You are on page 1of 8

MGA PATAKARAN AT PROGRAMA UPANG

MAPAUNLAD ANG SEKTOR NG


INDUSTRIYA AT PANGANGALAKAL.
ANO NGA BA ANG SEKTOR NG
INDUSTRIYA?
• Pangunahin layunin nito
ay maiproseso ang mga
hilaw na materyal
upang makabuo ng mga
produkto na ginagamit
ng tao.
• Para malakas pa ng ekonomiya ng pilipinas bumuo
ng ating pamahalaan ng Philippine Development
plan 2011-2016.

• Ang layunin ng batas na ito para mas maayos


akmang kondisyon sa pagnenegsyo,pagtaas ng
produktibidad at maayos na paggawa at mas
mabuting kalagayan para sa mga mamimili

• Ang nasasabing plano ng pamahalaan at isang


pagsisikap upang mapaunlad ang sektokr ng
industriya at mapabuti ang paglilinkod.
Mga patakaran ng pamahalaan para mapaunlad ang sector ng
industriya .

 Pagsusog (amendments) sa Executive Order (EO) NO. 226 o ang Omnibus Investment
Code of 1987 upang mapalakas ang pagtutuguyod sa pamumuhunan at pagliang ng
mga bagong industriya ng Board of Investment (BOI) .

 Pagpapatibay sa Anti-trust/competition law upang malabanan ang mga


gawaing hindi patas pagdating sa kalakalan,maiwasan ang kartel at
monopolyo,at maparusahan ang mga opisyal ng mga kompanyang hindi
sumusunod sa patas ba pagnenegosyo .

 Pagsusog sa Tariff and customs Code ng Pilipinas.ito ay bilang suporta sa patas na


pakikipagkalakalan at mapigilan ang patuloy na paglaganap ng smuggling sa
bansa.pagsisiguro din ito na ang Pilipinas ay at makasusunod sa pandaigdigang
pamantayan pagdating sa panuntunana ng custom batay sa naging komitment ng bansa
sa Kyoto Convention .
 Pagsusog sa Local Government Code upang masiguro na ang kapaligiran sa
bansa ay magiging kaaya-aya sa pagnenegosyo .

 Reporma sa buwis bilang insentibo sa pribadong sector kaugnay sa kanilang mga R at


D na isinasagawa batay sa RA 8424.ito at may layuning mahikayat ang mga pribadong
sector na magkaroon ng inobasyon at pagtutulungan upang mapagbuti at mapalakas
ang pagsasagawa ng R at D para sa kapakinabangan na lahat .

 Pagsusog sa Intellectual Property Code bilang proteksiyon sa mga negosyante


na ang produkto ay mga sariling likha tulad ng muwebles at iba pang gawang
kamay .

 Pagsusog sa Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) Act bilang


suporta sa pagpapalawig at pagpapalakas sa maliliit na negosyo na
katuwang ng pamahalaan sa pagbibigay ng trabaho.
• Maliban sa mga patakaran particular ding tinitingnan ng Philippine Development
Plan ang pangangailangan ng lakas ng paggawa sa demand pamilihan.kinakailangan
din na malinang ang impraestraktura at ang mga regulasyong ipinatutupad upang
ganap na mapabuti ang sosyo-ekonomikong kapaligiran.
NAKATAKDANG ISAKATUPARAN NG PAMAHALAAN ANG
SUMUSUNOD UPANG MATAMO ANG NASABING MGA ADHKAIN.

• Mapahusay ang promosyon sa pamumuhunan at estratehiya sa paglinang ng


industriya sa pamamagitan ng mga inisyatibo at programa ng pamahalaan kasama
ang pribadong sektor, upang magamit nang husto ang mga likas na yaman .
• Masiguro na ang mga magsisitapos sa mga paaralan ay kinakailangan ng
industriya .
• Maitaguyod ang paglinang sa mga manggagawa upang masiguro ang
kalidad sa pamamagitan ng training at opportunity building .
• Mapanatili ng pamahalaan ang pagbibigay ng insentibo(fiscal and
nonfiscal) at manguna sa paglulunsad ng promosyon ng mga produktong
industriyal sa ibang bansa.
• Mapabuti ang persepsiyon ng mga mamumuhunan sa bansa bunga ng
katanggap-tangap na kapiligiran sa pagnenegosyo.
• Mapalawak ang kaunlaran sa iba pang mga lungsod, katuwang ang pribadong
sektor, upang mapalawak pa ang pagbibigay ng pagkakataon sa maraming
Pilipino sa iba’t ibang dako ng bansa .
Mga layunin ng pamahalaan na maisaayos ang kalagayan sa
mga sekondaryang sector ng industriya

 Ang sekondaryang sector na electronics at kinikilala bilang


pangunahing tagapagpakilos ng ekonomiya. Upang masiguro
ang pagkilala sa mga produktong ito na mula sa pilipinas, ang
pagkakaroon ng brand .

 Sa tantiya ng Mines and Geosciences Bureau (MGB), maaaring nasa


siyam(9) na milyong ektarya sa bansa ang posibleng may metallic na
mineral. Dahil sa malaking potensiyal nito,ang pamahalaan ay
naglalayong mapabuti pa ang sekondaryang sektor ng Industriya .

 Ang patuloy na pagsasaayos ng impraestretura ng bansa ay inaasahang


magiging isa sa mga prayoridad mg pamahalaan. Ang pagsasaayos ng
mga kalsada,tulay,pagtatayo ng mga bagong paliparan, at iba pa .

 Ang patuloy na pagsuporta at pagbibigay ng mga insentibo ay magsisiguro


upang ang iba pang mga nakapaloob na Gawain sa sektor ng industriya tulad
ng homestyle products; pag-aalahas; motor vehicle parts and components;
tela; konstruksiyon at kaakibat na materyales, at iba pa ay magiging
matibay sa sandigan ng ekonomiya .

You might also like