You are on page 1of 2

ARALIN 2: (2) pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng

PAMBANSANG KITA produksiyon (income approach), at


(3) pamamaraan batay sa pinagmulang industriya
KAHALAGAHAN NG PAGSUKAT SA PAMBANSANG (industrial origin approach).
KITA
Ayon kay Campbell R. McConnell at Stanley Brue 1. Paraan Batay sa Paggasta (Expenditure
sa kanilang Economics Principles, Problems, and Policies Approach)
(1999), ang kahalagahan ng pagsukat sa pambansang
kita ay ang sumusunod: Ang pambansang ekonomiya ay binubuo ng apat na
1. Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita ay sektor: sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, at
nakapagbibigay ng ideya tungkol sa antas ng panlabas na sektor. Ang pinagkakagastusan ng bawat
produksiyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon sektor ay ang sumusunod:
at maipaliwanag kung bakit ganito kalaki o kababa ang a. Gastusing personal (C) – napapaloob dito ang mga
produksiyon ng bansa. gastos ng mga mamamayan tulad ng pagkain, damit,
2. Sa paghahambing ng pambansang kita sa loob ng paglilibang, serbisyo ng manggugupit ng buhok, at iba
ilang taon, masusubaybayan natin ang direksiyon na pa. Lahat ng gastusin ng mga mamamayan ay kasama
tinatahak ng ating ekonomiya at malalaman kung may rito.
nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang b. Gastusin ng mga namumuhunan (I) – kabilang
produksiyon ng bansa. ang mga gastos ng mga bahay-kalakal tulad ng mga
3. Ang nakalap na impormasyon mula sa pambansang gamit sa opisina, hilaw na materyales para sa
kita ang magiging gabay ng mga nagpaplano sa produksiyon, sahod ng manggagawa at iba pa.
ekonomiya upang bumuo ng mga patakaran c. Gastusin ng pamahalaan (G) – kasama rito ang
at polisiya na makapagpapabuti sa pamumuhay ng mga mga gastusin ng pamahalaan sa pagsasagawa ng mga
mamamayan at makapagpapataas sa economic proyektong panlipunan at iba pang gastusin nito.
performance ng bansa. d. Gastusin ng panlabas na sektor (X – M) –
4. Kung walang sistematikong paraan sa pagsukat ng makukuha ito kung ibabawas ang iniluluwas o export sa
pambansang kita, haka-haka lamang ang magiging inaangkat o import.
basehan na walang matibay na batayan. e. Statistical discrepancy (SD) – ang anumang
Kung gayon, ang datos ay hindi kapani-paniwala. kakulangan o kalabisan sa pagkuwenta na hindi
5. Sa pamamagitan ng National Income Accounting, malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap
maaaring masukat ang kalusugan ng ekonomiya. sapagkat may mga transaksiyong hindi sapat ang
mapagkukunan ng datos o impormasyon.
GROSS NATIONAL INCOME(GNI) f. Net Factor Income from Abroad (NFIFA) –
tinatawag ding Net Primary Income. Makukuha ito kapag
 tinatawag ding Gross National Product ay ibinawas ang gastos ng mga mamamayang nasa ibang
tumutukoy sa kabuuang pampamilihang halaga bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.
ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga
mamamayan ng isang bansa. 2. Paraan Batay sa Pinagmulang Industriya
 Kalimitang sinusukat ang GNI sa bawat quarter (Industrial Origin/Value Added Approach)
o sa loob ng isang taon. Sa paraang batay sa pinagmulang industriya, masusukat
 Ang GNI ay sinusukat gamit ang salapi ang Gross Domestic Product ng bansa kung
ng isang bansa. pagsasamahin ang kabuuang halaga ng produksiyon ng
 Ang halaga ng mga tapos o nabuong produkto mga pangunahing industriya ng bansa. Kinapapalooban
at serbisyo lamang ang isinasama sa ito ng sektor ng agrikultura, industriya, at serbisyo. Sa
pagkuwenta ng Gross National Income (GNI). kabilang banda, kung isasama ang Net Factor Income
 Ang mga produktong ito ay sumailalim na sa from Abroad o Net Primary Income sa kompyutasyon,
pagpoproseso para sa pagkonsumo. masusukat din nito ang Gross National Income (GNI) ng
 Sa pagkuwenta ng GNI, hindi na ibinibilang ang bansa.
halaga ng hilaw na sangkap sa proseso ng
produksiyon upang maiwasan ang duplikasyon 3. Paraan Batay sa Kita (Income Approach)
sa pagbibilang. a. Sahod ng mga manggagawa - sahod na
ibinabayad sa sambahayan mula sa mga bahay-kalakal
PAGKAKAIBA NG GROSS NATIONAL INCOME (GNI) at pamahalaan
SA GROSS DOMESTIC PRODUCT (GDP) b. Net Operating Surplus – tinubo ng mga
korporasyong pribado at pag-aari at pinatatakbo ng
 sumusukat sa kabuuang pampamilihang halaga pampamahalaan at iba pang mga negosyo
ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na c. Depresasyon – pagbaba ng halaga ng yamang
ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa pisikal bunga ng pagkaluma bunga ng tuloy tuloy na
loob ng isang bansa. paggamit paglipas ng panahon.
 Ibig sabihin, lahat ng mga salik ng produksiyong d. Di-tuwirang buwis – Subsidya
ginamit upang mabuo ang produkto at serbisyo 1. Di-tuwirang buwis – kabilang dito ang
maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan sales tax, custom duties, lisensiya at iba pang di-
na matatagpuan sa loob ng bansa ay kasama tuwirang buwis.
dito. 2. Subsidiya – salaping binabalikat at
binabayaran ng pamahalaan nang hindi tumatanggap ng
MGA PARAAN NG PAGSUKAT SA GNI kapalit na produkto o serbisyo. Isang halimbawa nito
Ayon kay Villegas at Abola (1992), may tatlong paraan ang pag-ako ng pamahalaan sa ilang bahagi ng
ng pagsukat sa Gross National Income: bayarin ng mga sumasakay sa Light Rail Transit.
(1) pamamaraan batay sa gastos (expenditure
approach),
CURRENT/NOMINAL AT REAL/CONSTANT PRICES mga patakaran upang matugunan ang mga suliraning
GROSS NATIONAL PRODUCT may kinalaman sa pagbaba ng economic performance
ng bansa.
 Ang Gross National Income sa kasalukuyang
presyo (current o nominal GNI) ay kumakatawan Samantala, sa pamamagitan ng income per capita ay
sa kabuuang halaga ng mga natapos na masusukat kung hahatiin ang Gross Domestic Product sa
produkto at serbisyong nagawa sa loob ng isang kabuuang populasyon ng bansa.
takdang panahon batay sa kasalukuyang presyo.  Sinusukat nito ang kalagayang pangkabuhayan
 Sa kabilang banda naman, ang real o GNI at ng mga mamamayan.
constant prices ay kumakatawan sa kabuuang  Tinataya rin ng income per capita kung sasapat
halaga ng mga tapos na produkto at serbisyong ang kabuuang halaga ng produksiyon ng bansa
ginawa sa loob ng isang takdang panahon batay upang tustusan ang pangangailangan ng mga
sa nakaraan pang presyo o sa pamamagitan ng mamamayan nito.
paggamit ng batayang taon o base year.  Kalimitan, ang maliit na populasyon at malaking
 Sa pagsukat ng kasalukuyan at totoong GNI, income per capita ay nangangahulugan ng
kailangan munang malaman ang Price Index. malaking kakayahan ng ekonomiya na
Sinusukat ng Price Index ang average na pagbabago matustusan ang pangangailangan ng mga
sa presyo ng mga produkto at serbisyo. Malalaman mamamayan nito.
kung may pagtaas o pagbaba sa presyo ng mga  Kapag mas mabilis ang paglaki ng populasyon
produkto o serbisyo sa pamamagitan ng Price Index. kompara sa income per capita, magiging
Malalaman ang Price Index sa pamamagitan ng formula mahirap para sa ekonomiya na tustusan ang
sa ibaba: mga pangangailangan ng mga mamamayan ng
bansa.
 Isa itong batayan upang malaman ang
kalagayang pangkabuhayan ng mga
mamamayan.

 Mahalagang malaman ang real/constant prices LIMITASYON SA PAGSUKAT NG PAMBANSANG


GNI dahil may pagkakataon na tumataas ang KITA
presyo ng mga bilihin na maaaring makaapekto 1. Hindi pampamilihang gawain
sa pagsukat sa GNI. Sa pagsukat ng pambansang kita, hindi kabilang
 Dahil pampamilihang halaga ang ginagamit sa ang mga produkto at serbisyong binuo ng mga tao
pagsukat ng GNI, lalabas na mataas ito kung para sa sariling kapakinabangan .
nagkaroon ng pagtaas sa presyo kahit walang 2. Impormal na sektor
pagbabago sa dami ng produksiyon. Malaking halaga ng produksiyon at kita ay hindi
Sa pagkakataong ito, mas mainam na gamitin ang real o naiuulat sa pamahalaan tulad ng transaksiyon sa
constant prices GNI. black market, pamilihan ng ilegal na droga, nakaw
 Ginagamit ang real/constant prices GNI upang na sasakyan at kagamitan, ilegal na pasugalan, at
masukat kung talagang may pagbabago o maanomalyang transaksiyong binabayaran ng
paglago sa kabuuang produksiyon ng bansa ilang kompanya upang makakuha ng resultang
nang hindi naaapektuhan ng pagtaas ng presyo. pabor sa kanila. May mga legal na transaksiyon na
Malalaman ito sa pamamagitan ng pormula sa hindi rin naiuulat sa pamahalaan tulad ng
ibaba upang masukat ang real GNI. pagbebenta ng kagamitang segunda-mano, upa sa
mga nagtatapon ng basura, at marami pang iba.
Ang mga nabanggit na gawain ay hindi naibibilang
sa pambansang kita bagamat may mga produkto at
serbisyong nabuo at may kinitang salapi.
3. Externalities o epekto
Ang hindi sinasadyang epekto o externalities ay
Malalaman naman kung may natamong pag-unlad sa may halaga na kalimitang hindi nakikita sa pagsukat
ekonomiya sa pamamagitan ng growth rate. Gamit ang ng pambansang kita. Halimbawa, ang gastos ng
pormula sa ibaba upang masukat ang growth isang planta ng koryente upang mabawasan ang
rate ng Gross National Income. perwisyo ng polusyon ay kabilang sa pagsukat ng
pambansang kita. Samantala ang halaga ng malinis
na kapaligiran ay hindi binibilang sa pambansang
kita.
4. Kalidad ng buhay
Bagamat sinasabing ang pagtaas ng pambansang
 Ang growth rate ang sumusukat kung ilang kita ay pagbuti rin ng katayuan sa buhay ng mga tao.
bahagdan ang naging pag-angat ng ekonomiya Dapat tandaan na ang karagdagang produkto at
kompara sa nagdaang taon. serbisyong nabuo sa bansa ay hindi katiyakan ng
 Kapag positibo ang growth rate masasabi na kasiyahang natatamo ng isang
may pag-angat sa ekonomiya ng bansa. indibidwal. Sa katunayan, maraming bagay na hindi
 Samantala, kapag negatibo ang growth rate, ay kabilang sa pagsukat ng pambansang kita ay
masasabing walang naganap na pag-angat sa nakatutulong sa pagbuti ng pamumuhay ng tao
ekonomiya ng bansa at maipalalagay na naging tulad ng malinis na kapaligiran, mahabang oras ng
matamlay ito. pahinga, at malusog na pamumuhay. Sinusukat ng
 Ang mahalagang datos na ito naman ang pambansang kita ang kabuuang ekonomiya ngunit
gagamitin ng mga nagpaplano ng ekonomiya ng hindi ang kalidad ng buhay ng tao.
bansa upang gumawa at bumuo ng

You might also like