You are on page 1of 32

9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Mga Patakarang Pang-ekonomiya
na Nakatutulong sa Sektor
ng Agrikultura
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Mga Patakarang Pang – ekonomiya na
Nakatutulong sa Sektor ng Agrikultura
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat Ng Modyul


Manunulat: Ria A. Cabebe
Editor: Rosanna Palispis - Querijero
Emelita T. Angara
Albertine R. De Juan Jr.
Tagasuri: Rosanna Palispis - Querijero
Rebecca K. Sotto,PhD
Kristian Marquez
Erfe Donna A. Aspiras
Angelica M. Burayag, PhD
Tagaguhit: Kris P. Querijero
Tagalapat: Corazon G. Peñaflor
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD
Librada M. Rubio PhD
Ma.Editha R. Caparas EdD
Angelica M. Burayag PhD
Lily Beth M. Mallari
Rosanna Palispis-Querijero

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon-Rehiyon III


Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
9

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 5:
Mga Patakarang Pang-ekonomiya
na Nakatutulong sa Sektor
ng Agrikultura
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para


sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at
malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito


ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 9.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

• Nabibigyang – halaga ang mga patakarang pang – ekonomiya na nakatutulong


sa sektor ng agrikultura.

Ang modyul na ito ay nahati sa dalawang leksyon:


• Leksyon 1: Mga Batas na Nakatulong sa Sektor ng Agrikultura
• Leksyon 2: Mga Patakaran at Programang Pangkaunlaran sa Sektor ng
Agrikultura

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. nakakikilala ng mga batas, patakaran at programang pang – ekonomiya na
nakatulong sa sektor ng agrikultura;
2. nakapagpapaliwanag ng mga batas, patakaran at programang pang –
ekonomiya na nakatulong sa sektor ng agrikultura;
3. nakapagbibigay ng kahalagahan ng mga batas, patakaran at programang
pang – ekonomiya na nakatulong sa sektor ng agrikultura; at
4. nakagagawa ng advocacy campaign na makatutulong sa pagpapalakas ng
sektor ng agrikultura.

Nasusuri ang bahagi ng bawat isa sa pagtugon sa mga isyu at hamong


panlipunang kinahaharap sa kasalukuyan.

Mga Tala para sa Guro


Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang
natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa
pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa
modyul na ito.
Subukin

Ang mga sumusunod ay katanungan na susubok sa iyong paunang kaalaman


sa aralin.

Panuto: Basahin at unawain mo ang bawat bilang. Piliin ang titik ng wastong sagot
at itala ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay ang mga lupain na hindi sakop ng Comprehensive


Agrarian Reform Program MALIBAN sa:
A. Paaralan C. Watershed
B. Sementeryo D. Mga bukirin

2. May mga programa para sa mga likas na yaman. Ano ang programa na naglilipat
teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan sa wastong paglinang sa mga likas
na yaman ng bansa?
A. KALAHI Agrarian Reform Zone
B. Community Livelihood Assistance Program
C. Sustainable Forest Management Strategy
D. National Integrated Protected Areas System

3. Ang pagsasaliksik at pagtingin sa potensiyal na teknolohiya tulad ng aquaculture


marine resources development ay ginagawa. Bakit ito ginagawa?
A. Upang mapayaman at maparami ang yamang–tubig
B. Magkaroon ng parangal sa ibang bansa
C. Makatulong sa pandaigdigang pananaliksik tungkol sa yamang tubig
D. Magkaroon ng malaking kita sa produksiyon ng isda

4. Alin sa mga sumusunod na batas ang nagpatupad ng sistemang Torrens kung


saan naipatala ang lahat ng titulo ng lupa?
A. Atas ng Pangulo Bilang 2 ng 1972
B. Batas Republika Bilang 6657
C. Batas Republika Bilang 7881
D. Land Registration Act of 1902

5. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mga batas at programang pang-


agrikultural?
A. Nagbibigay ng proteksiyon sa mga magsasaka.
B. Nasisiguro ang kaayusan ng sektor ng agrikultura
C. Nagiging produktibo ang sektor ng agrikultura
D. Nagiging maayos at produktibo ang sektor ng agrikultura
6. Si Pangulong Garcia ay nagpatupad ng Batas Republika Blg. 3844 o mas kilalang
Agricultural Land Reform Code. Ano ang nilalaman nito?
A. Naitatag ang National Settlement Administration.
B. Ang tunay na may–ari ng lupa ay ang mga nagbubungkal ng lupa.
C. Pamamahagi ng lupa sa mga rebeldeng nagbalik–loob sa pamahalaan.
D. Paglunsad ng Magkakabalikat Para sa Kaunlarang Agraryo.

7. Bilang isang mag–aaral, ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa
pagpapalakas ng sektor ng agrikultura?
A. Maging mapagmasid sa mga nangyayari sa sektor ng agrikultura.
B. Magprotesta sa kalsada para sa mga magsasaka.
C. Tangkilikin ang mga lokal na produktong agrikultural.
D. Mamigay ng mga brochure tungkol sa sektor ng agrikultura.

8. Naitatag ang National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) sa


ilalim ng Batas Republika Blg. 1160 upang mamahagi ng mga lupain. Kanino
ipinamahagi ang mga ito?
A. mga rebeldeng nagbalik-loob sa pamahalaan
B. mga preso na nakulong
C. mga nagbubungkal ng lupa
D. mga mahihirap na pamilya

9. Ilan ang maaaring ariin na lupa ng bawat pamilya na nakasaad sa Public Land
Act of 1902?
A. 3 ektarya C. 10 ektarya
B. 5 ektarya D. 16 ektarya

10. Ano ang tawag sa malawak na lupaing pagmamay-ari ng mga paring Kastila
noong panahon ni Aguinaldo?
A. Public land C. Friar Land
B. Priest Land D. Private Land

11. Alin sa sumusunod ang programa na nagtatakda ng permanente at sukat ng


kagubatan?
A. Agriculture and Fisheries Modernization Act
B. Sustainable Forest Management Strategy
C. Integrated Social Forestry Program
D. National Integrated Protected Areas System

12. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga layunin ng CARP 2003?
A. Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka.
B. Pagbibigay ng scholarship program sa mga anak ng magsasaka.
C. Pagtatayo ng mga bahay–ugnayan para sa magsasaka.
D. Hindi pagbabayad ng lupa ng mga magsasaka.
13. Ang ___________ ang nagtadhana ng kautusan upang isailalim ang buong
Pilipinas sa reporma sa lupa.
A. Atas ng Pangulo Blg. 02 ng 1972
B. Atas ng Pangulo Blg. 27
C. Commonwealth Act Blg. 441
D. Batas Republika Blg. 1160

14. Alin sa mga sumusunod ang nilalaman ng Batas Republika Blg. 1190 ng 1954?
A. Pamamahagi ng lupaing pampubliko sa mga nagbubungkal ng lupa.
B. Proteksiyon laban sa pang–aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng
mga may–ari ng lupa.
C. Paglipat ng pagmamay–ari ng lupang sinasaka sa mga magsasaka.
D. Pagbibigay ng hangganan ng lupa na pag- aari ng may–ari ng lupa.

15. Ayon sa Tenancy Act ng 1933 ay inayos ang ugnayan ng may–ari at


nagbubungkal ng lupa na tinatamnan ng palay. Ilan ang isinaad na hatian ng
may–ari at nagbubungkal ayon sa batas?
A. 50 – 50 C. 70 - 30
B. 60 – 40 D. 80 - 20
Mga Patakarang
Aralin
Pang – ekonomiya na
1 Nakatutulong sa Sektor
ng Agrikultura
Isang panibagong kaalaman ang iyong matututuhan ngayon. Nawa ay
maging kalasag mo ito upang higit na lumalim at umunlad ang iyong kaalaman sa
Economics. Halina, huwag kang matakot na ipagpatuloy ang pag-aaral ng bagong
mukha ng Araling Panlipunan.

Balikan

Sa nakaraang aralin, natukoy mo ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng


sektor ng agrikultura na nagiging sanhi ng mabagal na pag-unlad nito. Muli nating
balikan ang ilan sa mga suliranin sa bawat subsector at kaakibat na mga epekto
nito.

A. Panuto: Suriin ng mabuti ang mga larawan. Ibigay ang mga suliranin at epekto
ng bawat subsector na nasa larawan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Subsector Mga suliranin Epekto
A. Pagsasaka

B. Pangisdaan

C. Paggugubat

5
B. Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga epekto ng mga sitwasyon na nasa Hanay
A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B

____1. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal A. Pagkamatay ng mga isda


at iba pang anyong–tubig.

____2. Polusyon sa tubig B. Nawawalan ng sakahang taniman


ang mga magsasaka.

____3. Pagliit ng lupang sakahan C. Nababawasan ang mga hilaw na


materyales sa paggawa ng
produkto.

____4. Pagkaubos ng likas na yaman D. Nagkakaroon ng presyur sa


tubig.

____5. Lumalaking populasyon sa bansa E. Ang mga lokal na produkto


ay hindi napapansin.

Sa bagong araling ito, pag-aaralan mo naman ang tungkol sa mga patakarang


pang – ekonomiya na nakatutulong sa sektor ng agrikultura.

6
Tuklasin

Ang pamahalaan ay may mga programa na nagbibigay–tulong para sa mga


magsasaka. Sa modyul na ito ay mababasa mo ang isang balita na magpapakita ng
tulong ng pamahalaan sa mga nasa “gulugod ng ekonomiya”. Bilang panimula ay
basahin at suriin mo ang balita sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong
ukol dito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

FSRF, ipinamahagi ng Office of the Provincial Agriculturist ng Aurora


ni Ria A. Cabebe

Sinimulan ibahagi sa mga magsasaka ng walong bayan ng Aurora


ang Finacial Subsidy to Rice Farmers (FSRF) na nagkakahalagang limang
libong piso sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist, Mayo
2020.

Ang nasabing programa ay naglayong tulungan ang mga magsasaka na


lubhang naapektuhan ng tarrification law o mas kilalang RA 1120 Rice
Tarrification Law of 2010 na nagpababa ng presyo ng palay.

“Ang one - time financial aid para sa mga kababayan nating magsasaka
ay walang kolateral. Ito ay dapat ilaan para sa production expenses ng kanilang
mga bukid,” pahayag ni Provincial Agriculturist of Aurora Arnold Novicio.

Ayon kay Novicio, ipinadaan sa Land Bank of the Philippines ang cash
subsidy na natanggap ng mga magsasakang pasok sa kwalipikasyon gaya ng
pagiging rehistrado sa RSBSA o Registry System for Basic Sectors in Agriculture
at pagkakaroon ng lupang sinasaka na isang ektarya pababa.

Hinati rin sa tatlong pangkat ang pagbibigay ng ayuda.

Batay sa kanilang tala, may kabuuang 3580 beneficiaries sa buong


lalawigan: Baler–386, San Luis–266, Maria Aurora–798, Dipaculao–486,
Dilasag–574, Casiguran–485, Dinalungan–219 at Dingalan–366.

7
Gabay na Tanong: Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Anong programa ang nabanggit sa balita na laan para sa magsasaka?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano ang kahalagahan ng tulong–pinansiyal na ito sa mga magsasaka?


__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Bakit kailangan ng mga programa na nakatutulong sa mga nasa sektor ng


agrikultura?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Suriin

Ang sektor ng agrikultura ay maraming kinakaharap na suliranin na


nakaaapekto sa bansa. Ang ating pamahalaan katuwang ang iba’t ibang sektor ay
gumagawa ng mga hakbang upang pag-ibayuhin at paunlarin ito. Halina’t alamin
ang mga batas, patakaran at programa na nakatutulong upang mapaunlad ang
sektor ng agrikultura.

8
MGA BATAS NA NAKATULONG SA SEKTOR NG
AGRIKULTURA

□ Land Registration Act ng 1902 ang titulo ng lupa ay ipinatalang lahat


noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano na tinatawag na sistemang
Torrens.

□ Public Land Act ng 1902 ipinamahagi ang mga lupaing pampubliko sa mga
pamilya na nagbungkal ng lupa. Sila ay maaring magmay–ari ng hindi hihigit sa
labing – anim (16) na ektarya ng lupain.

□ Batas Republika Bilang 1160 itinatag ang National Resettlement and


Rehabilitation Administration (NARRA) upang mamahagi ng lupain sa mga
rebelde na nagbalik–loob sa pamahalaan at mga pamilyang walang lupa.

□ Batas Republika Bilang 1190 ng 1954 sumasaklaw ito sa proteksiyon laban


sa pang–aabuso, pagsasamantala at pandaraya ng mga may–ari ng lupa sa mga
manggagawa.

□ Agricultural Land Reform Code ang batas na ito sa panahon ni Diosdado


P. Macapagal ay tumugon sa pag–alis ng sistemang kasama. Ayon sa batas, ang
nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may–ari. Sa paraang hulugan
ay muling ipinagbili sa mga magsasaka ang lupa na katumbas ng presyong
ibinayad ng pamahalaan sa may–ari ng lupa.

□ Atas ng Pangulo Bilang 02 ng 1972 ang buong bansa ay isinailalim sa


reporma sa lupa noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos.

□ Atas ng Pangulo Bilang 27 ang batas na sinasabing nagpalaya sa mga


magsasaka sa kahirapan kung saan nailipat sa kanila ang mga lupang sinasaka.
Sila ay nagmay–ari ng limang (5) ektarya ng lupa kung walang patubig at tatlong
(3) ektarya kung may patubig ang lupang agrikultural.

9
□ Batas Republika Bilang 6657 ng
1988 ang batas na ito ay nakilala sa
tawag na Comprehensive Agrarian Reform
Law (CARL) noong panahon ni dating
Pangulong Corazon C. Aquino. Sa batas
na ito, naipatupad ang Comprehensive
Agrarian Reform Program kung saan
napasailalim ang lahat ng publiko at
pribadong lupa anuman ang
tanim.Ipinamahagi sa loob ng 10 taon ang
lupa sa mga walang lupang magsasaka.
Ang mga may–ari ng lupa ay
makapagtitira ng hindi hihigit sa limang
(5) ektarya ng lupa. Sa kabilang banda,
ang bawat anak ng may–ari ay
magkakaroon ng tatlong (3) ektarya ng
lupain. Ang pamahalaan ay nagbayad sa mga may-ari ng lupa sa iba’t ibang paraan
tulad ng panagot o bonds ng pamahalaan, salapi ng ilang porsiyento at pagbibigay
ng kredito sa buwis na binabayaran ng may–ari ng lupa. Binabayaran ng 25% na
salapi ang lupaing higit sa 50 ektarya at 75% ay panagot o bonds ng
pamahalaan.Binabayaran naman ng 30% ng salapi ang 24-50 ektarya ng lupa at
ang natitirang bahagi ay bonds ng pamahalaan.

Ang mga sumusunod ay hindi sakop ng CARP:

 Liwasan at parke
 Mga gubat at Reforestation Area
 Mga palaisdaan
 Tanggulang pambansa
 Paaralan, Sementeryo
 Simbahan, Templo, watershed at iba pa

MGA PATAKARAN AT PROGRAMANG PANG - KAUNLARAN


SA SEKTOR NG AGRIKULTURA

A. Pagsasaka

□ Upang masigurong mayroon suportang maibibigay sa mga magsasaka ay


nagpatayo ng bahay–ugnayan

□ Pagtatayo ng gulayan

10
□ Itinayo ang Agrarian Reform Scholarship Program noong panahon ni
Pangulong Diosdado P. Macapagal upang masiguro na ang mga anak ng
magsasaka ay makapag – aaral; at

□ KALAHI agrarian reform zones

B. Pangingisda

□ Pagtatayo ng mga daungan upang higit na mapadali ang pagdadala ng mga


huling isda sa pamilihan

□ Philippine Fisheries Code of 1998. Ito ay naglimita at naglayon ng wastong


paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas.

□ Fishery Research.Patuloy na isinagawa ang pananaliksik sa potensiyal na


teknolohiya tulad ng aquaculture marine resources development at post–
harvest technology upang maparami at mapayaman ang yamang–tubig.

C. Pagtotroso

□ Community Livelihood Assistance Program (CLASP). Itinuro sa mga


mamamayan ang wastong paglinang sa mga likas na yaman ng bansa tulad
ng mangrove farming sa Bohol, plantasyon ng kawayan sa La Union at
plantasyon ng medicinal plants sa Cagayan.

□ National Integrated Protected Areas System (NIPAS). Ang layunin nito ay


maingatan at protektahan ang kagubatan upang mailigtas ang mga hayop at
halaman.

□ Sustainable Forest Management Strategy. Itinakda ang permanente at


sukat ng kagubatan upang maiwasan ang squatting, huwad at ilegal na
pagpapatitulo ng lupa at pagpapalit–gamit sa lupa.

11
Pagyamanin

A. Panuto: Basahin at suriin ang tula na may malayang taludturan. Pagkatapos ay


sagutin mo ang mga tanong na kaugnay nito.

Reporma sa Lupa, ang Kasaysayan


ni Ria A. Cabebe

Reporma sa lupa lubhang makasaysayan


Mga magsasaka ito’y napakinabangan
Halina’t alamin at muling balikan
Mula noon hanggang sa kasalukuyan.
Unang Republika
Malawak na lupaing kinamkam ng mga paring Kastila
Mga Pilipinong magsasaka ay siyang dapat kumalinga
Unang pangulong Emilio Aguinaldo
Friar lands, nagdeklara ng pagbawi nito.
Panahon ng Amerikano
Tenancy Act ng 1933 ay isinabatas
Nag-ayos ng ugnayan, may- ari at tagabungkal, 50–50 ay naging hatian
Public Land Act of 1903
Naipamigay lupaing pampublikong hindi hihigit sa 16 na ektarya
Sa mga pamilyang bumubungkal ng lupa.

12
Panahon ng Commonwealth
National Rice and Corn Corporation
Nagtakda ng presyo ng bigas at mais
Commonwealth Act Blg. 178
Kumontrol sa relasyon ng may–ari at tagabungkal.
Panahon ng Republika
Batas Republika Blg. 34
Hatiang 70–30 ay naisaayos
Batas Republika Blg. 55
Di–makatarungang pagpapaalis sa magsasaka ay nakapaloob.
Pangulong Ramon Magsaysay
Batas Republika Blg.821
Pagkatatag ng Agricultural Credit Cooperative Financing Administration
Mababang interes sa utang ng magsasaka ay nakamit.
Itong Batas Republika Blg. 400 o Land Reform Act ng 1955
Lumikha ng Land Tenure Administration
Pagkuha at pamamahagi ng malawak na lupain
Naging responsibilidad para sa kabuhayan.
Pangulong Carlos Garcia
Mga nagbubungkal ng lupa
Itinuring na tunay na may-ari ng lupa
Batas Republika Blg. 3844
Malawakang reporma sa lupa ay nagsimula.
Pangulong Ferdinand Marcos
Department of Agrarian Reform ay naitatag
Gayundin ahensiyang Agrarian Reform Special Account Fund
Ito’y sakop ng Batas Republika Blg. 6389 o Agrarian Reform Code
Nagpatibay ng posisyon ng magsasaka at repormang agraryo ay sakop.
Pangulong Corazon Aquino
Pinaunlad subsektor na pangingisda at pagsasaka
Pinagyaman mga moderno at makabagong teknolohiya
Itoy’ nakapaloob sa Batas Republika Blg. 8435
Kilalang higit sa Agriculture and Fisheries Modernization Act.
Pangulong Joseph Estrada
Executive Order No. 151
Naglunsad ng programang Magkakabalikat Para sa Kaunlarang Agraryo
Department of Agrarian Reform at mga pribadong sektor
Nagtulong sa layuning nais marating.

Pangulong Gloria Arroyo


Kalahi Arzone, isang programang agrikultural
Ginawang produktibo mga “gulugod ng ekonomiya”
Ang sona ay binuo ng isa o higit pa
Mga munisipalidad sa buong bansa.

13
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong kaugnay ng tula. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang paksa ng tula?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

2. Sino–sino ang mga pangulo ng ating bansa ang nagpatupad ng reporma sa


lupa?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, ano ang naging kahalagahan ng mga repormang ito?


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

4. Kung ikaw ay magiging Pangulo ng Pilipinas, ano ang programa na nais mong
ipatupad para sa sektor ng agrikultura? Ipaliwanag ang iyong mga sagot.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

B. Panuto: Mula sa binasang tula ay ibigay ang mga hinihinging impormasyon


sa talahanayan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Pangulo Batas Kahalagahan


ng Batas
1. Ramon D. Magsaysay

2. Carlos P. Garcia

3. Corazon C. Aquino

4. Joseph E. Estrada

5. Gloria M. Arroyo

14
C. 1. Panuto: Hanapin sa kahon ang titik ng tamang sagot na tinutukoy sa
pahayag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

A. Magsasaka F. KALAHI Arzone

B. Tenancy Act ng 1933 G. Atas ng Pangulo Blg.27

C. Batas Republika Blg. 400 H. Batas Republika Blg. 8435

D. Agrarian Reform Special Account Fund I. Friar Lands

E. National Rice & Corn Corporation J. Batas Republika Blg. 821

_____1. Ang sona ay binuo ng isa o higit pang mga munisipalidad sa buong bansa.

_____2. Ang tunay na may–ari ng lupa.

_____3..Itinatag sa batas na ito ang Agricultural Credit Cooperative Financing


Administration.

_____4. Nag-ayos ng ugnayan, may- ari at tagabungkal, 50 – 50 ay naging hatian.

_____5. Malawak na lupaing kinamkam ng mga paring Kastila.

_____6. Ang magsasaka ay nagmay - ari ng limang (5) ektarya ng lupa kung walang
patubig at tatlong (3) ektarya kung may patubig ang lupang agrikultural.

_____7. Lumikha ng Land Tenure Administration.

_____8. Higit na kilala bilang Agriculture and Fisheries Modernization Act.

_____9. Nagtakda ng presyo ng bigas at mais.

_____10..Ito’y sakop ng Batas Republika Blg. 6389 o Agrarian Reform Code na


nagpatibay ng posisyon ng magsasaka at repormang agraryo ay sakop.

C. 2. Panuto: Ipaliwanag hanggang sa tatlong (3) pangungusap ang mga


sumusunod na batas at programa. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Comprehensive Agrarian Reform Program


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

2. Batas Republika Bilang 1190 ng 1954


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

15
3. Agricultural Land Reform Code
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
4. Public Land Act ng 1902
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

5. Batas Republika Bilang 1160


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

6. Community Livelihood Assistance Program (CLASP)


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

7. Kalahi Arzone
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

8. Sustainable Forest Management Strategy


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

9. Pagtatayo ng daungan
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

10. Fishery Research


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

16
D. Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng batas, patakaran o programa na nakasaad
sa mga pahayag. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Ayon sa Memo Circular No. 12, s. 2020, __________________


magkakaroon ng pagpapalawak ng __________________
produksiyon sa baka at manok para sa __________________
pagtugon sa COVID 19. Tiniyak nito ang __________________
__________________
pagkakaroon ng sapat na karne at itlog
__________________
sa kabila ng pandemya. Sa __________________
pamamagitan din nito ay mabibigyan ng __________________
tulong ang mga kooperatiba at samahan __________________
na nasa urban centers sa anyo ng __________________
modyul ng pangkabuhayan. __________________

Ayon kay Regional Technical Director for


__________________
Operations & Extension Crispulo G.
__________________
Bautista, Jr. ay dapat suriin at pag– __________________
aralan ang pagbagyo sa Aurora sa tulong __________________
ng PAGASA. Ito ay makatutulong upang __________________
malaman ang tamang panahon ng __________________
pagtatanim, kung ito ay isusulong o __________________
__________________
iaantala. Dagdag pa niya, ibibigay niya __________________
ang kanilang full force na tulong sa __________________
pamamagitan ng pagbibigay ng libreng __________________
sertipikadong binhi para sa magsasaka.

__________________
Inilahad ng Department of Agriculture __________________
Central Luzon ang isa sa kanilang __________________
proyekto. Ito ang Rice Resiliency Project __________________
mula sa Ahon Lahat, Pagkaing Sapat __________________
__________________
Kontra COVID_19 (ALPAS–COVID_19) o
__________________
mas kilala na “Plant, Plant, Plant __________________
Program. Ito ay naglalayon na pataasin __________________
ang lokal na produksiyon ng bigas __________________
upang masiguro na may pagkain ang __________________
buong bansa sa panahon ng pandemya. __________________
__________________

17
E. Panuto: Isulat ang bilang ng pahayag na makikita sa ibaba kung saan
nabibilang ang nakasaad na batas na nasa organizer. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

Mga Batas sa Lupa

Republika
Blg. 6389
Republika
Blg. 3844

Batas
Batas

1. Ang Magkakabalikat Para sa Kaunlarang Agraryo (MAGKASAKA) ay inilunsad.

2. Binigyan ng limang (5) ektarya ng lupa ang mga may–ari kung walang patubig.

3. Ang pagbabayad sa lupa ng pamahalaan ay sa paraan ng panagot o bonds.

4. Itinatag ang Agricultural Credit Cooperative Financing Administration.

5. Kinilalang Land Reform Act ng 1955.

6. Ang pamahalaan ay namahagi ng lupa sa mga rebeldeng nagbalik–loob.

7. Pinaunlad ang subsector na pangingisda at pagsasaka.

8. Naitatag ang Department of Agrarian Reform at Agrarian Reform Special


Account Fund

9. Ito ay kinilalang Rice Tenancy Act Bilang 4045.

10. Ang National Rice and Corn Corporation ay nagtakda ng presyo ng bigas at
mais.

18
F. Panuto: Suriin ang mga larawan at umisip ng titulo ng sariling programa ukol
dito.Ipaliwanag ang kahalagahan ng sariling programa ng hindi hihigit sa limang
(5) pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

19
Isaisip

Panuto: Itala ang iyong natutunan sa paksang tinalakay sa pamamagitan ng


pagdurugtong sa mga pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Mga Patakarang Pang-ekonomiya na Nakatutulong sa Sektor ng


Agrikultura

Ang mga batas,


Pagkatapos ng
mga patakaran at Mahalaga ang
pagtalakay sa
programang pagkakaroon ng mga
aralin, lagi kong
pangkaunlaran batas, patakaran at
isasaisip
sa sektor ng programang
ang………………
agrikultura ay pangkaunlaran sa
……………………
ang sektor ng agrikultura
…………………..
mga…………… dahil………………………

Upang higit na maisaisip ang natutunan ay sagutin ang sumusunod


na gawain. Dugtungan ang pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Ang Land Registration Act ng 1902 ay tumatalakay sa__________________

2. Batay sa nilalaman ng Agricultural Land Reform


Code,____________________

3. Inilahad sa Batas Republika Bilang 1160 ang ___________________________

4. Sa Atas ng Pangulo Bilang 27 ay inilahad ang __________________________

5. Ang Batas Republika Bilang 6657 ng 1988 ay __________________________

20
Isagawa

Ngayong nakilala mo na ang mga batas, programa at patakaran na


tumutulong sa sektor ng agrikultura, ikaw ay nakahanda ng gumawa ng advocacy
campaign na makatutulong sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura. Magpakita ng
sariling programa para sa agrikultura. Maaari mo itong ipakita sa pamamagitan ng
tatlong (3) saknong na tula. Gamiting gabay ang Pamantayan sa Pagmamarka na
nasa ibaba.

Rubrik sa Pagmamarka ng Tula

Nilalaman

Mabisang naipahayag ang 10 puntos


mensahe ng tula

Pagkakabuo

Angkop at wasto ang mga 10 puntos


salitang ginamit sa pagbuo.

Kabuuan 20 puntos

21
Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga talata. Punan ang mga patlang ng
akmang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ayon sa CARL, ang bawat anak ng may–ari ng lupa ay bibigyan ng _______________


ektarya ng lupa kung sila mismo ang magsasaka.
2. Upang maiwasan ang squatting, huwad at ilegal na pagpapatitulo ng lupa, ang
_______________ ang naging pamamaraan.
3. Sa pananakop ng mga Amerikano, ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat. Ito
ay sistemang _______________.
4. Ang tunay na may–ari ng lupa ay ang nagbubungkal nito. Ito ay nasasaad sa
_______________.
5. Ano ang batas sa panahon ni Ferdinand E. Marcos ang nagpasailalim sa buong
Pilipinas sa reporma sa lupa? _______________
6. Ayon sa Atas ng Pangulo Blg. 27, ang magsasaka ay maaaring magmay –ari ng
_______________ektarya ng lupa kung walang patubig.
7. Ang mga isda ay naging madali ang pagdadala sa mga pamilihan. Ang
_______________ ang nagsilbing sentro o bagsakan ng mga isda.
8. Anong programa ang naglipat at nagturo sa mga mamamayan nang wastong
paglinang sa mga likas na yaman ng bansa? _______________
9.. Ang batas na nagbigay ng proteksiyon laban sa pang–aabuso, pagsasamantala at
pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa._______________
10..Anong batas ang nagsasaad ng pamimigay sa mga lupang pampubliko sa mga
pamilyang nagbubungkal ng lupa na hindi hihigit sa labing (16) na
ektarya?_______________
11. Ang hatian ng may–ari ng lupa at magsasaka ay 70–30. Ito ay nasasaad sa batas
_______________.
12. Ang mga paring Kastila ay nagmay- ari ng malawak na lupain noong panahon
ng pamumuno ni Pangulong Aguinaldo na tinawag na _______________.
13. Ang pagkatatag ng National Resettlement and Rehabilitation Administration ay sa
pamumuno ni _______________.
14. Sino ang itinuring na may–ari ng lupa ayon sa Batas Republika 1400?
_______________
15. Ang pamahalaan ay nagbayad ng panagot o bonds sa may–ari ng lupa sa ilalim
ng CARP. Ilang porsiyento ang binabayaran nito sa lupaing higit sa limampung (50)
ektarya?______________

22
Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng Reflection Journal. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Bilang isang mag–aaral, ano ang maaari mong gawin


upang mapaunlad ang sektor ng agrikultura sa iyong
sariling bayan?

_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Rubrik sa Pagmamarka ng Reflection Journal


Organisasyon Mahusay ang 10 puntos
pagkasunud – sunod ng
ideya sa kabuuan ng
talata,mabisa ang
panimula at malakas ang
konklusyon.
Lalim ng repleksyon Napakalalim na makikita 10 puntos
ang pag-uugnay ng
dating kaalaman at
karanasan sa bagong
kaalaman.
Presentasyon Malinis at maayos ang 5 puntos
pagkasulat ng talata.
KABUUAN 25 puntos

23
24
Balikan
Subukin
Subsektor Mga Suliranin Epekto
1. D
2. B A. Pagsasaka Paggamit ng Kawalan ng trabaho ng
3. A teknolohiya magsasaka dahil sa
4. D makabagong makinarya.
5. D
6. B
7. C
8. A B. Pangingisda Polusyon Pumapatay sa mga
9. D anyong tubig
10. C
11. B
C. Paggugubat Mabilis na pagkaubos Nababawasan ang suplay
12. A
ng mga likas na yaman ng mga hilaw na
13. A materyales
14. B
15. A
B.
1. E
2. A
3. B
4. C
5. D
Tuklasin
1. Ang programa na binanggit sa balita ay Financial Subsidy to Rice Farmers na nagkakahalaga
ng limang (5) libong piso.
2. Ang kahalagahan ng tulong pinansiyal na ito sa mga magsasaka ay magagamit sa production
expenses sa kanilang mga bukid.
3. Ang mga programa para sa mga magsasaka ay kailangan upang sila ay mabigyan ng tulong sa
panahon ng krisis o pagkalugi at sa mga hindi inaasahan na problema sa sektor ng agrikultura.
Susi sa Pagwawasto
25
B.
Pangulo Batas Kahalagahan ng Batas
A. 1. Ramon Batas Republika Nakamit ang mababang
1. Ang paksa ng tula ay Magsaysay Blg. 821 interes sa utang ng
tungkol sa reporma sa magsasaka.
lupa. Batas Republika Naipamahagi ang
2. Ang mga pangulo ng Blg. 400 malawak na lupain.
Pilipinas na nagpatupad 2. Carlos Batas Republika Nagsimula ang
ng reporma sa lupa ay Garcia Blg. 3844 malawakang reporma
sina Emilio Aguinaldo, sa lupa.
Ramon Magsaysay, Carlos
3. Corazon Batas Republika Pinaunlad ang
Garcia, Ferdinand
Aquino Blg. 8435 subsektor ng
Marcos, Corazon Aquino,
pangingisda at
Joseph Estrada at Gloria
pagsasaka.
Arroyo.
Pinayaman ang mga
3. Ang naging
moderno at
kahalagahan ng mga
makabagong
repormang ito ay
teknolohiya.
nabigyan ng sariling lupa
ang mga magsasaka, 4. Joseph Executive Order Nailunsad ang
proteksiyon sa pang – Estrada 151 programang
aabuso at napaunlad ang Magkakabalikat Para sa
kabuhayan. Kaunlarang Agraryo.
4. Mabigyan ng 5. Gloria Kalahi Arzone Naging produktibo ang
scholarship program ang Arroyo mga magsasaka.
mga anak ng magsasaka.
C.2
1. Ipinamahagi sa loob ng sampung taon ang lupa sa mga walang lupang magsasaka.
2. Sumasaklaw sa proteksiyon laban sa pang – aabuso, pagsasamantala at pandaraya ng
mga may – ari ng lupa sa mga manggagawa.
3. Ang nagbubungkal ng lupa ang tunay na may – ari ng lupa. Sa paraang hulugan ay muling
ipinagbili sa mga magsasaka ang lupa na katumbas ng presyong ibinayad ng pamahalaan sa
may – ari.
4. Ipinamahagi ang mga lupaing pampubliko sa mga pamilya na nagbungkal ng lupa.
5. Ipinamahagi ang lupain sa mga rebelde na nagbalik – loob sa pamahalaan.
6. Itinuro sa mamamayan ang wastong paglinang sa mga likas na yaman ng bansa.
7. Isang programang agrikultural na binuo ng isa o higit pang mga munisipalidad.
8. Itinakda ang permanente at sukat ng kagubatan.
9. Upang higit na mapadali ang pagdadala ng mga huling isda sa pamilihan.
10. Patuloy na pananaliksik sa potensiyal na teknolohiya
C.1
1. F 6. G
2. A 7. C.
3. J 8. H
4. B 9. E
5. I 10. D
26
D.
1. Natiyak ang pagkakaroon ng sapat na karne at itlog sa kabila ng pandemya.Nabigyan din
ng tulong ang mga kooperatiba at samahan na nasa urban centers sa anyo ng modyul ng
pangkabuhayan.
2. Nakatulong upang malaman ang tamang panahon ng pagtatanim at nabigyan ng
sertipikadong binhi ang mga magsasaka.
3. Napataas ang lokal na produksiyon ng bigas upang masiguro na may pagkain ang buong
bansa sa panahon ng pandemya.
E. F.
Atas ng Pangulo Blg. 27 – Numero 2 1. Kabalikat Para sa Magsasaka –
Batas Republika Blg. 1160 – Numero 7 pagbibigay ng libreng binhi para sa
Batas Republika Blg. 821 – Numero 4 magsasaka, pagbibigay ng pinansiyal na
Batas Republika Blg. 6389 – Numero 9 ayuda.
Batas Republika 8435 – Numero 8 2. Love our Nature for Our Future –
Executive Order 151 – Numero 1 pagbibigay – halaga sa kagubatan sa
Commonwealth Act 178 – Numero 10 pagreserba ng yaman mula rito upang
Batas Republika 1400 – Numero 5 may magamit sa susunod na
Batas Republika 3844 – Numero 6 henerasyon.
Batas Republika 6657 – Numero 3 3. Oplan Sagip Mangingisda – bibigyan
ng tulong - pinansiyal ang maliliit na
mangingisda
4. Teknolohiya Para sa Manukan –
pagsasanay sa paggamit ng modernong
teknolohiya sa pagmamanukan
Isaisip
1. Ang Land Registration Act ng 1902 ay
tumatalakay sa sistemang Torrens kung saan
ang titulo ng lupa ay ipinatalang lahat sa
panahon ng Amerikano. Tayahin
2. Batay sa nilalaman ng Agricultural Land 1. 3 ektarya
Reform Code, inalis ang sistemang kasama. 2. Sustainable Forest Management
Ipinagbili sa mga magsasaka ang lupa na Strategy
katumbas ng presyong ibinayad ng 3. Torrens
pamahalaan sa may-ari ng lupa. 4. Agricultural land Reform Code
3. Inilahad sa Batas Republika Bilang 1160 5. Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972
ang pamamahagi ng lupa sa mga rebelde na 6. 5 ektarya
nagbalik-loob sa pamahalaan. 7. daungan
4. Sa atas ng Pangulo Bilang 27 ay inilahad 8. CLASP
ang paglilipat ng lupa sa mga magsasaka na 9. Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
maaaring magmay-ari ng limang ektarya kung 10. 1903 Public Land Act
walang patubig at tatlong ektarya kung may 11. Batas Republika Blg. 34
patubig. 12. Friar Lands
5. Ang Batas Republika Bilang 6657 ng 1988 13. Ramon Magsaysay
ay nakilala sa tawag na Comprehensive 14. magsasaka o nagbubungkal ng lupa
Agrarian Reform Law. 15. 75 porsiyento
Sanggunian
Balitao, Bernard R.,Martiniano D. Buising, Edward D.J. Garcia, Apollo D. De
Guzman, Juanito L. Lumibao Jr., Alex P. Mateo, at Irene J. Mondejar.
2015. Ekonomiks Araling Panlipunan (Modyul para sa Mag – aaral). n.p.:
Vibal Group, Inc.

Bautista, Crispulo Jr. 2018. “ Check & study the occurence of typhoons in Aurora
with the help of PAGASA to determine if there’s a need to adjust your
planting season either to advance or delay it”. Department of Agriculture
Regional Field Office III. February 20, 2018. http://rfo3.da.gov.ph/agri-
officers-vow-to-boost-rice-production-in-aurora-2/

Department of Agriculture. 2020. “Memo Circular # 12, s. 2020”. Binuksan


noong April 20, 2020. https://www.da.gov.ph/laws-and-
issuances/memorandum-circulars/

Ebalo, Francis. 2020. “Rice Resiliency Project.” Department of Agriculture


Regional Field Office III. Binuksan noong June 3, 2020.
http://rfo3.da.gov.ph/rice-resiliency-program/

Molina, Ramil V., Baby Jane C. Alcantara, Leo C. Somera, Joevenil P. Moncal,
Dr. Gregorio R. Sismondo, at Alvin C. Fronteras. 2016. Makisig
Ekonomiks 9. Manila. Magallanes Publishing House

27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)


Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600
Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985
Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

28

You might also like