You are on page 1of 3

FILIPINO 10 | QUARTER 3 | REVIEWER

1. Pagsasaling Wika at Liongo (Mitolohiya mula sa Kenya)


Pagsasaling Wika - Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi ang bawat salita na
bumubuo rito.
Mga katagang dapat taglayin ng isang tagapagsalin:
1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot at sa gramatika nito.
2. Sapat na kaalaman sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.
3. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
4. Sapat na kaalaman sa kulturang ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
Gabay sa pagsasaling wika:
1. Isagawa ang unang pagsasalin,
2. Basahin at suriin mabuti ang pagkakasalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.

2. Gramatikal, Diskorsal, Istratedyik sa pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota at


Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Iran)/ Ang Akasya o Kalabasa
Pagsasalaysay - ito ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang makakaugnay.
Pagkkuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o pasalita. Ititnuturing
pinakamatanda, masining at tanyag na paraan ng pagpapahayag.
Anekdota - ito ay isang kwento ng isang nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa
buhay ng isang tao. Layong makapagbatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng
aral.
Dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa:
1. Kawilihan ng paksa - napapanahon, mayamang dadaming pantao, nice elements
2. Sapat na kagamitan - datos na pagkukunan ng pangyayari
3. Kakayahang pansarili -naayon din sa kahusayan at pagpili ng manunulat
4. Tiyak na panahon o pook - malinaw na pagsasalarawan ng setting
5. Kilalanin ang mambabasa
Mga mapagkukunan ng paksa:
1. Sariling karanasan
2. Naririnig o napapakinggan sa iba
3. Napapanood
4. Likhang isip
5. Panaginip o Pangarap
6. Nabasa
Mga uri ng pagsasalaysay:
1. Maikling Kwento
2. Tulang pasalaysay
3. Dulang pandulaan
4. Nobela
5. Anekdota
6. Alamat
7. Talambuhay
8. Kasaysayan
9. Tala ng paglalakbay

3. Paggamit ng Tuwiran at Di-Tuwirang Pahayag sa Paghahatid ng Mensahe at


Nelson Mandela: Bayani ng Africa (Talumpati mula sa South Africa)
Tuwirang Pahayag- ito ay mga pahayag na may pinagbabatayan at may ebidensya kaya’t
kapani-paniwala.
Di-Tuwirang Pahayag- ito ay mga pahayag na bagaman batay sa sariling opinyon ay
nakakahikayat naman sa mga tagapakinig.
Sanaysay- ito ginagamit upang nakapagbigay ng mahahalagang kaisipan tungkol sa paksang
nais talakayin. Ang kaisipan nito ay tumutukoy sa mahahalagang impormasyong binibigay
nito sa mambabasa. Balangkas ay isang lohikal o kaya ay kronolohikal at pangkalahatang
paglalarawan ng isinusulat.
 Ito ay may anyong tuluyan na ipinapahayag ang sariling kaisipan.

4 - Wastong Gamit ng Simbolismo at Matatalinhangang Pananalita at Hele ng Ina sa


Kaniyang Panganay (Tula mula sa Uganda)
Matatalinhagang pahayag o pananalita- ay malalim o hindi lantad na kahulugan ng isang
salita. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng anumang wika
Hal.
1. Butas ang bulsa
2. Ilaw ng tahanan
3. Kalog na ang baba
Simbolismo- ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag at mga
bagay na mahiwaga at metapisikal.
Hal.
1. Silid-aklatan - karunungan
2. Gabi - kawalan ng pag-asa
3. Pusang-itim - malas
Tula- ito ay anyo ng panitikan na binubuo ng mga saknong(binubuo ng linya o taludtod)
at taludtod (na nahahati sa mga pantig)
Mga elemento nito:
1. Sukat
2. Tugma
3. Karikitan
4. Talinhaga

5. Mga ekspresyon sa pagpapayhayag ng Layon o Damdamin at Sundatia: Ang


Epiko ng Sinaunang Mali (Mula sa Mali, South Africa)
Alam mo ba na…
 Ang epikong sundatia ay unang naitala sa Guinea noong 1950 na sinalaysay ng griot na si

Djeli Mamoudu Kouyate.


 Ang Paninindigan ay isang paraan ng pagmamatuwid o pangangatwiran? Layon nitong

makahikayat ang tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan o katotohanan.


1. Ginagamit upang magpayo o magmungkahi:
 Kung ako ikaw….

 Ano kaya kung pumanig ka saamin?

 Mas makakatulong saiyo ang…

 Higit na mas…

2. Ginagamit sa pagpapaanyaya:
 Inaanyayahan kitang pakatimbangin…

 Puwede ka bang sumama…

3. Ginagamit sa pagbabababala na may kasamang pananakot:


 Kung hindi ka makikinig saakin ay pupulutin ka sa kangkungan!

 Mapanganib yan, kaya tignan ang tinatahak.

4. Upang manumpa o mangako:


 Sumpa man, ang iyong paniniwala ay isang pagkakamali!

 Itaga mo man sa bato, nagsasabi ako ng totoo

5. Upang sumang-ayon o salungat:


 Ganyan din ang aking palagay…

 Ikinalulungkot ko, ngunit…


Pagtatalo- ay isang sining ng gantihang katwiran o matuwid ng dalawa o higit pang
magkasalungat na panig tungkol sa isang kontrobersyal na paksa.

You might also like