You are on page 1of 36

Mga Hakbang sa Pagbuo ng

Community-Based Disaster
Risk Reduction Management
Plan
Unang Yugto : Disaster
Prevention and Mitigation
Iba’t ibang Uri ng
Assessment
1. Hazard Assessment
Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak,
sakop, at pinsala na maaaring danasin ng
isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang
sakuna o kalamidad sa isang partikular na
panahon.
1. Hazard Assessment
- Ito ay ang pagtukoy sa mga lugar at
ang mga elemento tulad ng gusali,
taniman, at kabahayan na maaaring
masalanta ng hazard.
14
Pisikal na Katangian ng Hazard
Temporal na Katangian ng Hazard
Dalawang mahahalagang proseso sa
pagsasagawa ng hazard assessment:

Hazard Mapping Historical Profiling o


- Ito ay isinasagawa sa Timeline of Events
pamamagitan ng pagtukoy sa - Gumagawa ng historical profile o
mapa ng mga lugar na maaring timeline of events upang makita
masalanta ng hazard at mga kung ano ang mga hazard na
elemento tulad ng gusali, nararanasan ng isang komunidad,
taniman, kabahayan na maaring gaano ito kadalas at alin sa mga
mapinsala. ito ang pinakamapinsala.
2. Vulnerability Assessment
- Tinataya nito ang kahinaan o
kakulangan ng isang tahanan o
komunidad na harapin o bumangon sa
pinsalang dulot ng
hazard.
Sa paggawa ng Vulnerability Assessment,
kinakailangang suriin ang mga sumusunod.
Elements at Risk – Tumutukoy ito sa tao, hayop, mga
pananim, bahay, kasangkapan, kagamitan para sa
transportasyon at komunikasyon at paguugali na higit na
maapektuhan ng kalamidad.

People at Risk – Tinutukoy ang mga grupo ng tao na


maaaring higit na maapektuhan ngkalamidad.

Location of People at Risk – Tumutukoy ito sa lokasyon o


tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable.
3. Capacity Assessment
- Sinusuri nito ang kapasidad ng komunidad
na harapin ang anumang hazard. Sa
pagsasagawa nito itinatala ang mga
kagamitan, imprastruktura, at mga tauhan na
kakailanganin sa panahon ng pagtama ng
hazard o kalamidad.
Kategorya ng Capacity Assessment
Pisikal o materyal - tumutukoy sa materyal na yaman
(halimbawa pera, likas na yaman).
Panlipunan - kawalan ng kakayahan ng grupo ng tao sa lipunan
(halimbawa matatanda, kabataan, may-sakit, mga
buntis).
Pag-uugali tungkol sa hazard - paniniwala o gawi na
nakahahadlang sa pagiging ligtas ng komunidad (halimbawa:
paghahanda ng emergencykit, pagiging kalmado sa panahon
ng sakuna).
4 . Risk Assessment
- Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na
dapat gawin bago ang pagtama ng
sakuna, kalamidad at hazard na may
layuning maiwasan o mapigilan ang
malawakang pinsala sa tao at kalikasan.
Dalawang Uri ng Mitigation:
Structural Mitigation – tumutukoy sa mga paghahandang
ginawa sa pisikal na kaayusan ng isang komunidad upang ito
ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng sakuna.

Non-Structural Mitigation – tumutukoy sa mga


ginagawang paghahanda at pagpaplano ng pamahalaan
upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng sakuna.
Napakahalaga ang pagbibigay ng mga
paalala at babala sa mga mamamayan
bago at sa pagtama ng kalamidad.

Ito ay may tatlong mahalagang layunin.


Magbigay ng kaalaman
tungkol sa mga
hazard, risk, capability at
pisikal na
TO INFORM
katangian ng pamayanan.
Magbigay impormasyon sa mga
gawaing
may kinalaman sa pagbibigay
proteksyon, paghahanda, at pag-
TO iwas sa mga sakuna at hazard.
ADVISE
Magbigay ng mga hakbang na dapat gawin,
mga ligtas na lugar na dapat puntahan, mga
opisyal ng pamahalaaan na dapat hingan ng
tulong sa oras ng sakuna, kalamidad at
TO INSTRUCT hazard.
.
Ang mga komunidad ay may iba’t ibang pamamaraan upang mabigyang
paalala
at babala ang kanyang mga mamamayan tulad ng;

1. Pagdaraos ng barangay assembly


2. Pamamahagi ng flyers
3. Pagdidikit ng poster o billboard
4. Patalastas mula sa radyo, telebisyon at pahayagan
5. Social media tulad ng facebook
Sa yugto ng Disaster Preparedness ay binibigyan
ang mamamayan na
magkaroon ng sapat na impormasyon at pang-
unawa sa mahahalagang hakbang na
dapat nilang gawin bago, habang at pagkatapos ng
hazard at kalamidad upang
maiwasan ang inaasahang maging epekto at
pinsala.
Tinatawag na Disaster Response ang ikatlong
yugto ng DRRM Plan. Dito ay inaalam ang
lawak ng pinsalang dulot ng isang kalamidad.
Ang impormasyong makukuha rito ay
magsisilbing batayan upang maging maaayos
ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga
mamamayang nakaranas ng kalamidad sa isang
komunidad.
Tatlong
Pagtataya Ang
Yugto Ng
Disaster
Response
1. Needs Assessment - inaalam ang
pangunahing pangangailangan ng mga
nakaranas ng kalamidad katulad ng
mga pagkain, tirahan, damit, gamot at
iba pang kagamitan. Mahalagang
malaman ang mga ito upang maibigay
sa mga nasalanta ng kalamidad kung
ano talaga ang kanilang
pangangailangan. Dahil dito ay
maiiwasan ang pagbibigay ng sobra-
sobra o mga bagay na hindi naman
kailangan ng mga biktima ng
kalamidad.
2. Damage Assessment - inaalam
ang mga nasirang ari-arian at
imprastruktura bunsod ng
kalamidad. Inaalam rito kung may
nasirang mga tulay, kalsada at
maging mga gusali gaya ng sa
mga ospital at paaralan.
Mahalaga ito upang malaman ng
kinauukulan kung ano dapat
ayusin upang manumbalik sa
normal na buhay ang mga
nasalanta ng kalamidad.
3. Loss Assessment - inaalam rito
ang mga nawalang serbisyo gaya ng
suplay ng tubig, kuryente at maging
operasyon ng mga ospital at
paaralan. Inaalam rin dito kung
natigil ang produksyon ng ilang
pangunahing pangangailangan gaya
ng sa pagkain at gamot. Mahalaga
ang bahaging ito upang malaman ng
mga kinauukulan kung anong
serbisyo o produksyon ang
kinakailangang maibalik agad upang
magamit ng mga tao.
DISASTER REHABILITATION AND RECOVERY
Ang ikaapat na yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan ay
nakatuon sa rehabilitation at recovery ng mga taong nasalanta ng kalamidad. Ang
salitang REHABILITATION ay nangangahulugang pagpapanumbalik ng mga nasirang
bagay sa dati nitong anyo o gamit. Ang RECOVERY naman ay tumutukoy sa konsepto
ng pagbawi o paggaling mula sa isang bagay/pangyayari. Ang dalawang salitang ito
ay ang esensya ng Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan. Layunin ng yugtong ito ang
manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang
nasalantang komunidad. Nakatuon ito sa mga hakbang at gawain sa pagsasaayos
ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo.
Ilan sa halimbawa ng mga gawain
sa yugtong ito ang sumusunod:

pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at


transportasyon;
paniniguro sa suplay ng tubig at kuryente;
pagkukumpuni ng mga nasirang kabahayan;
paninigurong sapat ang suplay ng pagkain, damit, at
gamot;
pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin; at
pagkakaloob ng psychosocial services.
ANG APAT NA YUGTO NG DISASTER
RISK REDUCTION AND
MANAGEMENT PLAN
Kaya naman, bilang tugon ng Kagawaran ng
Edukasyon sa adhikain ng Disaster Risk
Reduction and Management ay ipinalabas nito
ang DepEd Order No. 55, s. 2008. Ang atas na ito
ay bumuo sa Disaster Risk Reduction Resource
Manual
na naging batayan upang magamit ng mga
pampublikong paaralan sa bansa ang mga
konsepto na may kaugnayan sa disaster risk
reduction and management.
Itinuturo na rin ang mga konseptong ito sa
Araling Panlipunan at MAPEH sa Junior High
School at sa asignaturang Disaster Readiness and
Risk Reduction sa Senior High School.

You might also like