You are on page 1of 24

9

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paikot na
Daloy ng Ekonomiya

1
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang

Alternative Delivery Mode


Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rebecca D. Lumasac


Editor: Rosanna Palispis-Querijero
Rebecca K. Sotto, PhD
Tagasuri: Kristian Marquez
Erfe Donna A. Aspiras
Emelita T. Angara
Angelica M. Burayag, PhD
Tagaguhit: Rose Ann F. Dionisio
Tagalapat: Rose Ann F. Dionisio
Milky Joy B. Anasan
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD
Librada M. Rubio,EdD
Ma.Editha R. Caparas, EdD
Angelica M. Burayag, PhD
Lily Beth M. Mallari
Rosanna Palispis-Querijero

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Region III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

2
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay ng Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong
sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may
kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman
ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang
mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na


matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

3
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang higit na malinang ang antas ng iyong kaalaman sa bahaging
ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

• Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakapagtatalakay ng mga modelo ng paikot na daloy ng pambansang ekonomiya;


2. Nakatutukoy ng bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng pambansang
ekonomiya;
3. Nakapagpapaliwanag ng pagkakaiba ng bawat modelo sa pambansang ekonomiya;
4. Nakagagawa ng halimbawa ng modelo ng paikot na daloy ng pambansang ekonomiya.

4
Subukin
Subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman
tungkol sa paksang tatalakayin.
Panuto: Piliin mo ang titik ng wastong sagot at isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
1. Kung ikaw ay nagbabalak magtayo ng negosyo, ang larangan ng ekonomiks ang iyong pag-
aaralan upang makita ang gawi ng kabuuan ng ekonomiya ay ang pag-aaral tungkol sa
________________.
A. Pamilihan
B. ekonomiya
C. maykroekonomiks
D. makroekonomiks
2. Kinakailangang magtagpo ang mamimili at nagbebenta sa pamilihan upang _______________.
A. bumili ng produkto
B. kumita ang nagbebenta
C. magbuwis ang mamimili at nagbebenta
D. magkaroon ng interaksyon ang mamimili at nagbebenta
3. Masasabing ito ay katangian ng sambahayan kapag ________________.
A. nagbabayad sa bahay kalakal
B. umibili ng kalakal ang sambahayan
C. may-ari ng mga salik ng produksiyon
D. Lahat ng nabanggit
4. Ang mga sumusunod ay layunin ng patakarang pang-ekonomiya maliban sa mapataas ang
_______________.
A. presyo ng bilihin
B. sistemang politikal
C. antas ng produksyon
D. bilang ng may trabaho sa bansa
5. Mailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya kung may _______________.
A. kita at gastusin ang pamahalaan
B. ugnayan ang sektor ng ekonomiya
C. kalakalan sa loob at labas ng bansa
D. transaksyon ang mga institusyong pinansyal
6. Kinakailangang maitaas ng kaukulang aktor ng produksyon at pagkonsumo upang
______________.
A. umunlad ang bansa
B. lumago ang ekonomiya ng bansa
C. maging kasapi ng mayayamang bansa
D. makasama sa pandaigdigang pamilihan
7. Sa modelong ito inilalarawan ang bahay-kalakal at sambahayan ay iisa dahil sa _____________.
A. ikatlong modelo ito mababasa
B. unang modelo ito ipinaliliwanag
C. ikaapat na modelo mo ito makikita
D. ikalimang modelo ito matatagpuan
5
8. Pumapasok ang pamahalaan bilang ikatlong sektor sa modelo ng pambansang ekonomiya sa
pamamagitan ng ______________.
A. kalakalan
B. scholarship
C. pagbubuwis
D. pagbibigay ayuda2
9. Kung ikaw ay kumikita ng Php 20, 000 bawat buwan, ang bahagi ng iyong kinita na hindi
ginagastos ay itinatabi mo at ilalaan sa ______________.
A. allowance
B. pag-aaral
C. kinabukasan
D. insentibo sa sarili
10.Paano nakalilikom ng pondo ang pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod?
A. Sa tulong ng electric revenue C. Sa pamamagitan ng public revenue
B. Sa ambag ng financial revenue D. Sa pangangasiwa ng private revenue
11. Hindi kabilang sa pamilihang pinansyal ang korporasyon sapagkat ______________.
A. madami kayo dito
B. hindi ka makauutang dito
C. kinakailangang may share ka dito
D. mayayaman lang ang miyembro nito
12.Nagkakaroon ng ugnayan ang dalawang magkaibang ekonomiya sa pamamagitan ng
pagpapalitan ng mga kalakal sapamamagitan ng_______________.
A. pamahalaan C. produksiyon
B. pamilihang pinansyal D. panlabas na sektor
13. Sa mga modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang anumang pagtamlay ng ekonomiya ay
maaaring isisi sa ______________.
A. sambahayan dahil dito nagmumula ang mga salik ng produksiyon.
B. bahay-kalakal dahil dito ang lumilikha ng mga produktong kailangan ng lahat.
C. lahat ng sektor dahil ang bawat isa ay may magkakaugnay na gampanin sa isa’t isa.
D. Pamahalaan dahil ito ang nagpapatupad ng mga alituntuning pang-ekonomiya.
14. Paano lamang nagkakaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
A. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal.
B. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na
gagamitin ng mga bahay-kalakal.
C. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim sa pagpoproseso
ng bahay-kalakal.
D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho
para sa bahay-kalakal.
15.Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan ka makatutulong sa pamahalaan sa wastong
pangongolekta ng buwis?
A. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader.
B. Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store.
C. Paalalahanan ang magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis.
D. Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis.

6
Mga Tala para sa Guro

Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang


magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Siguraduhing naituro na sa mga mag-aaral ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan sa


regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan upang maiwasan ang kalituhan sa pagsasagawa ng
mga gawain.
Ipagpatuloy ang paggabay/pagsubaybay sa mag-aaral habang isinasagawa ang pagsagot
sa mga pinatnubayang gawain para sa paksang aralin na nasa modyul na ito.

Aralin Paikot na Daloy ng


1 Ekonomiya

Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay binubuo ng iba’t ibang modelo at sektor na may
magkakaugnay na gampanin. Sa iyong palagay, ano-ano ang pagkakaiba-iba ng limang modelo at paano
ito makatutulong sa pag-angat ng ekonomiya?

Balikan
Panuto: May apat na bumubuo sa pamilihang may hindi ganap na kompetisyon na nasa kahon sa ibaba.
Isulat sa sagutang papel ang katangiang naglalarawan sa mga ito.

Monopolistikong Kompetisyon Oligopolyo

Monosopyo Monopolyo

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang ginagampanan ng pamahalaan sa gawaing pangkabuhayan ng bawat isa?


2. Paano ito nakaaapekto o nakatutulong sa kanila

7
Tuklasin
Ang pag-aaral ng makroekonomiks ay sumasaklaw sa kabuuang ekonomiya ng isang bansa.
Hindi lamang isa o dalawang institusyon ang kumakatawan sa paggalaw na ito kundi ang lahat ng tao
at mga pangkat ng tao na matatagpuan sa isang lipunan.

Bilang panimula, nais kong sagutin mo ang mga sumusunod na mga katanungan bilang bahagi
ng pagtuklas sa ating aralin.

GAWAIN: Game Ka na Ba?


Panuto: Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang makabuo ng mga salitang may kaugnayan para
sa tatalakaying modyul. Isulat ang mga nabuong salita sa sagutang papel.

1. Nagbebenta ng kalakal at paglilingkod.


YHABA LAAKLAK
2. Salapi o pera na sinisingil ng pamahalaan upang kumita.
WUBIS
3. Tagatustos ng mga salik sa produksiyon.
HAYBASAMAN
4. Nagbibigay ng mga pampublikong paglilingkod para sa sambayanan.
HAMAANPAAL
5. Pagpasok ng mga produktong galing sa ibang bansa.
ORTPIM
6. Pagluluwas ng mga produktong galing sa bansa.
OXTPER
7. Proseso ng paggawa ng produksyon.
SYNOUKRPDO
8. Paghahanda para sa hinaharap.
OKIMPIGAP
9. Pamilihan ng mga tapos na produkto.
TEKAMRDYTIMOMO
10. Pamilihan ng mga salik ng produksiyon.
CATOFMRAKREMT

Pampresesong Tanong:
1. Ano ang ideya mo sa mga salitang iyong nabuo?

2. Ano ang iyong pagkaunawa sa salitang ekonomiya?

8
Suriin
May iba’t ibang modelo ang pambansang ekonomiya. Ito ay nagbibigay ng konteksto sa
pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa makroekonomiks. Ang modelo ng pambansang ekonomiya ay
naglalarawan ng interdependence ng lahat ng sektor sa isang ekonomiya. Sa pamamagitan nito,
naipakikita nang simple ang reyalidad.

Ang pagtataya sa buong gawi ng lipunan ay isang malawak na gawain. Upang mailarawan ang
galaw ng pambansang ekonomiya sa isang simpleng kalagayan maipakikita ito sa pamamagitan ng
Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
Unang Modelo. Payak na Ekonomiya. Ito ay nagpapakita ng isang payak na ekonomiya na kung
saan ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang gumagawa ng produkto ay siya ring kumukonsumo.
Ikaw ay bibisita sa iyong kamag-anak sa Visayas. Habang nasa laot, inabutan kayo ng bagyo at
nasira ang inyong sinasakyang barko. Dinala ka ng alon sa pampang at napagtanto mong mag-isa kang
nakaligtas, walang kasama at hindi kaagad agad makakaalis sa lugar.Ano ang gagawin mo upang
makuha ang iyong pangangailangan? Hindi ba’t gagawa ka ng paraan para makuha ang iyong
pangangailangan? Hahanap ka ng makakain, mga bagay na kakailanganin mo upang ikaw ay mabuhay.
Ikaw ang gagawa ng paraan upang makaalis ka sa iyong kinalalagyan sapagkat walang ibang gagawa
nito para sa iyo.
Pigura 1

Kumukonsumo ng mga produkto Sambahayan Bahay-Kalakal

Ikalawang Modelo. Ang Bahay-kalakal at Sambahayan. Sa modelong ito, ang ekonomiya ay nahahati sa
dalawang sektor: ang sambahayan at bahay kalakal. Mayroong itong dalawang pamilihan: (1) ang
pamilihan ng salik ng produksiyon o factor markets (lupa, lakas-paggawa, entreprenyur, kapital) at (2)
pamilihan ng mga tapos na produkto o commodity (kilala bilang goods market o commodity market) at
serbisyo.

9
Makikita sa Pigura 2, na ang nasa loob na daloy ay mga produkto at serbisyo sa pagitan ng
sambahayan at bahay-kalakal. Ipinagbibili o pinapaupahan ng sambahayan ang paggamit ng kanilang
lupa, lakas-paggawa, kapital, pamamahala sa pamilihan ng salik ng produksiyon. Binibili naman ito ng
bahay kalakal na ginagamit sa paggawa ng mga produkto at serbisyo na ipinagbibili sa sambahayan sa
pamamamagitan ng pamilihan ng mga tapos na produkto at serbisyo.

Ang nasa labas naman na daloy ay nagpapakita ng kita ng ekonomiya. Ginagamit ng


sambahayan ang salapi sa pagbili ng mga produkto at serbisyo mula sa bahay-kalakal. Ang bahay-
kalakal naman ay ginagamit ang kanilang kinikitang salapi sa pagbabayad ng paggamit nila ng mga salik
ng produksiyon gaya ng sahod, renta, interes at ang matitira ay tubo para sa may-ari ng bahay-kalakal.

May prinsipyong makukuha sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya.

1. Ang paikot na daloy ay nasa ekwilibriyo. Dahil ito ay paikot, kung ano ang dumadaloy palabas sa
bawat sektor ay siya ring dadaloy papasok.
2. Ang gastos sa pagbili ng mga produkto at serbisyo ay dumadaloy mula sa sambahayan patungo sa
bahay-kalakal at ang kita sa salik ng produksiyon ay dumadaloy mula bahay-kalakal patungo sa
sambahayan.
Ipinapakita dito ang kabuuang gastos at ang kabuuang kita ay masasabing patas o tama
lamang.

Pigura 2

Produksiyon

Ikatlong Modelo. Pamilihang Pinansyal. Makikita sa modelong ito kung paano nagdudulot ng
pagkakaroon ng palabas at paloob sa daloy ng ekonomiya. Ipinakikita sa Pigura 3 na ginugugol ng
sambahayan ang kanilang kita sa pagbili ng mga produkto at serbisyo. Ngunit hindi lahat ng kanilang
mga kita ay kanilang ibinibili ng mga produkto at serbisyo, ilang bahagi nito ay kanilang itinatabi sa mga
bangko bilang pag-iimpok.

Ang pag-iimpok ay pagpapaliban sa paggastos ng sambahayan para sa kanilang mga


pangangailangan para sa hinaharap. Ito ay maaaring ilagay sa pamilihang pinansyal (bangko,
kooperatiba, insurance, pawnshop at stock market). Dahil dito, ang pag-iimpok ay isang palabas na
daloy sa paikot na daloy ng ekonomiya.

10
Ang bahay-kalakal naman ay nais na palakihin o palawakin ang kanilang produksyon kung
kaya’t mangangailangan sila ng karagdagang puhunan. Ang mga may-ari ng bahay-kalakal ay
manghihiram sa sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansyal upang gamitin sa
pamumuhunan at makabili ng karagdagang salik ng produksiyon. Ang paghiram ng bahay-kalakal sa
mga pamilihang pampinansyal ay may kapalit na kabayaran sa pamamagitan ng interes sa hiram na
puhunan. Samakatuwid, ang pamumuhunan ay isang papasok na daloy sa paikot na daloy ng
ekonomiya.

Ang pag-unlad ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksyon at paglaki


ng pamumuhunan. Para maging matatag ang ekonomiya, kailangan na may ipon ang sambahayan at
bahay-kalakal na handang mamuhunan. Inaasahan na sa pamumuhunan ng bahay-kalakal, tataas ang
produksyon. Inaasahan din na dadami ang oportunidad para sa trabaho. Sa ganitong modelo,
kinakailangang balanse ang pag-iimpok at pamumuhunan.

Pigura 3

Ang Paikot na Daloy at Pamilihang Pinansyal


a

Ikaapat na Modelo. Ang Pamahalaan. Sa modelong ito makikita kung paanong ang pamahalaan ay
lumalahok sa sistema ng pamilihan.

Isa sa mga mahahalagang gawain ng pamahalaan ay ang paniningil ng buwis sa mga kinikita ng
sambahayan at bahay-kalakal. Dahil dito, hindi lahat ng kinikita ng bahay-kalakal at sambahayan ay
naibibili ng mga salik ng produksiyon at naibibili ng mga produkto at serbisyo. Ilang bahagi ng kanilang
kinikita ay ibinabayad sa pamahalaan sa pamamagitan ng buwis. Sumisingil ng buwis ang pamahalaan
upang kumita. Public revenue ang tawag sa kita mula sa buwis. Ito ang ginagamit ng pamahalaan para
sa mga pampublikong paglilingkod.

Ang pamahalaan katulad ng sambahayan at bahay-kalakal ay kinakailangan din na gumastos


para maisakatuparan ang paglilingkod sa mga mamamayan. Ang pamahalaan ay gumagastos para sa
pagpapasahod ng mga kawani nito, bumibili ng iba’t ibang produktong kailangan upang patakbuhin ang
iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Dahil dito ang gastos na ito ay isang papasok na daloy sa ekonomiya.

Pigura 4
11
Ang Paikot na Daloy at ang Pamahalaan

Ikalimang Modelo. Kalakalang Panlabas. Ang kalakalang panlabas ay may kinalaman sa pag-aangkat at
pagluluwas ng mga produkto at serbisyo sa ibang bansa. Ang pag-aangkat (import) ay pagbili ng mga
produkto at serbisyo mula sa ibang bansa, samantalang ang pagluluwas (export) ay pagbebenta ng mga
produkto at serbisyong gawa sa ating bansa.

Makikita sa modelong ito ang relasyon ng panlabas na kalakalan sa paikot na daloy ng


ekonomiya. Napapansin mo marahil na hindi lahat ng mga itinitinda sa ating bansa ay dito ginawa.
Marami sa mga produktong ito ay gawa sa ibang bansa o inaangkat mula sa ibang bansa. Pumapasok
ang mga inaangkat na produktong ito sa ating ekonomiya at magiging bahagi na ang mga produkto sa
merkado. Ang pag-aangkat ay isang papasok na daloy sa daloy ng mga produkto at serbisyo. Ang pag-
aangkat sa mga dayuhang produkto ay kinakailangang bayaran natin ito kung kaya’t ang pag-aangkat
ay palabas na daloy ng salapi sa ekonomiya.

Hindi rin naman lahat ng mga nagawang produkto sa ating bansa ay dito rin itinitinda. Malaking
bilang ng mga produktong ito ay iniluluwas natin sa ibang bansa. Dahil dito, marami tayong mga
produktong binibili ng mga mamamayan sa labas ng bansa. Bunga nito, kumikita ang bansa sa
pagluluwas, ito ay papasok sa daloy ng salapi sa ating bansa

Pigura 5

12
Ang Paikot na Daloy at ang Kalakalang Panlabas

Pagyamanin
A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang mga sumusunod ay wasto kung mali ay palitan ang pahayag
upang maging tama. Isulat ang sagot sa malinis na papel.

1. Ang makroekonomiks ay sumasaklaw sa mga gawain ng kabuuang ekonomiya ng isang bansa.


2. Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya ay ang simpleng modelo ng ekonomiya na may dalawang
sektor; ang sambahayan at bahay-kalakal.
3. Ang bahay-kalakal ay may tunguhin na paunlarin ang kanilang produksiyon.
4. Ang panlabas na sektor ay may gawaing pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto at serbisyo
sa loob ng bansa.
5. Ang paglago ng ekonomiya ang tanging tunguhin ng pag-aaral ng ekonomiks.
6. Ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa paikot na daloy ng ekonomiya.

7. Ang halaga ng lahat ng gastusin ng mga sektor ng ekonomiya sa kanilang kinita ay parehas.

8. Mahalagang gastusin ng sambahayan ay ang pamumuhunan.


9. Isa sa mahalagang gawain ng pamahalaan ay ang pangongolekta ng buwis sa mga kinita ng
sambahayan at bahay-kalakal.
10.Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay nasa ekwilibriyo.

13
B. Panuto: Tukuyin kung kaninong gampanin sa paikot na daloy ang mga sumusunod. Isulat ang
mga sagot sa sagutang papel.

Sambahayan Bahay-Kalakal Bangko


Panlabas na Sektor Pamahalaan Pamilihan ng mga Produkto at serbisyo

1. Nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon.


2. Nagbebenta ng mga produkto at serbisyo sa labas ng bansa.
3. Nagpoproseso ng mga salik ng produksiyon upang maging mga yaring produkto at serbisyo.
4. Halimbawa nito ay ang ahensiyang nagsasanay ng lakas-paggawa.
5. Dito mabibili nang tingi ang mga produktong kailangan ng sambahayan.
6. Nagbabayad ng buwis mula sa sahod.
7. Nagbibigay ng mga serbisyong pampubliko.
8. Nagbabayad ng buwis mula sa kita ng negosyo.
9. Itinatabi ang salapi ng sambahayan.
10. Nagpapautang sa mga bahay-kalakal upang mapaunlad ang kanilang produksiyon.
11. Nangongolekta ng buwis.
12. Nagpapanatili ng kaayusan sa daloy ng ekonomiya.
13. Pangunahing tagabili ng lupa, lakas-paggawa, kapital at entreprenyur.
14. Tumatanggap ng upa, sahod, interes at tubo.
15. Sumusunod sa pandaigdigang regulasyon sa kalakalan.

C. Panuto.Kompletuhin ang kabuuang modelo ng pambansang ekonomiya. Isulat ang mga sagot
sa sagutang papel.

14
D. Panuto: Ipaliwanag kung saang bahagi maaring ilagay sa paikot na daloy ng ekonomiya ang mga
sumusunod. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

1. Utang Panlabas ng Pilipinas


2. Manggagawang Pilipino sa labas ng bansa
3. Black Market
4. Paupahang Bahay
5. Pagsasananay sa mga manggagawang Pilipino

E. Panuto: Pag-ugnayin ang mga pahayag sa hanay A na naglalarawan sa hanay B. Isulat ang mga sagot
sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Lumalahok sa pamahalaan sa Sistema ng Pamilihan A. Unang modelo
2. Pagkakaroon ng relasyon ng panlabas na kalakalan sa B. Ikalawang modelo
paikot na daloy ng ekonomiya C. Ikatlong modelo
3. Ang gumagawa ng produkto ay siya ring kumukonsumo D. Ikaapat na modelo
4. Dito pumapasok ang pag-iimpok E. Ikalimang model
5. Nahahati ang ekonomiya sa dalawang sektor: ang F. Bahay-kalakal
sambahayan at bahay-kalakal G. Sambahayan
6. Dito nagbebenta at bumibili ng kalakal at serbisyo H. Pamilihan
7. Ginagamit ang kanilang salapi sa pagbili ng mga produkto I. Pamahalaan
at serbisyo
J. Kalakalang Panlabas
8. Ginagamit ang kanilang kinikitang salapi sa pagbabayad ng
paggamit nila ng mga salik ng produksiyon.
9. May kinalaman sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga
produkto at serbisyo
10. Gumagastos sa mga pampasahod ng mga kawani at
bumibili ng iba’t ibang produktong kailangan upang
patakbuhin ang gobyerno

F. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga gampanin ng mga sumusunod na sektor sa paikot na daloy
ng ekonomiya.
MGA SEKTOR NG PAIKOT NA DALOY NG EKONOMIYA
1. SAMBAHAYAN -

2. PAMAHALAAN -

3. BAHAY-KALAKAL -

4. PANLABAS NA SEKTOR –

15
Isaisip
A. Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra sa puzzle box. Kung maisasaayos mo nang tama ang mga
letra ay may mabubuo kang salita. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. A M I H N I P L A

2. P E R T X O

3. Y A H A B - A K A L K L A

4. A H A N A L A P M A

5. N A Y A S M A B A H
15
1. Isang pook kung saan pumupunta ang mga tao at ang mekanismo na kung saan nagtatagpo ang
konsyumer at prodyuser.
2. Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa.
3. Gumagamit ng salik ng produksiyon na nagmula sa sambahayan upang gawaing produkto at
serbisyo.
4. Sumisingil ng buwis upang kumita at makalikha ng pampublikong paglilingkod.
5. Tumatanggap ng kita sa bahay–kalakal bilang kabayaran sa itinustos nilang salik ng produksiyon.

B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tamang salita na bubuo sa pangungusap.

1. Sa ikalawang modelo, ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng _____________.


2. Bilang paghahanda sa hinaharap, ang mamimili ay _____________.
3. Upang matatag ang ekonomiya, kailangang may sapat na ipon ang _____________.
4. Ang _____________ ay nagluluwas ng mga produkto.
5. Nagbebenta ang bahay-kalakal ng mga tapos na produkto at paglilingkod sa ____________.
6. Nag-iimpok ang sambahayan at umuutang ang bahay-kalakal sa _____________.
7. Ang mga _____________ay nauuri sa pangangailangan ng sambahayan at ng bahay-kalakal.
8. Sa ikalawang modelo ang _____________ ay may demand sa produkto ngunit wala itong
kakayahang lumikha ng produkto.
9. Ang _____________ ay may kinalaman sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto at serbisyo
sa ibang bansa.
10.Sa ikatlong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang _____________ ay hindi orihinal na mga
gawaing pang-ekonomiya.

16
Isagawa
Panuto: Batay sa limang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya na makikita sa ibaba, sagutan sa
isang malinis na papel ang mga tanong.

17
Malayang Pagtataya

Panuto: Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang papel sa pagtitipid ng sambahayan sa pamilihan?

2. Ipaliwanag kung kailan ang kabuuang produksyon ng ekonomiya ay katumbas ng kabuuang


pangangailangan?

3. Paghambingin ang kagamitan o papel ng sambahayan at bahay- kalakal?

4. Bakit mahalagang mapataas ang produksyon at paglaki ng pamumuhunan sa bansa?

5. Paanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa pagpapabuti ng antas ng


pamumuhay ng mga tao tungo sa kaunlaran ng bansa?

6. Paano nakaaapekto sa pagbubuwis ang pagbili ng kalakal at paglilingkod?

7. Ano ang ginagawa ng pamahalaan upang mabigyan ng maayos na paglilingkod ang sambahayan?
8. Saan dinadala ng pamahalaan ang kita na dulot ng sambahayan at bahaykalakal? Ipaliwanag.

9. Tukuyin ang papel ng pamumuhunan sa modelo ng paikot na daloy ng produkto at paglilingkod.

10.Bilang isang mamamayan ng bansa, paano ka magiging bahagi ng gawaing pang-ekonomiya ng


bansa?

18
Tayahin
Pagtataya : Sagutin mo na!

Panuto: Basahing Mabuti ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot.

1. Pagpapaliban ng paggastos ng sambahayan para sa kanilang pangangailangan sa hinaharap?


A. Sahod
B. Insentibo
C. Allowance
D. Pag-iimpok
2. Mahalagang kapangyarihan ng pamahalaan na kinokolekta mula sa kinikita ng sambahayan at
bahay-kalakal?
A. Buwis
B. Token
C. Insentibo
D. Cash Gift
3. Si Amer ay bahagi ng sambahayan na kumukonsumo ng produkto at serbisyo. Ang AFB Corporation
ay isa sa mga kompanyang lumilikha ng mga produktong kailangan ni Amer. Anong sektor ang
nagsisilbing ugnay sa pagitan ni Amer at AFB Corporation?
A. Pamahalaan
B. Financial Market
C. Commodity Market
D. Panlabas na Sektor
4. Tawag sa kita mula sa buwis
A. Private Revenue
B. Public Revenue
C. Market Revenue
D. Financial Revenue
5. Katulong ng sambahayan at bahay-kalakal sa mga desisyong panghinaharap?
A. Bangko
B. Pamahalaan
C. Pamilihan ng Tapos na Produkto at Serbisyo
D. Pamilihan ng mga Salik ng Produksiyon
6. Mahalagang mapataas ang produksiyon at pagkonsumo sa isang bansa upang _______________.
A. hindi na mangutang
B. lumago ang ekonomiya ng bansa
C. maging kasapi ng mayayamang bansa
D. makasama sa pandaigdigang pamilihan
7. Paano inilalarawan ang unang modelo?
A. Ang pambansang ekonomiya ay bukas.
B. Ang bahay- kalakal at sambahayan ay iisa.
C. Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
D. May dalawang aktor sa isang ekonomiya-ang sambahayan at bahay kalakal

19
20
8. Paano nakalilikom ng pondo ang pamahalaan upang makalikha ng pampublikong paglilingkod?
A. Sa tulong ng electric revenue
B. Sa ambag ng financial revenue
C. Sa pamamagitan ng public revenue
D. Sa pangangasiwa ng private revenue
9. Bakit HINDI kabilang sa pamilihang pinansyal ang korporasyon?
A. Sapagkat madami kayo dito.
B. Sapagkat hindi ka makakautang dito.
C. Sapagkat kinakailangang may share ka dito.
D. Sapagkat mayayaman lang ang miyembro nito.
10.Sinasabing ang buwis ay napakamalaking tulong sa bansa, sa paanong pamamaraan ka
makatutulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?
A. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader.
B. Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis.
C. Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store.
D. Paalalahanan ang magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng
buwis.
11. Nasusuri ang buong gawi ng lipunan sapamamagitan ng pag-aaral tungkol sa ______________.
A. Pamilihan C. maykroekonomiks
B. Ekonomiya D. makroekonomiks
12. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pagkakaugnay ng sambahayan at bahay -kalakal?
A. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-
kalakal.
B. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang
trabaho para sa bahay-kalakal.
C. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na
gagamitin ng mga bahay-kalakal.
D. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim sa
pagpoproseso ng bahay –kalakal.
13. Sa ikaapat na modelo, Paano inilalarawan ang gampanin ng pamahalaan sa ekonomiya?
A. Pag-iimpok
B. Pamumuhunan
C. Paniningil ng buwis
D. Pakikipagkalakalan
14. Ang anumang pagtamlay ng ekonomiya ay maaaring isisi sa ________.
A. sambahayan dahil dito nagmumula ang mga salik ng produksiyon.
B. bahay-kalakal dahil siya ang lumilikha ng mga produktong kailangan ng lahat.
C. pamahalaan dahil siya ang nagpapatupad ng mga alituntuning pang ekonomiya.
D. lahat ng sektor dahil ang bawat isa ay may magkakaugnay na gampanin sa isa’t isa.
15. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay mailalarawan sa pamamagitan ng
___________________________________.
A. kita at gastusin ang pamahalaan
B. ugnayan ang sektor ng ekonomiya
C. kalakalan sa loob at labas ng bansa
D. transaksyon ng mga institusyong pinansyal

20
Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong nang buong husay. Isulat ang mga sagot sa sagutang
papel.

1. Paano nakaaapekto ang pag-iimpok at pamumuhunan sa paikot na daloy ng ekonomiya?

2. Paano nakatutulong ang panlabas na sektor sa pag-unlad ng ekonomiya?

3. Ipaliwanag ang bahaging ginagampanan ng pamilihan sa sambahayan at bahay kalakal?

4. Bakit kailangang makilahok ang pamahalaan sa sistema ng pamilihan?


Ipaliwanag.
5. Paano ka makatutulong upang maunawaan ng iyong kapwa kabataan angoperasyon ng ekonomiya
ng ating bansa?

21
22
F. Depende sa sagot ng mag-aaral D. Depende sa
sagot ng mag-aaral
ISAGAWA
- Depende sa sagot ng mag-aaral E.
1. d
2. e
3. a
4. c
5. b
6. f
7. g
8. h
9. j
C. B. 10. i
6. Sambahayan 1. Sambahayan
7. Pamahalaan 2. Pamahalaan
8. Bahay-Kalakal 3. Bahay-Kalakal
9. Pamahalaan 4. Pamahalaan
Pagyamanin
10.Pamilihan ng mga 5. Pamilihan ng mga A.
produkto at serbisyo produkto at serbisyo 1. TAMA
11.Sambahayan 6. Sambahayan 2. Unang Modelo
12.Pamahalaan 7. Pamahalaan 3. TAMA
13.Bahay-kalakal 8. Bahay-kalakal 4. TAMA
14.Pamilihang pinansyal 9. Pamilihang pinansyal 5. TAMA
15.Pamilihang pinansyal 10.Pamilihang pinansyal 6. TAMA
11.Pamahalaan 7. TAMA
12.Pamahalaan 8. PAMILIHANG
13.Bahay-kalakal PINANSYAL
14.Sambahayan 9. TAMA
15.Panlabas na sektor 10.TAMA
Isaisip
A. Subukin Tayahin
1. Pamilihan
1. d 1. d
2. Export
2. d 2. a
3. Bahay-Kalakal
3. d 3. c
4. Pamahalaan
4. a 4. b
5. Sambahayan
5. b 5. b
B.
6. b 6. b
16.kita
7. b 7. b
17.nag-iimpok
8. c 8. c
18.sambahayan
9. c 9. b
19.Panlabas na Sektor
10.c 10.c
20.Sambahayan
11.b 11.c
21.Pamilihang pinansyal
12.c 12.d
22.produkto
13.c 13.c
23.sambahayan
14.c 14.d
24.panlabas na sector
15.b 15.b
25.Pamilihang pinansyal
26.
Pagwawasto
Sanggunian
Antonio, Eleanor D., Evangeline M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Ma. Carmelita B.
Samson, at Celia D. Soriano. 1999. Pagbabago. Manila, Philippines: Rex Bookstore, Inc

Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De


Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar. 2015. Ekonomiks Araling
Panlipunan (Modyul ng Mag-aaral) Pasig City: Vibal Group Inc.

Delgado, Antonio. 2016. “Makroekonomiks at ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya”.


Slideshare. Binuksan noong July 8, 2020.
https://www.slideshare.net/kazekage15/makroekonomiks-at-ang-paikot na-daloy-ng-
ekonomiya

Gonzaga, Crystal Lyn.2017. “Paikot na Daloy ng Ekonomiya”. Slideshare. Binuksan noong July 5, 2020.
https://www.slideshare.net/CrystalLynnGonzaga/paikot-na-daloy-ng ekonomiya-81615624

Molina, Ramil V., Baby Jane C. Alcantara, Leo C.Somera, Joevenil P. Moncal, Dr.
Gregorio H. Sismundo at Avin C. Fronteras, 2016. Makisig Ekonomiks, Sampalok,
Manila:Magallanes Publishing House
https://pt.slideshare.net/kazekage15/makroekonomiks-at-ang-paikot-na-daloy-ng-ekonomiya/23

23
24

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources


(DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
25

24

You might also like