You are on page 1of 37

PANUTO:

Sagutin ang mga sumusunod na


may kinalaman sa iba’t-ibang
gampanin ng mamamayang
Pilipino upang makatulong sa
Pambansang Kaunlaran.
1. Tamang pagbabayad ng buwis.
 MAPANAGUTAN
2. Pagnenegosyo.
 MAABILIDAD
3. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino.
 MAKABANSA
4. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong
pangkaunlaran sa komunidad.
 MAALAM
5. Tamang pagboto.
 MAALAM
6. Paglaban sa anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa
lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala.
 MAPANAGUTAN
7. Bumuo o sumali sa kooperatiba.
 MAABILIDAD
8. Pakikiisa sa mga programang ipinatutupad sa lugar.
 MAALAM
9. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa.
 MAKABANSA
10. Paggalang sa pagtaas at pagbaba ng watawat habang
inaawit ang Pambansang Awit ng Pilipinas.
 MAKABANSA
TUKLASI
N
GAWAIN:
PIC- SURI
Paghahalaman
Maraming mga pangunahing pananim ang
bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging,
pinya, kape, mangga, tabako at abaka. Ang mga
pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa
loob at labas ng bansa. Kasama rin dito ang
produksiyon ng gulay, halamang-gubat, at
halamang mayaman sa hibla (fiber). Gayundin
ang mani, kamoteng kahoy, kamote, bawang,
sibuyas, kamatis, repolyo, talong at kalamansi.
Paghahayupan
Pangunahing inaalagaan ang mga
kalabaw, baka, kambing, baboy,
manok, pato at iba pa. Ang
paghahayupan ay nakatutulong sa
pagtustos ng ating mga
pangangailangan sa karne at iba pang
pagkain. Ang paghahayupan ay
gawaing pangkabuhayang
kinabibilangan ng ating mga tagapag-
alaga ng hayop.
Pangingisda
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa
mga pinakamalaking tagatustos ng isda
sa buong mundo. Isa sa
pinakamalalaking daungan ng mga
huling isda ay matatagpuan sa ating
bansa. Ang pangingisda ay nauuri sa
tatlo- komersiyal, munisipal at
aquaculture.
1. Komersyal na Pangingisda
- tumutukoy sa uri ng
pangingisdang gumagamit ng mga
bangka na may kapasidad na hihigit
sa tatlong tonelada para sa mga
gawaing pangkalakalan o
pagnenegosyo. Sakop ng operasyon
ay 15 kilometro sa labas ng
nasasakupan ng pamahalaang
bayan.
2. Munisipal na Pangingisda
- nagaganap sa loob ng 15
kilometro sakop ng munisipyo at
gumagamit ng bangka na may
kapasidad na tatlong tonelada o
mas mababa pa na hindi
nangangailangan na gumamit ng
mga fishing vessel.
3. Aquaculture
Ang pangisdang aquaculture
naman ay tumutukoy sa pag-
aalaga at paglinang ng mga isda
at iba pang uri nito mula sa iba’t
ibang uri ng tubig pangisdaan–
fresh (tabang), brackish (maalat-
alat) at marine (maalat) (BOI,
2011).
Bahagi din ng gawaing
pangingisda ay ang paghuhuli ng
hipon, sugpo at pag-aalaga ng
mga damong dagat na ginagamit
sa paggawa ng gulaman.
Paggugubat
- Patuloy na nililinang ang ating mga
kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa
suliranin ng pagkaubos ng mga yaman
nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng
plywood, tabla, at veneer. Bukod sa mga
nabanggit na produkto, pinagkakakitaan
din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan,
pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
MGA
KAHALAGAHAN
NG
AGRIKULTURA
1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng
pagkain.
2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong
produkto.
3. Pinagkukunan ng kitang panlabas.
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.

5. Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor


Agrikultural patungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod.
GAWAIN:
PANUTO: Isa-isahin ang
pagkakaiba at pagkakapareho
ng mga sekondaryang Sektor
ng Agrikultura gamit ang
istratehiyang Venn Diagram.
VENN DIAGRAM
RUBRIK SA
Criteria
PRESENTASYON
Natatangi
 
Mahusay
 
Medyo
mahusay
Hindi
Mahusay
4 puntos 3 puntos 2 puntos 1 puntos
Kaalaman sa
paksa
Kalidad ng mga
impormasyon o
ebidensya
Kaalaman sa
kontekstong
pangkasaysayan
Istilo at
pamamaraan ng
presentasyon
Kabuuang Marka
Gaano kahalaga sa iyo ang mga
Sektor ng Agrikultura?

Paghahalaman Pangingisda

Paghahayupan Paggugubat
PANUTO
Suriin ang mga impormasyon at
tukuyin ang mga isinasaad nito.
Piliin ang titik ng wastong sagot
at itala sa iyong sagutang papel.
1. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga
probinsiya ang makatutulong sa agrikultura para mabuhay. Alin sa
sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
a. Pagmimina c. Paggugubat
b. Pangingisda d. Paghahayupan

2. Anong uri ng pangingisda ang tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng


mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan–
fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat) (BOI, 2011).
a. komersyo c. munisipal
b. aquaculture d. wala sa nabanggit
3. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagproseso ng mga
hilaw na materyales upang ito ay maging isang produkto?
a. Agrikultura c. Paglilingkod
b. Industriya d. Impormal na sektor

4. Ang mga pangunahing pananim ng bansa ang mga palay, mais, niyog,
tubo,
saging, pinya, kape, mangga, tobacco at abaka ay bahagi sa anong sektor
ng
agrikultura?
a. Paghahayupan c. Paghahalaman
b. Pangisdaan d. Paggugubat
5. Sa anong sektor ng agrikultura na ang pangunahing inaalagaan ay mga
kalabaw, baka, kambing, baboy, manok at bibi o pato?
a. Paghahayupan c. Paghahalaman
b. Pangisdaan d. Paggugubat

6. Ang hipon at sugpo ang pangunahing produktong iniluluwas sa ibang


bansa. Malaking industriya rin ang pag-aalaga ng damong-dagat tulad ng
carrageenan na ginagamit sa paggawa ng gulaman. Anong bahagi sa sektor
ng agrikultura nabibilang ito?
a. Paghahayupan c. Pagmimina
b. Pangisdaan d. Paggugubat
7. Saang bahagi nabibilang sa sektor ng agrikultura ang pangunahing nakukuha
dito ay mga yamang mineral, yamang di-metal at enerhiya na matatagpuan sa
mga bundok, kapatagan, baybayin at maging sa karagatan, saang sektor ng
agrikultura nabibilang?
a. Paghahayupan c. Pagmimina
b. Pangisdaan d. Paggugubat

8. Bahagi ito ng sektor ng agrikultura na kung saan rito nakukuha ang mga
hilaw na materyales tulad ng troso, tabla, plywood, veneer at mga produktong
gubat tulad ng rattan, nipa, anahaw, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
a. Paghahayupan c. Paghahalaman
b. Pangisdaan d. Paggugubat
9. Mahalaga ang bahagi ng sektor ng agrikultura sa pagpapaunlad sa ekonomiya ng bansa.
Ipinakikita ng sumusunod ang mga kahalagahan ng agrikultura sa ating ekonomiya MALIBAN
sa isa.
a. Pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay.
b. Nagsisilbing ‘market o pamilihan ng mga produkto sa Industriya.
c. Hindi nakatutulong sa ibang sektor ng ekonomiya.
d. Pinagkukunan ng kitang panlabas.

10.Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang
isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatutulong sa pag-
abot sa kaunlaran. Bilang isang mag- aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang
makatulong sa bansa?
a. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
b. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong
pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad.
c. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
d. Lahat ng nabanggit.
Panuto: Anu- ano ang mga dahilan at epekto ng
suliranin ng Sektor ng Agrikultura?

SEKTOR DAHILAN EPEKTO


1. Paghahalaman

2. Paghahayupan

3. Pangingisda

4. Paggugubat

You might also like