You are on page 1of 12

Dulang Pantanghalan

ANG DULA BILANG ISANG PANITIKAN…

 isang sining ng panggagaya o pag-iimita sa kalikasan ng buhay. (Aristotle)


 ipinapakita nito ang realidad ng buhay ng isang tao gayundin ang kanyang mga iniisip, ikinikilos
at isinasaad.
 ito ay isinusulat at itinatanghal upang magsilbing salamin ng buhay na naglalayong makaaliw,
makapagturo o makapagbigay ng mensahe.
 isang sining na nagpapaabot sa mga manonood o mambabasa ng damdamin at kaisipang nais
nitong iparating gamit ang masining na pagsasatao ng mga karakter.
 nagkakaroon din ito ng iba’t ibang anyo batay sa damdaming nais palitawin ng may-akda.
 dahil sa damdaming ipinapaloob dito kaya mas nagdudulot ito ng higit na kulay at kahulugan di
lamang sa mga manonood kundi maging sa mga taong gumaganap nito.

DULANG PANTANGHALAN AYON SA ANYO

 KOMEDYA - katawa-tawa, maagan ang mga paksa o tema at ang mga tauhan ay laging
nagtatagumpay sa wakas.
 TRAHEDYA - ang tema o paksa nito’y mabigat o nakasasama ng loob, nakaiiyak, nakalulunos ang
mga tauhang karaniwang nasasadlak sa kamalasan, mabibigat na suliranin, kabiguan, kawalan at
maging kamatayan.
 MELODRAMA - sadyang namimiga ng luha sa manonood na para bang wala ng masayang bahagi
sa buhay kundi pawang problema at kaawang-awang kalagayan na lamang ang nangyayari sa
araw-araw.
 TRAGIKOMEDYA - magkahalo ang katatawanan at kasawian kung saan may mga tauhang katawa-
tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging malungkot dahil
sa kasawian o kabiguan ng mahahalagang tauhan.
 SAYNETE - itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan ng mga huling taon ng pananakop ng
mga Espanyol sa Pilipinas na pumapaksa tungkol sa paglalahad ng mga kaugalian ng isang lahi o
katutubo sa kanyang pamumuhay, pangingibig at pakikipagkapwa.
 PARSE - dulang puro tawanan at halos walang saysay ang kwento na may mga aksyong walang
ibang ginawa kundi magpaluan, maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan.
 PARODYA - dulang mapanudyo na ginagaya ang mga kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-
uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna o kaya’y pambabatikos na katawa-
tawa ngunit may tama sa damdamin ng kinauukulan.
 PROBERBYO - kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa mga bukambibig na salawikain,
ang kwento’y pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

ELEMENTO NG DULANG PANTANGHALAN

 Simula
 aktor (actors)
 tagpuan (stage set-up)
 Gitna
 Banghay (plot)
 Suliranin
 Saglit na kasiglahan
 Tunggalian
 Kasukdulan
 Wakas
 Kakalasan
 Katapusan
 Aspetong teknikal
 Sound effects
 Visual effects
 Props
 Kasuotan
 Yugto (staging)
 tumutukoy kung ilang pagtatanghal na ang naisagawa ng isang dula

MACBETH: DULA NG SCOTLAND


ANG KATOTOHANAN SA MACBETH

 itinuturing na isa sa pinakamahusay na trahedya at isa sa pinakapopular sa mga dulang naisulat


ni William Shakespare kung ang dalas ang pag-uusapan.
 ito ang pinakamaikli sa mga dulang isinulat ni Shakespare.
 nabuo sa pagitan ng mga taong 1603 hanggang 1607.
 maraming kwentong kababalaghan ang inuugnay sa dula na minsa’y tinawag na “curse of
Macbeth”
 gayumpaman, ang isang paliwanag kung bakit may mga nasasaktan sa pagsasadula nito ay dahil
sa napakaraming eksenang may pisikal na labanan sa dula.

MGA MAHAHALAGANG TAUHAN:

 MACBETH
 BANQUO
 HARING DUNCAN
 LADY MACBETH
 MACDUFF
 MALCOLM
 DONALBAIN
 FLEANCE
 HARING EDWARD

TALAKAYIN NATIN ITO:

1. Matapos magtagumpay nina Macbeth at Banquo sa pakikidigma sa dalawang hukbong sumalakay


sa kahariang pinamumunuan ni Haring Duncan, ay nakasalubong ng dalawa ang tatlong
manghuhula.
2. Sinabi ng manghuhula na si Macbeth ay magiging hari balang araw at magmumula naman sa
angkan ni Banquo ang tagapagmana ng trono.
3. Dumating ang mga tauhang ipinadala ni Haring Duncan para batiin at pasalamatan ang dalawa
maging sabihin kay Macbeth na hinirang siya bilang Thane of Cawdor.
4. Nang magkita sina Macbeth at Haring Duncan ay ipinahayag nito na gusto niya na si Malcolm ang
maging tagapagmana ng kanyang trono at gusto niyang maghapunan at magpalipas ng gabi sa
kastilyo ni Macbeth.
5. Ipinaalam ni Macbeth sa kanyang asawa ang gusto ng hari maging ang sinabi ng manghuhula sa
kanyang kapalaran.
6. Nang mabasa ni Lady Macbeth ang liham ng asawa, agad itong nag-isip ng masamang plano para
maisakatuparan ang hula para sa kanyang asawa.
7. Nakumbinsi ni Lady Macbeth ang kanyang asawa at isinagawa ang maitim na planong pagpatay
sa Haring Duncan.
8. Kinabukasan, nadiskubre ni Macduff ang bangkay ng hari at dito sinabi ni Macbeth na ang
dalawang bantay ang siyang pumatay sa hari.
9. Sa pagkamatay ni Haring Duncan, hinirang si Macbeth na bagong hari habang tumakas dahil sa
takot ang dalawang anak ng hari na sina Malcolm at Donalbain.
10. Bagama’t naging hari na, hindi pa rin mawala sa isip ni Macbeth ang sinabi ng manghuhula na
magmumula sa angkan ni Banquo ang tagapagmana ng trono.
11. Kaya, isinagawa ng mag-asawa ang kanilang masamang balak kay Banquo at sa anak nitong si
Fleance.
12. Sa pagtitipong inihanda ni Macbeth sa mga maharlika ng Scotland ay nagpakita sa kanya ang multo
ni Banquo na siyang dahilan kung bakit nagkagulo ang pagtitipon na nagreresulta sa pagkasira ng
buong okasyon.
13. Binalikan ni Macbeth ang tatlong manghuhula at sinabi ng manghuhula na kailangan niyang mag-
ingat kay Macduff at magiging ligtas siya hangga’t hindi niya nakikita ang gubat ng Birnam Wood
na papalapit sa kastilyo ng Dunsinane.
14. Nagsanib pwersa sina Macduff at Malcolm sa tulong na rin ng mga sundalong ipinahiram ni Haring
Edward para pabagsakin ang pamumuno ni Macbeth.
15. Sinugod ng sampung libong sundalo kasama sina Macduff at Malcolm ang kaharian ni Macbeth
maging ang Dunsinane na siyang ikinatakot ni Macbeth.
16. Panghuli, nagkatotoo ang sinabi ng manghuhula. Nakipaglaban si Macbeth nang buong giting
subalit dahil sa lakas ng pwersa ng kanyang kalaban, unti-unti siyang natalo hanggang mamatay.
17. Matapos ang digmaan, si Malcolm ang itinanghal na bagong hari ng Scotland.

MAHAHALAGANG TANONG:

1. Bakit nakasasama ang labis na paghahangad ng kapangyarihan?


2. Ano - ano ang maaaring mangyayari kung mapupunta ang kapangyarihan sa isang taong
gahaman?
3. Ano - ano ang dapat gagawin ng isang tao para hindi niya maabuso ang kapangyarihang
ipinagkaloob sa kanya?
4. Ano - ano ang mga katangian ng tao na dapat taglayin para masabi nating karapat-dapat siyang
mabigyan ng kapangyarihan?
KAISIPAN:

“Ang labis na paghahangad sa kapangyarihan, nakapagtutulak sa taong gumawa ng kasamaan.”

PAMPROSESONG TANONG:

1. Ano ang nais iparating na suliranin ng dokumentaryo sa kanyang manonood?


2. Ipaliwanag ang kaisipang ito “ Maraming tao ang naghahangad ng kapangyarihang mamuno pero
bakit maraming Pilipino ang nasasadlak at patuloy na nahihirapan sa pakikibaka sa mundo.
3. Bilang isang Josenian, ano ang iyong sasabihin sa mga may kapangyarihan ng ating lipunan?

Unawain at tukuyin ang isinasaad ng bawat pahayag. Bilugan lamang ang letra ng tamang sagot. GAWING
KULAY PULA ANG TAMANG SAGOT.

1. Ang orihinal na posisyon ni Macbeth sa kaharian ng Scotland.

a. Hari ng Scotland c. Heneral at Thane ng Glamis


b. Heneral at Thane ng Cawdor d. Kanang kamay ng Hari

2. Paano ipinarating ni Macbeth sa kanyang asawa ang mga pangyayari sa kanyang buhay?

a. liham c. tawag ng telepono


b. telegram d. pagpapasabi sa isang mensahero

3. Ano ang mensaheng ibinigay ng tatlong maghuhula kay Banquo?

a. siya ay magiging Thane ng Glamis c. siya ay magiging Thane ng Cawdor


b. siya ay magiging susunod na hari d. sa kanyang lahi magmumula ang tagapagmana ng korona

4. Sino ang pinili ni Haring Duncan upang maging tagapagmana ng kaharian?

a. Banquo b. Macbeth c. Macduff d. Malcolm

5. Sino ang ipinain ni Lady Macbeth upang mapagbintangan sa pagpatay kay Haring Duncan?

a. ang dalawang gwardiya c. sina Malcolm at Donalbain


b. sina Lennox at Macduff d. si Banquo at kanyang anak

6. Saan nagtungo si Donalbain matapos mamatay ang amang hari?

a. England b. Ireland c. Scotland d. Wales

7. Saan nagtungo si Malcolm matapos mamatay ang amang hari?

a. England b. Ireland c. Scotland d. Wales

8. Sino ang nakaligtas na anak ni Banquo mula sa masamang balak na pagpatay ni Macbeth?

a. Fleance b. Macbeth c. Macduff d. Malcolm


9. Sinong hari ang nagpahiram kina Malcolm at Macduff ng sampung libong sundalo para talunin ang
kahariang pinamumunuan ni Macbeth?

a. Haring Charles b. Haring Edward c. Haring Lennon d. Haring Macduff

10. Ano ang nangyari kay Lady Macbeth matapos ang mga madugong pangyayari?

a. nakulong c. umalis ng Scotland


b. nagpakamatay d. naging reyna ng Scotland

ANG AKING ABA AT HAMAK NA TAHANAN: TULA NG ESTADOS UNIDOS


MANUNULAT: NATHANIEL HAWTHORNE

 isinilang noong Hulyo 4, 1804 sa Salem, Massachusetts, United States


 sa edad na dalawampung taong gulang ay dinagdagan niya ng w ang kanyang apelyido para hindi
maiugnay ang sarili sa mga kamag-anak na naging bahagi ng tinatawag na Salem witch trials
 namatay ang kanyang ama noong apat na taong gulang siya at naiwan sa labis na pagkanlong ng
kanyang ina
 ang maikling kwentong Young Goodman Brown at ang nobelang The Scarlet Letter ang itinuturing
na pinakamahusay na akdang kanyang naisulat
 sa kanyang paglalakbay ay nakita niya ang mukha ng digmaan sa mga giyerang sibil na nangyayari
sa iba’t ibang estado sa Amerika
 namatay siya noong Mayo 19, 1864 pagkatapos ng mahabang panahon ng pagkakasakit
 marami sa kanyang mga hindi natapos na akda tulad ng nobelang The Deliver Romance ang
nalathala noong siya ay mamatay
 bagama’t sa buong buhay niya’y hindi siya nasiyahan sa kanyang mga akda, itinuturing pa rin
siyang isa sa mga pinakadakilang Amerikanong manunulat

ANG AKING ABA AT HAMAK NA TAHANAN

“Iniwan ko’ng aba’t hamak na tahanan


Malayo sa bukid ni Ama’t naglakbay.
Payapa kong katre’y wala nang halina,
Hudyat ng digmaan ang aking ligaya.”

“Tungo sa larangan ako’y nagsumagsag


Ang natatanaw ko’y imortal na sinag.
Puntod ng bayani na masisikatan,
Bunying alaala ng mga pumanaw.”
“Sa mithii’y kita’ng malayong bituin
Dulot na liwanag di maabot mandin;
At turo ang landas tungo sa buntunan
Nang naghihingalo’t ng mga namatay.”

“Nagpilit din ako’t paa’y nananabik,


Lagim na dagundong ng digma’y sumaltik
Sa gasong tenga ko, pagyapak saanman,
Kita ko ang berde, luntiang damuhan.”

“Pumula sa dugo ng kalabang puksa,


Naglambong sa usok,bangis ay umamba;
Narating ko’ng rurok na mithiin;hayun,
Kinasabikan ko’ng tanging bahay, doon –“

“Buhay sa maghapo’y lumilipad lamang


Sa pakpak ng tuwa niyong kabataan.
Huli na, batid kong rurok ng tagumpay,
Hindi magdudulot ng masayang araw.”

KAISIPAN:
“Ang digmaa’y walang maidudulot na kabutihan. Dala nito’y pawang kasamaang dudurog sa
kinabukasan.”
ELEMENTO NG TULA

 TUGMA
 pare-pareho o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat taludtud ng tula.
 ang dulumpantig na ito ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig.
 SUKAT
 ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong.
 SAKNONG
 ang pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula.

 SIMBOLISMO
 mga bagay na ginamit sa tula na kumakatawan ng mensahe o kahulugan at nagpapalalim
sa diwa o esensiyang taglay ng tula.

MATATALINGHAGANG PANANALITA

 mga pahayag na di tuwiran o di literal ang kahulugang taglay sa halip ay may nakakubling mas
malalim na kahulugan.
 karaniwang ginagamit sa panitikan lalong-lalo na sa panulaan sapagkat isa rin ito sa mga
itinuturing na elemento ng tula.

IDYOMA

 mga pahayag na karaniwang hango mula sa karanasan ng tao, mga pangyayari sa buhay at sa
paligid subalit nababalutan nang higit na malalim na kahulugan.
 Halimbawa:

IDYOMA KAHULUGAN
ALOG NA ANG BABA MATANDA NA
ANAK – PAWIS MAHIRAP
MAGHIGPIT NG SINTURON MAGTIPID
MAHABA ANG PISI MAPAGPASENSIYA
HULING HANTUNGAN LIBINGAN
BUTO’T BALAT PAYAT NA PAYAT
USAD PAGONG MABAGAL
KAMAY NA BAKAL MAHIGPIT NA PAMAMALAKAD
NAGBIBILANG NG POSTE WALANG TRABAHO
PUSONG - MAMON MAAWAIN

TAYUTAY

 uri ng matatalinghagang pagpapahayag kung saan sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa


karaniwang paraan ng pagsasalita upang higit na mapaganda o mabigyang-halina ang isinusulat o
sinasabi

PAGTUTULAD (SIMILE)

 paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng mga katagang katulad ng,


gaya ng atbp.
 Halimbawa: Ang digmaan ay tulad ng halimaw na sumisira sa bawat madaanan.

PAGWAWANGIS (METAPHOR)

 naghahambing din ito tulad ng pagtutulad ngunit ito ay tiyakang naghahambing at hindi
gumagamit ng katagang tulad ng, gaya ng atbp.
 Halimbawa: Ang digmaan ay isang halimaw na sumisira sa bawat madaanan.

PAGMAMALABIS (HYPERBOLE)
 lubhang pinalalabis o pinakukulang ang tunay na kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.
 Halimbawa: Bumaha ng maramig dugo sa nangyaring digmaan.

PAGSASATAO (PERSONIFICATION)

 pagbibigay katangian ng isang tao sa isang bagay na walang buhay.


 Halimbawa: Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala.

PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECHDOCHE)

 pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa bahagi ng katawan bilang pantukoy sa kabuuan.


 Halimbawa: Maraming puso ang nadurog sa kalagayan ng mga batang nabiktima ng digmaan

PAGTAWAG (APOSTROPHE)

 ito naman ay ang tila pakikipag-usap sa karaniwang bagay na malayo o wala naman.
 Halimbawa: O Kamatayan, hayaan mong mamuhay muna at yumabong ang mga kabataan.

PAG-UYAM (IRONY)

 isang pangungutya sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang kapuri-puri ngunit kabaliktaran


naman ang kahulugan.
 Halimbawa: Ang ating bayan ay malaya kaya’t mga dayuhan ang namamalakaya.

SI PELE, ANG DIYOSA NG APOY AT BULKAN


TALASALITAAN

1. Bangkero – tagagaod ng bangka


2. Magbalatkayo – baguhin ang anyo
3. Payapa – tahimik na pamumuhay
4. Poot – matinding galit
5. Tumanggi – hindi pumayag

KASINGKAHULUGAN

1. Alitan – awayan
2. Paninibugho – pagseselos
3. Napagtanto – nalaman
4. Magsing-irog – mag-kasintahan
5. Ipinagdamdam – ikinalungkot

MAHALAGANG DETALYE: MGA SAGOT

1. Siya ang pangunahing tauhang naging tagapagligtas ng kanyang pamilya subalit nagdala rin ng
maraming kapahamakan sa iba dahil sa kanyang pagiging mainitin ang ulo at labis na pagseselos
a. Pele c. Namaka
b. Hi’iaka d. Haumea
2. Ang lahat na ito ay naging tagpuan ng mitolohiya maliban sa isa. Alin ang hindi kasama?
a. Tahiti c. Mauna Loa
b. Isla ng Hawaii d. Lungsod ng Honolulu
3. Mula sa binasa, nalaman nating ang mga diyos at diyosang nabanggit dito, di tulad nating mga
mortal na isinilang ng ating ina, ay nagmumula pala sa isang bagay. Anong bagay ang
pinagmumulan nila?
a. Itlog c. bangka
b. Puno d. kalangitan
4. Ang magulang ng magkakapatid ay mga diyos at diyosa rin. Diyos at diyosa sila ng ano-anong
bagay?
a. Karagatan at kalangitan c. makalumang kalupaan at kalangitan
b. Buwan at araw d. mga bituin at kailaliman ng lupa
5. Ano ang bagay na naging kasangkapan ng Pele sa kanyang pakikipaglaban?
a. Tubig c. apoy
b. Ginto d. espada

MGA PANINIWALA AT PAMAHIING KAUGNAY NI DIYOSANG PELE

Hanggang sa kasalakuyang panahon, maraming paniniwala at kaugalian ang patuloy na


isinasagawa ng mga mamamayan sa isla ng Hawaii upang maiwasan daw magalit ang diyosang si Pele
katulad ng pagbati ng “aloha” kung may masasalubong na magandang babaeng may mahaba ar nakalugay
na buhok o kaya’y matandang babaeng nakaputi. Ang mga pagkain, bulaklak, at alak ay iniaalay rin kay
Diyosang Pele

Ipinagbabawal din sa isla ang pagpitas ng pulang bulaklak ng lehua dahil nga sa paniniwalang ang
halamang ohi’a lehua ay nagmula kina Ohi’a at Lehua, ang mag-asawang labis na nagmamahalan at ayaw
maghiwalay subalit naging mga halaman nang dahil kay Diyosang Pele. Naniniwala ang mga taong kapag
pinitas ang bulaklak ng lehua ay uulan nang malakas na tila ba pagbagsak ng mga luha ni Lehua dahil ayaw
niyang mawalay sa kanyang kabiyak.

At higit sa lahat, huwag na huwag daw mag-uuwi ng mga batong magmula sa lava ng bulkan dahil
sa paniniwalang kapag ginawa mo ito, kahit nasaan ka na ay aanihin mo ang galit at paghihiganti ni
Diyosang pele at magdadala ito sa iyo ng kamalasan. Katunayan, napakaraming bato ang ipinababalik sa
koreo ng mga taong nag-uwi nito upang mabago ang mga kamalasang maaari nang nadala sa kanila ng
mga bato.

TAUHAN:

 Haumea – diyosa ng makalumang kalupaan at ina ng anim na babae at pitong lalaki


 Kane Milohai – diyos ng kalangitan at tatay ng anim na babae at pitong lalaki
 Pele – diyosa ng apoy
 Namaka – diyosa ng tubig
 Hi’iaka- - diyosa ng hula at ng mga mananayaw
 Ohi’a – ang makisig na lalaki na sinubukang akitin ni Pele subalit buong galang siya nitong
tinanggihan sapagkat siya ay may asawa nang mahal na mahal niy at dahil dito ginawa siyang puno
ni Pele
 Lehua – ang asawa ni Ohi’a na nagmamakaawa kay Pele na gawin siyang halaman pagkatapos
niyang nakita ang kanyang ginawa kay Ohi’a
 Hopoe – matalik na kaibigan ni HI’aka na namatay dahil sa pagsabog ng bulkan na isang resulta sa
tinding galit at selos ni Pele kay Hi’aka
 Lohi’au – kasintahan ni Pele ngunit naging kasintahan ni Hi’aka
 Kane-milo – kapatid na lalaki tumulong sa kanyang bunso na si Hi’iaka upang kunin ang kaluluwa
ni Lohi’au

TAGPUAN:

 Tahiti – ang kanilangg unang tahanan/lugar


 Mauna Loa – ang pangalawang tahanan, bundok
 Hawaii – “The Big Island”
 Kaua’i – ang nilipatan ni Hi’aka at Lohi’au

PAG-IBIG NA NAWALA AT NATAGPUAN SA BERLIN WALL


TALASALITAAN

1. KABISERA -Lungsod na pisikal na sumasakop sa tanggapan at pulungan ng mga nasa Pamahalaan.


2. ALEMANG -Mga taong naninirahan sa bansang Alemanya sa gitnang Europa.
3. PODER -May kapangyarihan/ teritoryo.
4. BORDER -Hangganan o harang sa pagitan ng mga panig.
5. BERLINER -Mga taong naninirahan sa Berlin.
6. KOMUNISTA- Isang patakaran ng ideolohiya na ang sentro ng pagpapahalaga ay ang pag iral ng
kanilang sistema kaysa karapatang pantao ng kanilang pamahalaan.
7. DEMOKRASYA -Isang uri ng sistemang panlipunan na kung saan ang desisyon ng pamahalaan ay
nakadepende lamang sa desisyon ng nakararami.
8. ALSA-BALUTAN -Ito ay ang paglayas o paglipat ng tahanan.
9. DAGLIAN -tumutukoy sa mabilisang kilos at pananalita.
10. KULUMPON -tumutukoy sa tumpok ng tao; umpukan.
11. PALINGA- LINGA -Ang pagtingin sa paligid o palingon-lingon
12. GATLA -Ito ay kasing kahulugan ng marka, tatak, at palatandaan.
13. TAKIPSILIM -Panahon pagkatapos lumubog ang araw at nagsisimula nang dumilim.
14. BANGUNGOT -sindroma ng biglaang hindi nalalamang pagkamatay.

BUOD

1. May isang babaeng nagngangalang Amelie Bohler na isinilang noong 1939 sa lungsod ng Silangang
bahagi ng Berlin, ang kaniyang trabaho, mga kaibigan, at si Ludwik na kaniyang kasintahan ay nasa
Kanlurang bahagi ng Berlin naman.
2. Pagkalipas ng anim na buwang pagiibigan, napagpasya na nilang magpakasal at si Amelie naman
ay lilipat sa Kanlurang Berlin kung saan ay naninirahan si Ludwik. Sa mga oras na iyon ay makikita
ang bakas ng saya sa kanilang mga mata hanggang sa pag lubog ng araw noong Agosto 12, 1961.
Kinabukasan ng nasabing gabi, Agosto 13, 1961, ay nangyare ang hindi inaasahang biglaang
pagsara ng byahe ng tren patungong Kanlurang Berlin, ang sanhi nito ay ang Cold War o panahon
ng tensiyong politikal at tensiyong militar, sa pagitan ng hindi pagkakaunawaan ng Estados Unidos
ng Amerika, Britanya, at Pransya na Demokratiko ang namahala sa Kanlurang Berlin at Soviet
Union na komunista naman ang namahala sa Silangang Berlin.
3. Tuluyang nahati ang Silangan at Kanluran sa pagbuo ng Pader ng Berlin o Berlin Wall sa ingles.
Tinulungan ng mga sumakop na ayusin ang ekonomiya ng Kanlurang Berlin sa pamamagitan nang
pagangkin ng Soviet Union sa lahat ng mga pwede mapakinabangan sa Silangang Berlin na naging
dahilan naman ng pagiging usad-pagong na pagunlad ng bahaging ito.
4. Hindi na kinaya ng mga taga Silangang bahagi ang pagkalugmok at nagsimulang tumakas ang mga
tao patungong Kanlurang Berlin.
5. Bunga nito ay isinara ng mga guwardya ang mga butas sa Berlin Wall at lalong naging strikto na
humantong sa kailangan nang agad agarang barilin ang magbabakasakaling tumakas ulit.
6. Mas lalong napalayo si Amelie kay Ludwik at tuluyang nagkahiwalay sa loob ng dalawampu’t
walong taon at isang beses lamang nakapagpadala ng sulat si Ludwik kay Amelie sa tulong ng
isang kinatawan ng pamahalaan sa Kanlurang Berlin sa patagong pagbigay nito na naglalaman ng
katagang “Hihintayin kita.”
7. at sa wakas, sa tuluyang pagwasak sa Berlin Wall ng mga tao noong Nobyembre 9, 1989, si Amelie
ay limampung taong gulang na ngunit sariwang sariwa parin sa kanyang kaisipan na si Ludwik ang
minamahal nya. Agad nyang inabangan si Ludwik, dala dala ang pagasa, takot at kaba,
nagbabakasakaling matutupad ni Ludwik ang pangako nya at sa paglingon nya sa kulumpon ng
mga nagsisigawan na tao ay nakita nya ang kanyang kasintahan.
8. Nagkitang muli sina Amelie at Ludwik at masayang itinuloy ang naudlot nilang planong
pagpapakasal makalipas ang isang buwan.

PAG-UUGNAY SA MGA ISYUNG PANLIPUNAN

Sumasang-ayon kami na ang pagkuha ng kalayaan ng mga pinuno sa akdang “Ang pag-ibig na nawala at
natagpuan sa Berlin Wall” mula sa mga mamamayan ng Silangan at Kanlurang Berlin sa pamamagitan ng
pagtayo ng Pader ay katumbas ng pangungurakot ng pamahalaan sa isang bansa dahil nawawala mula sa
mga mamamayan ang kanilang mga pinaghirapan ganun din ang kapayapaan sa paligid dahil maaari silang
maghirap.

Hindi dapat pinapairal ang pansariling kapakanan lamang at parating maging marespeto upang magkaisa
ang lahat patungo sa magandang kinabukasan.

MGA TAUHAN AT KUNG ANO ANG KANILANG SIMBOLO

 Amelie Bohler (Katapatan at pagkakaroon ng positibong pananaw hindi lamang bilang isang
mamamayan kundi pati narin bilang isang nagmamahal nang tapat sa kanyang kasintahan)
 Ludwik (sumisimbolo sa pagkakaroon ng paninindigan sa sarili sa pagtupad nya sa pangakong
“Hihintayin kita.” sa sulat na patago nyang ibinigay kay Amelie at nagawang hintayin ng
napakatagal na panahon ang kanyang minamahal)
 Guwardya/Sundalo (Mga taong hinahayaan ang kanilang sariling sumunod sa mas nakatataas
kahit ito pa ay mali at sumisimbolo rin ito sa mga hadlang natin sa buhay)

ANG TAGPUAN AT KUNG ANO ANG SINISIMBOLO NITO

 Silangan at Kanlurang bahagi ng Berlin (tahanan ng mga manggagawang mamamayan na inabuso


at naging saksi sa tunay na pagiibigan nila Amelie Bohler at Ludwik.)
MGA PANGYAYARI AT KUNG ANO ANG SINISIMBOLO NITO

 Pagtatrabaho ni Amelie Bohler sa Kanlurang Berlin (sumisimbolo sa mga OFW (Overseas Filipino
Workers) na mas pipiliing magpursige sa ibang lugar/bansa para lang matustusan ang pangaraw-
araw na pangangailangan)
 Cold War (Hindi pagkakaintindihan ng dalawang panig na maaaring magresulta sa paghihirap ng
mga inosenteng mamamayan)
 Palihim na pagbigay ng sulat ni Ludwik (nananatiling positibo at naniniwalang may pagasa sa
buhay kaya gagawin ang lahat upang makamtan ang kapayapaan at kaligayahang nararapat para
sa kanya)
 Pagtayo ng Berlin Wall (Hindi inaasahang mga hadlang sa kaligayahan o plano mo sa buhay na
maaaring maging pagsubok)
 Pag angkin ng Soviet Union sa lahat ng pwedeng mapakinabangan sa Silangang Berlin
(sumisimbolo sa korupsyon sa pamahalaan kung saan ay kinukuha ang pera ng bayan para sa
pansariling kapakanan)

PANANAW NA PAGSUSURING PAMPANITIKAN

Ang pananaw sa pagsusuring pampanitikan o Moralistiko ng akdang “Ang Pag-ibig na nawala at natagpuan
sa Berlin Wall” ay huwag maging makasarili, isipin muna ang sitwasyon ng ibang tao bago gumawa ng
desisyon—ang parteng ito ay naipakita noong pinaghiwalay ng mga nasa nakatataas na posisyon ang
Silangan at Kanlurang bahagi ng Berlin dahil sa pansariling alitan, kung saan ay maraming naapektuhan na
manggagawang mamamayan kabilang na ang nagmamahalang sina Amelie Bohler at Ludwik.

You might also like