You are on page 1of 2

Globalisasyong Teknolohikal

JANJAMES 1-Ang teknolohikal na globalisasyon ay isang anyo ng globalisasyon kung saan pinabilis ang
pagkalat ng teknolohiya sa buong mundo. Ang mabilis na pag-unlad ng teknolohiya ay nag dudulot ng
mabilis na pagpapasa ng mga ideolohiya at mga impormasyon sa bawat sulok ng mundo, ang mga
teknolohiyang ito ay ang telepono, internet, computer at iba pa.

NATASHA 1-Ang telepono na nag revolutionize sa mga komunikasyon ng tao ay naimbento noong 1876
at simula noon ay unti-unti itong pinahusay sa pamamagitan ng mga pag-usad sa teknolohiya at
produksiyon.

JANJAMES 2-Naging popular ang paggamit ng cellphone sa Pilipinas sa kalagitnaan ng 1990’s at naging
bahagi ng pamumuhay ng mga pangkaraniwang tao sa kasalukuyan.

NATASHA 2-Sa Pilipinas, kitang-kita ang paggamit ng mobile phones. Sa katunayan, ang pag te-text ay
naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng marami. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pertierra,
marami sa mga cellphone users ay hindi lamang itinuturing ang cellphone bilang isang communication
gadget, ito ay nagsisilbi ring eskstensiyon ng kanilang sarili kaya naman hindi madaling mahiwalay ito sa
kanila.

JANJAMES 3-Ang introduksyon ng cellphone at internet access sa Pilipinas ay higit na nakaapekto sa


kultura at sa mga tao sa lipunan sa kasalukuyang panahon.

NATASHA 3-Mabilis na tinangkilik ng mga mamayan sa developing countries ang paggamit ng cellular
phones o mobile phone na nagsimula sa mauunlad na bansa. Partikular dito ang mga bansang tulad ng
Pilipinas, Bangladesh at India. Malaki ang epekto ng teknolohiya sa pagbabago ng kultura ng mga
Pilipino, sa kasalukuyan dama rin sa Pilipinas ang impluwensiyang kultural ng mga koreano sa anyo ng
pop culture dahil sa mga sikat na pelikula, Korean nobela, Kpop culture, at iba pa.

Ang lakas ng mga impluwensiya ng mga nabanggit ay makikita sa pananamit, pagsasalita at


pakikipagsalamuha ng maraming kabataang Pilipino sa kasalukuyan.

ECEL 1-Kung mabilis na binago at binabago ng mobile phones ang buhay ng maraming gumagamit nito,
higit na pagbabago ang dinala ng computer at internet sa nakakarami.

VOYD 1-Kaugnay sa pagdami ng mobile phones at computer ay ang mabilis na pagdaloy ng mga ideya at
konsepto patungo sa ibat-ibang panig ng mundo dahil ang mga ito ay nasa digitized form. Ang mga
ideyang ito ay nakapaloob sa ibat-ibang anyo tulad ng musika, pelikula, videos, larawan, e-books at iba
pa na makikita sa ibat-ibang social networking sites at service provider.

ECEL 2-Mga mabubuting Epekto ng Teknolohiya sa ating pamumuhay

VOYD 2-Sa paggamit nito, mabilis na nakakahingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng
kalamidad. Isa rin dito ang mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga tao.

ECEL 3-Mga dimabuting Epekton ng Teknolohiya sa ating pamumuhay

VOYD 3-Naging madali sa mga tao na magkamit ng kaalaman kaugnay ng ibat-ibang paksa ngunit naging
mabilis din ang pagkalat ng mga maling impormasyon at propaganda sa mga lipunan.
Nagdudulot ito ng problema sa politika, edukasyon at kultura ang pagkalat ng mga propaganda na ito na
tinatawag ngayon na “fake news” dahil sa ito ay nagtutulak ng mga walang batayan na conspiracy,
Historical revisionism, authoritarian propagandas, Leftist propaganda at iba pa. (Authoritarian
propagandas – ito yung mga propagandang ginagawa ng isang diktador para baguhin at paniwalain ang
mga tao sa kung ano ang gusto nila), (Leftist propagandas – ay ang mga pagsasalungat ng isang grupo sa
gobyerno o politiko, dahil hindi nila ito gusto)

-Nakaka apekto din ito sa seguridad ng bansa. Ginagamit ito ng mga ilang terorista at masasamang loob
bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga target nito. Kaakibat din nito ay
mga suliraning may kinalaman sa pagkalat ng ibat-ibang uri ng computer viruses at spam na sumisira ng
electronic files.

You might also like