You are on page 1of 3

PAMUMUHAY NG IRELAND

Ang Ireland ay isang soberanya-estado o bansa sa kanlurang Europa na sumasakop sa limang-kaanim


(five-sixths) ng pulo ng Irlanda. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay ang Dublin, na
matatagpuan sa silangang bahagi ng pulo, kung saan ang pook ng punong-lungsod (metropolitan
area) nito ay tahanan ng halos isang-kapat ng 4.6 na milyong nananahan sa bansa. Kabahagi ng estado
sa tanging hangganang lupa nito ang Hilagang Irlanda, na bahagi ng Nagkakaisang Kaharian (United
Kingdom). Pinaliligiran ito ng Karagatang Atlantiko, na sa timog nito ay ang Dagat Celtico, ang Saint
George's Channel sa timog-silangan, at ang Dagat Irlandes naman sa silangan. Isa itong unitaryo at
parlamentaryong republika na may inihao. Ang pinuno ng pamahalaan, ang Taoiseach, ay nominado
ng mababang kapulungan ng parlamento, ang Dáil Éireann.
Kasunod ng Digmaang Irlandes para sa Kasarinlan at ng sumunod nitong Kasunduan Anglo-Irlandes,
natamo nang tuluyan ng Irlanda ang kalayaan mula sa Nagkakaisang Kaharian bilang isang Malayang
Estadong Irlandes nong 1922. Pinili naman ng Hilagang Irlanda na gamitin ang tinatawag na Ulster
Month upang manatiling bahagi ng Nagkakaisang Kaharian. Sa umpisa'y isang dominyo sa loob ng
Imperyong Britaniko (kinalauna'y Komonwelt ng mga Bansa), natanggap ng Malayang Estado ang
opisyal na pagkilalang Britaniko ng ganap na malayang tagapagbatas (full legislative independence)
sa Statute of Westminster ng 1931. Isang bagong saligang-batas ang pinagtibay noong 1937, kung
saan ang pangalan ng estado'y naging Irlanda. Noong 1949 ang mga natitirang tungkulin ng hari - na
itinadhana ng Batas Kapangyarihang Tagapagpaganap (Ugnayang Panlabas) ng 1936 (Executive
Authority (External Relations) Act 1936) - ay inalis at ipinahayag ang Irlanda bilang isang republika
sa ilalim ng Batas Republika ng Irlanda ng 1948 (Republic of Ireland Act 1948). Ang estado ay
walang pormal na pakikipag-ugnayan sa Hilagang Irlanda sa malaking bahagi ng ikadalawampung
siglo, subalit mula noong 1999 ang dalawa ay nagtutulungan sa ilang mga patakaran sa ilalim ng
North-South Ministerial Council na nilikha ng Kasunduang Biyernes Santo (Good Friday Agreement).
Kasama ang Irlanda sa pinakamayayamang mga bansa sa mundo batay sa GDP per capita. Matapos
sumali sa dating Pamayanang Ekonomikong Europeo (European Economic Community) na ngayon ay
Unyong Europeo taong 1973, nagpatupad ng serye ng mga patakarang pang-ekonomiyang liberal na
nagbunga ng mabilis na pag-angat ng ekonomiya, na sinabayan din ng mabilis na pagsipa ng di-
pagkakapantay-pantay. Nakamit din ng bansa ang kasaganahan mula 1995 hanggang 2007, kung saan
nakilala ang bansa bilang Celtic Tiger. Nabalam ito ng di-inaasahang krisis sa pananalapi na
nagsimula noong 2008, kasabay ng pandaigdigang pagbulusok ng ekonomiya.
Bagama't bumabangon pa rin mula sa pagbagsak ng ekonomiya, ang Irlanda ay nananatiling isa sa
mga pinakamasaganang bansa sa daigdig. Noong taong 2011 at 2013, naitala ito bilang ikapitong
pinakamaunlad na bansa sa daigdig ayon sa Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao ng Nagkakaisang
Bansa. Mahusay rin ang Irlanda sa iba't ibang sukatan ng pambansang gawain (national performance),
kasama ang kalayaan sa pamamahayag, kalayaang pang-ekonomiya at kalayaang sibil. Ang Irlanda ay
kasapi rin ng Unyong Europeo at kasaping tagapagtatag ng Konseho ng Europa at ng OECD.
Itinataguyod nito ang patakaran ng walang kinikilingan sa pamamagitan ng di-pagpanig at hindi rin
miyembro ng NATO, bagaman at nakikiisa ito sa Samahan para sa Kapayapaan (Partnership for
Peace
KULTURA AT TRADISYON NG EUROPA

Ang kultura ng Europa ay mailalarawan bilang isang serye ng magkakapatong na


mga kultura. Ang pagkakahalu-halo ng mga kalinangan ay umiiral sa kahabaan at
kapaligiran ng kontinente. Mayroong mga inobasyon at mga kilusan, na paminsan-
minsan ay hindi katugma ng isa, katulad ng proselitismong Kristiyano o Humanismo.
Kung kaya't masalimuot at mahirap ang pagkakaroon ng matatawag na
"pangkaraniwang kultura" o "karaniwang kalinangan" sa Europa, ngunit ang
pundasyon ng kulturang Europeo ay inilapat ng sinaunang mga Griyego, na pinatibay
ng kultura ng sinaunang mga Romano, na pinatatag ng Kristiyanismo, na nireporma o
nilagyan ng mga pagbabago ng panahon ng Renasimyento at Repormasyong
Protestante noong ika-15 daantaon, na ginawang moderno o makabago ng Panahon ng
Pagpapaliwanag noong ika-18 daantaon, at pinakalat sa daigdig sa pamamagitan ng
globalisasyon sa pamamagitan ng magkakasunud-sunod na mga imperyong Europeo
sa pagitan ng ika-16 at ika-20 mga daantaon. Kung kaya't ang kultura ng mga Europeo
ay umunlad upang maging isang napaka masalimuot na kababalaghan ng mas
malawak na kasakupan ng pilosopiya, ng humanismong Kristiyano at sekular, ng
rasyonal o makatwirang paraan ng pamumuhay at lohikal na pag-iisip na umunlad sa
loob ng mahabang panahon ng pagbabago at pormasyon dahil sa mga eksperimentong
naisagawa noong Panahon ng Pagkamulat, naturalismo, romantisismo, agham,
demokrasya, at sosyalismo. Dahil sa ugnayang global ng Europa, ang kultura ng
Europa ay lumago at lumaki na may panlahatang pagsasama ng udyok na umampon,
umangkin, makibagay, at lalo na ang makaimpluwensiya sa ibang mga gawi ng
kultura. Sa katunayan, at kung gayon, ang kulturang Europeo at pamamaraan ng
pamumuhay, bagaman hanggang sa isang malaking kaantasan lamang, ay naging isa sa
mga "kulturang pangglobo" o "kalinangang pandaigdig", dahil sa paglawig ng
edukasyon sa Europa magmula noong ika-19 daantaon at dahil sa paglaganap ng
Kristiyanismo.[1]
MGA SALAPI NG IRELAND

You might also like