You are on page 1of 2

Sektor ng Industriya

Ang sektor ng industiya ay ang sektor kung saan ang pangunahing layunin ay makakuha at makaproseso ng mga hilaw
na materyal upang makabuo ng mga tinatawag na ''finished goods'' o mga produktong pwede ng magamit ng mga tao o
konsumer na naganagailangan.

Kabilang sa sekto ng industriya ang mga sumusunod gaya ng;

 Pagmimina ( Mining)

 Pagmamanupaktura (Manufacturing)

 Konstruksyon ( Construction)

 Utilidad (Utilities)

Pagmimina

Sa pamamagitan ng pagmimina, nakukuha ang mga yamang mineral gaya ng metal, di-metal o enerhiya upang gawing
produkto para sa mga konsumer na nangangailangan nito.

Ang mga nakukuha sa pagmimina kahit hindi pa naproseso ay nagbibigay ng kita sa bansa gaya ng mga tapos na
produkto na naproseso.

Pagmamanupaktura (Manufacturing)

Tumutukoy ito sa paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o gamit ang mga makina. Nagkakaroo ng
mga pisikal o kemikal na transpormasyon ang mga original na materyales sa pagbuo ng bagong produkto.

Konstruksyon (Construction)

Tumutukoy ito sa paggawa ng mga kalsada, pagpapatayo ng mga gusali, mga estruktura at iba pang mga land
improvements.

Utilidad (Utilities)

Tumutukoy ito sa pagbibigay ng serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao na matugunan ng mga
bumubuong kompanya na maihatid ang nararapat na serbisyo gaya ng tubig, ilaw at gas.

Mahalaga ang papel ng industriya sa bansa at sa ekonomiya dahil sila ang gumagawa ng mga produkto.
Ginagawa nilang isang produkto na pwedeng magamit ng isang konsyumer ang mga hilaw na sangkap.
Kung wala sila, wala tayong mga produkto gaya ng mga gadget na ginagamit natin ngayon. Kung wala din
ang sektor ng industriya, wala tayong makakain dahil sila din ang gumagawa ng ating mga pagkain.
Babagsak din ang ekonomiya sa buong mundo dahil halos lahat ng ito ay nakasasalalay sa iba't ibang
industriya. Nasa baba ang ilang halimbawa ng mga industriya.

Industriya ng Paggawa

Ang manufacturing industry siguro ang isa sa pinakaimportantent industriya dahil sila ang mga gumagawa sa mga
produkto. Kung ano ang kailangan ng pamayanan ay yun ang ginagawa nila. Halimbasa sa kasalukuhang problema sa
kakulangan ng mask dahil sa NCOV, ang industriyang ito ang dapat kumilos upang makagawa ng mas madaming mask.

Industriya ng Agrikultura
Kung wala ang industriyang ito, wala tao kakainin at magugutom ang mga tao. Dahil ang hilaw na mga sangkap sa
pagkain ay tinatanim at inaani ng ating mga magsasaka, mahalaga ang kanilang papel sa aspeto ng food security. Kung
mahina ang sektor na ito, walang kasiguraduhan kung may pagkain pa ang mga mamamayan ng bansa.

Industriya ng Konstruksyon

Sila ang mga gumagawa sa mga building na kung saan tumitira at nagtatrabaho ang mga tao. Mahalaga din ang kanilang
papel dahil kung walang real estate, limitado ang pwedeng maging trabaho ng mga tao. Dahil din sa kanila ang mga
produkto ay pwedeng mailabas at maibyahe sa iba ibang lugar.

You might also like