
kalakal.
Mamamalas ang interdependence ng sambahayan at bahay-kalakal.
Sila ay umaasa sa isa't-isa upang matugunan ang mga pangangailangan at kagustuhan.
Mapapansin din na kumikita ang isang sektor sa bawat paggastos sa ibang sektor.
Dahil dito, may dalawang pagsukat sa kita ng pambansang ekonomiya.
Ang isa ay sa pamamagitan ng halaga ng gastusin ng sambahayan at bahay-kalakal.
Ang isa naman ay ay sa pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan at bahay-kalakal.
Sa ikalawang modelo ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksyon.Upang
maitaas ang produksyon, kailangang marami ang magagamit na salik ng produksyon.

Ikatlong Modelo
Ang ikatlong Modelo ay matutunghayan sa Pigura 17.3 sa susunod na pahina.
Mayroon itong dalawang sektor. Mga pangunahing sektor nito ang sambahayan at bahay-kalakal.
Hindi ginagamit ng sambahayan ang lahat ng kita para sa pamimili hindi lang pangkasalukuyang
produksyon ang iniisip ng bahay-kalakal.
Bukod sa pamimili at paglikha ng produkto ang pagiimpok (saving) at pamumuhunan
(investment) ay nagiging mahalagang gawaing pang-ekonomiya.
Nagaganap ang mga nasabing gawain sa mga pamilihang pinansyal (financial market)
Tatlo ang pamilihan sa ikatlong modelo.:
Ang mga pamilihan ay para sa salik ng produksyon, commodity o tapos na produkto, at para sa
mga pinansyal na kapital.
Ang bahagi ng kita na hindi nagagastos ay tinatawag na impojk (savings)
Kabilang sa naturang pamilihan ang mga bangko, kooperatiba, insurance company, pawnshop at
stock market.
Maaring mang hiram ang bahay-kalakal ng karagdagang pinansyal na kapital.
Ito ang gagamitin na puhunan sa nasabing plano ng produksyon. hihiram ang bahay-kalakal sa
sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansyal.
Ang naunang dalawang sektor ay ang sambahayan at ang bahay-kalakal.
Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan, ang pagbabayad ng buwis ay nagiging karagdagang
gawain sa ekonomiya.
Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita. Ang kita mula sa buwis ay tinatawag na
(public revenues) ito ang ginagamit ng pampublikong paglilingkod. Ang mga pampublikong
paglilingkod ay nauuri sa pangangailangan ng sambahayan at ng bahay-kalakal.
Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay may tatlong batayan. Una rito ang pagtaas ng
produksyon Ikalawa ang produktibidad ng pamumuhunan. Ikatlo ang produktubidad ng mga
gawain ng pamahalaan.
Sa pagsingil ng buwis mahalagang hindi mabawasan ang proktibidad ng bawat sektor. Hindi
maiiwasan na magtaas ng pagsingil ng buwis. Ngunit mahalaga na hindi makaramdam ng
paghihirap ang mga sektor sa pagtaguyod ng pangangailangan at kagustuhan.
Hidi rin dapat makipagkompetensya ang pamahalaan sa pamumuhunan ng pribadong bahay-
kalakal.
Sa oras na maganap ito, marami ang matatangal na puhunan sa bansa. Marami ang mawawalan
ng trabaho at kita Ang buong ekonomiya ay aasa na lamang sa gawain ng pamahalaan

Ikalimang Modelo
Sa mga naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya ay sarado. Ang saradong
ekonomiya ay hindi nakikipag-ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya. Ang tuon lamang ng mga
naunang talakayan ay ang panloob na takbo ng ekonomiya. Ang perspektiba sa saradong
pambansang ekonomiya ay domestiko.

Iba pang usapin kapag ang pambansang ekonomiya ay bukas. Ang bukas na ekonomiya ay may
kalakalang panlabas. Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng produkto at salik ng
pambansang ekonomiya sa mga dayuhang ekonomiya. Ang perspektiba sa pambansang
ekonomiya na bukas ay internasyonal.

Ikalimang modelo
Inilalarawan sa Pigura 17.5 sa susunod na pahina ang modelo ng pambansang ekonomiya na
kabilang sa kalakalang panlabas. Ang pambansang ekonomiya ay kalimitang tawag na home
economy. Ang kaugnayan nitong ekonomiya ay tinatawag na dayuhang ekonomiya o foreign
economy

Lumilikha ng produkto mula sa pinagkukunang-yaman ang pambansang ekonomiya. Gayundin


ang dayuhang ekonomiya. Maaaring magkapareho ang kanilang produkto. Maaari din namang
magkaiba. Nakikipagpalitan ang dalawang ekonomiya ng produkto sa isa't isa. Ang dayuhang
kalakalan ay muling tatalakayin sa Yunit IV.

You might also like