You are on page 1of 34

Gawain 1: Ayusin mo ako!

Click icon to add picture

1. AAAHHALMPGAN-
Click icon to add picture

2. AIINNGAGPDS-
Click icon to add picture

3. AAAHHYNGPUAP
Click icon to add picture

4.AAGGGUUPT-
Layunin:
Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng
agrikultura, pangingisda at paggugubat.
1.nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin sa sub-
sektor ng pagsasaka;
2. nakapagbibigay ng solusyon upang malunasan ang
suliranin sa sektor ng agrikultura at;
3. nakikiisa ang mga mag-aaral ng may kasiyahan at
pagkukusa sa mga gawain.
Gawain: Lugar ko hula mo!
Larawan Suri!
Pamprosesong tanong:
1. Ano ang inyong nakikita sa larawan?
2. Ano sa tingin mo ang posibleng mga
dahilan ng suliranin sa pagtatanim
bukod sa malalakas na bagyo?
3. Sa tingin mo, ano ang mga posibleng
maging bunga ng suliranin na iyong mga
binanggit?
SULIRANIN SA
SEKTOR NG
AGRIKULTURA
(PAGSASAKA)
1. Pagliit ng lupang pansakahan.
Mga rason:
1. Paglaki ng populasyon.
2.Paglawak ng panirahan.
3.Komersiyo at industriya.
Mga bunga:
1.Land conversion.
2. Pagliit ng lupang pansakahan.
3.Pagkasira ng mga natural na tahanan ng mga hayop at
halaman.
2. Paggamit ng teknolohiya
-Ayon kay Ceilito Habito 2005, Ang kakulangan ng
pamahalaan na bumalangkas ng isang polisiya na
magbibigay- daan sa isang kapaligirang angkop sa
pagpapalakas ng ating agrikultura ay isa sa kahinaang
dapat matugunan. Ang kakayahangapataas ang
produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa
pamamagitan ng paggamit ng teknonohiya.
3. Kakulangan ng pasilidad at imprastruktura sa
kabukiran.
• Ang batas 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act
of 1987) ay naghahangad ng medernisasyon sa maraming
aspekto ng sektor upang masiguro ang pagpapaunlad dito.
• Inaasahang sa wastong pagpapatupad ay matutugunan ang
ilang suliranin sa irigasyon, farm to market road at iba pa.
• Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Benigno
Aquino III, ang pamahalaan ay nakapagsagawa ng mga
kalsada at iba pang kaugnay na proyekto na nagkakahalaga
ng 8.3 B. noong 2011.
4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang
sektor.
• Ayon sa Batas Republika 8435, ang pagtutulungan ng iba't
ibang ahensiya ng pamahalaan ay binigyang diin bilang
suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa
agrikultura. Ito ay patungkol sa pagkilala sa napakaraming
pangangailangang maaaring hindi kayanin ng departamento
mag isa.
• Ang suliranin sa irigasyon, enerhiya, komunikasyon,
impormasyon, at edukasyon ay mga tungkulin na
maibibigay ng mga ahensyang ang pangunahing
responsibilidad ay tungkol sa mga nabanggit.
• Halimbawa ang Land bank of the Philippines.
5. Pagbibigay- prayoridad sa sektor ng
industriya.
• Ayon kina Habito at Briones (2005) sa mga nagpahina
sa kalagayan ng agrikultura ay ang pagbibigay ng
pamahalaan ng proteksiyon sa mga favored import sa
pandaigdigang pamilihan.
• Ang kawalan at pagbibigay bigat sa industriya. Mas
binibigyan ng pamahalaan ng maraming proteksiyon at
pangangalaga ang industriya. Dahil dito, nawawalan ng
manggagawa at mamumuhunan sa sektor ng
agrikultura.
6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
• Kompetisyon sa pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
Maraming magsasaka ang nahihirapang makipaglaban sa
presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa. Bunga
ito ng pagpasok ng pamahalaan sa World Trade Organization
(WTO). Dahil dito maraming magsasaka ang naapektuhan,
huminto at sa kalaunan ay ipinagbili na lamang ang kanilang
mga lupa upang maging bahagi ng subdibisyon.
7. Climate change
• Halimbawa: Mga bagyo tulad ng bagyong Yolanda na
may pambihirang lakas noong 2013 na kung saan ay
milyon- milyong piso ang nasirang kabuhayan at
nasirang mga gamit.
• Maaaring mabawasan ang epekto ng pagbabagong ito
sa klima ng mundo kung magkakaisa ang mga bansang
iwasan ang mga dahilang nagpapalala at nagpapabago
sa klima ng mundo.
Gawain: Saang suliranin ng
pagsasaka ako kabilang?
1. Nasira ang mga pananim ni
Mang Abner na pakwan dahil sa
nagdaang bagyo.
2. Ang lupang pansakahan ni Lemuel ay
binili ni Don Mariano para patayuan ng mga
subdibisyon.
3. Ang mga magsasaka saaming
maliit na lungsod ay
gumagamit parin ng araro para
sa pagbungkal ng lupang
pansakahan.
4. Natuyot ang mga tanim na palay ni mang
Ferdinand dahil sa napaagang naubos ang
supply na tubig sa irigasyon.
5. Lugi ang mga magsasaka ngayong taon
dahilan sa biglaang pag aangkat ng
gobyerno ng mga dayong bigas sa ibang
bansa.
6. Mas ginusto na lamang ni Edward ang
magtrabaho sa pabrika kaysa sa magsaka
dahilan sa mas mataas ang sahod.
7. Ang mga magsasaka ay hindi na
nakapagtanim dahil sa hindi na nila
nakayanan ang subrang taas ng presyo
ng binhi at abuno.
1. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang ginagampanan
ng agrikultura lalo na sa pagsasaka para sa pagsulong
at pag unlad ng ating bansa?
2. Bilang mag-aaral, ano ang pangarap mong maging
kalagayan ng agrikultura dito sa bansa lalo na sa
sektor ng pasasaka?
3. Bilang kasapi ng lipunan, ano ang mga pwedi mong
gawin upang maibsan ang mga kinakaharap na
suliranin sa pagsasaka.
Gawain: Alphabet
summary
Quiz
Gawain: Pakikipanayam.
Panuto: Makipanayam sa isang kakilala
na kabilang sa sektor ng pagsasaka.
Tanungin kung ano ang mga naranasan
nitong suliranin sa pagsasaka at kung
papaano siya nakabangon o papaano
niya nalagpasan ang suliraning ito.

You might also like