You are on page 1of 15

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 5: Diskriminasyon sa Kasarian


Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rowena B. Marasigan
Editor : Jolibeth R. Ema, Vilma C. Estadilla
Tagasuri: Bernard R. Balitao
Technical: Glady O Dela Cruz
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Elinettee B. Dela Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
Panlipunan 10
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5
Diskriminasyon sa Kasarian
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Modyul para
sa araling Diskriminasyon sa Kasarian !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na pinamumunuan ng
Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala, Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa
pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral na makamit ang
mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng modyul


sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-
unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod
dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 Modyul ukol sa Diskriminasyon


sa Kasarian !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang
paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto
ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

MELC 2 / Ikalawang Linggo. Natatalakay ang mga uri ng kasarian(gender) at sex at


gender roles sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig
Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang ang mag-aaral ay:

A. nasusuri ang iba’t ibang salik na nagiging dahilan ng diskriminasyon sa


kasarian sa iba’t ibang lipunan sa bansa at daigdig; at
B. nailalahad ang mga halimbawa ng diskriminasyon sa kasarian sa iba’t
ibang lipunan.

PAUNANG PAGSUBOK

Sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa
paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at
alamin ang sagot sa modyul na ito.

1. Tumutukoy sa hindi pantay na pagtrato sa isang indibidwal o grupo dahil sa edad,


paniniwala, etnisidad at kasarian na nagiging dahilan ng limitasyon sa pagtamasa ng
serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, pabahay, trabaho , karapatan o
partisipasyon sa pulitika at iba pa .
A. Diskriminasyon
B. Oryentasyong seksuwal
C. Sosyalisasyon
D. Eksploytasyong seksuwal

2. Anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o


nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga karapatan o
kalayaan ng isang indibidwal.
A. Diskriminasyon sa kasarian
B. Gampaning pangkasarian
C. Diskriminasyong homoseksuwal
D. Oryentasyong seksuwal

3. Ayon sa pag-aaral ng Jobstreet (online recruitment portal), umiiral pa rin ang gender
pay gap o ang magkaibang sahod ng lalaki at babae sa parehas na trabaho o
posisyon . Ano ang dahilan nito?
A. Mas magaling ang mga lalaking empleyado kaysa sa babae
B. Mas malawak na karanasan sa pagtatrabaho o work experience ng mga lalaki
C. Hindi mapagkakatiwalaan ang mga babae sa paggawa ng desisyon
D. Mababa ang kasanayan ng kababaihan
4. Ito’y isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang
walang anumang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang
mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal.
A. Female Genital Mutation B.Female Genes Migration
C. Female Genes Mutation D. Female Genital Mutilation

5. Paano maitataguyod ng iba’t ibang institusyon ang gender equality sa ating lipunan?
I.Pagtuturo ng magulang na ang gawaing bahay ay maaaring gawin ng babae at lalaki
II.Pagtuturo ng paaralan sa konsepto at konteksto ng pagkapantay –pantay
III.Pagpapalabas ng mga programa tungkol sa kontribusyon ng LBGT sa telebisyon
IV.Pagpapalakas ng paniniwalang ang babae ay dapat nakatuon sa gawaing bahay

A. I, II , IV B. I, IV, III C.II, III, IV D. I,II,III

BALIK-ARAL

Panuto: Isulat ang GE kung ang pahayag ay nagtataguyod ng gender equality at NGE kung
hindi.

______1. Ang pagkuha ng kurso gaya ng abogasya, medisina at inhenyeriya ay para sa


mga lalaki lamang.

______2. May karapatang makapag-aral ang babae at lalaki.


______3. Tinatawag na “macho-nurin o “under the saya” ang mga lalaking tumutulong sa
gawaing bahay.
______4. Magkatuwang ang ama’t ina sa paggawa ng desisyon para sa pamilya.
______5. Mababa ang representasyon ng kababaihan sa pamahalaan.

ARALIN 5- DISKRIMINASYON SA KASARIAN

Ang gender equality ay isa sa United Nations 17 Sustainable Development Goals


(SDGs) at 2030 Agenda for Sustainable Development. Ang gender equality ay tumutukoy sa
pantay-pantay na pagbalikat ng responsibilidad, pagtamasa ng karapatan at oportunidad sa
pagitan ng babae at lalaki sa lahat ng aspeto ng pamumuhay ng tao. Ito ay naglalayong mas
mapaunlad pa ang lipunan at maitaas ang antas ng kababaihan sa anumang larangan.
Marami sa papaunlad na bansa (developing countries) ang nagsusulong ng gender
equality subalit marami pa ring suliranin sa Middles East at North Africa tulad ng
diskriminasyon sa kasarian gaya ng kakulangan sa edukasyon, karapatan sa pagmamay-ari
at pagpapakasal.
Sa pangkalahatan, ang diskriminasyon ay ang ‘di pantay na pagtrato sa isang
indibidwal o grupo dahil sa edad, paniniwala, etnisidad at kasarian na nagiging dahilan ng
limitasyon sa pagtamasa ng serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon, pabahay, trabaho ,
karapatan o partisipasyon sa pulitika at iba pa.

Ang diskriminasyon sa kasarian ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o


restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang,
at pagtamasa ng mga karapatan o kalayaan ng isang indibidwal.

Ayon sa manunulat na si Shivani Ekkanath ng Borgen Project, (organisasyong


tumutulong sa paglaban sa kahirapan ) may walong halimbawa ng diskriminasyon sa
kasarian o gender discrimination.

Walong Halimbawa ng Diskriminasyon sa Kasarian

1. Gender Gap (Gender inequality at workplace)


Ang gender pay gap o gender wage gap ay tumutukoy sa magkaibang sahod ng
lalaki at babae sa parehas na trabaho o posisyon .

Ang Pilipinas ay kabilang sa top 10 (8th place ) ng Global Gender Gap Index 2018 sa
Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Sa kabila ng pagsisikap na maitaguyod
ang gender equality , lumabas sa pag-aaral ng Jobstreet ( online recruitment portal) na
umiiral pa rin ang gender pay gap . Batay sa datos, higit ng limang libo ang kita ng mga
skilled workers na lalaki kaysa sa babae sa parehas na trabaho o posisyon. Sa episode ng
ABS-CBN’s NXT(September 2019), ayon kay Professor Dynah Basuil, Executive Director
ng Ramon V. del Rosario Center for Corporate Social Responsibility ng Asian Institute of
Management, mas malaki ang sahod ng mga lalaki dahil sa karanasan sa trabaho at
edukasyon.

Ilan pa sa halimbawa ng gender inequality sa trabaho ay ang pagkakaroon ng mas


malaking responsibilidad at promosyon ng mga lalaki kaysa sa babae.

2. Pagbabawal sa pagmamaneho
Mula 1957, ipinagbabawal ng
Saudi Arabia ang pagmamaneho ng mga
babae. Ito ang pinakahuling bansa sa
mundo na nagbigay ng pahintulot sa
kababaihan na magmaneho ng kahit
anumang uri ng sasakyan. Pagkalipas ng
animnapung taon (60), saka lamang
nabigyan ng karapatan magmaneho ang
mga babae sa Saudi Arabia sa kautusan
ni Haring Salman noong Hunyo 2018.

https://www.aljazeera.com/indepth/opinion/saudi-arabia-
lift-driving-ban-women-180621203632446.html
3. Restriksiyon sa Kasuotan
Ang ilang konserbatibong bansa
sa mundo ay nagtakda ng kasuotan para https://businessmirror.com.ph/2019/10/06/saudi-women-
sa kababaihan gaya ng Saudi Arabia, pushing-the-limits-of-their-dress-code/
Gambia, Sudan at North Korea .

Sa Saudi Arabia, tinatawag na


hijab ang bandana na ginagamit
pantalukbong sa ulo at pantakip sa
mukha. Abaya naman ang tawag sa
maluwag at mahabang itim na kasuotan
ng mga babaeng Muslim.
Ang pagsuot ng abaya ay bahagi ng
paniniwala ng relihiyong Islam. Isinasaad sa
Quran ang ganitong pahayag: "O Prophet,
tell your wives and daughters, and the
believing women, to cover themselves with
a loose garment. They will thus be
recognised and no harm will come to them"
(Qur'an 33:59, ).
Sa artikulo ni Hayley Skirka
(Setyembre 27, 2019) inilahad ng Saudi
Commission for Tourism and National
Heritage na hindi na sapilitan ang pagsuot
ng abaya o hijab sa mga babaeng
dayuhan. Ito ay bahagi ng programa para . Veiled women sit behind a column near date
sa pagpapalago ng turismo sa Saudi traders at a local market in Buraidah, Saudi
Arabia. Arabia, on August 4, 2019.

4. Walang Pahintulot sa Paglalakbay


Mahigpit ang panuntunan ng Saudi Arabia para sa pagbiyahe ng kababaihan. Ang
pagkuha ng pasaporte at pagbyahe sa ibang bansa ay kailangan ng permiso mula sa
tagapag-alaga o guardian na karaniwang ang ama, kapatid na lalaki o asawa.

5. “Honor Killing o Shame Killing”


Ito ay ang pagpatay sa babaeng miyembro ng pamilya sa paniniwalang ang biktima
ay nagdulot ng kahihiyan o lumabag sa prinsipyo, paniniwala o relihiyon ng kanilang
komunidad. Ang ganitong gawain ay maiuugat sa kakulangan sa edukasyon at hindi
epektibong pamamahala sa mga pook rural.

Ang halimbawa nito ay si Qandeel Balcoh, isang modelo at artista sa Pakistan.


Siya’y sumikat sa social media dahil sa mga kontrobersyal na isyu at sa kanyang mga bidyo
na tumatalakay sa kanyang karapatan bilang babae . Noong Hulyo 15, 2016, sa edad na
26, siya’y pinatay ng kanyang kapatid na si Waseem Ali sa paniniwala na siya ay nagdala
ng kahihiyan sa pamilya. Sa batas ng Pakistan, mapapawalang- sala si Waseem kung siya
ay patatawarin ng pamilya.
6. Female Genital Mutilation (FGM)
Ang pagtutuli sa kababaihan ay ritwal na isinasagawa sa Africa, Middle East at ilang
bansa sa Timog Asya. Ayon sa UNICEF, noong 2016 tinatayang may 200 milyong kababaihan
naninirahan sa 30 bansa sa kasalukuyan ang sumailalim sa ritwal. Ang gawaing ito ay dulot ng
kakulangan sa edukasyon at kamalayan. Ayon sa mga health specialists, ang FGM ay walang
benipisyong pangkalusugan. Ito’y posibleng magdulot ng sobrang sakit, urinary tract infection
(UTI), kawalan ng kakayahang mabuntis, matinding pagdurugo, komplikasyon sa pgdadalang-
tao at pagkamatay.
Upang matigil ang ganitong gawain, naisabatas ang Prohibition of Female Genital
Mutilation Act 2010 sa Uganda , 2011 sa Kenya at noong 1998 pa sa Tanzania.

7. Female Infanticide
Lumabas sa pag- aaral ng Asian Centre for Human Rights, isang NGO sa Delhi-
India na nagtataguyod ng karapatang pantao, na ang pagkakaroon ng anak na lalaki kaysa
sa babae ang pangunahing dahilan ng female infanticide o ang pagpatay sa sanggol na
babae at pagsasagawa ng aborsyon. Itinuturing na pabigat ang kababaihan sa Timog Asya
dahil sa sistema ng pagbibigay ng “dowry “.

8. Kawalan ng Legal na Karapatan (Lack of Legal Rights).

Ang diskriminasyong ito sa kasarian ay laganap sa maraming bansa. Hindi


natatamasa ng kababaihan ang ilang legal na karapatan.
Halimbawa:
• Ang panggagahasa ng asawang lalaki sa asawang babae ay hindi itinuturing na
krimen sa Afghanistan, Algeria, China , Bangladesh, Haiti, Libya,Morrocco, Saudi
Arabia, UAE at Yemen.
• Sa Middle East , mahina ang batas sa diborsyo. Kailangan pa ng testigo upang
maisampa ang kaso.

Mga Salik na Nakaiimpluwensiya sa Diskriminasyon


1. Paaralan- Sa ating bansa, ang mga estudyanteng kabilang sa LGBTQIA+ ay
kinukutya at pinagtatawanan. Ang ilan ay nakakaranas ng pambubully, pisikal at
seksuwal na pananakit . Itinuturing na seryosong kaso ang bullying sa mga paaralan.
Kaya noong 2012, naglabas ng Child Protection Policy ang Kagawaran ng
Edukasyon bilang tugon at interbensyon sa kaso ng diskriminasyon. Kasunod na
taon, naipasa naman sa Kongreso ang Anti- Bullying Law of 2013.

2. Pamilya at Tahanan- Sa ilalim ng Family Code, ang ama ang kinikilalang pinuno ng
pamilya. Karaniwang tinatawag na “haligi ng tahanan” ang ama. Pangunahing
tungkulin niya ang paghanapbuhay upang tugunan ang pangangailanan ng mag-
anak. Ang ina naman ang “ilaw ng tahanan” o “ maybahay”.Sa kanya nakaatang ang
mga gawaing bahay tulad ng pagluluto, paglalaba at pag-aalaga sa mga anak.
Sa paglipas ng panahon, nagbabago na ang gampanin ng mga kasarian. Tumataas
na ang bilang ng mga babaeng nagtatrabaho sa labas ng tahanan upang makatulong
sa paghahanapbuhay. Dumarami na rin ang mga lalaki na nagiging house husband.
Sa kasalukuyan, may mga mag-anak na din na hindi pinag-iiba ang mga gawaing
pantahanan. Ang mga dating ginagawa ng mga babae ay ginagawa na rin ng mga
lalaki. Gayundin naman ang nagaganap sa mga gawaing panglalaki (Antonio, et.,
2017)
3. Relihiyon- Ang kalagayan ng kababaihan ay bunga ng interpretasyon ng lipunan sa
mga turo at paniniwala ng relihiyon. Kinikilala ng lahat ng relihiyon sa mundo ang
mahalagang gampanin ng kababaihan sa pamilya bilang ina, maybahay at “ilaw ng
tahanan”. Subalit, hindi makikita sa mga turo ng relihiyon ang pagkakapantay-pantay
ng kasarian. Ayon kay Holm(1994), ang pinakamatinding restriksiyon sa mga
babaeng Muslim ay ang di -paghawak ng Koran at pagpasok sa mosque sa tuwing
sila’y may buwanang dalaw o nagdadalang –tao. (Klingorová, 2015).

4. Mass Media - Ang mga karakter o imahe ng babae na ipinapakita sa media ay


mahalagang salik sa paglalarawan ng kalagayang panlipunan ng kababaihan . Ang
media ang pangunahing pinagkukunan ng impormasyon ng mga mamamayan kaya
malaki ang kontribusyon nito sa paghubog at pagbabago sa pagtingin o pananaw sa
kababaihan.

Isang halimbawa ng diskriminasyon ay makikita sa mga advertisement o patalastas.


Karaniwang mga babae ang nasa patalastas ng mga kagamitang panglinis sa bahay
o kaya naman modelo ng mga produktong pampaganda. Maging sa pelikula,ang
babae ay karaniwang may karakter na marupok at mahina.

Sa mga pagbabago sa lipunan,nagbabago na rin ang representasyon ng kababaihan


sa mass media. Nagiging sensitibo na ang mga patalastas ukol sa tema ng gender
inequality. Marami na ring mga pelikula ang tumatampok sa mga babaeng aktres na
hindi lang basta simple o ordinaryong bida.

Malaki ang naging kontribusyon ng dokumentaryong “Miss Representation” ni


Jennifer Siebel Newsom noong 2011. Binigyang-diin dito ang mga negatibong imahe
at paggamit sa kababaihan bilang sex symbol. Layunin ng dokumentaryo na
mabago ang gender stereotyping, tradisyonal at negatibong pananaw sa
kababaihan.

MGA PAGSASANAY

Gawain A. Komento Mo! Post Mo! Ipaliwanag ang iyong pananaw, komento o opinyon
sa mga pahayag o isyung pangkasarian na nasa ibaba.

ISYU/ PAHAYAG KOMENTO / OPINYON


1.Mahalin natin ang mga kababaihan at huwag
nyo abusuhin ang kanilang kabaitan. Kayo
naman mga ghErlsz, wag kayo magsusuot ng
pagkaikli-ikling damit at pag naman nabastos ay
magsusumbong din sa amin. Isipin nyo
rin!(Lucban Municipal Police Station)
# PNP4A # TeamCALABARZON
# Team PNP# We Serve and Protect
(ABS-CBN News, July 13,2020)
2.Ang tanging magagawa ay manamit ng tama.
Huwag nating pukawin ang pagnanasa nila. Ito
ang iyong magagawa. Bago natin sila baguhin ,
baguhin muna natin ang sarili’t pag-iisip natin.
Gets mo Hija?—Ben Tulfo(2020)
3. “Ginawa ang babae para sa lalaki, ang lalaki
para sa babae.Common sense lang. Nakakita
kaba ng animals na lalaki sa lalaki o babae sa
babae? Mas mabuti pa yong hayop, marunong
kumilala. Hindi talaga pwedeng magsama ang
lalaki sa lalaki, babae sa babae. I’m not
condemning them. Yung same sex marriage
lang, it’s a sin.”- Sen. Manny Pacquiao(2016)

4.For Immediate Hiring : Accounting Clerk


Requirements:
• Female, not more than 27 years old
• With pleasing personality
• CPA license is an advantage but not
required
• Must possess high analytical and
decision making skills

Gawain B. ADS (ANO-DAHILAN- SOLUSYON)


Panuto: Batay sa inyong natutunan at obserbasyon , ano- ano ang mga halimbawa ng
diskriminasyong nararanasan ng kababaihan sa inyong komunidad?

ANO DAHILAN SOLUSYON


1.
2.
3.

PAGLALAHAT

Buuin ang akrostik tungkol sa inyong natutunan sa aralin..Gawing gabay ang tanong sa
ibaba:
Ano ang susi upang mabago ang makalumang paniniwala o pagtingin ng lipunan tungkol
sa mga kababaihan?

D
U

A
S

N
PAGPAPAHALAGA

Anong gusto mong maging pagbabago sa ating lipunan?

• Bilang babae o lalaki______________________________________________.

• Bilang miyembro ng LGBTQIA+ _____________________________________.

________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang letra ng tamang
sagot.

1. Maraming tao ang nakakaranas ng diskriminasyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo.


Paano mababago ang mga restriksyon sa kababaihan na nagiging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang at pagtamasa ng kanilang mga karapatan o kalayaan?
A. Pagmulat sa kaisipan at kamalayan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng
edukasyon para sa lahat
B. Pagboto sa mga babaeng pulitiko upang tumaas ang representasyon sa
pamahalaan
C. Pagpapalabas ng mga programa na tumatampok sa tagumpay ng kababaihan
D. Pagsasagawa ng mga webinar para sa mga kababaihan

2. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang halimbawa ng diskriminasyong


nararanasan ng kababaihan sa trabaho?

A. Pagbibigay ng management training upang tumaas ang kasanayan ng


kababaihan
B. Pagpromote sa mga mahuhusay na manggagawang babae
C. Pagtanggap sa trabaho ng aplikanteng may asawa
D. Magkaibang sahod ng lalaki at babae sa parehas na posisyon

3. Ang female genital mutilation o pagtutuli sa kababaihan ay ritwal na isinasagawa sa


Africa, Middle East at ilang bansa sa Timog Asya. Bakit ito itinuturing na halimbawa
ng diskriminasyon?
A. Ito’y nagdudulot ng mababang pagtingin sa kababaihan
B. Ito’y mapanganib at walang benepisyo sa kalusugan ng kababaihan
C. Ito’y nagdudulot ng takot at pangamba
D. Ito’y hadlang sa pag-aasawa ng kababaihan

4. Paano itinataguyod ng mga paaralan ang gender equality sa ating lipunan?


A. Paggawa ng mga anunsiyo, poster at slogan para sa kababaihan
B. Pagpapalabas ng mga programa tungkol sa mga tagumpay ng kababaihan sa
telebisyon
C. Pagshare ng mga documentary videos tungkol sa mga babae
D. Pagtuturo ng mga paaralan sa konsepto at konteksto ng gender equality

5. Ang isa sa mga hamon sa ating pamahalaan ay ang tradisyonal na paniniwala, salita
at gawi na nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at lalaki. Bilang isang
netizen, ano ang iyong magagawa upang makatulong sa pagbabago ng negatibong
pagtingin sa kababaihan?
A. Palawakin ang pagtuturo ng gender equality sa mga paaralan
B. Lumahok sa mga programa at proyekto ng gender and development
C. Magpost ng mga documentary videos at positibong komento tungkol sa
kababaihan sa social media
D. Sumali sa mga organisasyong nagsusulong ng karapatan ng kababaihan

SUSI SA PAGWAWASTO
5.C
4.D
3.B
2.D
1.A
Panapos na Pagsusulit

PAGPAPAHALAGA-Depende sa sagot ng mag-aaral

akakaimpluwensiya upang diskriminasyon ay mawakasan N


rganisasyon, pamilya, paaralan at pamahalaan O
ou and I Y
olusyon sa diskriminasyon sa kasarian S
numan ang kasarian A
alagayan ng kababaihan at K
nahin ang pagkakapantay-pantay U
iskriminasyon ay maiiwasan D
dukasyon ay kailangan E

PAGLALAHAT- Halimbawang sagot sa akrostic

GAWAIN A AT B- Depende sa sagot ng mag-aaral


MGA PAGSASANAY

5.Mali 5.D
4.Tama 4.D
3.Mali 3.B
2.Tama 2.A
1.Mali 1.A
Balik-Aral Paunang Pagsubok
Sanggunian
Deped Module

• Learning Module in Araling Panlipunan 10- Mga Kontemporaryong Isyu, 2017

Published Materials:

• Antonio, Eleanor D. et.al.,2017. Kayamanan, Mga Kontemporaryong Isyu, Manila: Rex Book
Store.
• Klingorová, Kamila & Havlíček, Tomáš. (2015). Religion and gender inequality: The status of
women in the societies of world religions. Moravian Geographical Reports. 2. 10.1515/mgr-
2015-0006.

Internet:

https://www.jica.go.jp/english/our_work/thematic_issues/gender/background/c8h0vm0000anjqj6-
att/philippines_summary_2008.pdf

https://civilrights.findlaw.com/discrimination/gender-discrimination-in-education.html

https://borgenproject.org/examples-of-gender-discrimination/

https://investinginwomen.asia/posts/gender-positive-advertising/

https://sociologydictionary.org/discrimination/

http://www.differencebetween.info/difference-between-abaya-and-hijab

https://www.britannica.com/topic/honor-killing

https://www.theguardian.com/society/2014/may/16/what-is-female-genital-mutilation-circumcision-us

https://www.downtoearth.org.in/news/health/india-witnesses-one-of-the-highest-female-infanticide-
incidents-in-the-world-54803

https://www.savethechildren.in/resource-centre/articles/female-infanticide-in-india

https://www.researchgate.net/publication/279526649_Religion_and_gender_inequality_The_status_of
_women_in_the_societies_of_world_religions

https://www.youtube.com/watch?v=GSUbvIB-Bik

https://women-s.net/portrayal-of-women-in-media/

https://www.youtube.com/watch?v=W2UZZV3xU6Q
https://www.thenational.ae/lifestyle/travel/saudi-arabia-relaxes-dress-code-for-women-tourists-1.916009

https://www.bing.com/videos/search?q=Qandeel+Balcoh&qs=n&sp=-1&pq=qandeel+balcoh&sc=8-
14&sk=&cvid=C73C24EC07FB402B825EAFBF831D1484&ru=%2fsearch%3fq%3dQandeel%2bBalco
h%26qs%3dn%26form%3dQBRE%26sp%3d-1%26pq%3dqandeel%2bbalcoh%26sc%3d8-
14%26sk%3d%26cvid%3dC73C24EC07FB402B825EAFBF831D1484&view=detail&mmscn=vwrc&mi
d=F3E92E88CFEEE091EF26F3E92E88CFEEE091EF26&FORM=WRVORC

You might also like