You are on page 1of 22

REDUCTION AND MANAGEMENT

PLAN: DISASTER PREVENTION


AND MITIGATION
Mga Hakbang sa Pagbuo
ng Disaster Risk Reduction
Management Plan
UNANG YUGTO: DISASTER PREVENTION
AND MITIGATION
Kinakailangang maunawaan ang
mga balangkas ng plano kung
ano-ano ang mga hazard, mga risk
at sino ang mga maaapektuhan at
masasalantang kalamidad.
IBA’T IBANG URI NG ASSESSMENT
1. Hazard Assessment - ito ay
tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop,
at pinsala na maaaring danasin ng isang
lugar kung ito ay mahaharap sa isang
sakuna o kalamidad sa isang partikular
na panahon.
PISIKAL NA KATANGIAN NG HAZARD
a. Pagkakakilanlan - pagkakaroon ng kaalaman sa hazard at kung paano ito
nagaganap
b. Katangian - uri ng hazard
c. Intensity - pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard
d. Lawak - sakop at tagal ng epekto ng hazard
e. Saklaw - pagtukoy kung sino ang maaapektuhan ng hazard
f. Predictability - panahon kung kailan darating ang hazard
g. Manageability - kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang
mabawasan ang pinsala
HALIMBAWA:
Habang nanonood ang Pamilya Batalla ay biglang nakaroon ng flash report
tungkol sa binabantayang low pressure area sa bahagi ng West Philippine Sea
(pagkakakilanlan). Ayon sa report, inaasahan na magiging ganap na bagyo
(katangian) at tatawaging Ising. Ang bagyong Ising ay may bilis na 40kph
patungong northwest at may lakas na 110kph at bugsong aabot sa 130kph
(intensity). At ayon sa PAG-ASA ang bagyong Ising ay papasok sa Philippine
Area of Responsibility (PAR) sa darating na Sabado (predictability). Ito ay
tatama sa Bicol Region sa Linggo ng umaga (saklaw). Dahil dito,
pinaghahanda ang mga komunidad lalo na ang mga naninirahan sa may
baybayin sa nasabing rehiyon sa posibleng flash floods at malalakas na ulan at
hangin.
TEMPORAL NA KATANGIAN NG HAZARD

a. Frequency - dalas ng pagdanas ng hazard


b. Duration - tagal kung kailan nararanasan ang hazard
c. Speed of onset - bilis ng pagtama ng hazard
d. Forewarning - panahon oras sa pagitan sa oras ng pagtama ng
hazard sa isang lugar
e. Force - lakas na dulot ng hazard tulad ng hangin, tubig,
flashflood at iba pa
HALIMBAWA:
BULACAN — Patay ang isang 65-anyos na ginang samantalang nawalan ng tirahan ang
nasa 180 pamilya makaraang masunog ang isang residential area sa Barangay Santo
Domingo, Malolos City nitong Linggo ng gabi (speed onset at force).
Ang nasabing sunog ay tumagal ng halos 2 oras bago naapula (duration), ayon sa Bureau of
Fire Protection.
Nagtamo naman ng minor injuries ang isang 63-anyos na residente at isang 4-anyos na
lalaki.
Nagpalipas ng magdamag sa covered court ang nasa 60 sa mga pamilyang nasunugan,
habang ang iba ay nanatili sa tabi ng kanilang mga natupok na bahay para bantayan ang mga
ito at subukang isalba ang ilang kagamitan.
Namahagi naman ang mga awtoridad ng mga tent at relief goods sa mga nasunugan.
HAZARD ASSESSMENT
ito ay ang pagtukoy sa mga
lugar at ang mga elemento tulad
ng gusali, taniman, at kabahayan
na maaaring masalanta ng
hazard.
DALAWANG MAHAHALAGANG PROSESO SA
PAGSASAGAWA NG HAZARD ASSESSMENT
A. HAZARD MAPPING
- ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng pagtukoy
sa mapa ng mga lugar na
maaring masalanta ng
hazard at mga elemento
tulad ng gusali, taniman,
kabahayan na maaring
b. Historical Profiling o
Timeline of Events - gumagawa
ng historical profile o timeline of
events upang makita kung ano
ang mga hazard na nararanasan
ng isang komunidad, gaano ito
kadalas at alin sa mga ito ang
pinakamapinsala.
2. VULNERABILITY ASSESSMENT
– tinataya nito ang kahinaan o
kakulangan ng isang tahanan o
komunidad na harapin o
bumangon sa pinsalang dulot ng
hazard.
SA PAGSASAGAWA NG VULNERABILITY ASSESSMENT,
KINAKAILANGANG SURIIN ANG MGA SUMUSUNOD:
Elements at Risk – tumutukoy ito sa tao, hayop, mga
pananim, bahay, kasangkapan, kagamitan para sa
transportasyon at komunikasyon at paguugali na higit na
maapektuhan ng kalamidad
People at Risk – tinutukoy ang mga grupo ng tao na
maaaring higit namaapektuhan ng kalamidad.
Location of People at Risk – tumutukoy ito sa lokasyon o
tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable.
3. CAPACITY ASSESSMENT
- sinusuri nito ang kapasidad ng
komunidad na harapin ang anumang
hazard. Sa pagsasagawa nito itinatala ang
mga kagamitan, imprastruktura, at mga
tauhan na kakailanganin sa panahon ng
pagtama ng hazard o kalamidad.
KATEGORYA NG CAPACITY ASSESSMENT
Pisikal o materyal - tumutukoy sa materyal na yaman
(halimbawa pera, likas na yaman)
Panlipunan - kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa
lipunan (halimbawa matatanda, kabataan, may-sakit, mga
buntis)
Pag-uugali tungkol sa hazard - paniniwala o gawi na
nakahahadlang sa pagiging ligtas ng komunidad (halimbawa:
paghahanda ng emergency kit, pagiging kalmado sa panahon ng
sakuna)
4. RISK ASSESSMENT
– ito ay tumutukoy sa mga hakbang na
dapat gawin bago ang pagtama ng
sakuna, kalamidad at hazard na may
layuning maiwasan o mapigilan ang
malawakang pinsala sa tao at kalikasan.
DALAWANG URI NG MITIGATION:

1. Structural Mitigation – tumutukoy


sa mga paghahandang ginawa sa pisikal
na kaayusan ng isang komunidad upang
ito ay maging matatag sa panahon ng
pagtama ng sakuna.
2. Non-Structural Mitigation –
tumutukoy sa mga ginagawang
paghahanda at pagpaplano ng
pamahalaan upang maging ligtas
ang komunidad sa panahon ng

You might also like