You are on page 1of 7

ARPAN

SEX
 Tumutukoy sa kasarian, kung saan lalaki o babae
 Gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.
 Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda
ng pagkakaiba ng babae at lalaki.

KATANGIAN NG SEX (CHARACTERISTICS OF SEX)


1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwang regla samantalang ang mga lalaki ay hindi.
2. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag) samantalang ang babae ay hindi nagtataglay nito.

GENDER
 Tumutukoy sa mga lipunang gampanin, kilos, at gawain na itinataakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

KATANGIAN NG GENDER (CHARACTERISTICS OF GENDER)


 Ang bansang Saudi Arabia lamang sa mga bansa sa mundo ang hindi nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng
sasakyan.

SOGI – Sexual Orientation and Gender Identity


1. Oryentasyong seksuwal (sexual orientation)
 Tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng
malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa
isa.

2. Pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity)


 kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o
hindi nakatugma sa sex niya nang siya'y ipanganak, kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na
maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng
pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at
pagkilos.

Mga uri ng Oryentasyong Sekswal:

1. Heterosexual - mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong makatalik
ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki
2. Homosexual -mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas
gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha
3. LGBT-Initials para sa Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender.
A. Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki, mga babaeng may pusong lalaki at
umiibig sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy)

B. Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki, may ilang bakla ang nagdadamit at
kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot).

C. Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian

Asexual - mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian

D. Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at
ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan
Gender Roles sa Pilipinas
Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging ito man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uning timawa, ay pagmamay-ari ng
mga lalaki. Ayon kay Emelina Ragaza Garcia, sumulat ng akdang "Ang posisyon ng kababaihan sa Pilipinas noong panahon ng
mga Espanyol limitado ang karapatang taglay ng kababaihan. Ito ay dahil sa sistemang ligal na dinala ng mga Espanyol sa bansa
ay nakabatay sa kanilang batas na tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan.

Sa pagdating ng mga Amerikano nagdala ng ideya ang kalayaan, karapatan, at pagkakapantay- pantay sa Pilipinas. Sa
pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman, maraming kababaihan
ang nakapag-aral Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang
ginagalawan.. Dumating ang mga Hapones sa bansa sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang kababaihan sa
panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan para lumaban sa mga Hapones

ANG PAPEL NG MGA BABAE AT LALAKI SA IBA’T IBANG PANAHON NG KASAYSAYAN NG PILIPINAS
PAPEL NG MGA BABAE SA PAMAYANAN PAPEL NG MGA LALAKI SA PAMAYANAN
Maging isang mabuting ina. Maging mabuting ama at mabuting asawa
Maging mabuting imahe Maging mabuting mamayan
Maging boses ng rason Huwag manlalamang sa kapwa
Piliin maging Mabuti kahit na napapaligiran ng mga Maging makadiyos
masasamang impluwensiya
Maging malinis sa bahay Maging magalang sa lahat ng kababaihan
Maging magalang at mabuting anak Maging bukas ang kaisipan sa mga pogreso
Maging mabuting estudyante Maging Makabayan at makatao
Maging maka-diyos Maging matapang sa lahat ng unos
Maging makabayan Laging handana tumulong

Gender roles sa Africa at kanlurang Asya


South Africa
- may mga kaso na gang rape sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang
gahasain.
- Merong ulat galing UNHRC (United Nations Human Rights Council) noong taong 2011, may mga kaso ring karahasang
nagmula sa pamilya mismo ng mga miyembo ng LGBT.

Saudi Arabia
- Paghihigpit sa mga kababaihan
- Hindi maaaring bumoto ang mga babae
- Bawal magmaneho ng sasakyan na walang pahintulot sa kamag-anak na lalaki at hindi pagsang-ayon sa paglalakbay na
nag-iisa sa ibang lugar dahil sa paniniwalang may mangyayaring hindi magandang karahasan.

Female Genital Mutilation (FGM)


- Isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan nang walang anumang benepisyong medical.
- Sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal.
- Ito ay nagdudulot na impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan
- May 125 milyong kababaihan ang biktima ng FGM sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya
- Patuloy pa rin ang ganitong uring gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunan nila.

Diskrimisyon sa mga Kababaihan


Diskriminasyon
- Ang anumang pag-uuri, ekslusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglayon o naging sanhi ng hindi pagkikilala, at
pagtatamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga Karapatan o Kalayaan

Sa Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa larangan ng politika, negosyo, media, akademya, at iba pang
larangan, nanatiling biktima pa rin sila ng diskriminasyon bagama't may CEDAW o ang Convention on the Elimination of All
Forms of Discriminations Against Women (1979) na ang mga babae, may lang mga bansa at insidente pa rin ng hindi-pantay na
pagtingin at pagtrato sa mga babae. Ang mga kababaihan ay kilala bilang may pusong dakila. Noong unang panahon ay
itinuturing na mahina, walang silbi sa lipunan at taga bahay kung ituring. Sa paglaon ng panahon, nagbago na ang lahat. Babae'y
di na maaapi, madusta at mapahamak Larawan Ko,

Ang foot binding, o footbinding, ay ang kaugalian ng mga Tsino na baliin at mahigpit na itali ang mga paa ng mga batang babae
upang mabago ang kanilang hugis at sukat. Ang mga paa na binago ng footbinding ay kilala bilang lotus feet, at ang mga sapatos na
ginawa para sa mga paa na ito ay kilala bilang lotus shoes.

Diskriminasyon sa mga Kalalakihan


- Kahit malayo na ang narating ng kalalakihan sa larangan ng pulitika, negosyo, media, akademya, at iba pang larangan;
nanatiling biktima pa rin sila ng diskriminasyon. Ang kalalakihan ay kilala bilang malakas at matibay gaya ng isang
pulis, negosyante at pulitiko sa pamayanan o sa lipunan.

Diskriminasyon sa mga LGBT


- Ang LGBT ay inisyal na nagsasabing tumutukoy sa mga taong "lesbian, gay, bisexual at transgender. Ang tinawag ni
Hillary Clinton (2011) na "invisible minority" ay ang mga LGBT, ang kanilang mga kwento ay itinago, inilihim at
marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot. Marami sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at
pagkakapantay-pantay sa pamilya paaralan, negosyo, lipunan at maging sa kasaysayan. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng
United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights o UN-OHCHR noong 2011 may mga LGBT (bata at
matanda)na nakaranas nang di-pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapwa, pamilya, komunidad at pamahalaan.

GABRIELA - General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action.

7 DEADLY SINS AGAINST WOMEN:


1. Pagbubugbog/pananakit
2. Pangagahasa
3. Incest at iba pang sekswal na pang-aabuso
4. Sexual harassment
5. Sexual discrimination at exploitation
6. Limitadong access sa reproductive health
7. sex trafficking at prostitusyon at white slavery

Malala Yousafzai
- Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong paaralan,nang siya ay barilin sa ulo ng isang myembro ng
Taliban noong ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at adbokasyon sa Pakistan.
- Ipinanganak siya noong ika-2 ng Hulyo 1997 sa Mingora, Swat Valley sa hilagang bahagi ng Pakistan malapit sa
Afghanistan.
- Taong 2007 nang masakop ng mga Taliban ang Swat Valley sa Pakistan at mula noon ipinatupad nila ang mga
patakarang nakabatay sa batas ng Shana ng mga Muslim. Kabilang sa mga ito ay ang pagpapasara ng mga dormitoryo at
paaralan para sa mga babae nasa mahigit 100 paaralan ang kanilang sinunog sa Pakistan upang hindi na muli pang
makabalik ang mga babae sa pag-aaral.
- Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala ng kanyang mga adbokasiya noong 2009 Lumawak ang impluwensya dahil
sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga pahayagan at telebisyon dahil dito
- nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy
niya ang paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
- Ang Pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
- Itinatag niya noong 2013 ang Malala Fund, isang organisasyong naglalayon na makapagbigay ng libre, ligtas, at de-
kalidad na edukasyon sa loob ng 12 taon Iginawad sa kanya ang Nobel Peace Prize kasama ang aktibistang si Kailash
Satyarthal noong 2014.
- Nakapagtayo rin sya ng paaralan sa Lebanon para sa mga batang babae na biktima ng digmaang sibil sa Syria Sa
kasalukuyan, patuloy ang pagpapakilala ni Malala sa tunay na kalagayang edukasyon ng mga batang babae sa iba't ibang
bahagi ng daigdig sa pakikipagkita at pakikipag-usap sa mga pinuno ng iba't ibang bansa at pinuno ng mga
organisasyong sibil at non-Government organization o NGO's gaya ng United Nations at iba pa

Edukasyon ng mga Kababaihan


Edukasyon
 Ay kinabibilangan ng isang pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at ang pagbabahagi ng kaalaman,mabuting
paghusga at karunungan. Isa sa pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag ang kultura sa mga susunod na
salinlahi.
 Ang edukasyon din ay isang puhunan ng bawat mamamayan ng isang partikular na bansa upang maging produktibo ang
bawat isa sa pagpapataas ng ekonomiya.

Kahalagahan ng edukasyon
 Narito tayo bilang mga tao upang mapasaatin ang bawat kabutihan, ang bawat alituntunin ng katalinuhan na batid ng
mga tao kasama ang mga yaong ipinahayag ng Dios para sa tanging paggabay sa atin at gamitin ang mga ito sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay, at samakatuwid ay maturuan ang ating sarili sa lahat ng bagay na makapag dakila sa
tao,

EDUKASYON NG KABABAIHAN SA PILIPINAS


 Malaya ang mga babae sa pagtamasa karapatan edukasyon. Sila nakakapili nang kung anong nais nilang kunin sa
kolehiyo at pag-aralan.bagamat may ilan pa rin na hindi pantay ang pagtingin sa kakayahan ng mga babae sa lalake,
hindi ito hadlang upang matamasa ang edukasyon sa Pilipinas.

EDUKASYON NG KABABAIHAN SA PAKISTAN:


 Makapag-aral din ang mga kababaihan subalit hindi ganap ang kanilang kalayaan sapagkat may mga grupong nais alisin
ang karapatan ng mga kababaihan sa pag-aaral sa Pakistan.

Ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta


Ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta - ay ang aplikasyon ng mga batayang karapatang pantao sa sexual orientation at gender identity.
Binuo ang 29 na karapatang pantao ng mga eksperto noong Nobyembre 2006 sa Yogyakarta, Indonesia.

Prinsipyo 1 ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO


- Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.

Prinsipyo 2 ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON


- Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao ng walang diskrimina syong nag-uugat sa oryentasyong
sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay pantay sa batas at sa proteksyon nito, nang walang
anumang diskriminasyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao. Ipinagbabawal sa batas ang ganitong diskriminasyon
at titiyakin, para sa lahat.

Prinsipyo 4 ANG KARAPATAN SA BUHAY


- Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang
ang may kaugnayan sa oryentasyong sekswal o pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa
sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.

Prinsipyo 12 ANG KARAPATAN SA TRABAHO


- Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa, at sa
proteksyon laban sa disempleyo at diskriminasyon ng nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.

Prinsipyo 16 ANG KARAPATAN SA EDUKASYON


- Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyon ng nag-uugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian.

Prinsipyo 25 ANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO


- Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang mahalal at lumahok.

CEDAW
• Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
• Karaniwang inilarawan bilang International Bill for Women
• kilala din ito bilang The Women's Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women.
• Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi
lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.

Disyembre 18,1979
• Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW, noong UN Decade for Women.

Hulyo 15, 1980


• Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW

Agosto 5, 1981.
• niratipika ito, kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan na may pinakamaraming
bansang nagratipika.

180 bansa mula sa 191


• lumagda o State parties noong Marso 2005.

Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakakaraan noong 2006


• Unang ipinatupad ang kasunduan , pero kaunti pa lang ang nakakaalam nito.
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?

1. Layon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inatasan nito ang mga estado na magdala ng
konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.

2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mga responsibilidad angestado sa kababaihan na
kailanma'y hindi ito maaaring bawiin.

3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga
institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mgapribadong indibidwal o grupo.

5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at hinahamon nito ang State
parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae.

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?

• Bilang state party sa CEDAW. kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa
karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin ang State parties na igalang, ipagtanggol at
itaguyod ang karapatan ng kababaihan.

Ang mga State Parties ay inaasahang:

1.ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina

2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at magbigay ng mga epektibong mekanismo at sistema
kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan,

3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba't ibang hakbang kondisyon at karampatang aksyon, at

4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa
kasunduan.

batas na nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan:


• Anti-Violence Against Women and Their Children Act
• Magna Carta for Women

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act


• ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon
sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.

mabigyan ng proteksyon ng batas na ito:


BABAE
• kababaihan at kanilang mga anak.
• kasalukuyan o dating asawang si
• babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki
• babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon.

ANAK
• anak ng babaeng inabuso
• anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang
• anak na may edad na labing walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili
• hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga

Magna Carta for Women


• isinabatas noong Hulyo 8, 2008
• alisin ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan
• itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay
• alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.
• itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad
• pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
RESPONSIBILIDAD NG PAMAHALAAN

SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA


 Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o
pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna Carta.
 Binibigyan ng batas na ito nang nabubukod na pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may kapansanan,
mga babae sa iba't ibang larangan, Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.
Marginalized Women

 Babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan.


 Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo.
 Kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at
kababaihang Moro at katutubo.
Women in Especially Difficult Circumstances

 Babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan .


 Biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot
 Biktima ng prostitusyon, "illegal recruitment", "human trafficking" at mga babaeng nakakulong.

You might also like