Professional Documents
Culture Documents
Ikatlong Markahan
Makroekonomiks
Panimulang Pagtataya
PANGALAN: PETSA:
Panuto: Piliin mo ang titik ng wastong sagot at isulat ang mga sagot sa sagutan papel.
1. Kung ikaw ay nagbabalak magtayo ng negosyo, anong larangan ng ekonomiks ang pag-aaralan mo
upang makita ang gawi ng kabuuan ng ekonomiya ito ay ang pag-aaral tungkol sa ________________.
A. pamilihan
B. ekonomiya
C. maykroekonomiks
D. makroekonomiks
1|AP 9
C. ikaapat na modelo mo ito makikita
D. ikalimang modelo ito matatagpuan
9. Kung ikaw ay kumikita ng Php 20, 000 bawat buwan, ang bahagi ng iyong kinita na hindi ginagastos ay
itinatabi mo at ilalaan sa ______________.
A. allowance
B. pag-aaral
C. kinabukasan
D. insentibo sa sarili.
10. Paano nakalilikom ng pondo ang pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod?
A. Sa tulong ng electric revenue
B. Sa ambag ng financial revenue
C. Sa pamamagitan ng public revenue
D. Sa pangangasiwa ng private revenue
13. Sa mga modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang anumang pagtamlay ng ekonomiya ay
maaaring isisi sa ______________.
A. sambahayan dahil dito nagmumula ang mga salik ng produksiyon.
B. bahay-kalakal dahil dito ang lumilikha ng mga produktong kailangan ng
lahat.
C. lahat ng sektor dahil ang bawat isa ay may magkakaugnay na gampanin
sa isa’t isa.
D. pamahalaan dahil ito ang nagpapatupad ng mga alituntuning pang
ekonomiya.
2|AP 9
Aralin 1
Ang Paikot Daloy ng
Ekonomiya
Sa aralin na ito, inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:
L Nailalalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya
A
Y Nasusuri ang ugnayan sa sa’t isa ng mga bahaging bumubuo sa paikot
U
N na daloy ng ekonomiya
I
N Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot
na daloy ng ekonomiya.
Panimula
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay binubuo ng iba’t ibang modelo at sektor na may
magkakaugnay na gampanin. Sa iyong palagay, ano-ano ang pagkakaiba-iba ng limang modelo at
paano ito makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya?
Ang ekonomiya ay isang malaki at tuluy-tuloy na makroekonomikong daloy kung saan ang pera,
produkto, at mga salik ng produksyon ay paikot-ikot. Ang paikot na daloy na ito ay sumasalamin sa
interaksyon ng mga prodyuser at konsumer sa isang ekonomiyang nakabatay sa pamilihan. Sa aralin
na ito, matututuhan natin ang tungkol sa iba’t ibang aktor ng ekonomiya na kalahok sa ikot na ito, ang
bahaging ginagampanan ng bawat kalahok, maging ang paraan ng kanilang pakikipag-ugnayan sa isa’t
isa. Sa tuwing tayo ay bumibili ng mga bagay na ating kailangan, nagiging bahagi tayo ng daloy ng
ekonomiya, ngunit ang mismong pagbili ay isang maliit na bahagi lamang ng isang mas malaki pang
daloy-ekonomiko. Ang araling ito ay magbibigay-pokus sa konsepto ng paikot na daloy ng ekonomiya
at kung paano nito pinag-iisa ang iba’t ibang batayang konsepto sa makroekonomiks.
Paano nasasalamin ng paikot na daloy ng ekonomiya ang mga pagbabagong dala ng mas mahusay na
teknolohiyang pangtransportasyon at komunikasyon?
3|AP 9
Simulan Natin
Payabungin Natin
Gawain
2: Mamitas tayo ng Karunungan
Panuto: Pagmasdan ang nasa larawan at pagkatapos ay sagutan ang mga sumusunod na pamprosesong
katanungan.
4|AP 9
Pamprosesong Tanong:
2. Ang produkto bang nasa lawrawan ay nakakatulong sa pagkakaroon ng paikot daloy ng ekonomiya ng
bansa/ Ipaliwanag?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________
Talakayin Natin
Layunin ng Makroekonomiks
Ang pag-aaral ng makroekonomiks ang sumasaklaw sa kabuang paggalaw ng ekonomiya ng isang
bansa. Hindi lamang iisa o dadalawang institusyon ang kumakatawan sa paggalaw na ito kundi ang lahat ng
tao at pangkat ng mga tao na matatagpuan sa isang lipunan. May dalawang pangunahing layunin ang
makroekonomiks sa pangkabuuan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa balanseng pag-unlad ng mga bagay
sa lipunan. Ito ay ang mapanatili ang paglago ng ekonomiya at ang katatagan o estabilidad ng mga presyo sa
ekonomiya.
5|AP 9
daloy ng ekonomiya ay nagsisimula sa mga proprietary class dahil sila ang may kakayanangbumili ng tapos na
produkto at serbisyo mula sa productive at sterile class.
Maaring
magdesisyon ang sambahayan at mga bahay-kalakal nang malaya sa isa’t isa, ngunit anumang pagbabago sa
produksyon o pagkonsumo na gagawin ng isang aktor ay makakaapekto sa isa. Kinakailangang isa alang-
alang ng mga aktor sa ekonomiya ang kalagayan at kondisyon ng isa’t isa kung nais nilang bumuti at
mapalago ang sarili nilang kalagayan. Ito ay isang mahalagang batayan ng ekonomiks: ang prinsipyo ng
pagtutulungan o interdependence. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ang pinakamahalagang ilustrasyon ng
interdependence na ito.
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay isang pinasimpleng ilustrasyon kung paano dumadaloy ang
salapi at produkto mula sa sambahayan patungo sa mga bahay-kalakal, at pabalik muli sa mga sambahayan.
Ito ay naglalarawan sa interaksyon ng mga nagbebenta at bumibili, at ng mga nagsusuplay at
nangangailangan. Bagamat mayroong sariling siklo ng pagbebenta ang mga bahay kalakal (halimbawa,
nangangailangan ang isang negosyo ng kompyuter na kanila namang binibili sa isa pang negosyo na
nagbebenta nito), hindi ito ang tinutukoy sa daloy na ito ng ekonomiya. Nagsisimula ang paikot na daloy ng
ekonomiya sa kagawian ng mga mamimili sa paggastos.
Ang bilis at laki ng paggastos ng mga mamimili sa isang takdang panahon ay nakakaapekto sa laki
at lawak ng pamumuhunan ng mga bahay-kalakal. Ang pamumuhunang ito ay may epekto naman sa dami ng
mga lakas-paggawa na magagamit sa paglikha ng kalakal at serbisyo, at sa kabuuang kalusugan ng
ekonomiya ng isang bansa. Kung mas maraming lakas-paggawa ang magagamit, ang mga mamimili ay
mayroong mas maraming salapi na kanilang gagastusin. Sa kabilang banda, kapag bumaba ang antas ng
trabaho, kakaunti ang salaping gagastusin sa kalakal at serbisyo ng mga mamimili.
Tinutukoy din ng paggastos ng mamimili kung anong uri at gaano kadaming produkto at serbisyo
ang lilikhain ng mga negosyo. Tingnan ang larawan sa itaas. Ang berdeng linya ay nagpapakita ng daloy ng
salapi sa pagitan ng sambahayan at bahay-kalakal. Samantala, ang pulang linya naman ay nagpapakita ng
daloy ng mga produkto at serbisyo sa pagitan rin ng sambahayan at bahay-kalakal. Sa pinakasimpleng modelo
ng paikot na daloy ng ekonomiya, dalawa lang ang aktor ang sambahayan at ang bahay kalakal. Sa modelong
ito, ang mga indibiduwal sa sambahayan ang tumutugon sa pangangailangan ng mga bahay-kalakal para sa
lakas ng paggawa samantalang ang bahay-kalakal naman ang tumutugon sa pangangailangan ng mga
sambahayan para sa iba’t ibang kalakal at serbisyo. Ang daloy na ito ay kinakatawan ng pulang linya sa
dayagram sa itaas. Ang ugnayan sa pagitan ng mga sambahayan at bahay-kalakal ay nasasalamin din sa
pag-ikot ng salapi.
6|AP 9
makabili ng mga kalakal at paglilingkod na kailangan nito sa pang araw-araw na pamumuhay. Ang daloy na ito
ay isinalarawan ng berdeng linya sa dayagram sa itaas.
Sa pag-aaral ng ekonomiks, ang daloy ng salapi at daloy ng kalakal ay isang closed circuit na tugma
ang halaga. Halimbawa, ang kitang natanggap ng bahay-kalakal mula sa pagbebenta ay parehas sa halaga ng
kalakal at paglilingkod na kaniyang natapos; ibinibili naman ng indibiduwal ang kaniyang sahod ng kaniyang
mga pangangailangan. Sa ganitong modelo, masisiguro ang pagtuloy-tuloy ng daloy ng ekonomiya, ngunit
mahirap ang magkaroon ng pag-unlad dahil parehas lamang ang halagang umiikot.
Dahil dito, kinakailangang may madagdag sa daloy upang matugunan ng ekonomiya ng isang bansa o
lipunan ang lumalaking pangangailangan ng kaniyang mga mamamayan.
Sambahayan- Ang sambahayan ay mga konsumer ng mga tapos na produkto at mga paglilingkod na nagawa
ng bahay-kalakal. Ito rin ang tumatayong prodyuser ng apat na salik ng produksyon: lupa, lakas-paggawa,
kapital, at ang entreprenyur.
Nabanggit natin sa nakaraang aralin na ang ekonomiya kung saan sambahayan at bahaykalakal lamang ang
aktor ay isang closed system. Sinabi rin natin na sa ganitong sitwasyon, mahirap paunlarin ang ekonomiya
dahil nakokonsumo rin ang lahat ng napoprodyus. Sa parehong banda, naigagasta rin ng sambahayan ang
lahat ng kanyang sahod kaya paikot-ikot lang ang ganitong siklo.
Alam natin na sa hindi na ganito ang sitwasyon sa kasalukuyang panahon. Ito ay dahil mayroon nang ibang
aktor sa ekonomiya. Buhat sa mga liberal na ideyang nabuo noong panahon ng Enlightenment, nagkaroon ng
papel ang gobyerno sa pagpapabuti ng buhay ng mga mamamayan. Mula rin sa ideya ni Adam Smith, nabuo
ang isang sistema ng market economy kung saan hindi na lamang mga sambahayan at bahaykalakal sa iisang
bayan ang nag-uugnayan. Sa kasalukuyan, mayroon na tayong tinatawag na global market economy kung
saan nakikipagkalakal ang mga internasyonal na negosyo sa isa’t isa.
Panlabas na Sektor -Ang panlabas na sektor ay tumutukoy sa mga bumibili sa ibang bansa (importer) at
nagbebenta sa ibang bansa (exporter) ng mga produkto at serbisyo. Kabilang sa panlabas na sektor ang mga
multinational o iyong mga negosyo na mayroon operasyon sa iba’t ibang bansa. Itinuturing rin na panlabas na
sektor ang ibang bansa.
Mayroong iba’t ibang uri ng pamilihan batay sa produkto o serbisyong isinasagawa at ipinagbibili nito.
Pamilihan ng mga Kalakal at Paglilingkod (Goods Market) Sa pamilihang ito, mga bahay-kalakal ay
nagbebenta ng tapos na produkto at mga paglilingkod, samantalang ang sambahayan ay bumibili naman ng
7|AP 9
tapos na produkto at paglilingkod na kailangan nito. Ang salaping dumadaloy sa pamilihang ito ay nagmumula
sa sambahayan bilang kabayaran (isang paggasta) sa produkto at paglilingkod na kaniyang binili habang
tinatanggap ng bahay-kalakal ang salaping ito bilang kita.
Pamilihan ng mga Salik ng Produksyon (Factors Market)- Sa pamilihang ito, ang sambahayan ay
nagbebenta ng salik ng produksyon na pagmamayari nito. Ang mga bahay-kalakal naman ay bumibili ng mga
salik ng produksyon upang makagawa ng tapos na produkto. Ang salaping dumadaloy sa pamilihang ito ay
nagmumula sa bahay-kalakal, na tinatanggap naman ng sambahayan bilang sahod, renta, interes, o kita.
Pamilihang Pinansyal (Financial Market)- Ang sambahayan ay nag-iimpok sa pamilihang ito para sa
paggasta sa kinabukasan, samantalang ang bahay-kalakal ay umuutang sa pamilihang ito upang pandagdag
sa kaniyang kapital. Ang paghiram ng bahay-kalakal ng karadagang kapital sa pamilihang pinansyal ay may
kabayaran. Magbabayad ito ng interes para sa hiniram na puhunan. Isang bahagi ng interes ay bumabalik sa
sambahayan bilang kabayaran sa bagong mga oportunidad na ibinibigay ng perang impok sa mga bahay-
kalakal. Ang ibang bahagi ng interes ay naiiwan sa institusyong pampinansyal bilang kita at panibagong kapital
para sa pagpapautang.
1. Dalawa lamang ang pangunahing aktor ng modelong ito ang sambahayan at mga bahay-kalakal.
2. Ang daloy sa sambahayan at bahaykalakal ay iisa lamang ang lumilikha ng produkto ay siya ring consumer
nito.
3. Ang halaga ng produksyon ay halaga din ng pagkonsumo ng ekonomiya.
Ang
simpleng ekonomiya ay kadalasang nakikita sa mga pinakamahirap na probinsya sa ating bansa. Dito ang
mga mamamayan ay napipilitang magtanim upang mayroon silang anihin at kainin. Kadalasan ang inaani ng
mga mamayan sa mga lugar na ito ay sakto lamang para sa kanilang pangangailangan. Kung nais nilang may
kainin sa hinaharap, kailangan nilang magtira ng mga buto o tanim na pagmulan ng panibagong usbong.
Mahirap at matagal lumago ang ganitong ekonomiya dahil iisa lang ang aktor na gumagawa rito.
Ang ikalawang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
1. Dalawa lang ang pangunahing aktor ng modelong ito ang sambahayan at mga bahay-kalakal.
2. Magkaiba na ang bumubuo sa sambahayan at mga bahay-kalakal.
3. Nag-uugnay ang sambahayan at bahay-kalakal sa loob ng dalawang uri ng pamilihan.
4. Sa loob ng goods market, ang sambahayan ay ang mamimili habang ang mga bahay kalakal ang
nagbebenta.
5. Sa loob ng factors market, ang bahay-kalakal ay ang mamimili, habang ang sambahayan ang nagbebenta.
6. Ang pangunahing gawaing pang-ekonomiya sa modelong ito ay ang pagbenta at pagbili
8|AP 9
Ang pamilihan ng kalakal at serbisyo o goods market na marahil ang pinakapamilyar sa maraming tao dahil
halos lahat tayo ay kabahagi ng araw-araw na transaksyong nangyayari sa pamilihang ito. Upang lubos na
maintindihan ang daloy ng pera, kalakal, at paglilingkod sa pamilihang ito, ating suriin kung anong transaksyon
ang nangyayari kapag bumili ang isang mag-aaral ng pagkaing pananghalian.
Kadalasan, ang mga mag-aaral ay bumibili ng kanilang pananghalian sa kantina sa paaralan. Ang kantina
(ang bahay-kalakal sa halimbawang ito) ay naghahanda at nagluluto ng iba't ibang ulam (ang produkto o
paglilingkod na binebenta) na kanilang ilalagay sa isang kabinet (ang pamilihan) upang malaman ng mga
mag-aaral (ang sambahayan) kung ano ang kanilang mga pagpipilian. Ang mga mag-aaral ay bibili ng kanilang
nais kainin batay sa iba’t iibang salik ng pagkonsumo (factors of consumption) sa pamamagitan ng
pagbabayad ng kaukulang halaga na itinakda ng kantina (presyo ng paggasta) para sa kanilang napiling
pananghalian. Samantala, kapag natanggap na ng kantina mula sa estudyante ang perang bayad, ibinabawas
nito ang aktwal na gastos sa paghahanda at pagluluto ng mga pananghalian at ang matitirang sobra ang siya
namang kita ng negosyo. Ang kita ay isang insentibo upang ipagpatuloy ng bahay-kalakal ang kaniyang
bahagi sa pamilihan. Sa halimbawa na ito, ang kantina bilang bahay-kalakal ay isang produser. Siya ang
nagdadala ng suplay sa pamilihan. Samantala, ang mga mag-aaral naman bilang mga mamimili, ang
nangangailangan.
Sa halimbawa sa itaas, mahalagang tandaan na ang bahay-kalakal (ang kantina) ay hindi maaaring
magplano, mamalengke, maghanda, at magluto ng pagkain nang mag-isa. Ang mga gulay ay hindi nahahanda
nang mag-isa; hindi kaya ng mga lamesa at upuan na linisan ang kanilang sarili. Ang kantina ay isang
organisasyong binubuo ng mga indibiduwal na bahagi rin ng sambahayan.
Upang tumakbo ang isang negosyo tulad ng kantina, kailangan ng iba’t ibang indibiduwal ang negosyante or
entreprenyur na siyang magpapasya kung anong klaseng negosyo ang sisimulan, ano at gaano karaming salik
ng produksyon ang kakailanganin niya, ang magpapahiram sa entreprenyur ng paunang kapital, ang may-ari
ng lupa o espasyo na rerentahan ng kantina, at mga empleyado tulad ng tagaluto at waiter na sya namang
gagawa ng kalakal (ang pagkain) at magbibigay serbisyo sa mga mamimili. Bilang kabayaran sa kontribusyon
sa pang-araw-araw na operasyon ng kantina ng bawat indibidwal na nabanggit, maari silang makatanggap ng
salapi. Ang mga empleyado ay tatanggap ng sahod, ang may-ari ng lupa o espasyo ay tatanggap ng renta o
upa, ang nagpautang ay tatanggap ng
interes, at ang entreprenyur ay
magkakaroon ng kita. Sa loob ng
pamilihan ng mga salik sa produksyon,
ang layon ng sambahayan at mga bahay-
kalakal ay nababaligtad. Ang
sambahayan naman ang produser at
pinanggagalingan ng suplay ng salik ng
produksyon habang ang bahay-kalakal
ang mamimili at nangangailangan ng mga
ito. Kapag pinag-ugnay ang daloy sa
9|AP 9
pamilihan ng mga kalakal at serbisyo at sa pamilihan ng mga salik sa produksyon, dalawang closed loop ang
mabubuo. Ang una (ang berdeng linya) ay nagpapakita sa daloy ng salapi kung saan ang paggasta ng isang
aktor ng ekonomiya ay kita naman para sa isa. Dahil dito, ang pera ay hindi napupunta sa sambahayan
lamang o sa bahay-kalakal lamang. Bagkus, ito ay nagiging importanteng instrumento upang mapanatili ang
tuloy-tuloy na gawaing pang-ekonomiya. Samantala, ang panlabas na mga linya sa dayagram (pula) ay isa
ring closed loop. Ito ay nagpapakita na kinakailangan ng mga bahay-kalakal na gumamit ng mga salik ng
produksyon upang makabuo ng mga kalakal at serbisyong ibebenta at ang mga sambahayan naman ang
kailangang gumamit ng mga natapos na mga produkto upang mapanatili ang kanilang kakayahang magbigay
ng mga salik ng produksyon. Ang paglago ng ekonomiya sa ikalawang modelo ay nakasalalay sa pagtaas ng
produksyon, pati na din ang pagdami at paghusay ng produktibidad ng mga salik ng produksyon. Tumataas
ang produksyon kung dumadami ang pangangailangan ng sambahayan. Ibig sabihin, dadami din ang
pangangailangan sa lakas-paggawa, kapital, at iba pang salik ng produksyon. Kung mas maraming
oportunidad sa trabaho, nagkakaroon din ng mas malaking kita ang mga sambahayan na kanila ring gagamitin
sa pagbili ng mas marami pang kalakal at paglilingkod. Samantala, ang pagtaas ng antas ng pagkonsumo ay
nagdadala ng dagdag kapital sa mga bahay-kalakal na kanila namang gagamitin upang palakihin ang kanilang
kapasidad na lumikha ng iba pang kalakal at paglilingkod.
1. Dalawa lang ang pangunahing aktor ng modelong ito—ang sambahayan at mga bahay-kalakal.
2. Ang sambahayan at bahay-kalakal ay lumikha ng tatlong uri ng pamilihan.
3. Ang pagkakaroon ng pamilihang pinansyal ay dahil sa pagkakaroon ng kalabisan (surplus) sa pang-
ekonomiyang gawain ng mga sambahayan at bahay kalakal.
4. Sa pamamagitan ng pamilihang pinansyal, maari ng magplano ang mga sambahayan at bahay-kalakal para
sa kanilang hinaharap.
5. Dahil sa pamilihang pinansyal, ang pag-iimpok at pamumuhunan ay nagiging mahalagang gawain sa
ekonomiya.
Sa ikatlong modelo ay nagkakaroon ng karadagdagang pamilihan kung saan ang mga bangko, kompanya ng
insurance, stock market, at iba pang institusyong pinansyal ang mga pangunahing bahagi. Nabuo ang mga
pamilihang ito dahil nagkaroon ng kakayanan ang mga sambahayan at bahay-kalakal na magdesisyon para sa
hinaharap dulot ng natatanggap na surplus mula sa kanilang gawaing pang-ekonomiya. Di tulad ng sa una at
ikalawang modelo, hindi na kailangan ng sambahayan na gamitin sa pagbili ng produkto o serbisyo ang lahat
ng kaniyang kita. Samantala, maari na ding maglaan ng pinagkukunang-yaman ang mga bahay-kalakal para
sa pagsasaliksik at pagpapaunlad ng mga produkto at serbisyo na maaaring kailanganin ng sambahayan sa
hinaharap. Hindi na lamang ang pangkasalukuyang pangangailangan ang tinutugunan ng mga bahay-kalakal
—maari na rin nitong impluwensyahan ang mga salik ng pagkonsumo sa hinaharap. Sa ikatlong modelo, ang
mga mamimili ay naghahanda na para sa hinaharap sa pamamagitan ng paglagak ng isang parte ng kanilang
kita sa mga bangko, insurance, stock market at iba pang institusyong pinansyal upang hindi na ito maigasta.
Samantala, ang mga bahay-kalakal ay nangungutang sa mga pamilihang pinansyal ng karagdangang kapital
upang gamitin sa planong paglikha para sa hinaharap (pamumuhunan o investments). Dahil dito, hindi na lang
pamimili at paglikha ng produkto ang dalawang gawaing pangekonomiya. Sa loob ng pamilihang pinansyal,
ang pag-iimpok at pamumuhunan ay mahalagang gawaing pang-ekonomiya na rin. Tulad ng ikalawang
10 | A P 9
modelo, ang paglago ng ekonomiya sa ikatlong model ay nakasalalay sa pagtaas ng produksyon. Ngunit hindi
katulad ng ikalawang modelo, ang pamilihang pinansyal ay tumutulong na magdagdagan ang halaga ng salapi
na umiikot sa ekonomiya. Kapag lumaki ang kapital ng bahay-kalakal, maari na ding lumaki ang kita nito at
magkakaroon ito ng kakayanang mag-alok ng mas maraming trabaho. Kapag tumaas ang antas ng trabaho,
dadami din ang makakapag-impok dahil mayroon na silang mas malaking kikitain. Upang maging matatag ang
ekonomiya, kinailangang may sapat na ipon ang sambahayan at kailangan ring may sapat na dami ng bahay-
kalakal na handang mamuhunan.
1. Tatlo ang pangunahing aktor ng modelong ito ang sambahayan, mga bahaykalakal, at ang pamahalaan
2. Ang pamahalaan ay kumikilos tulad ng sambahayan sa pamilihan ng kalakal at serbisyo, at tulad ng bahay-
kalakal sa pamilihan ng mga salik ng produksyon.
3. Ang pamahalaan ay hindi kailanman magbebenta ng mga likha nito. Ang mga kalakal at paglilingkod na
likha ng pamahalaan ay para sa pagpapabuti ng kabuuang kalusugan ng pambansang ekonomiya.
4. Tinutustusan ng sambahayan at bahay-kalakal ang mga pampublikong serbisyo, tulong pinansyal at
subsidiyang ipinagkakaloob ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis.
5. Ang pagbabayad at pangungolekta ng buwis ay isang mahalahang gawaing pangekonomiya sa modelong
ito. Ang mga naunang modelo ay nakasentro lamang sa mga sambahayan at bahay-kalakal mga pribadong
aktor na may pansariling motibo sa pagkilos sa ekonomiya.
Ang katotohanan ng modernong pamumuhay ay maraming kalakal at paglilingkod ang hindi kaya o hindi nais
na likhain ng bahay-kalakal dahil mas malaki ang kanilang gugugulin kaysa benepisyong kanilang
matatamasa. Samantala, maaring walang kapasidad ang mga sambahayan upang likhain ang mga kalakal o
paglilingkod na ito. Ilan sa halimbawa nito ay ang mga daan, paaralan, at libreng pagpapaospital.
Ito ang dahilan kung bakit kinailangan ng pamahalaan na pumasok sa paikot na daloy ng ekonomiya—upang
maipagkaloob nito sa sambahayan at bahay-kalakal ang mga kalakal at serbisyong parehas nilang kailangan
ngunit hindi nila kayang likhain ng mag-isa. Bilang kontribusyon sa iba’t ibang proyekto para sa kaunlaran na
inilulunsad ng pamahalaan, nagbabayad ng buwis ang sambahayan at bahay-kalakal. Ang buwis na
nakokolekta ng pamahalaan ay tinatawag na public revenue o pampublikong kita.
Bukod sa paglikha ng mga pampublikong serbisyo, may kakayanan rin ang pamahalaan na panatilihin ang
patuloy na pagdaloy ng ekonomiya. Nagkakaloob ito ng tulong pinansyal sa mga sambahayang kulang o
walang kapasidad na kumita. Samantala, ang mga bahaykalakal na nagkakaranas ng kahirapan sa paglago ay
maaring humingi ng subsidiya. Mahalagang tandaan na ang pamahalaan ay hindi tulad ng mga sambahayan
at bahaykalakal sapagkat ang gawaing pang-ekonomiya nito ay batay sa kung ano ang kinakailangan ng
nakararami. Binibigyan nito ng pantay na oportunidad ang lahat ng kalahok ng ekonomiya na palaguin ang
kanilang sarili. Ang buwis na kinokolekta ng pamahalaan ay hindi bayad ng mga sambayanan at bahay-kalakal
sa mga pampubikong produkto at paglilingkod. Bagkus, masasabing ang buwis ay isang pamamaraan upang
11 | A P 9
masiguradong magpatuloy ang paikot na daloy ng ekonomiya ng walang pangamba sa maaring mga
pagbabagong dadalhin ng teknolohiya, at produktibidad ng mga salik ng produksyon. Sa ikaapat na modelo,
ang tatag ng ekonomiya ay nakasalalay sa mga proyektong kayang itaguyod ng pamahalaan. Mahalagang
maging epektibo ang paghahatid ng mga serbisyo publiko at pati na din ang paraan sa paniningil ng buwis.
Importanteng siguraduhin ng pamahalaan na hindi makakabawas sa produktibidad ng sambahayan at bahay-
kalakal ang pagbabayad nito ng buwis. Sa kabilang banda, hindi rin dapat maging palaasa ang mga tao at
negosyo sa tulong na ibibigay ng pamahalaan.
1. Ang ekonomiya sa ikalimang modelo ay higit na mas malaki dahil hindi na lamang ito tumutukoy sa
ekonomiya ng isang bansa.
2. Sa ikalimang modelo, ang mga gawaing pang-ekonomiya ng iba’t ibang bansa ay nakakaapekto sa mga
gawaing pang-ekonomiya ng isang bansa.
3. Dahil sa panlabas na sektor, mayroong mga bagong oportunidad ang sambahayan at bahay-kalakal dahil
mas malaki na ang mga pamilihan kung saan sila maaring makipag-ugnayan.
4. Kinakailangan ng mga sambahayan at bahay-kalakal na palakihin ang kanilang kakayahan at produktibidad
dahil sila ay makakaharap ng kompetisyon sa mas marami pang mga sambahayan at bahay-kalakal mula sa
ibang bansa.
5. Ang pagluluwas (export) at pag-aangkat (import) ay dalawang karagdagang gawaing pang-ekonomiya sa
modelong ito.
Ang pandaigdigang kalakalan (global trade) ay nagbubukas ng panibagong mga oportunidad para sa
mga sambahayan at bahay-kalakalan. Halimbawa, sa usapin ng akas-paggawa, maari ng makakuha ng
trabaho ang mga tao sa mga bahay-kalakalan na nakatayo sa ibang bansa. Maari ding makabili ang mga
bahay-kalakal ng mga mas murang salik ng produksyon (pag-aangkat o importation). Bukod pa rito, maari
nang makakuha ng mas malaking kita ang mga bahay-kalakal para sa mga likha nito kung ito ay magbebenta
sa labas ng bansa (pagluluwas o exportation). Ngunit mayroon ding hamon ang kailangang harapin ng mga
sambahayan at bahaykalakal sa pagbubukas ng pandaigdigang kalakalan. Kailangan nilang paunlarin ang
kani-kaniyang kakayahan, kaalaman, at produktibidad dahil mas marami na ring kakompetisyon sa pagtamo
ng kanilang layunin at bahagi sa ekonomiya. Upang maging matatag ang ekonomiya, kinakailangan ng tamang
balanse sa pagkilos ng sambahayan, bahay-kalakal, at pamahalaan sa loob ng iba’t ibang mga pamilihan.
12 | A P 9
Mahalaga ring maging maalam ang pamahalan sa pinansyal na pagpaplano upang makapaglaan ito ng sapat
na pinagkukunang-yaman na susuporta sa mga pang-ekonomiyang gawain ng mga sambahayan at bahay-
kalakal.
PANGALAN: PETSA:
Alamin Natin
BAITANG AT SEKSYON: GURO:
Isaisip Natin
Gawain 4: Pagtapat-Tapatin Natin!
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang hinihingi o inilalarawan ng Hanay A.
13 | A P 9
Gawain 5: Punan Mo Ako!
1. ______________________________
2. ______________________________
3. ______________________________
4. ______________________________
5. ______________________________
6. ______________________________
7. ______________________________
8. _____________________________
E. Ang dalawang pangunahing aktor ng ekonomiya. Kung wala sila, wala ring daloy ng ekonomiya.
Sagutan Natin
Gawain 6: I-uri mona yan!
Isulat sa patlang kung kaninong responsibilidad o saan nagaganap sa paikot na daloy ang mga
sumusunod.
SB – Sambahayan PM – Pamahalaan
BK – Bahay-kalakal BN – Bangko
PS – Pamilihan ng Salk ng Produksiyon XM – Panlabas na Sektor
PP – Pamilihan ng mga Produkto at Serbisyo
14 | A P 9
__________6. Nagbabayad ng buwis mula sa sahod.
__________7. Nagbibigay ng mga serbisyong pampubliko.
__________8. Nagbabayad ng buwis mula sa kita ng negosyo.
__________9. Itinatabi ang salapi ng sambahayan.
__________10. Nagpapautang sa mga bahay-kalakal upang mapaunlad ang kanilang produksiyon.
__________11. Nangongolekta ng buwis.
__________12. Nagpapanatili ng kaayusan sa daloy ng ekonomiya.
__________13. Pangunahing tagabili ng lupa, lakas-paggawa, kapital, at entrepreneur.
__________14. Tumatanggap ng upa, sahod, interes, at tubo.
__________15. Sumusunod sa mga pandaigdigang batas sa kalakal.
Gawain 7 Situation Analysis. Isulat sa kahon ang epekto ng mga pahayag sa bawat bilang.
4. Pag-iimpok sa bangko
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
15 | A P 9
Tandaan
Sanggunian
16 | A P 9
AralinA. 2
B.
Pambansang Kita
L
A Sa aralin na ito, inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:
Y
U Nasusuri ang pamamaraan at kahalagahan ng pagsukat ng pambansang kita.
N
I
N
Simulan Natin
FLASH
GDP NG PILIPINAS
TUMAAS NG 6.8%
Pamprosesong Tanong:
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________________
17 | A P 9
Talakayin Natin
Ayon kay Adam Smith, malalaman natin kung ang isang tao ay mayaman o mahirap depende sa
kung anong mga pangangailangan, kaginhawahan, at libangan ang kaya niyang tustusan. Ito ang dahilan
kung bakit lahat ng bansa ay gumagamit ng Gross National Product at Gross Domestic Product, upang
sukatin ang kanilang pinansiyal na kakayanan. Mula sa halaga ng GNP at GDP ng isang bansa, masasabi
kung ito ay mahirap o mayaman.
Ang lahat ng panukat sa pambansang kita ay gumagamit ng apat na salik na maaari ding makita sa
paikot na daloy ng ekonomiya. Ang mga salik na ito ay ang sumusunod:
paggasta ng mga consumer (C), pamumuhunan ng mga bahay-kalakal (I), paggasta ng pamahalaan
(G), at ang pagkakaiba sa pagitan ng halaga ng mga produkto na na-import at ang halaga ng mga
produkto na na-export ng isang bansa (net exports o X).
Ang pagkakaiba sa bawat paraan ng pagsukat sa pambansang kita ay nakasalalay sa kung sino ang
nagmamay-ari ng kita (ownership), at kung saan ginawa ang paggasta (location). Sa sumusunod na
paglalarawan ay ginamit ang ekonomiya ng Pilipinas bilang batayan ngunit ang mga ideya ng mga
konseptong tatalakayin ay totoo rin para sa ibang bansa.
Binibilang na parte ng GNP ang kita ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at mga negosyo ng mga
Pilipino na may operasyon sa ibang bansa.
Ang mga produktong lokal na gagamitin bilang hilaw na materyales ay hindi pa isinasama sa pagbilang ng
GNP. Halimbawa, ang dahon ng abaka, kapag pinitas ay walang epekto sa GNP ng bansa. Subalit,
kapagito ay dinala na sa pamilihan at binili na ng isang bahay-kalakal upang gamiting materyales para sa
pamaypay, maidadagdag sa GNP ang market value nito.
18 | A P 9
Bagaman ginagamit ang GNP bilang panukat ng pinansiyal na kapasidad ng isang bansa, hindi ginagamit
ang mga salitang “mayaman” at “mahirap” bilang pagsasalarawan. Bagkus, sinasabing “mas malaki” o
“mas malago” ang isang ekonomiya kung mas mataas ang GNP nito kaysa sa ibang bansa.Mapapansin sa
larawan sa sinundang pahina na hindi GNP ang terminong ginamit sapagkumpara sa mga bansa. Bagkus,
ginamit ang panibagong terminong Gross National Income (GNI). Bagaman parehas ang konsepto sa likod
ng GNP at GNI, marami nang pagbabago sa pagkalkula ng GNP, kaya naman sa larangan ng
internasyunal na estatistika, kilala na ito sa tawag na Gross National Income. Sa pagpapatuloy ng aralin,
makikita sa pagsasalarawan ng GNI kung paano pa sila nagkakaiba ng GNP, pati na rin ang mga dahilan
kung bakit hindi na ginagamit ang GNP sa internasyunal na pagkukumpara ng mga bansa.
Ang GDP ay sinusukat nang kapatan o quarterly, ngunit mayroon ding taunang pagbabalangkas nito.
Kabilang sa pagtatala ng GDP ang mga sumusunod:
Halaga ng pinal na produkto at serbisyong binili o ginamit ng mga pribadong consumer, kabilang
na ang value-added ng bawat materyales na ginamit upang makabuo ng isang tapos na produkto.
Halimbawa, sa paggawa ng pamaypay, iba ang halaga ng raw material na abaka sa tapos na
produkto. Ang pagkakaiba sa halaga ay ang tinatawag na value added.
Halaga ng mga produkto at serbisyong binili o ginamit ng pamahalaan upang maghatid ng mga
pampublikong serbisyo sa mga mamamayan.
Interes sa pamumuhunan at pag-iimpok ng mga indibiduwal at ng mga bahay-kalakal.
Lahat ng pampubliko at pampribadong kita ng isang bansa buhat sa mga investment.
Net export o ang halaga ng kabuuang export ng bansa, bawas na ang halaga ng kabuuang angkat
o import nito.
Bagaman ang aralin na ito ay nakatuon lamang sa pagsasalarawan ng GNP at GDP bilang panukat
ng ekonomiya ng isang bansa, mahalagang malaman natin na hindi na ginagamit ang GNP sa
pagkukumpara ng pang-ekonomikong kalagayan ng mga bansa sa internasyunal na kalakaran.
Bagkus, ginagamit na ang Gross National Income o GNI.
Ang pagbabagong ito ay dahil sa mga nakitang limitasyon ng GNP. Narito ang ilan sa limitasyong
naitala:
Ang GNP ay nakasalalay sa kasalukuyang halaga ng mga bilihin, kaya hindi maaaring
19 | A P 9
ikumpara ang bawat taon nang basta-basta na laman, bagkus, kailangan pang i-convert ang
GNP na nais ikumpara sa isang batayang taon (base year) upang makuha ang pamantayang
presyo ng mga produkto.
Hindi sinasalamin ng GNP ang pagbabago ng populasyon ng isang bansa. Hindi nakikita rito
ang pagdami ng mamamayang may kakayahang magtrabaho, na maaaring maging dahilan ng
pagtaas ng GNP.
Hindi rin makikita sa GNP ang epekto ng negative externalities o iyong mga salik na
nakapagpapabawas ng produktibilidad ng isang bansa. Halimbawa, ang pagkakaroon ng
sakuna ay maaaring magpataas ng GNP ng isang bansa dahil kailangang magpatayong muli
ng mga gusali, o kaya ay ipaayos ang mga daan. Sa ganitong pagkakataon, ang paggalaw ng
GNP ay hindi tunay at makabuluhang pagtaas.
Hindi sinasalamin ng GNP ang tunay na distribusyon ng kita sa lipunan. Kahit na tumaas ang
GNP sa isang taon, hindi ito nangangahulugang bumuti ang buhay ng lahat ng mamamayan
ng isang bansa.
Kung ang GNP ay ang kabuuang halaga ng lahat ng produktong nagawa ng mga Pilipino,ang GNI
naman ay ang kabuuang kita (mula sa pag-aari ng mga salik ng produksyon) na natanggap ng mga
Pilipino, saan man sila nakatira, pati na rin ang mga ginastos ng mga Pilipino at dayuhan sa loob ng
bansa. Kasama rin sa GNI ang buwis na binayaran ng mga dayuhang negosyo na may operasyon sa
Pilipinas, at ang benepisyo (tulad ng pensyon) at sahod ng mga dayuhang sa Pilipinas na nakatira,
permanente man o hindi. Ang GNI ay sumasalamin sa aktuwal na salapi na dumadaloy sa ekonomiya ng
bansa, na maaaring pagmulan ng buwis na gagamitin ng pamahalaan para sa mga pampublikong
produkto at serbisyo nito.
May mga internasyunal na organisasyon tulad ng World Bank na mas gustong gamitin ang GNI kaysa sa
GNP, dahil kadalasan ay maliit lamang ang pagkakaiba nito mula sa GDP. Ayon sa maraming
ekonomista, dahil sa paikot na daloy ng ekonomiya, ang halagang natatanggap ng isang bansa at ang
kanilang ibinabayad sa ibang bansa ay hindi gaanong nagkakaiba. Maaari lamang magkaroon ng
malaking discrepancy ang GNI at GDP ng isang bansa kung ito ay tumatanggap ng malaking foreign aid
tulad ng East Timor o kaya naman ay kung ang malaking bahagi ng ekonomiya nito ay nasa kontrol ng
mga dayuhang negosyo tulad na lamang sa kaso ng Ireland.
Mula sa GNI, naniniwala ang mga ekonomista na mas madaling matutukoy ng mga bansa ang
kabuuang badyet na maaari nilang gamitin upang suportahan ang mga pang-ekonomikong layunin ng
bansa. Sa Pilipinas, ginagamit pa rin ang terminong GNP para sa pambansang kita, ngunit ginagamit
nito ang GNI kapag ikinukumpara na ang Pilipinas sa ibang bansa.
Ang Pagkakaiba ng Gross National Product, Gross Domestic Product at Gross National Income
Ang talahanayan sa kasunod na pahina ay nagbubuod kung ano ang kasama at hindi kasama sa GNP,
GDP, at GNI. Gamitin natin ang ekonomiya ng Pilipinas.
20 | A P 9
Alamin Natin
Gawain 2 Kaalaman
Isulat sa patlang ang kahulugan ng mga sumusunod na mahahalagang terminolohiya.
5. GNP Deflator-________________________________________________________________
Isaisip Natin
21 | A P 9
Gawain 4 Sanhi at Bunga
Isulat ang maaring sanhi ng mga sumusunod ng mga sumusunod na pangyayari sa
ekonomiya ng isang bansa.
2. Kawalan ng trabaho-
3. Mataas na GDP-
6. Marami sa mga mamamayan ay inilalaan ang malaking bahagdan ng kanilang kinikita sap ag-
iimpok-
Subukan pa Natin
Gawain 5
Pagsusuri
ng Grap.
Suriin ang grap batay sa mga katanungan sa ibaba.
1. Ilan ang GNP sa taong 2010?_________________________________________________
22 | A P 9
1. Ilan ang GDP current prices sa taong 2010?__________________________________
2. Ilan ang real GDP ng 2009?_______________________________________________
3. Ilan ang diperensya ng real GDP ng taong 2010 sa taong 2009?__________________
4. Ilan ang real GDP growth rate ng 2010?_____________________________________
5. Anong taon ang may pinakamababang real GDP growth rate?____________________
Tandaan
Sanggunian
Bon, C and Bon, R., (2015) “Ekonomiks sa Makabagong Panahon” Vibal
publishing House
Benitez, E., (2020) “Ugat ng Lahi: Ekonomiks” AKM Publishing House
Imperial et. al, (2017) “Kayamanan: Ekonomiks” Rex Book Store
23 | A P 9
Aralin 3 Implasyon
L
A
Y Sa aralin na ito, inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:
U
N Natatalakay ang konsepto, dahilan, epekto at pagtugon sa implasyon.
I
N
Simulan Natin
Pagyabungin Natin
Gawain 2 Suri-larawan
Suriin ang larawan sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanugan sa ibaba
40.00/Kilo 50.00/Kilo
24 | A P 9
Ano ang ipinapakitang pagbabago sa larawan?
Talakayin Natin
Kahulugan ng Implasyon
Ang implasyon ay ang patuloy na pangkalahatang pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin sa lahat
o halos lahat ng pamilihan sa buong bansa. Kabilang dito ang mga produktong ginagamit natin sa araw-
araw na pamumuhay at ang iba naman ay may mahalagang papel na ginagampanan sa produksyon tulad
ng harina at langis.
Noong unang panahon sa kasaysayan ng ekonomiya ng Europe ay nakaranas ito ng hyperinflation.
Naranasan ito sa panahon ng Great Depression noong 1920 at labis na naapektuhan nito ang bansang
Germany. Ang hyperinflation ay ang sobrang pagtaas ng presyo ng mga bilihin bawat araw habang
sinasabayan ito ng kawalan ng trabaho kung kaya’t walang kakayahang bumili ang mga mamamayan.
Ang deplasyon naman ay ang patuloy na pangkalahatang pagbaba ng mga presyo ng mga bilihin
sa lahat o halos lahat ng pamilihan sa buong bunso. Ito ay nagaganap kapag ang mga mamamayan sa
isang bansa ay nawawalan ng kakayahang bumili dahil sa malawakang kawalan ng hanapbuhay,
pagsasara ng mga negisyo, at pagabagsak ng ekonomiya. Nangyari ito sa Japan sa kalagitnaan ng
dekada 90. Dahil dito, humina ang Negosyo sa Japan na naging dahilan ng pagbaba ng paglago ng
kanilang ekonomiya.
1. Cost-Push Inflation
Nagkakaroon ng ganitong uri ng implasyon kapag ang mga halagang ginastos sa paglikha
ng produkto ay ginastusan ng Malaki o may kamahalan. Upang mabawi ng mga mangangalakal
ang kanilang puhunan ay ikinakarga o ipinapasa nila ito sa mga mamimili o konsyumer. Ang ilan sa
mga posibleng dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang
mercado, pagdagdag ng pamahalaan sa mga singiling buwis, paghahangad ng mga
mangangalakal na kumite ng Malaki, paghingi ng karagdagang sahod, pakikielam ng middleman sa
pagahhatid ng produkto, at pangungutang ng pamahalaan sa ibang bansa at mga internasyunal na
institusyong pampinansyal.
2. Demand-Pull Inflation
Nagkakaroon ng ganitong uri ng implasyon kapag marami ang naghahangad ng isang
particular na produkto. Sasabayan pa nito ang pagtatago ng mga negosyante ng mga produkto o
hoarding. Halimbawa, kapag malapit ang kapistahan sa isang lugar ay tataas ang demand sa mga
karne ng baboy at manok, at iba pang sangkap sa pagluluto.
3. Import Inflation
Ang ating bansa ay kinakikitaan ng pagiging palaasa sa mga dayuhang materyales na
ginagamit sa paglikha ng produkto. Ang tawag dito ay import dependent na ginagamit sa assembly
line sa paggawa. Kapag nagkakaroon ng pagtaas ng halaga ng dolyar laban sap iso, nagdudulot ito
ng mataas na puhunang kinakailangan upang mabili ang mg
a imported na materyales. Ipinapasa ito sa mga mamimili upang mabawi ang puhunang nagdudulot
ng implasyon.
4. Structural Inflation
Upang makahanap ng solusyon ang pamahalaan sa pagsagot ng suliraning pang-
ekonomiya, nagsasagawa ito ng iba’t ibang hakbang o plano na maaaring makaapekto sa iba’t
ibang sector ng ekonomiya. Kapag nagpatupad ng bagong kaparaanan sa pagbabayad ng buwis
ay makakaapekto ito sa pagitan ng mga manggagawang kumite ng kinsenas at katapusan o wage
earners at mga namumuhunan o profit earners.
25 | A P 9
mga remittances ng produkto.Kailangan bawasan ang
mga OFW at gastos man ito o hindi pa sirkulasyon ng pera
ng mga pulitiko. gaano kailangan. sa ekonomiya.
Market Basket
Upang makuha ang CPI, mahalagang malaman ang presyo ng mga nakapaloob sa market
basket sa isang particular na lugar. Sa pamamagitan nito, masusuri ang pangkalahatang
pagbabago sa presyo ng mga bilihin.
26 | A P 9
Kabuuang Presyo ng Kasalukuyang Taon
CPI = x100
Kabuuang Presyo ng Basehang Taon
Pormula:
148.6 – 100
Inflation Rate = x 100
100
48.6
= x 100
100
= 0.486 x 100
Nasusukat din sa pamamagitan ng CPI ang tunay o aktuwal na halaga o Purchasing Power
of Peso.
Pormula:
1
PPP = X 100
CPI (Kasalukuyan)
Halimbawa:
Sa taong 2010, ang halaga ng piso ay piso pa rin. Pagdating ng taong 2011, ang PPP ay 0.67 na
lamang. Samakatuwid, bumaba ang kakayahan ng piso na makabili dahil sa pagtaas ng presyo ng
mga bilihin.
27 | A P 9
Alamin Natin
28 | A P 9
Gawain 3 Morse Type
Kilalanin kung anong uri ng implasyon ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang DP kung ito ay
demand-pull, CP kung ito ay cost-push, at ST kung ito ay structural inflation.
Isaisip Natin
_________1. Dahil sa implasyon, maaaring mawalan ng impok sa bangko ang mga tao.
_________2. Madaling bigyan ng solusyon ang suliranin ng implasyon.
_________3. Maraming mabibiling mga produkto at serbisyo kung may implasyon.
_________4. Isa sa maaaring solusyon ng pamahalaan upang malutas ang suliranin ng implasyon ay
mangutang ng salapi mula sa ibang bansa.
_________5. Ang wastong paggamit sa ating mga pinagkukunang-yaman ay isang solusyon sa
implasyon.
_________6. Ang paggamit ng teknolohiya ay may di-mabuting maidudulot sa ekonomiya ng bansa.
_________7. Ang paggastos ng pamahalaan nang sobra dahil sa pampublikong kadahilanan ay isang
halimbawa ng epekto ng implasyon.
_________8. Ang walang sapat na likas na pinagkukunang-yaman ng bansa ay isang dahilan ng
implasyon.
_________9. Ang palagiang pagtaas ng presyong nararanasan ng isang bansa ay tinatawag na
implasyon.
_________10. Mas mataas ang bahagdan ng implasyon tuwing Pasko at pasukan.
Subukan pa Natin
2. Inflation rate –
3. PPP -
29 | A P 9
Gawain 6 Sanhi at Bunga
Isulat sa patlang kung sanhi o bunga ng implasyon ang mga sumusunod na sitwasyon.
___________1. Pagkakaroon ng kakulangan sa mga produkto na nagpapataas ng presyo sa
pamilihan.
___________2. Pagtataas ng sahod ng mga manggagawa.
___________3. Pagpapataw ng pamahalaan ng bagong buwis.
___________4. Panghihina ng mga institusyon at mga sektor ng isang eknomiya.
___________5. Panghihina ng Negosyo na nagiging dahilan ng pagbagal ng paglago ng
ekonomiya.
___________6. Pagtaas ng palitan ng piso at dolyar.
___________7. Pagbabago ng kalagayan ng temperature at panahon ng bansa.
___________8. Paggastos ng pamahalaan nang labis.
___________9. Pagkawala ng gana ng taong mag-impok.
___________10. Pagbaba ng kakayahang makabili ng piso.
Sagutan Pa Natin
30 | A P 9
Gawain 8 Pagpapamalas ng Pag-unawa
Ano ang mga kaparaanan na magagawa ng mga sumusunod na bahagi ng ekonomiya sa
pagtaas ng presyo ng bilihin?
1. Konsyumer-
2. Prodyuser-
3. Pamahalaan-
Tandaan
Sanggunian
31 | A P 9
Bon, C and Bon, R., (2015) “Ekonomiks sa Makabagong Panahon” Vibal
publishing House
Benitez, E., (2020) “Ugat ng Lahi: Ekonomiks” AKM Publishing House
Imperial et. al, (2017) “Kayamanan: Ekonomiks” Rex Book Store
C.
Aralin 4 D.
E.
Ang Patakarang Piskal
L
A Sa aralin na ito, inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:
Y
U
N Nasusuri ang layunin at patakaran ng patakarang piskal .
I
N
Simulan Natin
1. Sa iyong palagay, maisasakatuparan kaya niya ang mga ito bago matapos ang kaniyang
termino? Pangangatwiranan.
Talakayin Natin
Kahulugan ng Patakarang Piskal
Pagpapatatag ng Ekonomiya
33 | A P 9
Ito ay tumutukoy sa kawalan ng matinding pabago-bago sa ekonomiya. Ito ay naglalarawan
ng mababa at matatag na implasyon, at constant na pagtaas ng produksiyon. Ang isang
ekonomiyang madalas magbago ang rate ng implasyon at madalas magkaroon ng malaking
resesyon sa ekonomiya sa batid na hindi matatag.
Paglagong Ekonomiko
Ito ay tumutukoy sa pagtaas ng antas o dami ng produkto at serbisyo na naiprodyus ng
ekonomiya ng isang bansa sa partikular na panahon. Karaniwang sukat ng paglago ng ekonomiko
ay ang pagtaas ng GNP o GDP. Ang paglagong ekonomiko ay karaniwang natatamo sa
pamamagitan ng pagbabago sa teknolohiya at positibong puwersang panlabas.
Paggastos ng Pamahalaan
Ito ay tumutukoy sa mga bagayna pinaglalaanan ng pamahalaan ng badyet upang
mapaunlad at mapatatag ang ekonomiya ng bansa. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng
pagbabayad ng kita ng pamahalaan.
Pagbubuwis
Ito ay tumutukoy sa pangunahing pinagkukunan ng kita ng pamahalaan. Ito ay sapilitang
kontribusyon na iniaatas sa lahat ng mga nagtratrabaho at mga kompanya.
Neutral
Ito ay nagpapahiwatig ng balanseng badyet na ang gastusin ng pamahalaan ay pantay sa
buwis na nakolekta ng pamahalaan. Sapagkat ang gastusin ng pamahalaan ay ganap na
pinondohan ng nakolektang buwis, may neutral na epekto ito sa lebel ng kinikita sa isang bansa.
Eskpansiyonari
Ang eskpansiyonari na patakarang piskal ay isinasagawa sa panahon ng Bust period na
layuning buhayin ng pamahalaan ang ekonomiya ng bansa.
Kontraksiyonari
Ang kontraksiyonari na patakarang piskal ay isinasagawa sa panahon ng Boom Period na
sa panahong ito, nakararanas ng kasiglahan ang ekonomiya ng bansa.
Alamin Natin
34 | A P 9
Gawain 2 Talasalitaan
Buuin ang mga salita sa bawat bilang.
Gawain 3 Tukuyin
Tukuyin kung ito ay Neutral, Eskpansiyonari o Kontraksiyonari.
Nakakamit ba ng
pamahalaan ang kaniyang
mga layunin sa
pagsasagawa ng
patakarang piskal ng
bansa?
Isaisip Natin
1. Mag-aaral-
2. Nagbabayad ng buwis-
3. Pamahalaan-
4. Mangangalakal o negosyante-
35 | A P 9
Subukan pa Natin
2. Expansionary Fiscal
Policy
3. Contractionary Fiscal
Policy
Sugutan Natin
2. Ano ang epekto ng patakarang piskal? Aling kalagayan ang Mabuti at bakit?
36 | A P 9
Tandaan
Ang salitang piskal o fiscal ay galing sa salitang Latin na fisc na ang ibig
sabihin ay “basket” o “bag.”
Ito ay tumutukoy sa pamamalakad ng pamahalaan sa paggamit ng pera
ng bayan sa kapakinabangan ng bansa. Ito ay partikular na tumutukoy
sa paggastos ng pamahalaan at pagbubuwis upang
maimpluwensiyahan ang lebel ng kinikita.
Ang neutral ay nagpapahiwatig ng balanseng badyet na ang gastusin
ng pamahalaan ay pantay sa buwis na nakolekta ng pamahalaan.
Ang eskpansiyonari na patakarang piskal ay isinasagawa sa panahon
ng Bust period na layuning buhayin ng pamahalaan ang ekonomiya ng
bansa.
Ang kontraksiyonari na patakarang piskal ay isinasagawa sa panahon
ng Boom Period na sa panahong ito, nakararanas ng kasiglahan ang
ekonomiya ng bansa.
Sanggunian
37 | A P 9
F.
Aralin 5 G. Ang Patakaran ng Pananalapi ng Pilipinas
H.
L
A Sa aralin na ito, inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:
Y
U Nasusuri ang layunin at pamamaraan ng patakarang pananalapi.
N
I Natataya ang pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya.
N
Simulan Natin
Pamposesong katanungan
1. Ano-ano ang makikita sa larawan?
38 | A P 9
Talakayin Natin
Kahulugan ng Salapi
Ito ay tumutukoy sa ano mang bagay na pangkalahatang tinatanggap bilang isang
instrumento o midyum na ginagamit pambayad sa mga produkto o serbisyo, pamantayan ng halaga,
lagakan ng halaga, at pambayad sa mga naantalang bayarin.
Midyum ng Palitan
Pamantayan ng Halaga
Lagakan ng Halaga
Pamantayan ng Maantalang Pagbabayad
Matibay
Mabubuhat
Mahahati
Kakaunti (Scarce)
Matatag
Salaping Komodoti
Ito ay tumutukoy sa mga unang uri ng salapi na ginagamit ng mga ninuno bilang instrument
ng palitan. Sa sistemang ito, ipinagappalit ang baka ng mais tulad ng ginagawa sa sistemang barter na ang
produkto ay pinapalitan ng produkto rin.
Perang Nakadeposito
Ito ay tumutukoy sa mga salaping nakatago sa mga bangko na maaaring kunin ng may-ari
sa panahon ng pangangailangan. Dahil bukod sa umiiral na salapi sa sirkulasyon, nagagamit na ring
midyum ng palitan ang mga salaping nasa bangko gaya ng tseke, savings deposit na maaring kunin kahit
kalian gaya ng ATM account o passbook account at time deposit na maaari lamang makuha sa
nakatakdang panahon.
Credit Money
Ito ay tumutukoy sa ano mang hinaharap na bayarin laban sa isang indibidwal o kom[anya
na maaaring gamitin sa pagbili ng produkto o serbisyo.
Tseke
Isa sa paraan at komposisyong pananalapi na ginagamit sa malakihang transaksyon. Mas
39 | A P 9
ligtas ang pagdadala ng tseke kumpara sa pera. Mas ligtas ang pagdadala ng tseke kumpara sa pera.
May iba’t ibang uri ng per ana umiikot sa sirkulasyon ayon sa mga ekonomista at ito ay ang mga
sumusunod:
M1= Ito ay binubuo ng mga cash tulad ng barya at mga perang papel na pinahintulutan ng gobyerno at
ginagamit ng lahat. Kabilang din dito ang tseke at lahat ng per ana umiikot sa ekonomiya.
M2 = Itinuturing na quasi-money o katulad ng pera. Ito ay pinagsamang M1 at impok kabilang ang mga
sumusunod:
a. Deposit substitutes – Kasama dito ang mga bill bonds, securities and stocks at trust funds.
b. Savings deposits – Salaping inilagak ng mga depositor upang kumite ng interes at maaaring
makuha sa anumang araw sa lob ng isang taon.
c. Time deposits – Impok sa bangko na maaari lamang makuha sa napagkasunduang taon na
may kapalit na mataaas na interes.
M3 = Ito ay ang kabuuang salapi na umiikot sa ekonomiya o tinatawag na domestic liquidity o broad
money.
Bago pa naimbento ang salapi bilang instrumenting palitan ay gumamit muna ang mga sinaunang
tao noon ng mga sigay, kabibe, o mga personal na ornamento. Tinatayang mga 300 B.K. lamang
nagsimula ang mga taong gumamit ng mamahaling metal kagaya ng tanso, pilak at ginto bilang salapi. Ang
mga sumusunod na salapi ay ang ginamit sa Pilipinas sa iba’t ibang panahon.
Alamin Natin
40 | A P 9
Gawain 2 Quad Arrow Call-out
Punan ang mga kahon na kinakailangan sa pagkaunawa na nakapaloob sa mga konsepto.
Gawain 3 Talasalitaan
Bilugan ang tinutukoy sa bawat bilang.
1. Ito ang ginagamit bilang midyum ng palitan. (salapi, produkto, serbisyo, kard)
2. Ito ang unang uri ng salapi na ginamit ng mga ninuno. (barya, perang papel, salaping komoditi,
kard)
3. Ito ang tawag sa perang nakatago sa bangko. (credit money, perang komoditi, perang
nakadeposito, perang papel)
4. Ito ang tawag sa bayad para sa paggamit ng salapi. (tubo, sahod, interes, renta)
5. Tawag sa halaga ng metal na ginagamit sa paggawa ng salaping barya. (intrinsic value,
extrinsic value, face value at number value)
Isaisip Natin
Panuto: Maglista ng mga institusyon na bahagi ng sektor ng pananalapi. Ang mga instutusyong
ito ay maaaring isang lokal o internasyunal na ahensiya. Ilagay din sa tsart ang papel ng bawat
institusyon sa usapin ng pananalapi at ekonomiya.
41 | A P 9
Gawain 5: Isaysay mo ako!
Panuto: Magbigay ng iba’t ibang halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng sumusunod na konsepto.
Pangwakas na Pagtataya
PANGALAN: PETSA:
BAITANG AT
GURO:
SEKSYON:
Basahing mabuti ang mga sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng wastong sagot.
1. ginagamit maging ito ay bagong disenyo at lumang disenyo ay legal tender pa rin.
Ano ang ibig sabihin nito?
A. Hindi nakailangan ang nasabing salapi
B. Huhulihin ang may hawak ng lumang disenyo ng salapi
C. Tatanggapin ang salapi bilang midyum ng palitan
D. Papalitan ang salapi
2. Sinusukat ang halaga ng piso upang malaman ang kakayahan nito na makabili ng mga produkto.
Sa pagsukat ng purchasing power of peso, ito ay ginagamitan ng pormulang:
A. 100/PPP
B. CPI/100
C. CPI/PPP
D. 100/CPI
3. Ang pamahalaan ay nagpapatupad ng reporma sa pagbubuwis, isa na rito ang pagtatakda ng
porsiyento ng buwis na babayaran ng tao. Ilang porsiyento ng buwis ang babayaran sa RVAT?
A. 12%
B. 10%
C. 6%
42 | A P 9
D. 8%
4. Ang fiscal policy ay sinasabing expansionary kapag ang pamahalaan ay nilalaanan ang
negatibong epekto ng resesyon at nilalayon na pasiglain ang ekonomiya. Alin sa sumusunod na
mga paraan ang kailangang gawin ng pamahalaan upang mapunan ang budget deficit bilang
isang expansionary na paraan?
A. Pataasin ang buwis
B. Bawasan ang gastos ng pamahalaan
C. Lumikha ng bagong salapi
D. Mangutang ng salapi sa money market
5. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas ay tinaguriang “bangko ng mga bangko.” Isa sa
pinakamahalagang tungkulin nito ay _____________.
A. Tagamasid ng mga bangko
B. Nag-iisyu ng currency
C. Nagpapautang sa mga bangko
D. Kinokontrol ang money supply
6. Sa paikot na daloy ng produkto at serbisyo ay inilalarawan ang mga Gawain ng bawat sector. Ang
pamahalaan ay nagkaloob ng produkto at serbisyo at tumatanggao ng buwis sa _____________.
A. Sambahayan at kompanya
B. Pamilihan ng salik n produksyon at yaring produkto
C. Dayuhang sector at imbestor
D. Sambahayan at pamilihan ng salapi
7. Ang ating bansa ay may GNP na nagkakahalaga ng 157,200,100 noong 2009, samantalang
noong 2010 ay 169, 316,510. Ilang porsiyento ang itinaas ng ating GNP?
A. 7%
B. 7.7%
C. 7.2%
D. 5.7%
8. May iba;t ibang katangian ang salapi. Isa sa mga ito ay magkakapareho. Ano ang kabutihan ng
katangiang ito?
A. Iisa ang sukat
B. Madaling gawin
C. Hindi malilito ang tao
D. Hindi magastos ang paggawa
9. Ayon sa panahalaan ay tumataas ang ating GNI. Maraming mamamayan ang hindi naniniwala sa
nasabing ulat, sapagkat_______________.
A. Hindi kapani-paniwala
B. Marami pa rin ang naghihikahos
C. Tumataas ang presyo ng bilihin
D. Umaangkat parin ng produkto ang bansa
10. Ang purchasing power of peso (PPP) ay inaalam upang malaman ang kalagayan ng ekonomiya.
Kung mayroong CPI na 182.35 sa taong 2012, magkano ang PPP?
A. 45
B. .50
C. .55
D. .60
11. Ang currency ng Japan ay tinatawag na yen, ano ang tawag sa currency ng South Korea?
A. Won
B. Yuan
C. Rupiah
D. Dollar
12. Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay tinatawag na ___________.
A. Deplasyon
B. Implasyon
C. Migrasyon
D. Debalwasyon
13. Lahat ng bansa ay mayroong isang bangko na tinatawag na bangko sentral. Sa ating bansa,
anong bangko ang tinatawag na “bangko ng mga bangko”?
A. Philippine National Bank
43 | A P 9
B. Landbank of the Philippines
C. Bank of Philippine Islands
D. Bangko Sentral ng Pilipinas
14. Anong ahensiya ng pamahalaan ang namamahala sa paniningil ng buwis?
A. BIR
B. DTI
C. DPWH
D. BSP
15. Ano ang tawag sa anumang bagay na ginagamit at tinatanggap bilang tagapamagitan sa mga
transyaksyong pangkabuhayan sa ekonomiya?
A. Implasyon
B. Salapi
C. Bonds
D. Barter system
44 | A P 9