You are on page 1of 20

9

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Interaksyon ng Demand at
Suplay

1
Alamin

Araw-araw ay gumagawa ka ng desisyon kung ano ang iyong tutugunang


pangangailangan at kung saan mo ito makukuha. Kadalasan, inaalam mo muna kung
saan ka makabibili ng angkop sa iyong panlasa at kung saan ka makatitipid. Sa
bahaging ito, mahalagang pag-aralan ang
interaksyon ng demand at suplay. Paano nakaaapekto ang interaksyon ng
demand at suplay sa kalahgayan ng presyo at ng pamilihan?

Sa modyul na ito inaasahang maisasagawa mo ang sumusunod na kasanayan:

Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng presyo at ng


pamilihan (AP9MYK-Ile-9).

Matapos basahin at sundin ang nilalaman ng modyul na ito, inaasahan ang mag-aaral na:
1. Naipaliliwanag ang interaksyon ng demand at suplay sa kalagayan ng presyo
sa pamilihan; at
2. mailalarawan ang mga pamamaraan ng mga Pilipino upang maiwasan ang
labis na suplay ng mga produkto sa pamilihan.

2
GRAPIKONG PANTULONG SA ARALIN

Maykroekonomiks

Sambahayan Bahay-Kalakal Pamilihan

IBA'T IBANG
DEMAND SUPPLAY
ISTRUKTURA

INTERAKSYON NG NG DEMAND AT SUPLAY

Subukin

Piliin ang pinakatamang sagot at isulat sa isang sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa mga kalakal na handang ipagbili ng mga negosyante sa


magkakaibang halaga sa iisang takdang panahon?
a. negosyo
b. demand
c. suplay
d. kontrabando

2. Ano ang tawag sa dami ng kalakal na handang bilhin ng mga mamimili sa


isang takdang panahon?
a. timbang
b. suplay
c. demand
d. badyet

3
3. Ano ang mekanismo kung saan nagtatagpo ang nagbebenta at namimili
upang magkaroon ng bentahan?
a. pamilihan
b. sanglaan
c. lansangan
d. pasyalan

4. Saan pinoproseso ang mga produkto upang maipagbili ng mga negosyante?


a. bahay-kalakal
b. tindahan
c. bodega
d. daungan

5. Paano nakikita ang ugnayan ng mga bahay-kalakal at mamimili sa


pamamagitan ng interaksyon ng suplay at demand?
a. pagtatakda ng makatarungang buwis
b. pagtatakda ng bilang ng mamimili
c. pagtatakda ng dami ng paninda
d. pagtatakda ng presyo ng bilihin

6. Sa Ekonomiks, sino ang may tungkuling pag-aaralan kung paano


matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao?
a. pamahalaan
b. mamimili
c. prodyuser
d. konsyumer

7. Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang mabisang


nagpapaliwanag ng graph tungkol sa ugnayan ng presyo ng mga bilihin at
demand ng mga konsyumer?

Presyo

2 4 Dami

a. Kapag mataas ang presyo ng bilihin, kaunti ang mabibili ng konsyumer.


b. Mas marami ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo.
c. Habang tumataas ang presyo, bumababa naman ang demand ng mga
konsyumer.
d. Habang tumataas ang presyo, tumataas din ang demand ng mga
konsyumer.

4
8. Ano ang ibig ipahiwatig ng paggalaw ng kurba ng pataas, pababa, pakanan, o
downward sloping?
a. Walang kaugnayan ang demand sa presyo.
b. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand.
c. Sumasabay ang presyo sa pagbaba ng demand.
d. May negatibong ugnayan ang presyo sa dami ng demand.

9. Upang masabing suplay ang isang produkto, kailangang may kagustuhan at


kakayahan ang prodyuser na ipagbili ang produkto. Halimbawa, kung 30,000
lata ng sardinas ang kailangan para sa ipamimigay na ayuda habang nasa
Community Quarantine. Ayon sa datos, may sampung kompanya nguit sa
bilang na ito, anim lamang ang may interes na magbenta ng kabuuang
20,000 sardinas sa halagang P15.00. Batay sa sitwasyong ito, ilan ang
maituturing na suplay ng sardinas?
a. 6 b. 10 c. 20,000 d. 30,000

10. Ano ang tawag sa pagtatakda ng pamahalaan pinakamataas na presyo ng


mga produkto at serbisyo para matuguan ang hinaing ng mga konsyumer?
a. price ceiling c. market clearing price
b. price freeze d. floor Price

11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng malaking papel ng


pamahalaan para mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan?
a. panghuhuli sa mga illegal vendors
b. pagtatakda ng suggested retail price bilang gabay sa presyo
c. pagpapatupad ng Consumers’ Welfare Act
d. panghihikayat sa maliliit na negosyante na palawakin ang kanilang
mga negosyo

12. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing


pinakamodelong istruktura ng pamilihan dahil sa dami ng nagbebenta at
mga konsyumer. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng
istrukturang ito?
a. malayang kalakalan sa bilihan
b. may kakaibang produkto
c. maraming prodyuser at konsyumer
d. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksyon

13. Ang pamilihan ay may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang


prodyuser ay walang kapangyarihang magdikta ng presyo sa pamilihan.
Paano nakatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?
a. Nagiging masigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil sa pagtaas ng
bilang ng mga prodyuser at konsyumer
b. Mapapababa ng mga prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto
c. Makakakuha ng mas malaking tubo ang mga prodyuser
d. Nalilimitahan ang mga dayuhang negosyante sa pagsigla ng lokal na
kompetisyon

5
14. Paano tinutulungan ng pamahalaan ang mga lokal na mamumuhunan
mula sa pakikipagkumpetensiya sa mga dayuhang negosyante?
a. Nagpapa-utang ng puhunan ang pamahalaan
b. Nagpapataw ng taripa ang pamahalaan sa mga dayuhan
c. Nagbabayad ang mga lokal na mamumuhunan sa gobyerno.
d. Nabibigyan ng diskwento sa buwis ang mga may-ari ng negosyo.

15. Simula nang magsagawa ng Community Quarantine sa probinsya ng


Pampanga dahil sa pandemikong COVID-19, alin sa mga sumusunod na
produkto ang naging mababa ang demand kumpara sa kasabay sa
panahong wala pang pandemiko?
a. Alkohol b. bitamina c. face mask d. milk tea

Balikan

Naaalala mo pa rin ba pagkakaiba-iba ng mga kagustuhan at pangangailangan ng tao?


Tinalakay sa mga nagdaang aralin na may mga kagustuhan ang tao na para sa iba ay
pangangailangan nila. Base sa napag-aralan na, ang tanging hindi nagbabago lamang ay
ang. pangangailangan Ito ay tiyak na kapag hindi natugunan at ikamamatay ng isang tao,
tulad ng pagkain, damit at tirahan. Ito ay unang binibili o pinagkakagastusan ng tao.

Gawain 1: Demand at Suplay, Magkaugnay!

Panuto: Buuin ang concept map na nasa ibaba tungkol sa konsepto ng demand at suplay.
Isulat sa iyong sagutang papel ang iyong sariling ideya tungkol sa ugnayan ng dalawang
konsepto.

DEMAND SUPLAY

6
Tuklasin

Sa bagong paksang iyong mapag-aaralan sa modyul na ito, matututunan mo ang


kahalagahan ng konsepto ng demand at suplay at ang interaksyon ng dalawang puwersang
ito sa ekonomiya. Ngunit bago mo tuklasin ang bagong paksa, basahin mo ang isang
maikling tula sa ibaba at sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel.

TAMANG KONSUMO, DI KONSUMIDO


Ni Venn Pagaduan

Bago mo aralin, tuklasin muna natin Sa iyong


pamimili, ano ang ýong layunin?
Kagustuhan lang ba o pangangailangan din?
Kaya dapat nagpaplano rin.

Ang plano ng pagkonsumo Ito ba ay


ginagawa mo? Sa bawat pamimili mo
Sa tamang konsumo, hindi ka konsumido.

Panlinang na tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng maikling tula?
2. Paano mo maipapakita ang pagiging isang matalinong mamimili?
3. Ano ang epekto ng iyong pagkonsumo sa demand at suplay ng mga kalakal?

Sa bahaging ito, maaaring hikayatin ang mag-aaral na isulat sa kuwaderno nito ang
kanyang Hugot Line ukol sa pagkakaugnay ng Suplay at Demand sa kabila ng
kanilang pagkakaiba ng epekto sa presyo. Ito ay kanyang bibigkasin sa panimula at
pagbabawas ng aralin.

7
Aralin
Interaksyon ng Demand at
1 Suplay

Suriin

Ang interaksyon ng demand at suplay ay may malaking bahagi sa pagtatakda ng presyo sa


pamilihan. Tulad ng nasa larawan, kung saan binabalanse ang demand ng mga mamimili at
ang kakayahang magsuplay ng mga negosyante. Kapag nagbalanse ang dalawang puwersa
na ito, kung saan ang demand ng mga konsyumer ay katumbas ng kayang isusuplay ng
mga mangangalakal, magkakaroon ng ekilibriyo sa pamilihan.

DEMAND

SUPLAY

Ang ekilibriyo ay isang kalagayan kung saan ang dami ng demand ng pamilihan ay
pantay sa dami ng suplay ng mga negosyante na nakatakda sa isang presyo.
Nagpapakita ito ng pagkakasundo sa pagitan ng mga bumibili at nagtitinda sa isang
tiyak na presyo o ekilibriyong presyo at dami ng produkto at serbisyo. Tinatawag
na ekilibriyong presyo ang isang presyo sa isang pamilihan na napagkasunduan
ng mga mamimili at nagtitinda na hindi magkakaroon ng kakulangan at kalabisan
sa panig ng dalawang sektor.

8
Maaring matukoy ang ekilibiriyong presyo at ekilibriyong dami sa pamamagitan ng
tatlong paraan:

1. Sa pamamagitan ng graph

surplas

Ekilibriyong
Presyo (Ep) E Punto ng Ekilibriyo

Kakulangan

Ekilibriyong Dami (Ed)

Makikita sa grap ang interaksyon ng demand at suplay at ang punto ng ekilibriyo,


surplus aat kakulangan. Ang punto (punto E) kung saan ang kurba ng demand ay
katumbas ng kurba ng suplay ay tinaguriang punto ng ekilibriyo. Ang presyo na nasa
tapat ng punto ng ekilibriyo ay tinatawag na ekilibriyong presyo (Ep) at ang dami na
nasa tapat ng ekilibriyo ay tinatawag na ekilibriyong dami (Ed). Ang lugar na nasa itaas
ng punto ng ekilibriyo ay tinatawag na surplus, kung saan ang dami ng suplay ay mas
higit na mataas kaysa demand. Sa ibaba naman ng ekilibriyo ay ang kakulangan, kung
saan ang dami ng demand ay mas mataas kaysa sa dami ng suplay

2. Sa pamamagitan ng iskedyul ng suplay at demand


TALAHANAYAN 1.4 ISKEDYUL NG DEMAND AT SUPLAY PARA SA 70% ETHYL
ALCOHOL

PRESYO PRESYUR
DAMI NG DAMI NG KALAGAYAN SA
PUNTO NG BAWAT SA
DEMAND SUPLAY PAMILIHAN
YUNIT (₱) PRESYO
A 100 9 18 KALIBSAN PABABA
B 90 10 16 KALABISAN PABABA
C 80 12 12 EKWILIBRIYO NEUTRAL
D 70 15 7 KAKULANGAN PATAAS
E 60 20 2 KAKULANGAN PATAAS
May napansin ka bang kakaiba? Ang presyo ay may kabaligtarang relasyon sa demand.
Kapag ang presyo ay mataas, ang dami ng demand ay mababa; at kapag mababa ang
presyodarami ang gusting bumili kaya tataas ang demand. Naiiba ang panig naman ng
suplay. Kapag mataas ang presyo, nahihikayat ang prodyuser na damihan ang kanyang
produkto kaya mataas ang suplay. Kung mababa naman ang presyo, hindi mahihikayat ang
prodyuser na taasan ang dami ng kanyang produkto kaya mababa ang dami ng suplay.

9
APLIKASYON NG DEMAND AT SUPLAY
Suriin ang apat na pangkaraniwang interaksyon ng demand at suplay.

A. Restriksyon sa Suplay. Isang halimbawa nito ay ang pagsusulit na


kailangang ipasa ng mga nais maging doctor sa medisina. Limitado lamang
kasi ang nakapapasa nito dahil na rin sa hirap ng mga katanungan. Kahit na
isang paraan ito upang tiyaking may sapat nakaalaman at kakayahan ang
mga magiging doktor, pinabababa naman nito ang suplay ng mga doktor.

B. Taripa. Maraming dahilan kung bakit nagtatakda ng taripa ang pamahalaan


sa mga produktong inaangkat o binibili natin mula sa ibang bansa. Isang
dahilan dito ay para “proteksyonan ang mga lokal na industriya laban sa
kompetisyon ng mga dayuhan”. Halimbawang pinatawan ng taripa ang mga
On-Line Selling, makikinabang ang mga maliliit na tindahan dahil
mababawasan ang mga magtitinda online. Mababawasan na rin ang
mgakakakompetensya subalit tataas naman ang preyo ng ibang mga bilihin
kasi wala na silang kaagaw online bunga ng paglipat ng kurba ng suplay
pakaliwa.

PAPEL NG PAMAHALAAN SA PAGTATAKDA NG PRESYO

Pagtatakda ng Batas sa Presyo – Ito ang mga ipinatutupad na batas o patakaran ng pamahalaan
para protektahan ang mga mamimili:

1. Price ceiling – inilalagay itong pamahalaan para makontrol ang


mataas na presyo ng mga pangunahing produkto tulad ng gasolina at
pagkain. Ang pinakamataas na presyo na maaaring ibenta ang isang
produkto ay dapat ipatupad ng lahat ng bahay-kalakal. Hindi maaaring
magbenta ang mga bahay-kalakal ng mas mahal kaysa sa price ceiling.
2. Price Floor – ito ay itinakdang presyo ng pamahalaan sa mga produkto
batay sa kakayahan ng mga mamimili o dahil sa itinakdang Minimum
Wage Rate para tiyaking may kakayahan itong makabili ng mga
pangunahing pangangailangan. Sa kasalukuyan ang Minimum Wage sa
Lungsod ng Angeles, ayon sa Department of Labor and Employment at
batay sa Wage Order RB-III-22, ay hindi bababa sa ₱420. Ibig sabihin nito
na ang purchasing power o kakayahan ng mga manggagawa sa Lungsod
Angeles ay umakyat na at mas marami na siyang mabibiling produkto o
mababayarang serbisyo.
Buwis – ito ay ang ipinapataw na presyo na dapat bayaran ng mga prodyuser o bahay-
kalakal para matugunan ang kakulangan sa pondo ng pamahalaan at makapagpababa ito
ng iba pang suliraning panlipunan o pangkalusugan. Sa ngayon, binubuwisan ng
pamahalaan ang iba’t ibang bilihin tulad ng sigarilyo, alak at serbisyong paggawa.
Malalaman ba ang epekto ng buwis sa presyo ng produkto gamit ang suplay at demand?
Oo! Halimbawa, ang pagtaas ng buwis sa sigarilyo ay makapagpapasok ng dagdag na
pondo sa pamahalaan at makababawas sa sakit na

10
dulot ng paninigarilyo. Ang pagpataw ng Excise Tax sa mga prodyuser sa paggawa,
pagbebenta at paggamit ng alak at sigarilyo ay nakapagsusulong naman sa serbisyo ng
gobyerno sa mga mamamayan nito. Sa bawat pisong tax, halimbawa, na naipapataw sa
bawat piraso ng sigarilyo ay nagpapalipat sa kurba ng suplay sa kaliwa. Walang dahilan
para palipatin ng pisong buwis sang kurba ng demand kung walang pagbabago sa kita ng
mga naninigarilyo o sa presyo ng kapalit o kaugnay nitong produkto. Bibili pa rin ang mga
naninigarilyo sa dami at resyong isinasaad ng orihinal na kurba ng demand. Subalit
lumipat ang kurba ng suplay dahil na rin sa katotohanang ang mga bahay-kalakal ay
nagbebenta ng mas kaunti sa bawat presyo dahil sa buwis. Ang buwis ay nagpataas sa
gastos ng produksyon na isang salik na nagpapalipat sa kurba ng suplay.

Pagyamanin

GALLERIYA NG PANG-UNAWA
Panuto: Ipaliwanag ang mensaheng ipinahahayag ng editorial cartoon sa ibaba. Isulat sa
malinis na bond paper ang iyong sagot at isumite sa iyong guro.

Gabay na tanong:
1. Ano-anong mga salik ang tumutukoy sa
demand? Sa suplay?

2. Paano magkaugnay ang demand at suplay?


Epektibo ba itong ipinakita ng gumuhit ng
editorial cartoon? Ipaliwanag.

3. Ano ang magiging epekto sa presyo at


dami kapag nagkaroon ng interaksyon ang
demand at suplay?

11
GUHIT-INUNAWA!
Panuto: Ipaliwanag ang mensahe ng ilustrasyong nasa ibaba sa loob ng limang pangungusap.
Isulat ang sagot sa isang malinis na bond paper.

MAGTIPID AT MAGRESIKLO!
Panuto: Sa panahon ng pandemya, ilista ang mga pamamaraan na ginagawa ninyo para
mabawasan ang gastusin sa bahay at kung paano kayo nakatitipid sa pagreresiklo. Isulat
ang sampung (10) pinakamahahaalagang pamamaraan na inyong ginagawa ng mga
miyembro pamiya.

T-SHIRT-TERAKSYON NG DEMAND AT SUPLAY!


Panuto: Gumuhit ng makabuluhang mensahe ng pagpapahalaga sa suplay ng karunungan
at ang pagpapatuloy sa pag-aaral para sa demand ng bansa ng mamamayang may alam.
Maaaring gumamit ng gamit na t-shirt at pintura o pangkulay ng tela.
RUBRIC SA PAGWAWASTO
CRITERIA INDICATOR ISKOR
Nilalaman (8 puntos) Ebidensya ng kaalamang
sa paksang tinatalakay
Pagkamalikhain at paraan Mapagpahiwatig ang mga
ng Presentasyon salita at talinghaga
(7 puntos)
Kaayusan ng Likha Malinaw at may dating
(3puntos)
Kabuuang Epekto (2 Epekto o obserbasyon ng
puntos) audience
Kabuuang Iskor 20 puntos

12
PAGSUSURI NG SITWASYON
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Batay sa mga pagbabago ng
kondisyonsa mga produkto, tukuyin sa ikatlong kolum kung alin sa demand o suplay ang
nabago. Sa iakapat at ikalimang kolum, tukuyin kung tumaas o bumaba ang ekwilibriyong
presyo at dami. Isylat ang arrow up ( ) kung ang ekwilibriyong presyo at dami ay tumaas, at
arrow down ( ) naman kung bumaba.

Kapag tumaas ang suplay at hindi Kapag bumaba ang suplay at hindi
nagbago ang demand, bababa ang nagbago ang demand, tataas ang
ekwilibriyong presyo. ekwilibriyong presyo.
Tataas naman ang ekwilibriyong Bababa naman ang ekwilibriyong
dami ng bilihin. dami ng bilihin.

Kapag tumaas ang demand at hindi Kapag bumaba ang demsand at hindi
nagbago ang suplay, tatas ang nagbago ang suplay, bababa ang
ekwilibriyong presyo. ekwilibriyong presyo.
Tataas din ang dami ng bilihin Bababa naman ang ekwilibriyong
dami ng bilihin

13
Isaisip

Panuto: Punan ng wastong sago tang mga patlang pang mabuo ang diwa ng pangungusap
ukol sa interaksyon ng demand at suplay. Pumili ng wastongng sagot sa loob ng kahon.

mamimili magkasalungat pinakamataas presyo

ekwilibriyong produkto hakbang pagtawad


price ceiling hoarding pagbubuwis nagtitinda

1. Ang interaksyon ng demand at suplay ay bunga ng magkakasalungat na


pagtugon sa presyo ng mamimili at .
2. Ang na pagtugon ng mamimili at nagtitinda ay
bunga ng magkasalungat na pagpapasya. Gusto ng mamimili na makabili sa
pinakamababang , samantalang ang nagtitinda naman ay
nais magbenta sa na halaga.
3. Ang presyo ang dahilan ng bilihan ng produkto
sa pagitan ng at nagbibili.
4. Ang pamahalaan ay may mga na ginagawa para
maisaayos ang presyo tulad ng , price floor at
at paggasta sa mahahalagang
..

MAG-ISIP

Panuto: Sagutin ang tanong na nasa kahon. Isulat ang iyong paliwanag sa iyong
sagutang papel o portfolio.

Tanong:

Bakit mahalagang malaman mo bilang isang mag-aaral ng Ekonomiks ang interaksyon


ng demand at suplay?

14
Isagawa

Gawain: Pansinin mo!


Panuto: Gumawa ng isang simpleng pananaliksik tungkol sa mga nagaganap na pagbili ng
iyong magulang ng bigas o pangunahing pagkain ng pamilya sa suki nitong tindahan.
Kapanayamin siya ukol dito. Pansinin kung may ekilibriyo sa presyo at dami at ipaliwanag
ito sa pamamagitan ng isang simpleng case study.
Rubriks sa Pagsasagawa ng Case Study
5 4 3 2 1
napakakump kumprehensi maayos ang simple ang nangangailan
rehensibo bo ang ginawang ginawang gan ng
Nilalaman ang ginawang pananaliksik pananaliksik ibayong
nilalaman ng pananaliksik pananaliksik
pananaliksik
napakahusay higit na mahusay nangangailang nangangailan
ng mahusay ang ang an ng gang baguhin
Organisasyon presentasyon ginawang presentasyo kaunting ang
ng presentasyon n pagbabago sa presentasyon
pananaliksik presentasyon
lubhang nakapahusay mahusay
nangangailang nangangailan
napakahusay ng ang
an ng kaunting gang baguhin
ng pagkakasulat pagkakasula
pagbabago sa ang report
Paraan ng pagkakasulat t
paraan ng
pagsulat ng ulat
pagsulat

15
Tayahin

Piliin ang pinakatamang sagot at isulat sa isang sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa talaan ng dami ng produkto sa bawat pagbabago ng presyo?


a. batas ng demand
b. kurba ng demand
c. paglipat ng demand
d. iskedyul ng demand

2. Alin sa mga ito ang HINDI kabilang sa mga di-presyong salik na nakaapekto
sa demand?
a. Kita o tubo ng nagtitinda
b. Populasyon sa lugar
c. Panlasa ng Mamimili
d. Espekulasyon o inaasahan ng mamimili

3. Ano isinasaad ng batas ng suplay?


a. Kapag mataas ang presyo ng isang produkto, marami rin ang bilang ng
produktong handang ipagbili
b. Kapag mataas ang presyo ng isang kalakal o paglilingkod, mababa ang
dami ng suplay
c. Kapag mataas ang bilang ng suplay ay mataas din ang demand nito
d. Kapa gang produkto o serbisyo ay mataas anng presyo magkapantay
lamang ang demand at supply.

4. Sa kasalukuyan, saan nagaganap ang pinakamabilis na transakyon ng


pakikipagpalitan ng produkto o serbisyo?
a. bahay-kalakal
b. tindahan
c. online
d. lahat ng nabanggit

5. Paano nakikita ang ugnayan ng mga bahay-kalakal at mamimili sa


pamamagitan ng interaksyon ng suplay at demand?
a. pagtatakda ng makatarungang buwis
b. pagtatakda ng bilang ng mamimili
c. pagtatakda ng dami ng paninda
d. pagtatakda ng presyo ng bilihin

16
6. Sa Ekonomiks, sino ang may tungkuling pag-aaralan kung paano
matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao?
a. pamahalaan
b. mamimili
c. prodyuser
d. konsyumer

7. Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang mabisang


nagpapaliwanag ng graph tungkol sa ugnayan ng presyo ng mga bilihin at
demand ng mga konsyumer?

Presyo

2 4 Dami

e. Kapag mataas ang presyo ng bilihin, kaunti ang mabibili ng konsyumer.


f. Mas marami ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo.
g. Habang tumataas ang presyo, bumababa naman ang demand ng mga
konsyumer.
h. Habang tumataas ang presyo, tumataas din ang demand ng mga
konsyumer.

8. Ano ang ibig ipahiwatig ng paggalaw ng kurba ng pataas, pababa, pakanan, o


downward sloping?
a. Walang kaugnayan ang demand sa presyo.
b. Hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand.
c. Sumasabay ang presyo sa pagbaba ng demand.
d. May negatibong ugnayan ang presyo sa dami ng demand.

9. Upang masabing suplay ang isang produkto, kailangang may kagustuhan at


kakayahan ang prodyuser na ipagbili ang produkto. Halimbawa, kung 30,000
lata ng sardinas ang kailangan para sa ipamimigay na ayuda habang nasa
Community Quarantine. Ayon sa datos, may sampung kompanya nguit sa
bilang na ito, anim lamang ang may interes na magbenta ng kabuuang
20,000 sardinas sa halagang P15.00. Batay sa sitwasyong ito, ilan ang
maituturing na suplay ng sardinas?
a. 6
b. 10
c. 20,000
d. 30,000

17
10. Ano ang tawag sa pagtatakda ng pamahalaan pinakamataas na presyo ng
mga produkto at serbisyo para matuguan ang hinaing ng mga konsyumer?
a. price ceiling
b. price freeze
c. market clearing price
d. floor price

11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng malaking papel ng


pamahalaan para mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan?
a. panghuhuli sa mga illegal vendors
b. pagtatakda ng suggested retail price bilang gabay sa presyo
c. pagpapatupad ng Consumers’ Welfare Act
d. panghihikayat sa maliliit na negosyante na palawakin ang kanilang
mga negosyo

12. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing


pinakamodelong istruktura ng pamilihan dahil sa dami ng nagbebenta at
mga konsyumer. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng
istrukturang ito?
a. malayang kalakalan sa bilihan
b. may kakaibang produkto
c. maraming prodyuser at konsyumer
d. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksyon

13. Ang pamilihan ay may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang


prodyuser ay walang kapangyarihang magdikta ng presyo sa pamilihan.
Paano nakatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?
a. Nagiging masigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil sa pagtaas ng
bilang ng mga prodyuser at konsyumer
b. Mapapababa ng mga prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto
c. Makakakuha ng mas malaking tubo ang mga prodyuser
d. Nalilimitahan ang mga dayuhang negosyante sa pagsigla ng lokal na
kompetisyon

14. Paano tinutulungan ng pamahalaan ang mga lokal na mamumuhunan


mula sa pakikipagkumpetensiya sa mga dayuhang negosyante?
a. Nagpapa-utang ng puhunan ang pamahalaan
b. Nagpapataw ng taripa ang pamahalaan sa mga dayuhan
c. Nagbabayad ang mga lokal na mamumuhunan sa gobyerno.
d. Nabibigyan ng diskwento sa buwis ang mga may-ari ng negosyo.

15. Simula nang magsagawa ng Community Quarantine sa probinsya ng


Pampanga dahil sa pandemikong COVID-19, alin sa mga sumusunod na
produkto ang naging mababa ang demand kumpara sa kasabay sa
panahong wala pang pandemiko?
a. Alkohol b. bitamina c. Face mask d. Milk Tea

18
Karagdagang Gawain

GAWAIN: GRAPH NG PAGBABAGO

Panuto: Tanungin ang isang nagtitinda sa inyong barangay tungkol sa dami ng


ipinagbibili nitong produkto sa pabago-bagong presyo. Ilapat sa graph ang datos na
makukuha at isumite sa guro kalakip ang dokumentaryo ng inyong panayam. Tiyaking may
face mask kang suot o face shield habang nagsasagawa ng panayam. Isaalang alang rin ang
social distancing na naaayon sa rekomendasyon ng Department of Health at IATF (Inter-
agency Task Force) laban sa COVID-19.

GAWAIN: IRF SHEET

Panuto: Kumpletuhin na ang IRF Sheet na ito.


Paano nakaaapekto ang sistema ng demand at suplay sa pamilihan?
Inisyal (Ano ang alam mo bago pa
natin pag-aralan ang paksa?)
Renibisa (Ano ang natutunan mo
habang binabasa ang modyul na ito?)
Pinal (Ano natutunan mo matapos
mapanood ang mga video lessons at
makumpleto ang modyul na ito)

19
Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN TAYAHIN
1.C 1.D
2.C 2.A
3.A 3.A
4.A 4.C
5.D 5.D
6.C 6.C
7.C 7.C
8.D 8.D
9.C 9.C
10.A 10.A
11.B 11.B
12.B 12B
13.A 13.A
14.C 14.C
15.D 15.D

20

You might also like