You are on page 1of 18

Iba’t-ibang Gampanin ng

Mamamayang Pilipino
upang Makatulong sa
Pambansang Kaunlaran
Tunay nga na may layunin ang isang bansa
na mapaunlad ang ekonomiya nito, ngunit
hindi makakamit ang layuning ito kung
hindi magtutulungan ang lahat ng
mamamayan nito.
Ang pagkakaroon ng kaunlaran ay hindi nakasalalay sa
pagkilos ng iisang tao lamang, mahalaga rin ang
partisipasyon at pakikisangkot ng bawat mamamayan.
Kailangan ng pagtutulungan at pagkakaisa ng lahat ng
mamamayan at mangyayari lamang ito kung ang lahat ay
pare-pareho ng layunin; layuning pangalagaan at
paunlarin ang bansa
Ang mga sumusunod ay iba’t ibang
estratehiya na maaaring gawin ng bawat
mamamayan upang makatulong sa pag-
unlad ng bansa
1. MAPANAGUTAN
Mahalaga ang tamang pagbabayad
ng buwis at pakikialam upang
makabahagi sa pag-unlad ng isang
bansa.
 Sa tamang pagbabayad ng buwis, nagagampanan ng bawat tao ang
kanyang responsibilidad at tungkuling pampananalapi sa pamahalaan .
Ang buwis na ibinabayad ng mamamayan ang pinanggagalingan ng
salaping ginagastos nang gobyerno upang mapatakbo ng maayos ang
pamahalaan. Ang buwis na ito ang halagang ginagamit ng pamahalaan
upang makapagpagawa ng mga imprastruktura tulad ng mga daan, ospital,
at paaralan na nakapagpapabuti sa kalagayan at nakatutulong sa bawat
mamamayan.
Kinakailangan din makialam ang bawat isa sa
nangyayari sa lipunan, hindi kinakailangan ang
pagsasawalang-kibo sa mga maling nangyayari sa
lipunan, kailangan manaig ang katotohanan at
kabutihan ng bawat indibidwal.
2. MAABILIDAD
Sapamamahala sa pananalapi,
mahalaga ang pagbuo o pagsali sa
kooperatiba at pagnenegosyo.
 Ang pagbuo at pagsali sa kooperatiba ay nakatutulong sa
paglikha ng yaman ng isang bansa, sapagkat ang lahat ng kasapi
nito ay may layuning pagsama-samahin ang kanilang puhunan
upang makalikha ng produkto o serbisyo na pare-parehong
mapakikinabangan ng bawat miyembro nito. Sa pamamagitan ng
dibidendo o hati sa kita ay nagkakaroon ng kita ang bawat
miyembro ng kooperatiba.
Malaki ang naitutulong ng pagnenegosyo sa pag-unlad ng
bansa sapagkat nagbibigay ito ng oportunidad upang
magkaroon ng pag-asenso ang bawat indibidwal. Sa
pagnenegosyo hindi lang sariling kapakinabangan at kita
ang maaaring makuha ng negosyante, makatutulong din
ito upang makatulong sa mga manggagawang Pilipino.
3. MAKABANSA
Sapagtulong sa pagpapaunlad ng bansa,
mahalaga ang pakikilahok sa
pamamahala ng bansa at pagtangkilik sa
mga produktong Pilipino.
 Kinakailanganmaging aktibo ang mamamayan sa
pakikilahok sa pamamahala maging ito man ay lokal o
nasyonal upang masolusyunan ang mga isyung panlipunan na
magiging daan ng pag-unlad. Upang maging aktibo ang
mamamayan sa pakikilahok sa pamamahala, kinakailangang
may kaalaman at kamalayan ang bawat isa sa nangyayari sa
lipunan.
 Malaking bahagi ng pagpapaunlad ng ekonomiya ang gawaing
pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Mahalaga ang
pagbili at pagsuporta sa mga lokal na produkto at serbisyo ng
bansa. Nakatutulong ito upang umangat at makilala ang mga
produkto ng bansa. Bukod sa pag-angat at pagkilala ng produkto
makatututong din ito sa mga negosyante na mapalaki ang
kanilang kita gayundin sa mga mangagawa.
4. MAALAM
Naipamamalas ang pagiging maalam sa
pamamagitan nang tamang pagboto at
pagpapatupad at pakikilahok sa mga
proyektong pangkaunlaran sa komunidad.
Mahalaga ang tamang pagboto tuwing sasapit
ang eleksyon upang masiguro ang pagkakaroon
ng pagunlad. Ang pagboto ay isang mahalagang
karapatan at obligasyon na dapat matamasa ng
bawat mamamayan.
Napakahalaga ng partisipasyon ng bawat mamamayan sa
pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong
pangkaunlaran sa komunidad upang lalong makatulong
sa pagpapaunlad ng bansa. Sa tulong at paggabay ng
pamahalaan may kakayahan ang bawat isa na
magboluntaryo na manguna
Sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang
pangkaunlaran na makatutulong sa pag-unald ng
komunidad. Dapat magkaroon ng pagmamalasakit na
alamin ang mga pangangailangan ng komunidad upang
makapaglaan ng tamang programa at proyektong angkop
at tutugon sa mga pangangailangang ito.

You might also like