You are on page 1of 10

1

Aralin
Sanaysay at Kaangkupan ng mga Pahayag sa
3 Pagbibigay ng Sariling Opinyon o Pananaw

Mga Inaasahan

Sa araling ito, babasahin mo ang isang sanaysay na mula sa Tsina. Masasalamin


sa sanaysay na ito ang tunay na nagaganap sa iyong paligid. Inaasahan na sa
pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na kasanayan:

1.Naipaliliwanag ang mga kaisipan, layunin, paksa at paraan ng pagkakabuo ng


sanaysay. (F9PB-IId-47)
2.Naipahahayag ang sariling pananaw tungkol sa isang napapanahong isyu.
(F9PS-IId-49)
3.Nakasusulat ng isang sanaysay hinggil sa napapanahong isyu sa lipunang Asya.
(F9PU-IId-49)
4.Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon(F9WG-IId-49)

Bago tayo magsimula ay sagutan mo muna ang paunang pagsusulit upang


masukat ko ang iyong kaalaman sa paksang pag-aaralan.

Paunang Pagsubok

Basahin ang teksto at sagutin ang kasunod na mga tanong. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng


Estadistikang Kasarian

“Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,”isang pahayag na hinango sa Banal na


Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng panahon.Lahat ng
bagay ay nagbabago kaya walang permanente sa mundo. Ang dating kiming
tagasunod lamang ay natutong tumult laban sa karahasan sapagkat hindi na
matanggap ang dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglaban ang sariling karapatan
upang makapagpasiya sa sarili. Lakas loob din niyang hinihingi ang karapatang
maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang maging katuwang hindi
lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan para sa isang maunlad,
matahimik at kaaya-ayang kinabukasan.

Sa ngayon ang kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan. Hindi man

Iito maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na


pawang mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay
daing ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa. Tunay na nag
mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi sa pagpapaunlad ng bayan
sa lahat ng panahon. Marami na ring samahan ang itinatag upang mangalaga at

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
2

magbigay-proteksiyon sa mga kababaihan. Ilan sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog


Hotline at marami pang iba. Patuloy ang mga samahang ito sa pakikibaka upang
sugpuin ang patuloy na diskriminasyon sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan.
Layunin nilang magbigyan ng edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat
ipinaglalaban sa mga kababaihan.

-halaw sa Sandigan I(Kalipunan ng mga Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Filipino) ni Lolita M.


Andrada

1.Tungkol saan ang teksto?


A. Kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan
B. Pagpapahirap sa mga kababaihan
C. Mga hinaing ng mga kababaihan
D. Paghihiganti ng mga kababaihan sa lipunan
2.Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng ganitong babasahin?
A. Maliitin ang mga kakayahan ng kababaihan
B. Pagsunod ng mga kababaihan sa kanilang asawa
C. Pagbabago ng mga kababaihan sa kasalukuyang panahon
D. Ipamulat sa taong bayan ang karapatan, kapangyarihan, kahalagahan at
tungkulin ng mga kababaihan
3. Alin sa mga sumusunod na samahan ang nagbibigay proteksyon sa kababaihan.
A. ACT-CIS B. Anak-pawis C.Akbayan D. Gabriela
4.Ano ang mahalagang gampanin ng kababaihan sa lipunan?
A. Paggawa ng mga gawaing-bahay C. Pagiging ilaw ng tahanan
B. Maging isang mabuting halimbawa D. Lahat ng nabanggit
5.Anong uri ng akdang pampanitikan ang iyong binasa?
A. tula B. sanaysay C.nobela D. alamat

Nais ko muna na ikaw ay magbalik-aral bago mo basahin ang ating pangunahing


aralin.

Balik-tanaw

Isulat sa patlang ang T kung tama ang pahayag at M naman kung mali. Isulat sa
sagutang papel.

1. Ang pabula ay nagmula sa salitang Griyego “muzos” na ang ibig sabihin ay mito o
myth.
2. Ang protagonista sa nakaraang aralin 2 ay isang dalaga.
3. Ang tinaguriang Ama ng Sinaunag Pabula (Father of Ancient Fables) si Aesop.
4. Pagtutulungan ang aral na nais ibahagi ng kuwentong “Ang Binata at Tigre”.
5. Ang antagonista sa kuwentong Ang Binata at Tigre ay ang dalaga.

Pagpapakilala ng Aralin

Ang sanaysay ay isang akda na kadalasan ay tuluyan na sinulat sa personal na


pananaw ng may akda. Kadalasan nakatuon ito sa isang tema o paksa. May dalawang
uri nito. Ang pormal na sanaysay ay naghahatid ng mahahalagang kaalaman o
impormasyon at kaisipan na makaagham. Lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga
ideya. Piling-pili ang mga ginagamit na salita at masining ang pagkakasulat. Maari
itong makahulugan, matalinghaga at matayutay. Ang tono ng pormal na sanaysay ay

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
3

seryoso at di nagbibiro. Kung minsan ang tawag sa ganitong uri ng sanaysay ng ibang
akda ay impersonal. Samantala ang uring di-pormal na sanaysay ay nagbibigay ng
kasiyahan sa pagtalakay ng mga karaniwan at pang-araw-araw na paksa. Karaniwan
ang ganitong uri ng sanaysay. Gumagamit ng mga salitang sinasambit sa araw-araw
na pakikipag-usap lamang. Ang tono ng di-pormal na sanaysay ay palakaibigan
sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala ng may-akda dahil ditto tinatawag
din itong personal na sanaysay.

Basahin at unawain mong mabuti ang sanaysay mula sa Tsina.

Ako Si Jia Li, Isang ABC

Ako si Jia Li, labinlimang taong gulang at isang ABC. Mahuhulaan mo ba kung
ano ang ABC? Ang ABC ay American Born Chinese, ang karaniwang katawagan sa mga
tulad kong may magulang na Tsino subalit ipinanganak at lumaki rito sa America.
American-Chinese ang tawag sa akin ng nakararami. Ipinanganak at lumaki ako rito
sa Los Angeles, California subalit parehong Tsino mula sa Beijing, China ang aking
magulang. Paano nga ba ang buhay ng isang ABC? Naku, masasabing mapalad ako
dahil nararanasan ko ang kultura ng dalawang bansa. Unang-una, mahusay ako sa
wikang Ingles at ito ang ginagamit ko kapag nasa labas ako o kapag kausap ko ang
aking kaibigan, kaklase at maging ang pinakamatalik kong kaibigang si Lian na isa ring
ABC. Subalit kapag nasa bahay ako higit na nagingibabaw ang kulturang Tsino sa
paraan ng pagpapalaki sa aming magkakapatid. Kapag nasa loob na ako ng bahay ay
Mandarin Chinese na ang salitang ginagamit ko at ginagamit din ng iba pang miyembro
ng aking pamilya.

Ang Pamilya Wang sa Los Angeles, California


Napakahalaga ng pamilya sa aming mga Tsino. Hindi tulad ng mga kaibigan kong
purong amerikano na gustong mabuhay agad nang mag-isa pagsapit nila sa tamang
edad, hindi kami basta bumubukod sa aming magulang kahit pa nga nag-asawa at may
mga anak na. Pangkaraniwan na lang sa aming mga Tsino na magkakasama sa isang
tirahan ang pamilya hanggang sa ikaapat na henerasyon. Katunayan, dito sa aming
bahay nga ay kasama namin ang Wai po o lola ko na pinetisyon ni Mama noong ako ay
limang taong gulang pa lang. Mula pa noong bata ako ay si Wai po na ang lagi kong
kasa-kasama kapag nasa trabaho ang aking magulang at ang dalawang nakatatanda
kong kapatid. Ngayon ay may asawa na ang aking gege o kuya pero kasama pa rin namin
siya sa bahay gayundin ang asawa niya at ang kanilang mag-iisang taong anak na si
Sheng. Inaalagaan namin ni Wai po si Sheng kapag wala ang kanyang magulang. Ang
aking jie jie o ate ay dito pa rin nakatira kahit na siya’y tapos nang mag-aral at may
trabaho na.

Si Wai po at Ako
Kami ng aking Wai po ang pinakamalapit sa isa’t isa. Marami siyang naiturong
kultura at tradisyong Tsina sa akin. Isa sa mga ito ay ang kalagayan ng kababaihan sa
tradisyonal na kulturang Tsina kung saan ang mga lalaki ay itinuturing na nakatataas
kaysa sa mga babae. Tulad ng sinasabi sa aklat na The Mother of Mencius ang
katungkulan ng isang babae ay manatili sa bahay para magluto, mag-init ng alak, mag-
alaga sa kaniyang mga biyenan, manahi ng mga kasuotan at wala na! Kailangan niya
ring sundin ang tatlong pagsunod tulad ng unang pagsunod: Kapag siya’y bata pa,
kailangan niyang sumunod sa magulang; ikalawang pagsunod; kapag siya’y may-asawa
na ay dapat siyang sumunod sa kaniyang asawa; at ang ikatlong pagsunod; kapag siya’y
nabalo na ay kailangan niyang sumunod sa kanyang anak na lalaki. Dahil daw dito,
maraming kababaihan sa Tsina ang ni hindi nakapipili ng kanilang mapapangasawa
dahil ang magulang ang pumipili at nakikipagsundo sa mapapangasawa ng kanilang
anak na babae.

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
4

Ilang Paniniwala at Tradisyong Tsino


Maraming iba pang bagay na naibahagi ang aking Wai po tungkol sa kaniyang
minamahal na bansa. Mayaman ang Tsina sa paniniwala at tradisyong nagmula pa
noong unang panahon at patuloy na isinasagawa hanggang sa kasalukuyan. Katunayan
ang marami rito ay sinusunod pa rin ng aming pamilya kahit pa matagal na kaming
naninirahan dito sa Amerika. Sinabi ni Wai po na maraming Tsino ang sumusunod sa
mga feng shui dahil ito raw ay gabay para maisaayos ang pamumuhay nang naaayon
sa limang elemento ng kalikasan: ang kahoy, apoy, lupa, metal at tubig. Makatutulong
daw ito sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan, kaligayahan at kaayusan sa buhay.
Kaya naman bago pa simulan ang pagtatayo ng aming tahanan ay kumonsulta na ang
aking magulang sa isang eksperto sa feng shui para malaman kung saan
pinakamasuwerteng ilagay ang mga bahagi ng bahay. Maliban dito ay marami pang
pamahiin at paniniwala kaming sinusunod tulad halimbawa ng posisyon ng chopstick
kapag kumakain. Bata pa ako ay lagi nang ipinaaalala sa akin ni Wai po na hinding-
hindi ko dapat itusok nang patayo sa gitna ng kanin ang aking mga chopstick dahil ito
raw ay nangangahulugan ng kamatayan. Marami pang ibang paniniwala ang sinusunod
namin sa mga okasyong tulad ng kapag may ikinakasal sa mga paglilibing, sa
pagdiriwang ng Bagong Taon at iba pa.
Subalit hindi lang si Wai po ang nagtuturo sa akin. Siya man ay tinuturuan ko
rin ng kulturang Amerikano. Isinasama ko siya minsan sa panonood ng football at
pagkatapos ay kumakain kami ng hotdog, hamburger at ng iba pang pagkaing
Amerikano. Sinesermunan nga lang ako ni Mama dahil mamantika raw ang mga ito at
baka makasama sa kalusugan ni Wai po. Ako rin ang nagturo sa kaniyang mag-Ingles.
Nakakatuwa dahil pagkalipas ng sampung taon niyang pagtira rito sa Amerika ay may
marami-rami na siyang alam na salitang Ingles. Pumayag naman siyang matuto dahil
kapag lumalabas kami at napahiwalay siya ay baka hindi na siya makauwi sa bahay
kung hindi siya makapagsasalita nang kahit basic English man lang. At di tulad ng
ibang matatandang Amerikano na sa mga home care tumitira kapag hindi na kayang
mag-isa sa bahay, hinding-hindi namin papayagang malayo sa amin si Wai po. Tiyak na
malulungkot siya roon at malulungkot din ako dahil kaming dalawa ang magkasama sa
silid.

Ang Kainan sa Pamilya


Tulad ng karaniwang pamilyang Tsino ang aming pamilya ay nagbubuklod sa
iisang hilig, ang kumain. Sabay-sabay kaming kumakain sa aming pabilog na mesa. Sa
kaugalian namin ay dapat una munang pauupuin ang mga nakakatanda at mga bisita
(kung mayroon) bilang pagpapakita ng paggalang, kasunod ang pinakabata tulad ni
Sheng, tapos kami naman. Hindi nawawalan ng noodles, wanton soup, lugaw, iba’t
ibang uri ng dumplings, kanin at mga ulam tulad ng sweet and sour pork, breaded fish
fillet at lumpia sa aming hapag bagama’t ang mga pagkaing mamantika ay iniluluto
lamang ni Mama para sa aming mga bata. Mas gusto nilang mga nakatatanda ang
pagkaing pinasingawan o steamed kaysa piniprito o nilalagyan ng mantika. Sa
paghahanda ng pagkain ang higit na binibigyang pansin ng mga Tsinong tulad namin
ay ang lasa, kulay, amoy at itsura.

Proud ABC
Iyan ang mga dahilan kung bakit ipinagmamalaki kong ako’y isang ABC o
American Born Chinese. Sabi nga ng kaibigan kong si Lian, “We have the best of both
worlds”. Natuto akong gumalang at maging higit na bukas sa pagkakaiba-iba ng mga
tao at lahi, tanggapin ang makabubuti at iwaksi ang nakasasama. Ipinagmamalaki kong
dala-dala ko ang pagiging episyente, maunlad at modernong bansang sinilangan ko, ang
Amerika, subalit taglay ko rin ang ganda at halina ng makulay at mahabang tradisyon
at kultura ng bansang sinilangan ng aking magulang, ang bansang Tsina.

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
5

Ngayon naman ay pag-aralan mo ang paggamit ng angkop na mga pahayag sa


pagbibigay ng sariling opinyon o pananaw.

A. Paggamit ng Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling


Opinyon/Pananaw

Tulad nina Jia Li at Lian, sa araw-araw nating pakikipag-usap sa ating kapwa ay


madalas na nakapagbibigay tayo ng sarili nating opinyon o pananaw tungkol sa isang
bagay. Tandaan ang sumusunod sa paglalahad ng opinyon o pananaw.

• Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap. Kung sakaling hindi man kayo
pareho ng pananaw o opinyon ay mabuting maipahayag mo rin ang iyong
pinaniniwalaan.
• Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong pananaw kung
may matibay siyang dahilan para maniwala sa kasalungat ng iyong pananaw.
• Maging magalang at huwag magtaas ng boses kung sakaling kailangan mo
namang sumalungat.
• Makabubuti kung ang iyong ipahahayag ay nakabase sa katotohanan o kaya’y
sinusuportahan ng datos.
• Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan ng mga
tagapakinig ang iyong opinyon o pananaw at huwag kalilimutang gumamit ng
katagang “po” at “opo” kung nakatatanda ang iyong kausap.
• Makikita sa ibaba ang ilang angkop na pahayag na maari mong gamiting
panimula sa pagpapahayag ng iyong opinyon o pananaw:
-Sa aking palagay… -Sa tingin ko ay…
-Para sa akin … -Kung ako ang tatanungin…
-Ang paniniwala ko ay… -Ayon sa nabasa kong datos…
-Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil…
-Mahusay ang sinabi mo at ako man ay…
-Nasa iyo yan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw subalit…
-Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
-Maaari po bang magdagdag sa sinabi ninyo?

Malinaw ba sa iyo ang ating aralin? Ngayon ay isagawa mo na ang mga gawaing
inihanda ko para sa iyo.

Mga Gawain

Panuto: Sagutan ang mga pagsasanay. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Gawain 1.1 Mga Tanong

Sagutin ang mga tanong mula sa tekstong iyong binasa.


1.Ilarawan ang mga katangian ni Jia Li bilang isang ABC.
2. Ilarawan naman ang kanyang pamilya. Ano-anong katangian ng pamilya ang
magpapatunay na kahit matagal na silang naninirahan sa Amerika ay nananatili pa
rin sa kanila ang kanilang tradisyon at kultura?
3. Ano-anong kaugalian at tradisyong Tsino at Amerika ang nabanggit sa sanaysay?

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
6

4. Paano napatunayan ni Jia Li na siya ay isang mabuti at mapagmahal na anak at


apo?
5. Kung sakaling ikaw at ang pamilya mo ay mangingibang-bayan nanaisin mo rin
kayang mapanatili ang mga kaugaliang Pilipino kahit pa malakas ang impluwensiya
ng kultura ng bayang pinuntahan ninyo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


Mga katangian ng sagot : puntos:
✓ Kumpleto ang ibinigay na sagot.
✓ Mahusay ang pagpapaliwanag 5 – taglay ang 3 pamantayan
✓ Maayos ang pagbuo ng 3 –dalawang pamantayan
pangungusap 1 – isang pamantayan

Gawain 1.2 Opinyon Mo! Ipahayag Mo!


Isulat sa patlang ang MK kung ito ay May Katotohanan na nakapaloob sa
sanaysay at WK kung ito ay Walang Katotohanan at ipaliwanag mo ang iyong sariling
opinyon patungkol sa pahayag.

1. Maraming hinanakit ang batang American-Chinese sa diskriminasyon at uri ng


pakikisamang ipinakita sa kaniya ng mga purong Amerikano sa kanyang paligid.
Paliwanag:________________________________________________________________________
2. Ang mga American-Chinese ay patuloy na nagsasagawa ng kanilang mga kaugalian,
kultura at tradisyon kahit pa sila ay matagal nang naninirahan sa Amerika.
Paliwanag:__________________________________________________________________________
3. Ang matatanda na lumaki sa kanilang kinagisnang tradisyon ay nag-aadapt din sa
kultura ng bansang nilipatan dahil na rin sa impluwensiya ng mga nakababata sa pamilya.
Paliwanag:__________________________________________________________________________.
4. Layunin ng batang naglahad ng kanyang mga karanasan na matuto ang mambababasang
maging higit na bukas at gumalang sa pagkakaiba-iba ng mga tao at lahi, tanggapin ang
makabubuti at iwaksi ang makasasama sa kanilang mga nakikita.
Paliwanag:__________________________________________________________________________.
5. Ninanais ng bata na sana ay mabago ang uri ng kaniyang pamumuhay lalo na ang mga
tradisyong ipinatutupad sa kanilang tahanan.
Paliwanag:__________________________________________________________________________.
Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na
Mga katangian ng sagot : puntos:
✓ Kumpleto ang ibinigay na sagot. 5 – taglay ang 3 pamantayan
✓ Mahusay ang pagpapaliwanag 3 –dalawang pamantayan
✓ Maayos ang pagbuo ng 1 – isang pamantayan
pangungusap

Gawain 1.3 Gramatika

Ikaw naman ngayon ang magbibigay ng sarili mong opinyon o pananaw hinggil sa
paksang pinag-usapan nina Jia Li at Lian patungkol sa kanilang tradisyon, kultura,
paniniwala, kaugalian at iba pa. Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salitang
angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling opinion o pananaw.
1.Sa aking palagay…__________________________________________________________
2.Kung ako ang tatanungin……_______________________________________________
3.Hindi ako sumasang-ayon na…..____________________________________________
4.Ayon sa nabasa ko……______________________________________________________
5.Ang paniniwala ko ay…...___________________________________________________
Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
Mga katangian ng sagot: 5 – taglay ang 3 pamantayan
✓ Kumpleto ang diwa ng pangungusap 3 –dalawang pamantayan
✓ Mahusay ang paglalahad ng opinyon o
pananaw 1 – isang pamantayan

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
7

✓ Maayos ang pagbuo ng pangungusap

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Patuloy mo pang palawakin


ang iyong kaalaman.

Tandaan
Matapos mong pag-aralan ang sanaysay at paggamit ng angkop na mga
pahayag sa pagbibigay ng sariling opinyon/pananaw, narito ang mga dapat mong
tandaan.

1. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay.


Kayat sinumang susulat nito ay nangangailangan na may malawak na
karanasan, mapagmasid sa kapaligiran, palabasa o nagsasagawa ng
pananaliksik tungkol sa paksang napiling isulat.
2. Kapag ikaw ay maglalahad ng iyong sariling saloobin gumamit ng mga angkop na
mga pahayag sa pagbibigay ng sariling opinyon o pananaw nang sa gayon ito ay
maging maayos ang daloy ng iyong usapan at madali mong sabihin ang iyong
mga nais.

Ngayon ay ilalapat mo na ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng pagsulat ng


pormal na sanaysay.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Sumulat ng isang pormal na sanaysay. May mga mungkahi akong paksa na iyong
pagpipilian o maaari rin naming sumulat ka ng sarili mong paksa. Ipinapayo ko sa iyo
na magbasa ng pahayagan, makinig/manood ng balita o sumangguni sa nakatatanda
upang mabigyan ka ng mga ideya. Gumamit ka rin ng mga angkop na pahayag sa
pagbibigay ng sarilig opinyon o pananaw sa iyong pinag-aralan. Isulat ito sa hiwalay na
papel.
1. Edukasyon sa Panahon ng New Normal
2. Sumunod sa Protocol ng Pamahalaan Upang Makaiwas sa Covid
3. Kontraktuwalisasyon sa mga Manggagawang Pilipino
4. Anti-Terrorism Law
5. Epekto sa Ekonomiya ng Pandemya
6. At iba pa… (mungkahing sariling paksa)
Rubriks sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
Mga katangian ng talata
✓ Naglalahad ng angkop na simula, 15 – nasunod ang lahat ng pamantayan
gitna at wakas 12 – anim na pamantayan ang naisagawa
✓ Naghahatid o nagbibigay ng 10 – limang pamantayan ang naisagawa
mahalagang kaisipan o kaalaman 8– apat na pamantayan ang naisagawa
✓ Gumamit ng mga salitang angkop na
5– tatlong pamantayan ang naisagawa
pahayag sa pagbibigay ng sariling
opinyon o pananaw
✓ Malinaw ang mensaheng nais
ipabatid
✓ Gumamit ng ikatlong panauhan o
pananaw sa paglalahad

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
8

✓ Ang tono ay seryoso pang-intelekwal


at walang halong pagbibiro
✓ Obhetibo o di-kumikiling sa
damdamin ng may-akda

Pangwakas na Pagsusulit

Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Akda na kadalasan ay tuluyan na sinulat sa personal na pananaw ng may akda


A. Alamat B. Nobela C. Sanaysay D. Tula
2. Tungkol saan ang tekstong pinamagatang Ako si Jia Li isang ABC?
A. kapangyarihan B. kalakasan C. kultura D. kamatayan
3. Ano ang layunin ng may-akda sa pagsulat ng ganitong babasahin?
A. Ipagmalaki ang kanilang kultura at tradisyon
B. Isiwalat ang kanilang paniniwala
C. Magbigay kaalaman patungkol sa dalawang kultura sa pagitan ng Tsina at
Amerika
D. Hikayatin na sundin ang kanilang kinagisnan
4.Mula pahayag na “We have the best of both worlds” anong kultura ang
pinapatungkulan dito?
A. Filipino-Chinese B. Filipino-American
C. Filipino-Mandarin D. Chinese-American
5. Sa makalumang tradisyon ng mga Tsino bakit ang babae kapag siya’y nabalo na ay
kailangan niyang sumunod sa batas/alituntunin ng kaniyang anak na lalaki?
A. dahil ang kababaihan ay walang kakayahang magtaguyod ng pamilya
B. upang hindi na siya mahirapan pa sa pagtaguyod ng kaniyang pamilya
C. dahil kadalasan sa anak na lalaki inihahabilin ang kayamanan
D. upang mahasa bilang haligi ng tahanan ang anak na lalaki

Pagninilay

Gumuhit o magdikit ng larawan na nagpapakita ng kulturang impluwensiya ng


mga Tsino o Amerikano mula sa akdang “Ako si Jia Li isang ABC”. Lagyan ito
ng maikling paglalarawan. Sa iyong pananaw ito ba ay positibo o negatibo?
Sikaping gumamit ng angkop na pahayag sa pagbibigay ng opinyon o pananaw.
Gawin ito sa panibagong papel.
Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:
Mga katangian ng sagot :
✓ Naaangkop ang iginuhit o larawan sa 10 –taglay ang lahat ng pamantayan
ibinigay
✓ Maayos at madaling maunawaan 8 – tatlong pamantayan lamang
Naipaliwanag nang mahusay
✓ Nagamit ang mga salitang angkop sa 5 – dalawa/isang pamantayan lamang
pagbibigay ng sariling opinyon o
pananaw

Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang lahat ng gawain! Ipagpatuloy mo pa


sa mga susunod na aralin ang ipinakitang tiyaga sa pag-aaral

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
9

FILIPINO 9
SAGUTANG PAPEL

Markahan: Ikalawa Linggo: Ikatlo

Pangalan: _________________________________ Guro: ______________


Baitang at Seksyon: _______________________ Iskor: _____________

Paunang Pagsubok Balik-tanaw

1 1
2 2

3 3
4 4
5 5

Mga Gawain

Gawain 1.1
1
2
3
4
5
Gawain 1.2
1
2
3
4
5
Gawain 1.3
1
2
3
4
5

Pag-alam sa Natutuhan

(Isulat sa hiwalay na papel)

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo
10

Pangwakas na Pagsusulit

1 6

2 7

3 8

4 9

5 10

Pagninilay

Modyul sa Filipino 9
Ikalawang Markahan: Ikatlong Linggo

You might also like