You are on page 1of 29

9

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Paikot na Daloy ng Ekonomiya

Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Paikot na Daloy ng Ekonomiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rebecca D. Lumasac


Editor: Rosanna Palispis-Querijero
Rebecca K. Sotto, PhD
Tagasuri: Kristian Marquez
Erfe Donna A. Aspiras
Emelita T. Angara
Angelica M. Burayag, PhD
Tagaguhit: Rose Ann F. Dionisio
Tagalapat: Rose Ann F. Dionisio
Milky Joy B. Anasan
Tagapamahala:
Nicolas T. Capulong, PhD
Librada M. Rubio,EdD
Ma.Editha R. Caparas, EdD
Angelica M. Burayag, PhD
Lily Beth M. Mallari
Rosanna Palispis-Querijero

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Region III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t-ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang
mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay ng Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman
ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa upang higit na malinang ang antas ng iyong
kaalaman sa bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na daloy ng
ekonomiya.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
• Naipaliliwanag ang bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na
daloy ng ekonomiya.
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nakapagtatalakay ng mga modelo ng paikot na daloy ng pambansang
ekonomiya;
2. Nakatutukoy ng bahaging ginagampanan ng mga bumubuo sa paikot na
daloy ng pambansang ekonomiya;
3. Nakapagpapaliwanag ng pagkakaiba ng bawat modelo sa pambansang
ekonomiya;
4. Nakagagawa ng halimbawa ng modelo ng paikot na daloy ng pambansang
ekonomiya.

Subukin
Subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak
ng iyong kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin.
Panuto: Piliin mo ang titik ng wastong sagot at isulat ang mga sagot sa sagutang
papel.
1. Kung ikaw ay nagbabalak magtayo ng negosyo, ang larangan ng ekonomiks
ang iyong pag-aaralan upang makita ang gawi ng kabuuan ng ekonomiya ay
ang pag-aaral tungkol sa ________________.
A. pamilihan
B. ekonomiya
C. maykroekonomiks
D. makroekonomiks

2. Kinakailangang magtagpo ang mamimili at nagbebenta sa pamilihan upang


_______________.
A. bumili ng produkto
B. kumita ang nagbebenta
C. magbuwis ang mamimili at nagbebenta
D. magkaroon ng interaksyon ang mamimili at nagbebenta
3. Masasabing ito ay katangian ng sambahayan kapag ________________.
A. nagbabayad sa bahay-kalakal
B. bumibili ng kalakal ang sambahayan
C. may-ari ng mga salik ng produksiyon
D. Lahat ng nabanggit
4. Ang mga sumusunod ay layunin ng patakarang pang-ekonomiya maliban sa
mapataas ang _______________.
A. presyo ng bilihin
B. sistemang politikal
C. antas ng produksyon
D. bilang ng may trabaho sa bansa
5. Mailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya kung may _______________.
A. kita at gastusin ang pamahalaan
B. ugnayan ang sektor ng ekonomiya
C. kalakalan sa loob at labas ng bansa
D. transaksyon ang mga institusyong pinansyal
6. Kinakailangang maitaas ng kaukulang aktor ng produksyon at pagkonsumo
upang ______________.
A. umunlad ang bansa
B. lumago ang ekonomiya ng bansa
C. maging kasapi ng mayayamang bansa
D. makasama sa pandaigdigang pamilihan
7. Sa modelong ito inilalarawan ang bahay-kalakal at sambahayan ay iisa dahil
sa _____________.
A. ikatlong modelo ito mababasa
B. unang modelo ito ipinaliliwanag
C. ikaapat na modelo mo ito makikita
D. ikalimang modelo ito matatagpuan
8. Pumapasok ang pamahalaan bilang ikatlong sektor sa modelo ng
pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng ______________.
A. kalakalan
B. scholarship
C. pagbubuwis
D. pagbibigay ayuda

2
9. Kung ikaw ay kumikita ng Php 20, 000 bawat buwan, ang bahagi ng iyong
kinita na hindi ginagastos ay itinatabi mo at ilalaan sa ______________. A.
allowance
B. pag-aaral
C. kinabukasan
D. insentibo sa sarili
10.Paano nakalilikom ng pondo ang pamahalaan upang makalikha ng
pampublikong paglilingkod?
A. Sa tulong ng electric revenue
B. Sa ambag ng financial revenue
C. Sa pamamagitan ng public revenue
D. Sa pangangasiwa ng private revenue
11. Hindi kabilang sa pamilihang pinansyal ang korporasyon sapagkat
______________.
A. madami kayo dito
B. hindi ka makauutang dito
C. kinakailangang may share ka dito
D. mayayaman lang ang miyembro nito
12.Nagkakaroon ng ugnayan ang dalawang magkaibang ekonomiya sa
pamamagitan ng pagpapalitan ng mga kalakal sapamamagitan ng
_______________.
A. pamahalaan
B. pamilihang pinansyal
C. produksiyon
D. panlabas na sektor
13. Sa mga modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang anumang pagtamlay
ng ekonomiya ay maaaring isisi sa ______________.
A. sambahayan dahil dito nagmumula ang mga salik ng produksiyon. B.
bahay-kalakal dahil dito ang lumilikha ng mga produktong kailangan ng
lahat.
C. lahat ng sektor dahil ang bawat isa ay may magkakaugnay na gampanin
sa isa’t isa.
D. pamahalaan dahil ito ang nagpapatupad ng mga alituntuning pang
ekonomiya.

3
14. Paano lamang nagkakaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal? A. Ang
salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga
bahay-kalakal.
B. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng
produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
C.Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na
sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay-kalakal.
D. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng
karagdagang trabaho para sa bahay-kalakal.
15.Bilang isang mag-aaral, sa paanong paraan ka makatutulong sa
pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?
A. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader. B.
Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng
department store.
C. Paalalahanan ang magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong
pagbabayad ng buwis.
D. Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi nagbabayad ng
tamang buwis.

Mga Tala para sa Guro


Siguraduhing naituro na sa mga mag-aaral ang bahaging ginagampanan
ng pamahalaan sa regulasyon ng mga gawaing pangkabuhayan upang
maiwasan ang kalituhan sa pagsasagawa ng mga gawain.
Ipagpatuloy ang paggabay/pagsubaybay sa mag-aaral habang
isinasagawa ang pagsagot sa mga pinatnubayang gawain para sa paksang
aralin na nasa modyul na ito.
.

4
Arali
n
Paikot na Daloy ng
Ekonomiya
1
Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay binubuo ng iba’t ibang modelo at
sektor na may magkakaugnay na gampanin. Sa iyong palagay, ano-ano ang
pagkakaiba-iba ng limang modelo at paano ito makatutulong sa pag-angat ng
ekonomiya?

Balikan
Panuto: May apat na bumubuo sa pamilihang may hindi ganap na kompetisyon na
nasa kahon sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang katangiang naglalarawan sa
mga ito.
Monopolistikong
Kompetisyon Oligopolyo Monosopyo
Monopolyo

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ginagampanan ng pamahalaan sa gawaing pangkabuhayan ng bawat
isa?
2. Paano ito nakaaapekto o nakatutulong sa kanila?

Tuklasin
Ang pag-aaral ng makroekonomiks ay sumasaklaw sa kabuuang ekonomiya
ng isang bansa. Hindi lamang isa o dalawang institusyon ang kumakatawan sa
paggalaw na ito kundi ang lahat ng tao at mga pangkat ng tao na matatagpuan sa
isang lipunan.
Bilang panimula, nais kong sagutin mo ang mga sumusunod na mga
katanungan bilang bahagi ng pagtuklas sa ating aralin.

GAWAIN: Game Ka na Ba?


Panuto: Ayusin ang mga titik sa loob ng kahon upang makabuo ng mga salitang
may kaugnayan para sa tatalakaying modyul. Isulat ang mga nabuong salita sa
sagutang papel.

1. Nagbebenta ng kalakal at paglilingkod.


LBEMA
MAKHLAYN
KALKA
2. Salapi o pera na sinisingil ng pamahalaan upang kumita.
WUBIS

3. Tagatustos ng mga salik sa produksiyon.


HAYBA
SAMAN

4. Nagbibigay ng mga pampublikong paglilingkod para sa sambayanan.


HAMAA
NPAAL

5. Pagpasok ng mga produktong galing sa ibang bansa.


ORTPIM

6. Pagluluwas ng mga produktong galing sa bansa.


OXTPER

7. Proseso ng paggawa ng produksyon.


SYNOU
KRPDO
6
8. Paghahanda para sa hinaharap.
OKIMP
IGAP

9. Pamilihan ng mga tapos na produkto.


TEKAM
RDYTIC
MOMO
10. Pamilihan ng mga salik ng produksiyon.
CATOFM
RAKREMT

Tanong:
1. Ano ang ideya mo sa mga salitang iyong nabuo?
2. Ano ang iyong pagkaunawa sa salitang ekonomiya?

Suriin
May iba’t ibang modelo ang pambansang ekonomiya. Ito ay nagbibigay ng
konteksto sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa makroekonomiks. Ang
modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng interdependence ng lahat
ng sektor sa isang ekonomiya. Sa pamamagitan nito, naipakikita nang simple ang
reyalidad.
Ang pagtataya sa buong gawi ng lipunan ay isang malawak na gawain.
Upang mailarawan ang galaw ng pambansang ekonomiya sa isang simpleng
kalagayan maipakikita ito sa pamamagitan ng Paikot na Daloy ng Ekonomiya.
Unang Modelo. Payak na Ekonomiya. Ito ay nagpapakita ng isang payak
na ekonomiya na kung saan ang sambahayan at bahay-kalakal ay iisa. Ang
gumagawa ng produkto ay siya ring kumukonsumo.

7
Ikaw ay bibisita sa iyong kamag-anak sa Visayas. Habang nasa laot,
inabutan kayo ng bagyo at nasira ang inyong sinasakyang barko. Dinala ka
ng alon sa pampang at napagtanto mong mag-isa kang nakaligtas, walang
kasama at hindi kaagad agad makakaalis sa lugar.Ano ang gagawin mo
upang makuha ang iyong pangangailangan? Hindi ba’t gagawa ka ng paraan
para makuha ang iyong pangangailangan? Hahanap ka ng makakain, mga
bagay na kakailanganin mo upang ikaw ay mabuhay. Ikaw ang gagawa ng
paraan upang makaalis ka sa iyong kinalalagyan sapagkat walang ibang
gagawa nito para sa iyo.

Pigura 1
Payak na Ekonomiya

Lumilikha ng mga
produkto

Kumukonsumo ng
mga produkto
Sambahayan Bahay-Kalakal

Ikalawang Modelo. Ang Bahay-kalakal at Sambahayan. Sa modelong ito,


ang ekonomiya ay nahahati sa dalawang sektor: ang sambahayan at bahay kalakal.
Mayroong itong dalawang pamilihan: (1) ang pamilihan ng salik ng produksiyon o
factor markets (lupa, lakas-paggawa, entreprenyur, kapital) at (2) pamilihan ng mga
tapos na produkto o commodity (kilala bilang goods market o commodity market) at
serbisyo.
Makikita sa Pigura 2, na ang nasa loob na daloy ay mga produkto at
serbisyo sa pagitan ng sambahayan at bahay-kalakal. Ipinagbibili o pinapaupahan
ng sambahayan ang paggamit ng kanilang lupa, lakas-paggawa, kapital,
pamamahala sa pamilihan ng salik ng produksiyon. Binibili naman ito ng bahay
kalakal na ginagamit sa paggawa ng mga produkto at serbisyo na ipinagbibili sa
sambahayan sa pamamamagitan ng pamilihan ng mga tapos na produkto at
serbisyo.
Ang nasa labas naman na daloy ay nagpapakita ng kita ng ekonomiya.
Ginagamit ng sambahayan ang salapi sa pagbili ng mga produkto at serbisyo mula
sa bahay-kalakal. Ang bahay-kalakal naman ay ginagamit ang kanilang kinikitang
salapi sa pagbabayad ng paggamit nila ng mga salik ng produksiyon gaya ng
sahod, renta, interes at ang matitira ay tubo para sa may-ari ng bahay-kalakal.

8
May prinsipyong makukuha sa modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya.
1. Ang paikot na daloy ay nasa ekwilibriyo. Dahil ito ay paikot, kung ano ang
dumadaloy palabas sa bawat sektor ay siya ring dadaloy papasok. 2. Ang
gastos sa pagbili ng mga produkto at serbisyo ay dumadaloy mula sa
sambahayan patungo sa bahay-kalakal at ang kita sa salik ng
produksiyon ay dumadaloy mula bahay-kalakal patungo sa sambahayan.
Ipinapakita dito ang kabuuang gastos at ang kabuuang kita ay masasabing
patas o tama lamang.
Pigura 2
Ang Bahay-Kalakal at Sambahayan

Kita Pamilihan ng tapos


na Produkto at
Serbisyo Pagkonsumo
Produkto at
serbisyo Produkto at serbisyo

Bahay-Kalakal
Sambahayan Input para sa
produksiyon
Salik ng
produksiyon
Pamilihan ng Salik ng
Sahod, upa at tubo
Kita
Produksiyon
Ikatlong Modelo. Pamilihang Pinansyal. Makikita sa modelong ito kung
paano nagdudulot ng pagkakaroon ng palabas at paloob sa daloy ng ekonomiya.
Ipinakikita sa Pigura 3 na ginugugol ng sambahayan ang kanilang kita sa pagbili
ng mga produkto at serbisyo. Ngunit hindi lahat ng kanilang mga kita ay kanilang
ibinibili ng mga produkto at serbisyo, ilang bahagi nito ay kanilang itinatabi sa
mga bangko bilang pag-iimpok.
Ang pag-iimpok ay pagpapaliban sa paggastos ng sambahayan para sa
kanilang mga pangangailangan para sa hinaharap. Ito ay maaaring ilagay sa
pamilihang pinansyal (bangko, kooperatiba, insurance, pawnshop at stock market).
Dahil dito, ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa paikot na daloy ng
ekonomiya.
Ang bahay-kalakal naman ay nais na palakihin o palawakin ang kanilang
produksyon kung kaya’t mangangailangan sila ng karagdagang puhunan. Ang mga
may-ari ng bahay-kalakal ay manghihiram sa sambahayan sa pamamagitan ng
pamilihang pinansyal upang gamitin sa pamumuhunan at makabili ng
karagdagang salik ng produksiyon. Ang paghiram ng bahay-kalakal sa mga
pamilihang pampinansyal ay may kapalit na kabayaran sa pamamagitan ng interes
9
sa hiram na puhunan. Samakatuwid, ang pamumuhunan ay isang papasok na
daloy sa paikot na daloy ng ekonomiya.
Ang pag-unlad ng pambansang ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng
produksyon at paglaki ng pamumuhunan. Para maging matatag ang ekonomiya,
kailangan na may ipon ang sambahayan at bahay-kalakal na handang
mamuhunan. Inaasahan na sa pamumuhunan ng bahay-kalakal, tataas ang
produksyon. Inaasahan din na dadami ang oportunidad para sa trabaho. Sa
ganitong modelo, kinakailangang balanse ang pag-iimpok at pamumuhunan.
Pigura 3
Ang Paikot na Daloy at Pamilihang Pinansyal
Upa, sahod,
interes at tubo l

t
i

Bahay-Kalakal p

Kita
Mga mga Taposna
Salik ng Produkto at
Produksiyon Mga Salik ng
Produksiyon
Produkto
at Serbisyo
Pamilihan ng
Salik ng
Produksiyon Serbisyo
Pamilihan ng
n

Produkto P

at k

Serbisyo o

Bangko
p
a

g m
i
n
i

a -

Pagkonsumo Sambahayan
g

Kita

Ikaapat na Modelo. Ang Pamahalaan. Sa modelong ito makikita kung paanong


ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
Isa sa mga mahahalagang gawain ng pamahalaan ay ang paniningil ng
buwis sa mga kinikita ng sambahayan at bahay-kalakal. Dahil dito, hindi lahat ng
kinikita ng bahay-kalakal at sambahayan ay naibibili ng mga salik ng produksiyon
at naibibili ng mga produkto at serbisyo. Ilang bahagi ng kanilang kinikita ay
ibinabayad sa pamahalaan sa pamamagitan ng buwis. Sumisingil ng buwis ang
pamahalaan upang kumita. Public revenue ang tawag sa kita mula sa buwis. Ito
ang ginagamit ng pamahalaan para sa mga pampublikong paglilingkod.
Ang pamahalaan katulad ng sambahayan at bahay-kalakal ay kinakailangan din na
gumastos para maisakatuparan ang paglilingkod sa mga mamamayan. Ang
pamahalaan ay gumagastos para sa pagpapasahod ng mga kawani nito, bumibili
ng iba’t ibang produktong kailangan upang patakbuhin ang

10
iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Dahil dito ang gastos na ito ay isang papasok na
daloy sa ekonomiya.

Pigura 4
Ang Paikot na Daloy at ang Pamahalaan

Upa, sahod,
interes at tuboPamumuhunan
Kalakal Kita
Salik ng
Bahay
ProduksiyonProdukto at
Serbisyo
Produksiyon

Pamilihan ng
Salik ng
Pamahalaan Produkto at
Serbisyo Bangko
Pamilihan ng
mga Taposna Produkto at
Salik ng

Serbisyo
Pagkonsumo
Produksiyon Sambahayan
KitaPag-iimpok

Ikalimang Modelo. Kalakalang Panlabas. Ang kalakalang panlabas ay may


kinalaman sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga produkto at serbisyo sa ibang
bansa. Ang pag-aangkat (import) ay pagbili ng mga produkto at serbisyo mula sa
ibang bansa, samantalang ang pagluluwas (export) ay pagbebenta ng mga produkto
at serbisyong gawa sa ating bansa.
Makikita sa modelong ito ang relasyon ng panlabas na kalakalan sa paikot na
daloy ng ekonomiya. Napapansin mo marahil na hindi lahat ng mga itinitinda sa
ating bansa ay dito ginawa. Marami sa mga produktong ito ay gawa sa ibang bansa
o inaangkat mula sa ibang bansa. Pumapasok ang mga inaangkat na produktong
ito sa ating ekonomiya at magiging bahagi na ang mga produkto sa merkado. Ang
pag-aangkat ay isang papasok na daloy sa daloy ng mga produkto at serbisyo. Ang
pag-aangkat sa mga dayuhang produkto ay kinakailangang bayaran natin ito kung
kaya’t ang pag-aangkat ay palabas na daloy ng salapi sa ekonomiya.
Hindi rin naman lahat ng mga nagawang produkto sa ating bansa ay dito rin
itinitinda. Malaking bilang ng mga produktong ito ay iniluluwas natin sa ibang
bansa. Dahil dito, marami tayong mga produktong binibili ng mga mamamayan sa
11
labas ng bansa. Bunga nito, kumikita ang bansa sa pagluluwas, ito ay papasok sa
daloy ng salapi sa ating bansa

Pigura 5
Ang Paikot na Daloy at ang Kalakalang Panlabas
s
Pamumuhuna
n
Upa, sahod
Produkto
sa

interes at Bahay
tubo Kalakal at
a
w
t

Serbisyo
i u
l
K
g

Salik ng
B P

Produksyon w

i
n
w

i
o
s

g
l
Pamilihan ng
Salik ng
a
n

Produksyon Pamilihan ng
a
i

Tapos na
h
s k
i o

Produkto
l
n
i
t
a

Pamahalaan
s
m
n
i
a

Bangko
P

Pagkonsumo Panlabas na
B

u
Sektor g

Pag-iimpok
a
a
ga
P P

Sambahayan a

Kita kg
a

Pagyamanin
A. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang mga sumusunod ay wasto kung mali ay
palitan ang pahayag upang maging tama. Isulat ang sagot sa malinis na papel.
1. Ang makroekonomiks ay sumasaklaw sa mga gawain ng kabuuang
ekonomiya ng isang bansa.
2. Ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya ay ang simpleng modelo ng ekonomiya na
may dalawang sektor; ang sambahayan at bahay-kalakal.
3. Ang bahay-kalakal ay may tunguhin na paunlarin ang kanilang produksiyon.
4. Ang panlabas na sektor ay may gawaing pag-aangkat at pagluluwas ng mga
produkto at serbisyo sa loob ng bansa.
5. Ang paglago ng ekonomiya ang tanging tunguhin ng pag-aaral ng ekonomiks.
6. Ang pag-iimpok ay isang palabas na daloy sa paikot na daloy ng ekonomiya. 7.
Ang halaga ng lahat ng gastusin ng mga sektor ng ekonomiya sa kanilang kinita
ay parehas.
12
8. Mahalagang gastusin ng sambahayan ay ang pamumuhunan. 9. Isa sa
mahalagang gawain ng pamahalaan ay ang pangongolekta ng buwis sa mga
kinita ng sambahayan at bahay-kalakal.
10.Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay nasa ekwilibriyo.

B. Panuto: Tukuyin kung kaninong gampanin sa paikot na daloy ang mga


sumusunod. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Sambahayan Bahay-Kalakal Pamilihan ng Salik ng Produksiyon Bangko


Panlabas na Sektor Pamahalaan
Pamilihan ng mga Produkto at serbisyo

1. Nagmamay-ari ng mga salik ng produksiyon.


2. Nagbebenta ng mga produkto at serbisyo sa labas ng bansa. 3. Nagpoproseso
ng mga salik ng produksiyon upang maging mga yaring produkto at serbisyo.
4. Halimbawa nito ay ang ahensiyang nagsasanay ng lakas-paggawa. 5.
Dito mabibili nang tingi ang mga produktong kailangan ng sambahayan. 6.
Nagbabayad ng buwis mula sa sahod.
7. Nagbibigay ng mga serbisyong pampubliko.
8. Nagbabayad ng buwis mula sa kita ng negosyo.
9. Itinatabi ang salapi ng sambahayan.
10. Nagpapautang sa mga bahay-kalakal upang mapaunlad ang kanilang
produksiyon.
11. Nangongolekta ng buwis.
12. Nagpapanatili ng kaayusan sa daloy ng ekonomiya.
13. Pangunahing tagabili ng lupa, lakas-paggawa, kapital at
entreprenyur. 14. Tumatanggap ng upa, sahod, interes at tubo.
15. Sumusunod sa mga pandaigdigang regulasyon sa kalakalan.

13
C. Panuto: Kompletuhin ang kabuuang modelo ng pambansang ekonomiya. Isulat
ang mga sagot sa sagutang papel.

Upa, sahod
interes at tubo
1
Produkto
Salik ng at 9 10
Produksiyon Serbisyo 11
8 8
2 4 5 6
3
15
Produkto
Salik ng at
Produksiyon

Pagkonsumo
12 13 14 Kita
7 Serbisyo

D. Panuto: Ipaliwanag kung saang bahagi maaring ilagay sa paikot na daloy ng


ekonomiya ang mga sumusunod. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
1. Utang Panlabas ng Pilipinas
2. Manggagawang Pilipino sa labas ng bansa
3. Black Market
4. Paupahang Bahay
5. Pagsasananay sa mga manggagawang Pilipino

E. Panuto: Pag-ugnayin ang mga pahayag sa hanay A na naglalarawan sa hanay


B. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Lumalahok ang pamahalaan sa Sistema ng
A. Unang modelo
pamilihan
2. Pagkakaroon ng relasyon ng panlabas na
B. Ikalawang modelo
kalakalan sa paikot na daloy ng ekonomiya
3. Ang gumagawa ng produkto ay siya ring
C. Ikatlong modelo
kumukonsumo
4. Dito pumapasok ang pag-iimpok D.Ikaapat na modelo 5. Nahahati ang
ekonomiya sa dalawang sektor: ang
E. Ikalimang model
sambahayan at bahay-kalakal
6. Dito nagbebenta at bumibili ng kalakal at F. Bahay-kalakal

14
serbisyo
7. Ginagamit ang kanilang salapi sa pagbili ng mga
G. Sambahayan
produkto at serbisyo
8. Ginagamit ang kanilang kinikitang salapi sa
H. Pamilihan
pagbabayad ng paggamit nila ng mga salik ng
produksiyon
9. May kinalaman sa pag-aangkat at pagluluwas
I. Pamahalaan
ng mga produkto at serbisyo
10. Gumagastos sa mga pampasahod ng mga kawani
J. Kalakalang Panlabas
at bumibili ng iba’t ibang produktong kailangan
upang patakbuhin ang gobyerno

F. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga gampanin ng mga sumusunod na


sektor sa paikot na daloy ng ekonomiya.

SAMBAHAYAN
MGA SEKTOR NG
PAIKOT NA DALOY NG
EKONOMIYA

PAMAHALAAN
BAHAY-KALAKAL
PANLABAS NA
SEKTOR

Isaisip

A. Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra sa puzzle box. Kung maisasaayos mo
nang tama ang mga letra ay may mabubuo kang salita. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. A M I H N I P L A
2. P E R T X O
3. Y A H A B - A K A L K L A
4. A H A N A L A P M A
5. N A Y A S M A B A H

15
1. Isang pook kung saan pumupunta ang mga tao at ang mekanismo na kung
saan nagtatagpo ang konsyumer at prodyuser.
2. Pagbebenta ng mga produkto sa ibang bansa.
3. Gumagamit ng salik ng produksiyon na nagmula sa sambahayan upang
gawaing produkto at serbisyo.
4. Sumisingil ng buwis upang kumita at makalikha ng pampublikong
paglilingkod.
5. Tumatanggap ng kita sa bahay–kalakal bilang kabayaran sa itinustos nilang
salik ng produksiyon.
B. Panuto: Isulat sa sagutang papel ang tamang salita na bubuo sa pangungusap.
1. Sa ikalawang modelo, ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng
_____________.
2. Bilang paghahanda sa hinaharap, ang mamimili ay _____________. 3. Upang
matatag ang ekonomiya, kailangang may sapat na ipon ang _____________.
4. Ang _____________ ay nagluluwas ng mga produkto sa panlabas na sektor. 5.
Nagbebenta ang bahay-kalakal ng mga tapos na produkto at paglilingkod sa
____________.
6. Nag-iimpok ang sambahayan at umuutang ang bahay-kalakal sa _____________.
7. Ang mga _____________ay nauuri sa pangangailangan ng sambahayan at ng
bahay-kalakal.
8. Sa ikalawang modelo ang _____________ ay may demand sa produkto ngunit
wala itong kakayahang lumikha ng produkto.
9. Ang _____________ ay may kinalaman sa pag-aangkat at pagluluwas ng mga
produkto at serbisyo sa ibang bansa.
10.Sa ikatlong modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya, ang _____________ ay
hindi orihinal na mga gawaing pang-ekonomiya.

Isagawa
Panuto: Batay sa limang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya na makikita sa
ibaba, sagutan sa isang malinis na papel ang mga tanong.
Lumilikha ng
mga produkto
1. Payak na ekonomiya Kumukonsumo
ng mga
produkto
Bahay-Kalakal
Sambahayan
16
Produkto at
Kita serbisyo
Pamilihan ng tapos na
Produkto at Serbisyo
Produkto at
serbisyo Sambahayan

Bahay-Kalakal Pagkonsumo
Input para sa
produksiyon Salik ng
produksiyon
Pamilihan ng Salik ng
Produksiyon
Sahod, upa at tubo Kita 2. Ang Bahay-Kalakal at

Sambahayan
mga Taposna
Produkto at
Upa, sahod, interes at Serbisyo
tubo
Pamilihan ng
Salik ng Produkto at
Produksiyon Serbisyo
Pangangapital
Bahay-Kalakal
Mga Salik ng
Kita Produksiyon
Produkto at
Serbisyo Bangko
Mga
Salik ng
Produksiyon

Pamilihan ng

Pagkonsumo

Sambahayan 3. Ang Paikot na


Daloy at Pamilihang Pinansyal
Pag-iimpok

17
Bahay-Kalakal

Salik ng
Kita
Serbisyo

Pamilihan ng
Pamilihan ng

ProduksiyonProdukto at
Pagkonsumo

Salik ng Produkto at Bangko


Produksiyon mga Tapos na Serbisyo
Produkto at
Salik ng Serbisyo
Produksiyon

Pamahalaan

Sambahayan
Kita Pag-iimpok 4. Ang Paikot na Daloy at ang Pamahalaan

at w

Serbisyo
u

Upa, sahod
l

interes at a

tubo Bahay
P

Kalakal t
i

Pamumuhuna
Salik ng B n
Produksyon u

Produkto
w sa

i
s
n
w

i
o
s

Pamilihan ng
g
l

Salik ng
a
n

Produksyon Pamilihan ng
a
i

Tapos na
h k
s
o
i

Produkto
l
n
i
t
a

Pamahalaan
s

m
n
i
a

Bangko
P

Pagkonsumo Panlabas na
B
Sektor g
u

Pag-iimpok
a

P ga
P

Sambahayan a

Kita kg
a
a

5. Ang Paikot na Daloy at ang Kalakalang Panlabas

18
Malayang Pagtataya
Panuto: Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na
katanungan: 1. Ano ang papel sa pagtitipid ng sambahayan sa
pamilihan?
2. Ipaliwanag kung kailan ang kabuuang produksyon ng ekonomiya ay katumbas
ng kabuuang pangangailangan?
3. Paghambingin ang kagamitan o papel ng sambahayan at bahay- kalakal?
4. Bakit mahalagang mapataas ang produksyon at paglaki ng pamumuhunan sa
bansa?
5. Paanong ang kaalaman sa pambansang ekonomiya ay makatutulong sa
pagpapabuti ng antas ng pamumuhay ng mga tao tungo sa kaunlaran ng
bansa?
6. Paano nakaaapekto sa pagbubuwis ang pagbili ng kalakal at paglilingkod?
7. Ano ang ginagawa ng pamahalaan upang mabigyan ng maayos na paglilingkod
ang sambahayan?
8. Saan dinadala ng pamahalaan ang kita na dulot ng sambahayan at bahay
kalakal? Ipaliwanag.
9. Tukuyin ang papel ng pamumuhunan sa modelo ng paikot na daloy ng
produkto at paglilingkod.
10.Bilang isang mamamayan ng bansa, paano ka magiging bahagi ng gawaing
pang-ekonomiya ng bansa?

Tayahin
Pagtataya : Sagutin mo na!
Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.

19
1. Pagpapaliban ng paggastos ng sambahayan para sa kanilang pangangailangan
sa hinaharap?
A. Sahod
B. Insentibo
C. Allowance
D. Pag-iimpok
2. Mahalagang kapangyarihan ng pamahalaan na kinokolekta mula sa kinikita ng
sambahayan at bahay-kalakal?
A. Buwis
B. Token
C. Insentibo
D. Cash Gift
3. Si Amer ay bahagi ng sambahayan na kumukonsumo ng produkto at serbisyo.
Ang AFB Corporation ay isa sa mga kompanyang lumilikha ng mga produktong
kailangan ni Amer. Anong sektor ang nagsisilbing ugnay sa pagitan ni Amer at
AFB Corporation?
A. Pamahalaan
B. Financial Market
C. Commodity Market
D. Panlabas na Sektor
4. Tawag sa kita mula sa buwis
A. Private Revenue
B. Public Revenue
C. Market Revenue
D. Financial Revenue
5. Katulong ng sambahayan at bahay-kalakal sa mga desisyong panghinaharap?
A. Bangko
B. Pamahalaan
C. Pamilihan ng Tapos na Produkto at Serbisyo
D. Pamilihan ng mga Salik ng Produksiyon
6. Mahalagang mapataas ang produksiyon at pagkonsumo sa isang bansa upang
_______________.
A. hindi na mangutang
B. lumago ang ekonomiya ng bansa
C. maging kasapi ng mayayamang bansa
D. makasama sa pandaigdigang pamilihan
7. Paano inilalarawan ang unang modelo?
A. Ang pambansang ekonomiya ay bukas.
B. Ang bahay- kalakal at sambahayan ay iisa.
C. Ang pamahalaan ay lumalahok sa sistema ng pamilihan.
D. May dalawang aktor sa isang ekonomiya-ang sambahayan at bahay
kalakal

20
8. Paano nakalilikom ng pondo ang pamahalaan upang makalikha ng
pampublikong paglilingkod?
A. Sa tulong ng electric revenue
B. Sa ambag ng financial revenue
C. Sa pamamagitan ng public revenue
D. Sa pangangasiwa ng private revenue
9. Bakit HINDI kabilang sa pamilihang pinansyal ang korporasyon?
A. Sapagkat madami kayo dito.
B. Sapagkat hindi ka makakautang dito.
C. Sapagkat kinakailangang may share ka dito.
D. Sapagkat mayayaman lang ang miyembro nito.
10.Sinasabing ang buwis ay napakamalaking tulong sa bansa, sa paanong
pamamaraan ka makatutulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng
buwis?
A. Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader.
B. Isuplong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi nagbabayad ng
tamang buwis.
C. Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng
department store.
D. Paalalahanan ang magulang at iba pang kakilala hinggil sa wastong
pagbabayad ng buwis.
11. Nasusuri ang buong gawi ng lipunan sapamamagitan ng pag-aaral tungkol sa
______________.
A. pamilihan
B. ekonomiya
C. maykroekonomiks
D. makroekonomiks
12. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pagkakaugnay ng sambahayan
at bahay -kalakal?
A. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga
bahay-kalakal.
B. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng
karagdagang trabaho para sa bahay-kalakal.
C. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo
ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal.
D. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na
sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay –kalakal.
13. Sa ikaapat na modelo, Paano inilalarawan ang gampanin ng pamahalaan sa
ekonomiya?
A. Pag-iimpok
B. Pamumuhunan
C. Paniningil ng buwis
D. Pakikipagkalakalan

21
14. Ang anumang pagtamlay ng ekonomiya ay maaaring isisi sa ________. A.
sambahayan dahil dito nagmumula ang mga salik ng produksiyon. B.
bahay-kalakal dahil siya ang lumilikha ng mga produktong kailangan ng
lahat.
C. pamahalaan dahil siya ang nagpapatupad ng mga alituntuning pang
ekonomiya.
D. lahat ng sektor dahil ang bawat isa ay may magkakaugnay na
gampanin sa isa’t isa.
15. Ang paikot na daloy ng ekonomiya ay mailalarawan sa pamamagitan ng
___________________________________.
A. kita at gastusin ang pamahalaan
B. ugnayan ang sektor ng ekonomiya
C. kalakalan sa loob at labas ng bansa
D. transaksyon ng mga institusyong pinansyal

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong nang buong husay. Isulat ang
mga sagot sa sagutang papel.
1. Paano nakaaapekto ang pag-iimpok at pamumuhunan sa paikot na daloy ng
ekonomiya?
2. Paano nakatutulong ang panlabas na sektor sa pag-unlad ng ekonomiya?

3. Ipaliwanag ang bahaging ginagampanan ng pamilihan sa sambahayan at bahay


kalakal?

4. Bakit kailangang makilahok ang pamahalaan sa sistema ng pamilihan?


Ipaliwanag.
5. Paano ka makatutulong upang maunawaan ng iyong kapwa kabataan ang
operasyon ng ekonomiya ng ating bansa?

22
Pagwawasto

pagwawasto. susi sa
Susi sa nan Pamumuhu
pagwawasto.
pagwawasto.
iimpok at - Pag 10.
na B 6. paglilingkod agapangasiwa T
ang B 5. kalakal at
F.
B 4. Pamilihan ng mga 5.
A 3. kalakal - Bahay 4.
A 2. Sambahayan 3. iimpok I 10.
D 1. - Nag 2. J 9.
Produksyon 1. F 8.
Tayahin B. G 7.
Panlabas Sambahayan 5.
Pamahalaan 4. H 6.
kalakal - Bahay 3. B 5.
Export 2. C 4.
Pamilihan 1. A 3.
A. E 2.
Isaisip D 1.
E.
ng susi Pagyamanin
sa
na ang
gagawa

gagawa ng
Tagapangasiwa
Tama 10.
Gawain
Karagdagang
B 15.
D 14.
C 13. Kalakalang 9.
D 12. Sambahayan 8.
D 11. Paglilingkod
C 10. Pampublikong 7.
A 9. Pinansyal
C 8. Pamilihang 6.
B 7.
agapangasiwa na ang T
D.
Sahod, upa at interes Factor Market 10.
15. aangkat - Pag 14. Commodity Market 9.
iimpok - Pag 13.
Pagkonsumo 12.
Pagluwas 11.
Pamumuhunan 10.
Kita 9.
Buwis 8.
Sambahayan 7.
Panlabas na Sektor 6.
Bangko 5.
Produkto at Serbisyo
Pamilihan ng Tapos na
4.
Pamahalaan 3.
Produksiyon
Pamilihan ng Salik ng
2.
Kalakal - Bahay 1.
C.
gagawa ng susi sa Pagyamanin
Pamahalaan 12. Produksiyon 7.
Pamahalaan 11. Export 6.
Bangko 10. Import 5.
Bangko 9. Pamahalaan 4.
Kalakal - Bahay 8. Sambahayan 3.
Pamahalaan 7. Buwis 2.
Sambahayan 6. Kalakal Bahay 1. Tuklasin
odukto at Serbisyo Pr
Tama 9. 9. C
iimpok. 8. C
- sambahayan ay ang 7. B
pag Mahalagang
gastusin ng 8.
Tama 7.
Tama 6.
aaral ng ekonomiks. -
pag pangunahing
layunin ng
ekonomiya ay isa sa
Ang paglago ng 5.
Panlabas na Sektor 15. bansa. labas ng
Produksiyon produkto at serbisyo
Pamilihan ng Salik ng 14. sa at pagluluwas ng
Produksiyon mga
Pamilihan ng Salik ng 13. iimpok - Pag
8.
Pamahalaan 4.
Kalakal - Bahay 3.
Pamilihan Panlabas na Sektor 2.
ng mga 5. Sambahayan 1. Tama 2.
Tama 1.
Pagyamanin A.
Pagyamanin
15. B 6. A 14. C 5. B
13. C 4. B 12. D 3. D
11. A 2. D 10. A 1. D
Subukin
B.
aangkat - may
gawaing pag Ang
panlabas na sector ay
4. Tama 3.

23
Sanggunian
Antonio, Eleanor D., Evangeline M. Dallo, Consuelo M. Imperial, Ma. Carmelita B.
Samson, at Celia D. Soriano. 1999. Pagbabago. Manila, Philippines: Rex
Bookstore, Inc
Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De
Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar. 2015.
Ekonomiks Araling Panlipunan (Modyul ng Mag-aaral) Pasig City: Vibal Group
Inc.
Delgado, Antonio. 2016. “Makroekonomiks at ang Paikot na Daloy ng Ekonomiya”.
Slideshare. Binuksan noong July 8, 2020.
https://www.slideshare.net/kazekage15/makroekonomiks-at-ang-paikot
na-daloy-ng-ekonomiya
Gonzaga, Crystal Lyn.2017. “Paikot na Daloy ng Ekonomiya”. Slideshare. Binuksan
noong July 5, 2020.
https://www.slideshare.net/CrystalLynnGonzaga/paikot-na-daloy-ng
ekonomiya-81615624
Molina, Ramil V., Baby Jane C. Alcantara, Leo C.Somera, Joevenil P. Moncal, Dr.
Gregorio R. Sismondo at Alvin C. Fronteras. 2016. Makisig Ekonomiks.
Sampaloc, Manila:Magallanes Publishing House

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources


(DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph
25

You might also like