You are on page 1of 14

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang

Ikatlong Markahan – Modyul 3: Gender Roles o Gampaning Pangkasarian sa Lipunan


Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rowena B. Marasigan
Editor : Jolibeth R. Ema , Vilma C. Estadilla
Tagasuri: Bernard R. Balitao
Technical: Glady O. Dela Cruz
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Elinettee B. Dela Cruz
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Araling
10
Panlipunan
Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 3
Gender Roles o Gampaning Pangkasarian sa
Lipunan
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 Modyul sa Gender Roles o Gampaning


Pangkasarian sa Lipunan!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang
paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na
dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto
ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

MELC 1 / Unang Linggo. Natatalakay ang mga uri ng kasarian(gender) at sex at gender
roles sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig
Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang ang mga mag-aaral ay:
A. natataya ang bahaging ginagampanan ng kasarian (gender roles) sa lipunan
at iba’t ibang larangan; at
B. nailalarawan ang gender roles ng kababaihan at kalalakihan sa iba’t ibang
panahon ng kasaysayan ng bansa.

PAUNANG PAGSUBOK

Subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong
kaalaman tungkol sa paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi
masasagutan ng wasto at alamin ang sagot sa modyul na ito.

1. Ang patriyarkal ay sistemang panlipunan na may malaking pagpapahalaga sa


___________.
A. babae B. lalaki C. LGBTQIA+ D. transgender
2. Ang gender role ay tumutukoy sa _____________________________
A. pisikal at emosyonal na atraksiyon na nararamdaman ng isang indibidwal
B. pamantayang panlipunan o norms na nagtatakda sa mga gawaing mainam o
katanggap-tanggap sa lipunan
C. natural o biyolohikal na katangian bilang babae at lalaki
D. sistemang legal na tinitingnan ang mga kababaihan na mas mababa kaysa sa
kalalakihan

3. Ano ang implikasyon ng pagkakaloob ng karapatang makapag-aral at bumoto sa


mga kababaihan sa panahon ng mga Amerikano?
A. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na maaari silang makilahok sa mga gawaing
panlipunan
B. Naging aktibo sa pulitika ang mga babae
C. Mas naging mataas ang pinag-aralan ng kababaihan
D. Tumaas ang pagtingin sa kababaihan

4. Ayon sa pag-aaral ni Eviota(1994) ang gender ay kultural, hindi natural. Tukuyin


ang hindi angkop na pahayag sa kaisipan.
A.Ito ay bunga ng pagbagay ng lipunan sa sitwasyon o kondisyon ng isang indibiwal
B.Itinakda ng lipunan ang gampanin ng isang indibiwal batay sa kanyang seks
C.Natututunan ng bawat indibidwal ang kanyang kasarian dahil sa pakikipag-
ugnayan o sosyalisasyon.
D.Ang gampaning pangkasarian ay biyolohikal na katangian ng isang tao.
5. Ang mahalagang probisyon ng Saligang Batas ng Pilipinas 1987, Artikulo II,
Seksyon 14 ay tungkol sa ______________________________ .
A. karapatan ng mga LGBTQIA+
B. pantay na karapatan para sa mga babae at lalaki
C. karapatan sa pagboto ng mga kababaihan
D. karapatang magkaroon ng mataas na posisyon sa trabaho

BALIK-ARAL

Panuto: Balikan natin ang nakaraang aralin. Mahalagang maunawaan nang lubusan ang
kahulugan ng mga salitang may kaugnayan sa kasarian at seksuwalidad. Tukuyin ang
inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang letra ng wastong sagot.

a. Asexual f. Queer
b. Homoseksuwal g. Lesbian
c. Heteroseksuwal h. Gay
d. Bisexual i. Questioning
e. Transgender j. Intersex

1. Babae na may emosyonal at pisikal na atraksiyon sa kapwa babae


2. Nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip at
ang pangangatawan ay hindi magkatugma
3. Nakakaranas ng sekswal, romantiko o emosyonal na atraksiyon sa kapareho at
kasalungat na kasarian
4. Nakakaranas ng sekswal, romantiko o emosyonal na atraksiyon sa kasalungat na
kasarian
5. Nakakaranas ng sekswal, romantiko o emosyonal na atraksiyon sa kaparehong
kasarian
6. Lalaki na may emosyonal at pisikal na atraksiyon sa kapwa lalaki
7. Babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at
umiibig sa kapwa babae
8. Tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na bakla, beki, at bayot
9. Hindi sila naniniwala na sila ay babae o lalaki. Walang kasiguraduhan sa kasarian
10. Hindi nakakaranas ng atraksiyon sekswal sa anumang kasarian
ARALIN 3- GENDER ROLES O GAMPANING
PANGKASARIAN SA LIPUNAN

Gender Roles
Ayon sa World Health Organization ang gender roles o gampaning pangkasarian ay
tumutukoy sa pamantayang panlipunan o norms na nagtatakda sa mga gawaing mainam o
katanggap-tanggap sa lipunan ayon sa seksuwalidad ng isang tao bilang miyembro ng
lipunan.

Ang terminong “gender roles” ay nagmula kay John Money noong 1955 habang
kanyang pinag-aaralan ang pagkakaiba-iba ng kasarian upang ilarawan ang kilos at gawi ng
mga tao bilang babae at lalaki sa mga sitwasyon kung saan walang “biological assignment”
na umiiral.

Maaaring ilarawan ang gender roles sa pamamagitan ng sumusunod:


1. Ang konsepto ng gender roles ay “malleable” o maaaring magbago. Sa
perspektibong sosyolohikal, maaaring nagtataglay ang isang tao ng katangian ng
isang partikular na sex ngunit ibang gender naman ang kanyang ginagampanan.

Halimbawa:
• Isang babae na nagtatrabaho sa konstruksyon.
• Isang lalaki na nag-aalaga ng mga anak at nangangasiwa ng mga
gawaing-bahay.

2. Ang gender roles ay maaaring maimpluwensyahan ng kultura.


3. Nagkaroon ng pagbabago ng pananaw sa gender roles dahil sa pemenismong
perkspektibo o pagpapalaganap ng karapatang pangkababaihan.

Ang gender stereotype ay tumutukoy sa ideya kung ano at paano dapat kumilos o
magsalita ang isang indibidwal batay sa pangkat na kanyang kinabibilangan.
Mapanganib ang “gender stereotyping “dahil maaari itong maging sanhi ng
maling kaisipan o pananaw. Kapag ang indibidwal ay hindi umaayon sa
stereotype ng kasarian sa isang lipunan, ito ay maaaring humantong sa
diskriminasyon at hindi patas na pagtrato.

Mga Kalagayang Panlipunan(Social Conditions) at Gender Roles sa Pilipinas

Paano nakakaapekto ang kalagayang panlipunan sa gampaning pangkasarian (gender


roles)?
Panahon Lalaki Babae
Pre-Kolonyal • Sa pagtalakay ni Eviota (1994), may
• Maaaring pantay na karapatan ang mga babae at
magkaroon ng lalaki bago dumating ang mga Kastila.
maraming asawa • Ayon kay Dr. Carol Sobritchea, dating
• Maaaring propesor at antropologo sa Unibersidad ng
makipaghiwalay sa Pilipinas, may kalayaan ang mga babae
asawa at bawiin bago dumating ang mga Kastila. Sila ay
ang mga ari-ariang nasa labas at nagsasaka. Mas pantay ang
ibinigay niya sa status ng babae at lalaki.(Quarantined with
pahahon ng Howie Severino, GMA News, June 2020)
kanilang • May mahalagang gampanin bilang
pagsasama. (Boxer babaylan (katutubong manggagamot)
Codex) • Binibigyan ng mataas na pagpapahalaga
( maaaring maging tagapagmana ng datu,
priestess, mamuno at maging mandirigma
)
• Subalit may mga ilang pagkiling pa rin sa
mga kalalakihan (Boxer Codex)
Hal: Maaaring patayin ng asawang lalaki
ang kanyang asawang babae kapag
nakitang sumama sa ibang lalaki
Maaaring makipaghiwalay ang babae
subalit wala siyang makukuhang
anumang pag-aari.
Panahon ng • Pinairal ang • Ang mga babae ay dapat nasa bahay
Espanyol sistemang lang. Nakasuot ng baro’t saya dahil hindi
patriyarkal. Malawak dapat nakikita ng ibang tao ang kanyang
ang saklaw ng mga katawan dahil ito’y pagmamay-ari ng
karapatan . kanyang asawa. (Sobritecha, 2020)
• Ang mayayaman ay
nakakapag-aral sa Sa pag-aaral naman ni Eviota, 1994, ang mga
uniberidad sa babae ay:
Europa(Eviota, • Inihahanda bilang ina ng tahanan na
1994) sanay sa mga gawaing bahay
• Ang mga maykaya ay nakakapag-aral sa
Patriyarkal- ito ay kumbento
sistemang panlipunan na • Ang ilang kababaihan ay abala sa mga
may mataas na gawaing agricultural at pagtatrabaho sa
pagpapahalaga sa pabrika (Hal: pabrika ng tabako)
kalalakihan
• Limitado ang karapatang taglay ng
kababaihan dahil sa sistemang legal ng
mga Espanyol na tinitingnan ang
kababaihan na mas mababa o “ inferior”
kaysa sa kalalakihan.

• Sa panahon ng mga pag-aalsa, may mga


Pilipina ring nagpakita ng kanilang
kabayanihan gaya ni Gabriela Silang at
Gregoria De Hesus (Mother of Philippine
Revolution). Ang mga babae ang
nagsilbing mensahero, tagapagluto,
tagapag-alaga sa mga sugatan at
mananayaw sa tuwing may pagpupulong
ang mga katipunero upang hindi
maghinala ang mga Espanyol
• Sa pagtalakay ng konstitusyon noong
1898, hindi pinahintulutan ng mga
mayayamang lalaki na mabigyan ng
kaparatang bumoto ang kababaihan

Panahon ng Malawak ang saklaw ng • Ayon kay Sobritchea(2020), umangat ang


Amerikano mga karapatan sa kalagayan ng kababaihan dahil sa ilang
patriyarkal na lipunan reporma.
• Nagkaroon ng karapatang makapag-aral
mahirap man o mayaman
• Nabuksan ang isipan ng kababaihan na
hindi lamang dapat bahay at simbahan
ang mundong kanilang ginagalawan.
• Nabigyan ng pagkakataong
makapagtrabaho bilang guro, klerk at
sales staff.
• Nabigyan ng karapatang bumoto noong
Abril 30, 1937
Panahon ng Malawak ang saklaw ng • Kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa
Hapones mga karapatan sa mga Hapones
patriyarkal na lipunan • May ilang kababaihan na naabuso at
pinagsamantalahan ng mga Hapones.
Sila ay tinatawag na “comfort women”.
Kasalukuyan Malawak ang saklaw ng • May pantay na karapatan ang babae at
mga karapatan lalaki alinsunod sa Saligang Batas ng
Pilipinas 1987, Artikulo II, Seksyon 14
Sanggunian:
Deped Module,
Learning Module sa AP 10,2017., Department of Education
Published Materials:
Eviota, Elizabeth U.1994. Sex and Gender in Philippine Society. A Discussion of Issues on the Relation Between Women and
Men. Manila: National Commission on the Role of Filipino Women
Internet
https://tonkshistory.wordpress.com/2012/02/22/the-role-of-women-from-pre-hispanic-to-spanish-era/

Ang “Boxer Codex” ay isang dokumento na tinatayang ginawa noong 1595. Ang dokumento
ay pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Luis Perez Dasmariñas, ang Gobernador-Heneral ng
Pilipinas noong 1593-1596. Ang dokumento ay napunta sa koleksiyon ni Propesor Charles
Ralph Boxer; kaya ipinangalan ito sa kanya.

MGA PAGSASANAY

GAWAIN A: TAMA O MALI: Tukuyin kung tama o mali ang pahayag ukol sa gender roles ng
mga Pilipino sa ating lipunan mula noon hanggang sa kasalukuyan. Isulat ang salitang TAMA
kung wasto ang pahayag; kung mali, palitan ang salitang may salungguhit upang maging
wasto ang kaisipan.

______1. Ang pagdating ng mga Hapones ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan at


pagkakapantay-pantay sa Pilipinas.

______2.Dahil sa sistemang legal ng mga Espanyol,limitado ang karapatan ng mga


kababaihan

______3. Sa panahon ng mga Amerikano nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi


lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.

______4. Sa panahong kolonyal, sinasabing may pantay na karapatan ang mga babae at
lalaki subalit may ilang pagkiling pa rin sa kalalakihan.

______5. Sa perspektibong sosyolohikal, maaaring nagtataglay ang isang tao ng katangian


ng isang partikular na sex ngunit ibang gender naman ang kanyang ginagampanan.
GAWAIN B: GENDER TALK

Kalagayang Panlipunan at Gampaning Pangkasarian ( Gender Roles) Batay sa inyong


pagkakaunawa bigyan ng konkretong paliwanag ang mga konseptong inyong natutunan sa
pamamagitan ng pagkumpleto ng mga pahayag sa ibaba:

1. Ang gender roles ay malleable dahil_______________________________.


2. Ang gender roles ay kultural, hindi natural sapagkat_____________________
3. Sa patriyarkal na lipunan ay ____________________________________
4. Limitado ang karapatan ng kababaihan sa panahon ng mga Espanyol dahil
__________________________________________________________.
5. Nagkaroon ng mga pagbabago sa gampanin ng kababaihan
dahil_______________________________________________________.

PAGLALAHAT

Pagkatapos mong basahin ang aralin, sagutin ang katanungan sa ibaba sa pamamagitan
ng pagbuo ng acrostic.

Paano nakakaapekto ang kultura sa gampaning pangkasarian (gender roles) ng


isang indibidwal?
K-______________________ G-___________________ R-______________
U-______________________ E-__________________ O-______________
L-______________________ N-___________________ L-______________
T-______________________ D-___________________ E-______________
U-______________________ E-___________________
R-______________________ R-___________________
A-______________________

PAGPAPAHALAGA

Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas 1987, Artikulo 2, Seksyon 14, "The State
recognizes the role of women in nation building, and shall ensure the fundamental
equality before the law of women and men."
Tanong:
• Anu – ano ang mga programa o proyekto na ipinatutupad sa Lungsod ng
Pasig na nagtataguyod ng gender equality sa ating komunidad? Magbigay
ng tatlong halimbawa.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng wastong sagot.

1. Tumutukoy sa ideya kung ano at paano dapat kumilos o magsalita ang isang
indibidwal batay sa pangkat na kanyang kinabibilangan
A. gender role B. gender stereotype C. gender identity D.gender

2. Ito ay tumutukoy sa pamantayang panlipunan o norms na nagtatakda sa mga


gawaing mainam o katanggap-tanggap sa lipunan ayon sa seksuwalidad ng isang tao
bilang miyembro ng lipunan.

A. Gender Role B. Patriyarkal C. Matriyarkal D. Pemenismo

3. Bakit may limitadong karapatan ang kababaihan sa panahon ng mga Espanyol ?


A. Ang kababaihan ay dapat nasa bahay lang
B. Mas binibigyan ng mataas na pagpapahalaga ang kalalakihan
C. May mataas na pinag- aralan ang kalalakihan
D. Sistemang legal na tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa
kalalakihan

4. Ano-anong mga karapatan ang natamasa ng kababaihan sa panahon ng mga


Amerikano?
I. Karapatang makapag-aral mahirap o mayaman
II. Karapatang makipaghiwalay sa asawa dahil sa kapabayaan
III.Karapatang makilahok sa mga gawaing pansimbahan at pansibiko
IV. Karapatang makilahok sa politika sa pamamagitan ng pagboto
A. I, II B. II,III C. III, IV D.I, IV

5. Ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas 1987, Artikulo 2, Seksyon 14, "The State
recognizes the role of women in nation building, and shall ensure the fundamental equality
before the law of women and men." Paano ito isinasakatuparan ng pamahalaan sa
kasalukuyan?
A. Pagbibigay ng karapatang makilahok sa pulitika
B. Pagpapatupad ng mga batas, programa at proyekto para sa kababaihan
C. Pagbibigay ng scholarships upang makapag-aral sa unibersidad
D. Pagtatalaga ng mga babaeng opisyal bilang miyebro ng gabinete
PANIMULANG PAGSUBOK SanggunianPANAPOS NA PAGSUSULIT
1.B 1.B
2.B 2.A
3.A 3.D
4.D 4.D
5.B 5.B
BALIK- ARAL
1. G
2. E
3. D
4. C
5. B
6. H
7. G
8. H
9. F
10. A
MGA PAGSASANAY
GAWAIN A
1.Hapones- Amerikano
2.Tama
3.Tama
4.kolonyal- pre-kolonyal
5.Tama
GAWAIN B- Gender Talk
1.Ang gender roles ay malleable dahil ito ay maaaring magbago batay sa kultura ng
lipunan at sa pagsusulong ng mga bagong kaisipan.
2.Ang gender roles ay kultural, hindi natural sapagkat ito ay batay sa pamantayang
panlipunan o norms na nagtatakda sa mga gawaing mainam o katanggap-tanggap sa
lipunan ayon sa seksuwalidad ng isang tao bilang miyembro ng lipunan.
3.Sa patriyarkal na lipunan ay binibigyag ng mataas na pagpapahalaga o pagkilala
ang kalalakihan.
4. Limitado ang karapatan ng kababaihan sa panahon ng mga Espanyol dahil sa
sistemang legal ng mga Espanyol na tinitingnan ang kababaihan na mas mababa o “
inferior” kaysa sa kalalakihan.
5.Nagkaroon ng mga pagbabago sa gampanin ng kababaihan dahil sa pagsulong
ng pemenismong perspektibo at pagbabago ng pananaw sa gender roles na
nagpapalaganap ng karapatan ng kababaihan.
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Albert, Jose Ramon G. et.al 2017, Filipino Women in Leadership: Government and Industry .Quezon City: Research
Information Department, Philippine Institute for Development Studies.

Antonio, Eleanor D. et.al.,2017. Kayamanan, Mga Kontemporaryong Isyu, Manila: Rex Book Store.
Eviota, Elizabeth U.,1994. Sex and Gender in Philippine Society. A Discussion of Issues on the Relation
Between Women and Men. Manila: National Commission on the Role of Filipino Women
Macairan ,Evelyn 2012. Househusband emerging in Phil. , Philippine Star.,
https://www.philstar.com/other-sections/news-feature/2012/06/17/817875/house-husbands-emerging-phl
https://pids.gov.ph/press-releases/391
http://cgacadthephilippines.weebly.com/blog/gender-roles-in-the-philippines
http://library.fes.de/pdf-files//bueros/philippinen/50069.pdf
https://courses.lumenlearning.com/culturalanthropology/chapter/gender-role/ -
https://www.jica.go.jp/activities/issues/gender/reports/ku57pq00002hdv3w-att/phi_2008_summary_en.pdf
https://tonkshistory.wordpress.com/2012/02/22/the-role-of-women-from-pre-hispanic-to-spanish-era/
https://www.scribd.com/document/393575448/Gampaning-Pangkasarian-Panahon-Ng-Hapon
http://library.fes.de/fulltext/iez/01109003.html

You might also like