You are on page 1of 13

ARALING PANLIPUNAN

➢ KONTEMPORARYONG ISYU

1. Paniniwala sa pagkakaiba-iba ng lahi, at ang katangian at pisikal na anyo ay nababatay sa


lahi ng isang tao.
= Rasismo
2. Ito ay sinadyang kaguluhan o pananakot na ginagamitan ng karahasan ng isang pangkat o
ng isang estado upang matamo ang isang adhikaing politikal o kriminal.
= terorism
2. Isang kondisyon ng katawan na kulang sa bitamina o maling pagpili ng pagkain.
= Malnutrisyon
Tumutukoy sa pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo upang malayang makaikot ang
mga produkto at serbisyo sa bawat bansa
= Globalisasyon
4. Pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na ‘ nagpapainit
sa mundo.
= Climate change

● Ang salitang “kontemporaryo” ay tumutukoy sa mga pangyayari sa kasalukuyan na


maaaring nakaaapekto sa buhay ng mga tao sa lipunan. Ito ay mga paksang
napapanahon na nagiging sanhi ng pagkakabagabag ng mga tao. Maaari rin itong mga
pangyayaring naganap sa nakalipas na nakaaapekto hanggang ngayon sa lipunan.

● Upang higit mong maintindihan ang kontemporaryong isyu, iyong pagtuonan ng


pansin ang nararanasan nating pandemya ngayon, ang COVID- 19. Isa itong
kontemporaryong isyu dahil ito ay nangyayari sa kasalukuyan at may malaking
epekto sa buhay ng mga tao at maging sa ekonomiya ng ating bansa.
Kapansin–pansin ang pagkaabala ng ating bansa at ng buong mundo sa
pananalakay ng COVID-19.

● Ang salitang “isyu” naman ay mga pangyayari, suliranin, o paksa na napag-uusapan at


maaaring dahilan o batayan ng debate. Tandaan mo na maaari itong magdulot ng
positibo o negatibong epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

■ Uri ng Kontemporaryong Isyu


1. Kontemporaryong Isyung Panlipunan - ito ay mga isyu o mahahalagang
pangyayari na may malaking epekto sa iba't ibang sektor ng lipunan tulad ng
pamilya, simbahan, paaralan, pamahalaan, at ekonomiya. Halimbawa:
pag-aasawa ng mga may parehong kasarian (same sex marriage),
terorismo, rasismo, halalan, kahirapan

2. Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan – ito ay mga isyu na may


kaugnayan sa kalusugan na maaaring nakabubuti o hindi nakabubuti sa mga tao
sa lipunan. Halimbawa: COVID-19, sobrang katabaan, malnutrisyon, Drug
Addiction, HIV / AIDS
3. Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran – ay tumutukoy sa mga isyung
may kinalaman sa kapaligiran at mga usapin sa pagpapaunlad at tamang
paggamit sa ating kalikasan. Halimbawa: global warming, paglindol, baha,
bagyo, El Niño, at La Niña

4. Kontemporaryong Pangkalakalan -mga suliraning may kinalaman sa


globalisasyon at negosyo, kasama dito ang mga usapin o isyung
pang-ekonomiya. Halimbawa: import/export, online shopping, free trade,
samahang pandaigdigan

● Saan ka nga ba makakasipi ng mga Isyu? Sa panahon natin ngayon, marami nang
mapagkukunan ng mga impormasyon tungkol sa mga kontemporaryong isyu. Kabilang
dito ang radyo, telebisyon, internet, social media, at mga nakalathalang materyal tulad
ng pahayagan, flyers at magasin. Narito ang iba’t ibang uri ng media:

● Print Media Halimbawa: komiks, magazine, dyaryo


● Visual Media Halimbawa: balita, pelikula, dokyumentaryo
● Online Media Halimbawa: facebook, online blogs, website
—---------
1. Mga suliranin o pangyayaring gumagambala sa kalagayan ng ating pamayanan at sa
bansa. A. Isyung showbiz C. Kasaysayan B. Kontemporaryong Isyu D. Balita

2. Kailan masasabing kontemporaryong isyu ang isang pangyayari? I. Nagaganap sa


kasalukuyang panahon lamang. II. Walang epekto sa lipunan o mamamayan. III. Mahalaga
at makabuluhan sa lipunang ginagalawan. IV. Nagaganap sa kasalukuyang panahon.
A. I, II, III
B. I, IV
C. III, IV
D. I, II, III, IV

3. Ang isang pangyayari ay nagiging isyu kung


A. kilalang tao ang mga kasangkot
B. nilagay sa Facebook
C. napag-uusapan at dahilan ng debate
D. walang pumansin kaya nakalimutan na lamang

4. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng kontemporaryong


isyu?
A. Ito ay mga pangyayaring hindi naganap sa nakalipas na panahon at hindi nakaaapekto sa
kasalukuyan.
B. Ito ay paksang napag-uusapan na nakaaapekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
C. Ito ay mga isyung may positibong epekto lamang at may malaking epekto sa pamumuhay ng
mga tao.
D. Ito ay mga pangyayaring gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan.

5. May apat na uri ng kontemporaryong isyu, ang isyung panlipunan, pangkalakalan,


pangkapaligiran, at pangkalusugan. Alin sa sumusunod ang nabibilang sa usapin sa
pandemya tulad ng COVID-19?
A. Isyung panlipunan
B. Isyung pangkapaligiran
C. Isyung pangkalusugan
D. Isyung pangkalakalan

Para sa bilang 6, suriin ang larawan.

6. Ipinakikita sa larawan ang pagpapaalala sa isang patakaran. Ang paglabag sa


patakarang ito ay isang uri ng isyung?
A. Panlipunan
B. Pangkalusugan
C. Pangkapaligiran
D. Pangkalakalan

7. Alin sa sumusunod na halimbawa ng print media ang hindi kabilang?


A. magazine
B. journal
C. internet
D. komiks

8. Ano ang kahalagahan ng kamalayan sa kontemporaryong isyu sa lipunan at daigdig? I.


Nakatutulong sa paglinang ng kritikal at malawakang kaisipan. II. Lalawak din ang
koneksiyon ng “sarili” sa lipunan. III. Mapalawak ang pundasyon ng kaalaman. IV.
Paggalang sa iba’t ibang paniniwala.
A. I,II,III
B. I
C. I,II,III,IV
D. I,II

9. Alin sa sumusunod ang kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng


kontemporaryong isyu? I. Natutukoy ang katotohanan at opinyon. II. Huwag ilahad ang
kabutihan at di-kabutihan ng isang bagay. III. Pagkilala sa mga sanggunian. IV. Pagbuo
ng opinyon at ugnayan.
A. I
B. I, II
C. I, III, IV
D. II, III

10. Ito ay mga mahahalagang pangyayari sa loob ng bansa na may malawakang epekto
sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, pamahalaan, paaralan, at
ekonomiya.
A. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkalakalan
C. Isyung Panlipunan
D. Isyung Pangkapaligiran

11. Ito’y mga suliraning may kinalaman sa kapaligiran at pangkalahatang kaligtasan ng


mamamayan.
A. Isyung Pangkalusugan
B. Isyung Pangkalakalan
C. Isyung Panlipunan
D. Isyung Pangkapaligiran

12. Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo.


A. Isyung Pangkapaligiran
B. Isyung Pangkalakalan
C. Isyung Panlipunan
D. Isyung Pangkapaligiran

13. Bakit mahalagang magkaroon ka ng malawak na kaalaman sa mga isyu at hamong


panlipunan? I. Upang maunawaan ang mga sanhi at bunga nito sa lipunan. II. Upang
maging aktibong bahagi ng mga programa at polisiya. III. Para sa pagkamit ng ganap na
transpormasyon ng tao lamang. IV. Maunawaan na pili lamang ang dapat makibahagi sa
pagpapaunlad ng bansa.
A. I, III, IV
B. I, III
C. II, IV
D. I, II
14. Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng ilang bahagi
nito, alin sa sumusunod ang kabilang dito? I. uri II. sanggunian III. kahalagahan IV.
epekto
A. I, II, III
B. I, III
C. I, IV
D. I, II, III, IV

15. Sa pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu, nalilinang ang pagiging mabuting


mamamayan. Alin sa sumusunod na pahayag ang sakop nito? I. Aktibong pagganap sa
mga gawain. II. Damdaming makabayan. III. Koneksiyon ng lipunan sa sarili. IV.
Kakayahan sa pagsisiyasat at pagsusuri
A. I
B. I, II
C. I, II, III
D. I, II, III, IV
—-----

3. Tugon ng mga kabataan sa mga isyu ng lipunan

1. Isabuhay ang pinaglalaban. Kung ninanais mo na magkaroon ng pagbabago para sa


kapakanan ng bansa, magsimula sa sarili ang pagbabago.
2. Huwag nang ulitin ang mga kamalian ng naunang lider o mga pinuno. Kung ang
isyu ay tungkol sa tao at nasaksihan na kung gaano ito nakaapekto ng hindi maganda
sa lipunan at bansa, huwag na itong ulitin. Matuto sa kamalian ng iba.
3. Manalangin. Mahirap na kontrolin lamang ng isa o ilang tao ang paggalaw ng mga isyu
sa lipunan. Kung sa tingin natin ay imposible na at wala nang pag-asa, idalangin at ilapit
sa Diyos ang mga isyu sa bansa. Wala namang mawawala, at mas makatutulong pa sa
bawat isa, maging sa buong bansa.

4. Kahulugan at konsepto ng pagiging responsable

● Ang kahulugan at konsepto ng pagiging responsable ay maging


mabait,masunurin,matulungin at matapat.Salamat sana nagustuhan ninyo ang aking
sagot.
● Ang kahulugan ng salitang responsable ay nakasaludo ang 'yong mga kamay upang
panagutan ang 'yong mga salitang binitawan at ang 'yong mga kilos. Maging
responsable ka hindi lamang sa'yong mga salita, ngunit maging sa 'yong mga hakbang
tinahak.
➢ GLOBALISASYON= Ay proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao,
bagay, impormasyon, at produkto sa iba’t ibang panig ng daigdig
● transnational companies (TNCs)= ay tumutukoy sa mga kompanya o negosyong
nagtatatagng pasilidad sa ibang bansa. Ang kanilang serbisyong ipinagbibili
ay batay sapangangailangang lokal.
● Halimbawa nito ang kompanyang Shell, Accenture, TELUS International Phils., at
GlaxoSmithKline (halimbawa ng produkto ay sensodyne at panadol
● multinational companies (MNCs) ay ang pangkalahatang katawagan natumutukoy
sa mga namumuhunang kompanya sa ibang bansa ngunit ang mga produkto
oserbisyong ipinagbibili ay hindi nakabatay sa pangangailangang lokal ng
pamilihan.
● halimbawa nito ay ang Unilever, Proctor & Gamble, McDonalds, Coca-Cola,
Google, UBER,Starbucks, Seven-Eleven, Toyota Motor, Dutch Shell, at iba pa.

1. Ito ay tumutukoy sa pang malawakang integrasyon o pagsasanib ng iba’t ibang


proseso ng pandaigdig. A. Globalisasyon B. Migrasyon C. Urbanisasyon
D. Transisyon

2. Anong pangyayari ang lubos na nagpapabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?


A. Ekonomiya B. Globalisasyon C. Migrasyon D. Paggawa

3. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?
A. Ekonomikal B. Sosyo-kultural C. Teknolohikal D. Sikolohikal

4. Ang mga bansang miyembro ng ASEAN ay nabigyan ng pagkakataong mapabilis ang


pag-angat ng kanilang ekonomiya. Pinapaigting ang koordinasyon ng bawat bansang
kaanibupang higit na maayos ang _________.
A. edukasyon, pamumuhunan at isports
B. pamumuhunan, pagpapayaman at pagtutulungang political
C. pamumuhunan, kalakalan at pagtutulungang politikal
D. pamumuhunan, pagkakaibigan at pananampalataya

5. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na


“binago ngglobalisasyon ang lugar ng trabaho ng mga manggagawang Pilipino?
A. Pag-angat angkalidad ng manggagawang Pilipino. B. Pagdagsa ng mga produktong
dayuhan sa Pilipinas. C. Pagdagsa ng mga dayuhang namumuhunan sa buong bansa. D.
Paggamit ng mga Automated Teller Machine (ATM)

6. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng


globalisasyonipinatupad nila ang mura at kakayahang umangkop sa paggawa sa bansa
na nakaapektosa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga
pahayag ang dahilan ngpaglaganap nito sa bansa?
A. Maipantay ang suweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
B. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.
C. Pag-iwas ng mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibangkrisis.
D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa
pandaigdigangkalakalan.

7. Bakit maituturing na isyung panlipunan ang globalisasyon?


A. Patuloy nitong binabago ang kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan.
B. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at politikal na aspekto.
C. Naaapektuhan nito ang mga maliliit na industriya at mas higit na pinauunlad ang
mgamalalaking industriya.
D. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial”
nainstitusyon na matagal nang naitatag.
8. Batay sa kasunod na dayagram, ano ang ipinahihiwatig nito?

A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.


B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at kultural.
C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao.
D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan.

9. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa isang paraan ng mga kapitalista o


mamumuhunanupang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng
pagpapatupad ngmababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa?
A. mura at flexible labor B. Business Process Outsourcing
C. job mismatch D. subcontracting

10. Ilan sa mga MNCs at TNCs na pag-aari ng mga Pilipino ay nakarating sa iba’t ibang
panig ng mundo. Alin sa mga sumusunod ang hindi pag-aari ng Pilipino?
A. Jolibee C. Unilab B. McDonalds D. San Miguel Corporation

11. Ang kompanyang ABC ay kukuha ng serbisyo mula sa isang kompanya na may
kaukulang bayad upang ito ang gagawa ng mga serbisyong kailangan upang
maisakatuparan ang inaasahang kalabasan ng negosyo. Ano ang tawag dito?
A. outsourcing C. subsidy B. fair trade D. pagtulong sa bottom billion

12. Ang sumusunod ay manipestasyon ng globalisasyon sa anyong


teknolohikal at sosyo kultural maliban sa isa. Alin dito?
A. paggamit ng mobile phones B. E-commerce
C. pagsunod sa KPop culture D. pagpapatayo ng JICA building

13. Isang paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kita ay sa
pamamagitan ng mura at flexible labor. Paano nila isinasagawa ang paraang ito?
A. mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa.
B. mataas na pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa.
C. mababang pagpapasahod pero may ekstensyon ang paggawa.
D. mataas na pagpapasahod pero may ekstensyon ang paggawa.

14. Ano ang pinaka-angkop na paglalahad sa integrasyon ng mga bansa dahil


sa globalisasyon?
A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa.
B. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.
C. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta
nagdudulot ng pinsala.
D. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at
kolaborasyon ang mga bansa.

15. Isa sa perspektibo o pananaw sa globalisasyon ay ang paniniwalang ito ay taal o


nakaugatna sa bawat isa. Ano ang totoo sa pananaw na ito?
A. Ang pananaig ng kapitalismo bilang isang sistemang pang-ekonomiya.
B. May tiyak na pinagmulan ang globalisasyon at ito ay makikita sa pag-unlad ng tao.
C. Ang paghahangad ng tao sa maayos na pamumuhay na nagtulak sa
kanyangmakipagkalakalan.
D. Maraming “globalisasyon” na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at
angkasalukuyan ay makabago na
—---------

➢ SULIRANING PANGKAPALIGIRAN
=v
1. Saan nanggaling ang malaking bahagdan ng itinatapong basura sa Pilipinas?
A. tahanan C. paaralan B. palengke D. pabrika

2. Ang sumusunod ay dahilan ng deforestation sa Pilipinas maliban sa ________


A. Fuel wood harvesting C. Illegal logging B. Illegal mining D. Global warming

3. Ang Pilipinas ay nakakaranas ng matinding suliranin sa solid waste dahil sa


______.
A. kawalan ng hanapbuhay ng mga tao
B. kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
C. hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno
D. ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao
4. Ang Pilipinas ay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa
sumusunod ang epekto nito sa ating bansa?
A. Pagtaas sa insidente ng dengue
B. Pagliit ng produksiyon ng pagkain
C. Malalakas na bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides
D. lahat ng nabanggit

5. Alin sa sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga
suliraning pangkapaligiran na kinakaharap sa kasalukuyan?
A. Masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran
B. Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang polusyon
C. Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad
D. Lahat ng nabanggit

6. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan
ay nagiging plantasyon, subdibisyon, o sentrong komersyo?
A. Paglipat ng pook tirahan
B. Ilegal na pagtotroso
C. Pagdami ng populasyon
D. Ilegal na pagmimina

7. Ang illegal logging ay isa sa mga dahilan ng mga suliraning pangkapaligiran


dinaranas ng Pilipinas ngayon. Alin sa sumusunod ang bunga nito?
A. pagbaha
C. pagkawala ng tirahan ng mga hayop
B. pagguho ng lupa
D. lahat ng nabanggit

8. Ang sumusunod ay mga suliraning pangkapaligiran nararanasan sa Pilipinas


maliban sa _____________.
A. solid waste
C. climate change
B. ilegal na droga
D. pagkasira ng mga likas na yaman

9. Ipinatupad ang Republic Act 9003 upang magkaroon ng legal na batayan sa


iba’t-ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Ito ay
kilala bilang
A. Ecological Garbage Management Act of 2010
B. Ecological Solid Waste Management Act of 2000
C. Ecological Garbage Management Act of 2000 D. Ecological Solid Waste
Management Act of 2010
9. Nananatili ang suliranin sa solid waste sa kabila ng mga programa sa
pagtatapon ng basura. Isang napakalaking hamon sa pagpapatupad ng batas ay
ang
A. kawalan ng suporta ng mga namamahala
B. paglilinis ng mga kalat ng buong pamayanan
C. pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino
D. paghahanap ng lupang pagtatapunan ng basura

11. Ang Non-Government Organization (NGO) na aktibong tumutugon sa suliranin


sa basura at may adbokasiya ng zero waste.
A. Greenpeace C. Bantay Kalikasan
B. Mother Earth Foundation D. Clean and Green Foundation

12. Anong batas ang nagtatag sa National Framework Strategy and Program on
Climate Change upang tugunan ang mga banta ng climate change sa
Pilipinas?
A. Republic Act 7586 C. Executive Order No. 23
B. Republict Act No. 9729 D. Republic Act No. 8749

13. Aling batas ang nagtatag sa Reforestation Administration na naglalayong


mapasidhi ang mga programa tungkol sa muling paggugubat?
A. Republic Act 2706 C. Presidential Decree No. 705
B. Republic Act 2649 D. Presidential Decree No. 1153

14. Ang layunin ng batas na ito ay protektahan at pamahalaan ang mga kweba at
mga yaman nito.
A. The Chainsaw Act
B. Indigenous People’s Rights Act
C. Wildlife Resources Conservation and Protection Act
D. National Cave and Resources Management and Protection Act

15. Sa ilalim ng Batas Republika Bilang 8371, sino sa sumusunod ang kaagapay
ng pamahalaan sa pangangalaga sa kagubatan?
A. mga NGO C. mga katutubong Pilipino B. mga pulis D. mga forest rangers
➢ DISKRIMINATION AT KAHARASAN SA
IBA’T IBANG KASARIAN

1. Ito ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusion, o retriksyon batay sa kasarian


na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtatamasa ng mga
karapatan o kalayaan ng lahat ng kasarian.
A. Diskriminasyon B. Isyung pangkasarian C. Karahasan D. Pagkakakilanlang
pangkasarian

2. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng
karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence, maging
ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng
karahasan maliban sa isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan may ibang kalaguyo.
C. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya
sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.

3. Siya ay nakilala dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng


mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan.
A. Ellen Degeneres B. Malala Yousafzai C. Imran Khan D. Molano Jamil

4. Ang mga sumusunod ay resulta ng pag-aaral na inilabas ng United Nations


Development Programme (UNDP) at ng United States Agency for International
Development (USAID) maliban sa isa.
A. May mga panggagahasa sa mga lesbian
B. Ang LGBT ay may bias sa serbisyong medikal
C. Ang LGBT ay may malaking oportunidad sa trabaho
D. Patuloy ang pagtaas ng kaso ng pagpatay sa mga LGBT

5. Ito ang konsehong naglabas ng ulat tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga
diskriminasyon at karahasan laban sa mga LGBT.
A. United Nations Development Programme
B. United States Agency for International Development
C. United States Homosexuality Council
D. United Nations Human Rights Council
6. Ito ang bansang nagpasa ng batas na Anti-Homosexuality Act of 2014 na agsasaad na
ang same-sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na
pagkabilanggo.
A. Uganda B. Pakistan C. India D. China

7. Ang foot binding ay sinaunang tradisyon ng bansang ___________.


A. Uganda B. China C. India D. Pakistan

8. Tumutukoy ito sa anumang karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa


pisikal, seksuwal, o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na
ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
A. Sexual exploitation B. Sexual discrimation C. Violence against women D. Domestic
violence

9. Ito ang bansang nagsasagawa ng sinaunang kaugalian na breast ironing o breast


flattening.
A. Uganda B. Pakistan C. China D. Cameroon

10. Ito ay isinasagawa sa mga sinaunang babae sa China kung saan pinapaliit ang
kanilang mga paa hanggang sa tatlong pulgada.
A. Foot ironing B. Foot binding C. Foot shortening D. Foot flattening

Pagka mamamayang Pilipino


1. Naturalisasyon Ito yung mga dayuhan na pumupunta sa Pilipinas para maging
mamamayan ng Pilipinas. Para makamit ito, ipinapasailalim ito sa pamamagitan ng
hatol ng hukuman obatas ng kongreso.
2. Repatriation Ito ang tawag sa mga taong bumabalik sa kanilang
bansangpinanggalingan.

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.


1. alin sa mga Prinsipyo ng pagkamamamayang Pilipino ay ang
tawag sa kusang pagbabalik ng isang tao sa kanyang
pnanggalingang bansa pagkatapos na mabawi ang ang kanilang
pagkamamamayan.
a. naturalisasyon
b. Repatriation
c. aksyon ng kongreso
2. ito ay tumutukoy sa kung paano maibabalik ang pagka-Pilipino
maliban sa;
a. naturalisasyon
b. Jus Suli
c. Aksyon ng Kongreso
3. Ito ay tumutukoy sa mga prinsipyo ng pagkamamamayang
Pilipino maliban sa;
a. naturalisasyon
b. Jus Soli
c. Jus Sanguinis
4. Si Archie ay pure Pilipino pero pinanganak siya sa Amerika at
siya ay naging isang American Citizen, anong Prinsipyo ng
Pagkamamamayan ito?
a. Jus Sanguinis
b. jus Soli
c. Naturalisasyon
d. wala sa nabanggit
5. Isang Indiyana ang nanganak sa Pilipinas pero ang kanyang
naging Citizen parin ay Indian citizen, among Prinsipyo ng
pagkamamamayang Pilipino ito?
a. jus soli
b. jus sanguinis
c. repatriation

You might also like