You are on page 1of 28

9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan-Modyul 2:
Iba’t-ibang Gampanin ng
Mamamayang Pilipino
upang Makatulong sa
Pambansang Kaunlaran
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Iba’t-ibang Gampanin ng Mamamayang Pilipino
upang Makatulong sa Pambansang kaunlaran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lorraine C. Guinacaran


Editor: Rosanna Palispis- Querijero
Albertine R. De Juan Jr.
Tagasuri: Rosanna Palispis- Querijero
Rebecca K. Sotto PhD
Kristian Marquez
Erfe Donna A. Aspiras
Angelica M. Burayag PhD
Tagaguhit: Kevin Kardel B. Palmero
Char Lou V. Ade
Tagalapat: Corazon G. Penaflor
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Robert E. Osongco EdD
Lily Beth M. Mallari
Rosanna Palispis-Querijero

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para


sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

ii
Alamin

Ginawa ang modyul na ito upang higit mong malinang ang antas ng iyong
kaalaman sa iba’t-ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa
pambansang kaunlaran.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

• Natutukoy ang iba’t-ibang gampanin ng mamamayang Pilipino upang


makatulong sa pambansang kaunlaran

Ang modyul na ito ay naglalaman ng leksyon na:


• Sama-samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakatutukoy ng iba’t ibang estratehiya na maaaring gawin ng bawat


mamamayan upang makatulong sa pag-unlad ng bansa;

2. nakapagbibigay-halaga sa sama-samang pagkilos ng mamamayan para sa


pagkamit ng pambansang kaunlaran; at

3. nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa sama-samang pagkilos ng


mamamayan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Mga Tala para sa Guro

Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang


natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito
sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga
gawain sa modyul na ito.

1
Subukin

Panuto: Bago mo simulang pag-aralan ang modyul na ito, subukin mo munang


sagutin ang mga sumusunod na katanungan upang mataya ang mga pauna at
mga dati mong kaalaman tungkol sa paksa. Piliin at isulat mo sa malinis na papel
ang titik ng wastong sagot.

1. Layunin ng mga miyembro ng samahang ito na pagsama-samahin ang kanilang


pondo para makapagsimula ng negosyo upang magkaroon ng kita sa
pamamagitan ng dibidendo.
A. Korporasyon
B. Kooperatiba
C. Isahang pagmamay-ari
D. Sosyohan

2. Sapilitang kontribusyon na kinokolekta mula sa mamamayan at ang


pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan.
A. Buwis
B. Interes
C. Renta
D. Donasyon

3. Ito ay responsibilidad at karapatan ng bawat mamamayan upang makapamili ng


pinuno o lider na sa palagay niya ay karapat-dapat para sa pamumuno.
A. Pagbabayad ng buwis
B. Pagpapatala ng pangalan
C. Pagboto
D. Pagkamit ng serbisyong panlipunan

4. Tumutukoy sa gawaing pang-ekonomiya na may layuning gumawa ng produkto


o serbisyo upang kumita o tumubo.
A. Pagnenegosyo
B. Pagbabayad ng buwis
C. Pamamahala
D. Pagsali sa kooperatiba

5. Paano mo maipakikita ang iyong pagiging makabansa?


A. Pagtatayo ng negosyo sa ibang bansa.
B. Pagtangkilik ng mga produktong mula sa iyong bansa.
C. Pagsuporta sa mga dayuhang programa upang makilala sa buong
mundo.
D. Pag-iwas nang pagbabayad ng buwis upang lumaki ang kita.

2
6. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng kahalagahan
nang tamang pagbabayad ng buwis?
A. Nadaragdagan ang kita ng bawat indibidwal.
B. Nakalilikom ang pamahalaan ng sapat na pondo upang magamit sa
mga serbisyong panlipunan.
C. Nagkakaroon ng sapat na ipon ang bawat indibidwal upang magamit
sa pansariling pangangailangan.
D. Nagagamit ng pamahalaan ang salaping nalikom upang
makapagpatayo ng mga pribadong institusyon.

7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng iyong pagiging


maabilidad?
A. Pagbuo o pagsali sa kooperatiba.
B. Pag-iipon at pagtatago ng pera sa alkansiya.
C. Pamimigay ng pagkain sa inyong lugar upang masiguro ang panalo
sa eleksyon.
D. Pagsali sa mga patimpalak upang maipagmayabang ang taglay na
talento.

8. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan sa tamang


pamamaraan ng pagpili ng iboboto?
A. Piliin ang kandidatong kamag-anak o kaibigan upang may malapitan
sa oras ng pangangailangan.
B. Kilalanin at alamin ang mga programa at patakarang pang-
ekonomiya ng kandidato.
C. Piliin ang kandidatong sikat sa inyong lugar.
D. Piliin ang kandidatong iniindorso ng iniidolong artista.

9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng kahalagahan


ng pagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan?
A. Nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat isa na makalamang sa iba.
B. Nagiging susi sa pagkamit ng iisang layunin para sa ikabubuti at
ikauunlad ng nakararami.
C. Naipagagawa sa iba ang mga tungkulin at responsibilidad ng isang
tao.
D. Nagiging dahilan ito ng pagbagal ng mga gawain.

10. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mong gawin upang makatulong sa
pagpapaunlad ng bansa?
A. Pagsunod sa mga batas at patakaran na umiiral sa bansa.
B. Pagbili at pagsuporta sa mga lokal na produkto..
C. Tamang pagboto sa panahon ng eleksyon.
D. Lahat ng nabanggit

3
11. Alin sa mga sumusunod na gawain ang lubos na nagpapakita ng pagiging
mapanagutan ng isang mag-aaral?
A. Madalas na pagliban sa klase upang makaiwas sa mga gawaing
pampaaralan.
B. Pagsunod sa mga patakaran at alituntunin ng paaralan.
C. Hindi paggalang sa mga guro at kamag-aaral.
D. Humanap ng maraming kaibigan upang may gumawa ng mga
gawain sa iba’t ibang asignatura.

12. Ang mga sumusunod ay mga estratehiyang maaaring gawin ng mamamayan


para makatulong sa pag-unlad ng bansa MALIBAN sa:
A. Mapanagutan
B. Makabansa
C. Maabilidad
D. Masayahin

13. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kabutihang dulot ng


pagkakaroon ng pagtutulungan at pagkakaisa ng mamamayan?
A. Nagkakaroon ng kapayapaan at pag-unlad sa sarili, pamilya at sa
lipunan.
B. Nagkakaroon ang lahat ng iisang layunin para sa pangkalahatang
pag-unlad.
C. Walang magandang bunga ang nasimulang mga gawain.
D. Napadadali at napagagaan nito ang isang gawain at nagkakaroon ng
maagang resulta.

14. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagiging maabilidad ng


isang mamamayan?
1. Pagbuo at pagsali sa kooperatiba
2. Pagnenegosyo
3. Pagbabayad ng buwis
4. Pagbili ng produktong Pilipino
A. 1 & 2 B. 1 & 3 C. 1 & 4 D. 1, 2, & 3

15. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang makatulong ka sa pag-
unlad ng iyong barangay?
1. Makisangkot sa mga programa at proyektong pampamayanan.
2. Itapon ang mga basura sa ilog at karagatan upang mapanatili ang
kalinisan ng barangay.
3. Sumunod sa mga batas at patakaran ng barangay.
4. Magboluntaryo sa pamimigay ng mga pagkain sa oras ng
pangangailangan upang makilala at sumikat sa barangay.
A. 1 & 2 B. 1 & 3 C. 2 & 3 D. 2 & 4

4
Iba’t-ibang Gampanin ng
Aralin
Mamamayang Pilipino
1 upang Makatulong sa
Pambansang Kaunlaran

Balikan

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang mahalagang konsepto at


palatandaan ng pag-unlad, mga panukat ng pambansang kaunlaran at mga salik
na makatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Muli mong balikan
ang ilan sa mga palatandaan ng pambansang kaunlaran.

Panuto: Suriin mo ang mga sumusunod na pahayag sa ibaba. Lagyan ng tsek (/)
ang bawat bilang kung ito ay kabilang sa palatandaan ng pag-unlad at ekis (X)
naman kung ito ay hindi kabilang. Isulat sa hiwalay na papel ang mga kasagutan

1. pagtaas ng income per capita


2. pagbaba ng antas ng kamangmangan
3. paglaganap ng kahirapan
4. malawakang paggamit ng makabagong teknolohiya at makinarya
5. paglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan
6..pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay sa mga serbisyong panlipunan
7. paglikha ng mabuting produkto at serbisyo
8. kawalan ng trabaho ng maraming mamamayan
9. pagkakaroon ng demokrasya
10. pagtaas ng export ng bansa
11. pagkakaroon ng maayos na transportasyon
12. pagkakaroon ng gusali sa mga kanayunan
13. seguridad sa kalusugan
14. pagkakaroon ng hanapbuhay ng mamamayan

5
15. paglaganap ng kriminalidad
16. paglaganap ng korapsyon sa pamahalaan
17. kakulangan sa industriyalisasyon
18. mababang antas ng Gross Domestic Product
19. mataas na antas ng Human Development Index
20. may pagkakapantay-pantay sa mga serbisyong panlipunan

Tama ang iyong mga kasagutan kung nilagyan mo ng tsek (/) ang bilang 1,
2, 4, 6, 7, 9, 10, 11, 12, 13, 14, 19, at 20 at ekis (X) naman ang bilang 3, 5, 8,
15, 16, 17, at 18,

Sa bagong araling ito, pag-aaralan mo naman ang tungkol sa iba’t-ibang


gampanin ng mamamayang Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran.

Tuklasin

Sa bahaging ito maaaring marami ka pang mabubuong mga katanungan sa


iyong isipan tungkol sa mga responsibilidad at gawain mo bilang indibidwal upang
makatulong ka sa pagpapaunlad ng iyong pamilya, komunidad at lipunan.

Suriing mabuti ang larawan na nasa itaas, alamin ang mabuting aral na
makukuha rito gamit ang mga pagsusuring katanungan.

Pagsusuring Katanungan:

1. Ilarawan ang pagkakaiba ng pamilya sa una at ikalawang larawan.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

6
2. Ipaliwanag ang posibleng dahilan ng pagkakaiba ng dalawang pamilya.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ilarawan ang isang komunidad na binubuo ng mga pamilyang katulad ng
nasa unang larawan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Ilarawan ang isang komunidad na binubuo ng mga pamilyang katulad ng
nasa ikalawang larawan.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Batay sa ginawang pagsusuri sa larawan, ipaliwanag ang kaugnayan nito sa
pag-unlad.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Suriin

Tunay nga na may layunin ang isang


bansa na mapaunlad ang ekonomiya nito,
ngunit hindi makakamit ang layuning ito
kung hindi magtutulungan ang lahat ng
mamamayan nito. Ang pagkakaroon ng
kaunlaran ay hindi nakasalalay sa pagkilos
ng iisang tao lamang, mahalaga rin ang
partisipasyon at pakikisangkot ng bawat
mamamayan. Kailangan ng pagtutulungan at
pagkakaisa ng lahat ng mamamayan at
mangyayari lamang ito kung ang lahat ay
pare-pareho ng layunin; layuning pangalagaan at
paunlarin ang bansa.

Ang mga sumusunod ay iba’t ibang estratehiya


na maaaring gawin ng bawat mamamayan upang
makatulong sa pag-unlad ng bansa.

1. MAPANAGUTAN
Mahalaga ang tamang pagbabayad ng buwis at
pakikialam upang makabahagi sa pag-unlad ng
isang bansa.

7
o Sa tamang pagbabayad ng buwis, nagagampanan ng bawat tao ang
kanyang responsibilidad at tungkuling pampananalapi sa pamahalaan . Ang buwis
na ibinabayad ng mamamayan ang pinanggagalingan ng salaping ginagastos nang
gobyerno upang mapatakbo ng maayos ang pamahalaan. Ang buwis na ito ang
halagang ginagamit ng pamahalaan upang makapagpagawa ng mga
imprastruktura tulad ng mga daan, ospital, at paaralan na nakapagpapabuti sa
kalagayan at nakatutulong sa bawat mamamayan.
o Kinakailangan din makialam ang bawat isa sa nangyayari sa lipunan, hindi
kinakailangan ang pagsasawalang-kibo sa mga maling nangyayari sa lipunan,
kailangan manaig ang katotohanan at kabutihan ng bawat indibidwal.

2. MAABILIDAD
Sa pamamahala sa pananalapi,
mahalaga ang pagbuo o pagsali sa
kooperatiba at pagnenegosyo.
o Ang pagbuo at pagsali sa
kooperatiba ay nakatutulong
sa paglikha ng yaman ng isang
bansa, sapagkat ang lahat ng
kasapi nito ay may layuning
pagsama-samahin ang
kanilang puhunan upang
makalikha ng produkto o
serbisyo na pare-parehong
mapakikinabangan ng bawat miyembro nito. Sa pamamagitan ng dibidendo
o hati sa kita ay nagkakaroon ng kita ang bawat miyembro ng kooperatiba.

o Malaki ang naitutulong ng pagnenegosyo sa pag-unlad ng bansa sapagkat


nagbibigay ito ng oportunidad upang magkaroon ng pag-asenso ang bawat
indibidwal. Sa pagnenegosyo hindi lang sariling kapakinabangan at kita ang
maaaring makuha ng negosyante, makatutulong din ito upang makatulong sa mga
manggagawang Pilipino.

3. MAKABANSA
Sa pagtulong sa pagpapaunlad ng bansa, mahalaga
ang pakikilahok sa pamamahala ng bansa at pagtangkilik
sa mga produktong Pilipino.

o Kinakailangan maging aktibo ang mamamayan sa


pakikilahok sa pamamahala maging ito man ay
lokal o nasyonal upang masolusyunan ang mga isyung
panlipunan na magiging daan ng pag-unlad. Upang
maging aktibo ang mamamayan sa pakikilahok sa
pamamahala, kinakailangang may kaalaman at
kamalayan ang bawat isa sa nangyayari sa lipunan.

8
o Malaking bahagi ng pagpapaunlad ng ekonomiya ang gawaing pagtangkilik
sa mga produktong Pilipino. Mahalaga ang pagbili at pagsuporta sa mga lokal na
produkto at serbisyo ng bansa. Nakatutulong ito upang umangat at makilala ang
mga produkto ng bansa. Bukod sa pag-angat at pagkilala ng produkto
makatututong din ito sa mga negosyante na mapalaki ang kanilang kita gayundin
sa mga mangagawa.

4. MAALAM
Naipamamalas ang pagiging maalam sa pamamagitan nang tamang pagboto at
pagpapatupad at pakikilahok sa mga
proyektong pangkaunlaran sa
komunidad.
o Mahalaga ang tamang pagboto
tuwing sasapit ang eleksyon upang
masiguro ang pagkakaroon ng pag-
unlad. Ang pagboto ay isang
mahalagang karapatan at obligasyon
na dapat matamasa ng bawat
mamamayan. Sa pagpili ng iboboto,
mahalagang pag-isipan nang mabuti
ang pangalang isusulat sa balota,
kinakailangang pag-aralan ang mga
programang pangkaunlaran ng mga
kandidato kung ito ay angkop at nababagay para sa mga isyung pangkaunlaran ng
ating bansa. Mahalagang mailuklok ang tapat at karapat-dapat na pinuno upang
magkaroon ng pag-unlad.

o Napakahalaga ng partisipasyon ng bawat mamamayan sa pagpapatupad


at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad upang
lalong makatulong sa pagpapaunlad ng bansa. Sa tulong at paggabay ng
pamahalaan may kakayahan ang bawat isa na magboluntaryo na manguna

o Sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran na


makatutulong sa pag-unald ng komunidad. Dapat magkaroon ng pagmamalasakit
na alamin ang mga pangangailangan ng komunidad upang makapaglaan ng
tamang programa at proyektong angkop at tutugon sa mga pangangailangang ito.

Ngayon nakilala mo na ang mga estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng


bansa, maaari mo ng masagutan ang mga sumusunod na gawain upang lalo mo
pang malinang ang iyong kaalaman sa modyul na ito.

9
Pagyamanin

A. 1. Panuto: Suriin ang mga larawan at sagutin ang mga pagsusuring


katanungan na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Pagsusuring Katanungan:

1. Isa-isahin ang mga gawaing ipinakikita sa larawan.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. Alin sa mga gawaing ito ang naisagagawa sa inyong komunidad? Batay sa
iyong obserbasyon, paano ito isinasagawa?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Nais mo bang gawin ang mga gawaing nabanggit? Bakit?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Ipaliwanag ang kahalagahan ng mga gawaing ito.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, alin sa mga gawaing ito ang higit na makatutulong upang
makamit ng isang bansa ang kaunlaran? Bakit?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

10
A. 2. Panuto: Mula sa ginawang pagsusuri ng teksto at larawan, punan ng mga
kinakailangang datos at impormasyon ang talahanayan sa ibaba. Isulat sa
unang kolum ang mga estratehiyang nakatutulong sa pag-unlad ng bansa.
Isusulat naman sa ikalawang kolum ang pamamaraan kung paano
maisasagawa ang mga estratehiyang ito at sa ikatlong kolum naman isulat
mo ang kahalagahan sa pagkamit ng kaunlaran ng mga pamamaraang ito.

ESTRATEHIYA PAMAMARAAN KAHALAGAHAN

1.

2.

3.

4.
5.

B. Panuto: Basahin at suriin ang sitwasyon sa ibaba.

Ang Barangay Masagana


sa panulat ni Lorraine C. Guinacaran

Matapos ang lokal na eleksyon, parehong nanalong kapitan ng barangay


ang magkaibigang Arnold at Berting. Si Arnold ang naging kapitan sa Barangay
Masagana at si Berting naman sa Barangay Mapayapa.

Sa pagsisimula ng kanilang panunungkulan, kinakitaan na ng kasipagan


at kagalingan sa pamumuno ang magkaibigan. Bilang mga pinuno, nagpatupad
sila ng mga patakaran at programang
makatutulong sa kanilang barangay.
Naging masigasig si Berting sa pag-
aanyaya sa kaniyang mga kabarangay na
magsagawa ng lingguhang paglilinis sa
ga bakanteng lote ng kanilang barangay.
Sa simula ay walang tumutugon sa
kanyang paanyaya, kaya’t minabuti
niyang simulan ang paglilinis kasama
ang kanyang buong pamilya. Lumipas
ang mga araw, napansin ng mga tao ang
unti-unting pagbabago ng kanilang
barangay kaya’t nahikayat silang gayahin
ang ginagawa ng kapitan.

11
Naging ugali ng bawat pamilya ang
paglilinis ng kapaligiran. Mayroong pang
nagboluntaryo upang magtanim ng mga
prutas at gulay, mayroon din naging
tagakolekta ng basura upang iresiklo ang mga
ito at maging kapaki-pakinabang.
Nakapagbuo ng isang kooperatiba ang
barangay dahil sa kinikita nila sa mga
ibinebentang mga bagay mula sa ginagawang pagreresiklo at maging sa
pagtatanim ng mga prutas at gulay. Sa hindi inaasahang pangyayari,
nakatanggap ng sertipiko ng pagkilala ang Barangay Masagana bilang
pinakamalinis na barangay sa kanilang bayan. Nakatanggap rin ang barangay
ng pabuya mula sa pamahalaang bayan na nagkakahalaga ng sampung libong
piso para sa kanilang kooperatiba.
Samantala, sa Barangay Mapaya ay walang gustong tumulong kay
Arnold upang isakatuparan ang programang pangkalinisan. Ang lahat ay may
kani-kanyang dahilan sa pagtanggi sa kanyang pag-anyaya kaya’t nawalan
nang gana si Kapitan Arnold na magpatupad at magsagawa pa ng iba pang
mga programa.

Pagsusuring Katanungan:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa


sagutang papel

1. Ilarawan ang katangian ni Kapitan Arnold at Kapitan Berting bilang


mga pinuno ng barangay.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Nagtagumpay ba si Kapitan Berting sa programang pangkalinisan na
kanyang ipinatupad? Paano?
__________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Ilarawan ang naging reaksyon ng mamamayan sa programang ipinatupad
ni Kapitan Berting.
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
4. Bakit hindi nagtagumpay ang programang ipinatupad ni Kapitan Arnold sa
Barangay Mapayapa?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
5. Kung ikaw ay isa sa mamamayan ng Barangay Mapayapa, tutugon ka ba sa
paanyaya ni Kapitan Arnold? Bakit?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

12
C. Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan. Sagutin ang mga
nakahandang mga katanungan sa bawat kahon. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Anong mga gawain ang ipinakikita sa


larawan?
Ipaliwanag ang kahalagahan ng
kanilang ginagawa.

Bilang mag-aaral, paano mo


maipamamalas ang pagpapahalaga sa
mga ginagawa ng mga kawani ng
kalusugan?

Anong mga gawain ang ipinakikita sa


larawan?
Ipaliwanag ang kahalagahan ng kanilang
ginagawa.

Bilang mag-aaral, paano mo maipamamalas


ang pagpapahalaga sa mga ginagawa ng
mga mamamayan?

Anong mga gawain ang ipinakikita sa


larawan?
Ipaliwanag ang kahalagahan ng kanilang
ginagawa.

Bilang mag-aaral, paano mo


maipamamalas ang pagpapahalaga sa
mga ginagawa ng mga pribadong
mamamayan na tumutulong sa oras ng
pangangailangan?

13
Pagsusuring Katanungan:

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.

1. Batay sa larawan, paano ipinakita ang pagkakaroon ng sama-samang


pagkilos ng mamamayan?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng sama-samang pagkilos ng mamamayan?


Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

D. Panuto: Subukan mong gumawa ng sarili mong desisyon. Paano ka tutugon sa


mga sumusunod na sitwasyon? Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

a. May kaibigan kang mahilig sa imported na bagay dahil iniisip niya na higit na
maganda at matibay ang mga ito kumpara sa mga produktong Pilipino.

b. Nalaman mo na ang pondong nakalaan para sa pagsasaayos ng kalsada ng


inyong barangay ay ginagamit ng kapitan para sa pagpapagawa ng kanyang bahay.

c. Inaanyayahan ka ng SK Chaiman para sa gaganaping pagpupulong para sa


nalalapit na kapistahan ng inyong barangay.

d.Napansin mong maingay sa loob ng silid-aralan at walang nakikinig sa


pagpapaliwanag ng inyong guro.

e. Upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 (coronavirus disease), nag-


anunsyo ang lokal na pamahalaan ng Baler na manatili muna ang lahat sa kani-
kanilang tahanan at iwasan ang mga matataong lugar.

f. Isa ka sa mga mamamayan na naistranded sa lungsod ng ipatupad ang


Enhanced Community Quarantine dahil sa COVID-19. Nang magdeklara ang
pamahalaan ng General Community Qurantine, pinayagan ng makabalik sa
probinsya ang mga naistranded, ngunit bago ka makauwi sa sariling lugar
kinakailangang sumailalim sa labing apat na araw na community quarantine.

14
g. Nananawagan ang inyong pamahalaang lokal na bigyan ng pasasalamat at
pagpupugay ang mga frontliners na lumalaban sa epidemyang COVID-19.

h. Ang pamilya mo ang nagmamay-ari ng pinakamalaking pagawaan ng sapatos sa


inyong lugar kaya naman mabilis ang paglaki at pag-unlad ng inyong negosyo.
Napag-alaman mong hindi nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan ang
inyong magulang.

i. Sa pagpasok mo sa paaralan gamit ang iyong motorsiklo nasita ka ng pulis sa


lansangan. Pinaalalahanan ka na hindi ka maaaring magmaneho dahil ikaw ay
menor de edad pa lamang at walang lisensya sa pagmamaneho.

j. Hinihikayat ka ng kaibigan mo na lumiban sa klase upang makadalo sa


gaganaping concert ng paborito ninyong mang-aawit.

E. Panuto: Tukuyin sa mga sumusunod na pahayag ang maaaring makatulong sa


pag-unlad ng bansa. Iguhit ang kung ito ay makatutulong at iguhit naman
ang kung ito ay hindi makatutulong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
________1. Pagsunod sa batas trapiko
________2. Pagkakalat ng basura sa lansangan
________3. Hindi pagbabayad nang tama sa mga empleyado
________4. Bumoto nang tama tuwing eleksyon
________5. Pagiging mabuting anak at mag-aaral
________6. Hindi pagbabayad ng tamang buwis
________7. Pagbibigay ng suporta sa mga gawaing pangsimbahan
________8. Pagsasalita ng negatibo tungkol sa kapwa at sariling bansa
________9. Paggalang sa pulis, guro, doktor at iba pang public servants
________10. Pagbili ng mga smuggled goods
________11. Paghingi ng opisyal na resibo sa pagbili ng produkto at binabayarang
serbisyo.
________12. Nakilahok sa mga proyektong pangkaunlaran
________13. Pagsisiwalat sa anomalya at korapsyon ng ilang mga tiwaling opisyal
________14. Pag-iwas sa droga at masamang bisyo
________15. Pagbibigay ng mga scholarship para sa mga mahihirap na mag-aaral.

15
F. Panuto: Mula sa natutuhan mo sa aralin,dugtungan mo ang mga putol na
pahayag gamit ang grapikong pantulong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Makatutulong ako sa pag-unlad ng


pamilya ko sa pamamagitan ng
__________________________________
__________________________________

Makatutulong ako sa Makatutulong ako sa


pag-unlad ng barangay pag-unlad ng paaralan
ko sa pamamagitan ng ko sa pamamagitan ng
_______________________ ______________________

Makatutulong ako sa pag-unlad ng


bansa ko sa pamamagitan ng
___________________________________
___________________________________

Isaisip

Panuto: Gamit ang grapikong pantulong, isa-isahin mo ang mahalagang


natutunan mo tungkol sa paksang tinalakay. Maaaring mong dugtungan ang mga
putol na pahayag. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mga kasagutan.

MGA ESTRATEHIYA NA MAKATUTULONG SA PAGPAPAUNLAD

Ang mga estratehiyang makatutulong sa pagpapaunlad ng bansa ay mga


sumusunod __________________________________________________________________

Makatutulong ako sa pagkamit ng pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng


_______________________________________________________________________________

Sa pagkamit ng kaunlaran mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng


mamamayan dahil ____________________________________________________________

16
Isagawa

Ngayong naunawaan mo na ang mga estratehiya na makatutulong sa


pag-unlad ng bansa, handa ka na para sumulat ng isang sanaysay. Gawing
gabay ang talahanayan na nakabatay sa konsepto ng G.R.A.S.P. Gawin ito sa
hiwalay na papel.
GRASPS
Goal Makasulat ng isang sanaysay
Role Mag-aaral
Audience Mag-aaral
Naatasan ka ng iyong guro na sumulat ng isang sanaysay na
nagpapaliwanag at nagpapakita ng sama-samang pagkilos ng
Situation mamamayan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Ang sanaysay ay may temang “Pagkakaisa’t Pagtutulungan
sa Gitna ng Pandemya”.
Product Nakasulat na Sanaysay
Standard Pamantayan sa Pagmamarka

Pamantayan sa Pagmamarka sa Pagsulat ng Sanaysay


Kailangan Pang
Mahusay Katamtaman
Pamantayan Paghusayan
(8-10) (4-7)
(1-3)
Pamagat Ang pamagat ay tugma at Ang pamagat ay Hindi masyadong
naaayon sa paksa. Madaling naaayon sa paksa. naaayon sa paksa
makakuha ng atensyon mula ang ginawang
sa nagbabasa. pamagat.
Introduksyon Mahusay at malinaw na Makalalahad ng Nakalalahad ng
nakalahad ang pangunahing paksa at paksa ngunit hindi
paksa at lubos na nakahihikayat ang sapat ang
nakapanghihikayat ang introduksyon nito. pagpapaliwanag
introduksyon nito. dito.
Diskusyon Mahusay ang pagpapaliwanag May sapat na May kakulangan sa
at pagtalakay tungkol sa pagpapaliwanag at paliwanag at detalye
paksa. detalye ang ng pagtalakay.
pagtalakay.
Organisasy Lohikal at may May Hindi maayos ang
on ng Ideya pagkakasunod-sunod ang pagkakasunod- pagkakasunod-
mga ideya. sunod ang mga sunod ng mga
ideya ideya.
Konklusyon Nakapanghahamon ang Naipakita ang Hindi ganap na
konklusyon at naipakita ang pasya tungkol naipakita ang
pasya tungkol sa paksa batay paksa batay sa pasya tungkol sa
sa mga katibayan at katibayan at paksa.
katuwirang ipinahayag. katuwirang
ipinahayag.
Kabuuang
50
Puntos

17
Tayahin

Panuto: Suriin at piliin mo ang titik ng tamang sagot. Isulat ang tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ito ay gawaing pang-ekonomiya na nakatuon sa paggawa ng mga produkto at


serbisyo upang ibenta at layunin nitong kumita o tumubo.
A. Pagnenegosyo
B. Pakikipagkaibigan
C. Pagbibigay ng tulong pinansyal sa mga nangangailangan
D. Pagdalo sa mga pagtitipon

2. Ito ay isang pananagutang pananalapi ng bawat mamamayan at


pinanggagalingan ng malaking pondo ng pamahalaan upang makapagbigay
ng mga serbisyong panlipunan.
A. Pagnenegosyo C. Pagsali sa mga organisasyon
B. Pagbubuwis D. Pamumuhunan

3. Layunin ng mga miyembro ng samahang ito na pagsama-samahin ang


kanilang pondo para makapagsimula ng negosyo upang magkaroon ng kita
sa pamamagitan ng dibidendo.
A. Korporasyon C. Isahang pagmamay-ari
B. Kooperatiba D. Sosyohan

4. Alin sa mga sumusunod na gawain ang kabilang sa estratehiyang pagiging


mapanagutan ng mamamayan?
A. Pagboto nang tama C. Tamang pagbabayad ng buwis
B. Pagbili ng lokal na mga produkto D. Pakikilahok sa pamamahala

5. Alin sa mga sumusunod na pamamaraan ang nagpapakita ng pagiging


makabansa ng isang mamamayan?
A. Pagboto ng tama at pakikilahok sa proyektong pangkaunlaran
B. Pakikilahok sa pamamahala sa pagnenegosyo at pagbuo ng kooperatiba
C. Pagbabayad ng buwis at paglaban sa anomalya at korapsyon

6. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapahayag ng tamang pagboto?


A. Iboto ang mga kamag-anak at kaibigang kandidato
B. Suriing mabuti ang kakayahan ng bawat kandidato upang makapili ng
karapat-dapat na maging pinuno
C. Iboto ang taong makatutulong sa mga personal na pangangailangan
D. Piliin ang kandidatong sikat at kilala na sa inyong lugar

18
7. Paano mo ipinakikita ang iyong pagiging mapanagutang mag-aaral?
A. Pagliban sa klase upang makaiwas sa mga gawaing pampaaralan
B. Pagsunod sa mga patakaran at alituntunin ng paaralan
C. Hindi paggalang sa mga guro at kamag-aaral
D. Pakikipagkaibigan upang may gumawa ng mga gawain mo sa asignatura

8. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng kahalagahan ng pagkakaroon


ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mamamayan?
A. Nagkakaroon ng pag-unlad sa sarili, pamilya at sa lipunan
B. Nagkakaroon ng iisang layunin para sa pangkalahatang pag-unlad
C. Napadadali nito ang gawain at nagkakaroon ng magandang resulta
D. Lahat ng nabanggit

9. Sa paanong paraan nagkakaroon ng pagkakaisa?


A. Pagtanggi sa mga gawaing panlipunan
B. Matututong makinig sa mga suhestiyon at pangangailangan ng iba
C. Paggawa ng desisyon na makapagbibigay ng magandang resulta sa
sarili kahit ikapahamak ng iba
D. Paglalaan ng oras at panahon upang siraan at ibaba ang ibang tao

10. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng


kahalagahan ng pagbubuwis?
A. Ang pagbabayad ng buwis ay hindi magandang gawain ng pamahalaan.
B. Nakatutulong ito upang makalikom ng salapi ang pamahalaan para
magamit sa mga serbisyong panlipunan
C. Dahil sa pagbubuwis lumiliit ang kita ng mga negosyante at
manggagawa
D. Ang salaping nalikom mula sa buwis ay ginagamit ng mga pinuno ng
bansa para sa pansarili nilang pangangailangan.

11. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging bunga kung walang
pagkakaisa ang mga mamamayan sa isang barangay?
A. Madaling matatapos ang isang gawain o proyekto
B. Magiging payapa at masagana ang buong barangay.
C. Magiging magulo at hindi magkakasundo-sundo ang mamamayan
D. Magkakaroon ng kapanatagan ang bawat isa

12. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin upang makatulong ka sa
pag-unlad ng inyong barangay?
A. Makisangkot sa mga programa at proyektong pampamayanan
B. Itapon ang mga basura sa ilog at karagatan upang mapanatili ang
kalinisan ng barangay
C. Huwag makipag-usap at iwasan ang kapitbahay upang mapanatili ang
katahimikan
D. Magboluntaryo sa pamimigay ng mga pagkain sa oras ng
pangangailangan upang makilala at sumikat sa barangay

19
13. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pagkakaroon ng
pagkakaisa at pagtutulungan para sa kaunlaran?
A. Pagsasawalang kibo at pananahimik sa mga nangyayaring krimen
B. Pangunguna at pakikisangkot sa mga gawaing mag-aangat sa
kalagayan ng mamamayan sa lipunan
C. Huwag nang bumoto tuwing eleksyon upang hindi na makadagdag sa
mahabang pila
D. Pagbili sa mga imported na produkto dahil higit itong maganda

Panuto para sa bilang 14 at 15: Suriin ang sumusunod na pahayag.

14. Pahayag 1: Ang kaunlaran ay nakasalalay lamang sa kagalingan ng


namumuno sa isang bansa.
Pahayag 2: Mahalaga ang pagkakaisa ng lahat ng mamamayan upang
makamit ang layuning mapaunlad ang isang bansa.
A. Tama ang una at ikalawang pahayag
B. Tama ang una at mali ang ikalawang pahayag
C. Mali ang una at ikalawang pahayag
D. Mali ang una at tama ang ikalawang pahayag.

15. Pahayag 1. Ang paghingi ng opisyal na resibo sa mga binibili at


binabayarang produkto at serbisyo ay nakatutulong sa pag-unlad ng bansa
Pahayag 2: Ang korapsyon at anomalya sa pamahalaan ay kailangang pigilan
at labanan.
A. Tama ang una at ikalawang pahayag
B. Tama ang una at mali ang ikalawang pahayag
C. Mali ang una at ikalawang pahayag
D. Mali ang una at tama ang ikalawang pahayag.

20
Karagdagang Gawain

Panuto: Gamit ang talahanayan sa ibaba, isulat mo sa unang kolum ang mga
naipatupad o nilahukan mong mga programa at proyekto ng Barangay. Isulat mo
sa ikalawang kolum ang kahalagahan ng programa at proyektong ito at sa ikatlong
kolum naman isulat mo ang mahalagang natutunan mo matapos ang programa at
proyekto. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong ga kasagutan.

Programa at Proyekto
ng Barangay Kahalagahan ng Naramdaman ng matapos
(Pinatupad o Programa at Proyekto ang programa at proyekto
Nilahukan)

Programang Maiiwasan ang pag- Naging masaya sa


Pangkapaligiran apaw ng tubig dulot ng ginawang pagtulong at
(Paglilinis ng Kanal) baradong kanal. pakikisangkot.

21
22
Balikan Subuki Tuklasin
n:
1. / Ang sagot ay batay sa pang-unawa ng mag-aaral
2. X 1. B
3. X 2. A A.
4. / 3. C
5. X 4. A 1. Pagbabayad ng buwis, Pagnenegosyo, Pagboto at Pagbili ng
6. / 5. B produkto
7. / 6. B 2. Ang mga gawaing ito ay naisasagawa sa komunidad.
8. X 7. A Isinasagawa ang mga gawaing ito sa pamamagitan ng
9. / 8. B pagtutulungan at pagkakaisa ng mga ahensya ng pamahalaan
10. / 9. B at ng lahat ng mamamayan.
11. / 10. D 3. Oo, upang makabahagi sa pagkamit ng kaunlaran at bilang
12. / 11. B pagtugon sa tungkulin bilang isang mamamayan.
13. / 12. D 4. Mahalaga ang pagbabayad ng buwis, tamang pagboto,
14. / 13. C pagnenegosyo at pagtangkilik sa produktong Pilipino dahil ito ay
15. X 14. A ang mga gawaing higit na makakatulong upang matugunan ang
16. X 15. B mga pangangailangan at mga isyung lipunan para sa patuloy na
17. X pagkamit ng kaunlaran.
18. X 5. Higit na makakatulong ang tamang pagboto upang makamit ng
19. / isang bansa ang kaunlaran, sapagkat ang pipiliin nating pinuno
20. / ang siyang babalangkas at bubuo ng mga programa at
patakaran na makatutulong sa pag-unlad ng bansa.
B. Ang sagot ay batay sa pang-unawa ng mag-aaral
C. Ang sagot ay batay sa pang-unawa ng mag-aaral
D. Ang sagot ay batay sa pang-unawa ng mag-aaral
E F Tayahin:
Ang sagot ay 1. A
1. 9. batay sa pang- 2. B
unawa ng mag- 3. B
2. 10. aaral 4. C
5. D
3. 11. 6. B
7. B
4. 12. 8. D
9. B
5. 13. 10. B
11. C
6. 14. 12. A
13. B
7. 15. 14. D
15. A
8.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Balitao, Bernard R., Martiniano D. Buising, Edward D.J. Gracia, Apollo


D. De Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J.
Mondejar. 2015. Ekonomiks Araling Panlipunan (Modyul para sa
Mag-aaral). n.p.: Vibal Group, Inc.

Bgstbels. 2017. “Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang


Kaunlaran.” Slideshare. Binuksan noong Hulyo 2, 2020.
https://www.slideshare.net/bgstbels/sama-samang-pagkilos-para-
sa-pambansang-kaunlaran

Borja,Godwin. 2019. “Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang


Kaunlaran.” Cram flashcards. Binuksan noong Hulyo 2, 2020.
https://www.cram.com/flashcards/sama-damang-pagkilos-para-sa-
pambansang-kaunlaran-10496347

Parayaoan, Joseph. 2017 . “Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang


Kaunlaran.” Slideshare. Binuksan noong Hulyo 2, 2020.
https://www.slideshare.net/JCCParayaoan/sama-samang-pagkilos-
para-sa-pambansang-kaunlaran-73347189

23
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like