You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 3 Mga Alamat
ng Ilog Pasig at Si Kabesang Tales

Name of Learner: ___________________________


Grade & Section: ___________________________
Name of School: 1 ___________________________
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Girley Joy S. Sorela

Editor:

Tagasuri:

Tagapagpamahala:
Majarani M. Jacinto, EdD,CESO VI
OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE


OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD


CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE


EPS-LRMDS

Josephine L. Tomboc, EdD


EPS- Filipino

2
Alamin

Halika! nais kong malaman mo na gagabayan kita sa iyong pagsisimula


sa modyul na ito. Inaasahan kong magiging mas makulay ang iyong pagtuklas
sa mga makabuluhan at makasaysayang pangyayari ng akdang El
Filibusterismo , naniniwala ako na sa aking paggabay at iyong pagsusumikap
ay magagawa mo ang mga kasanayang ito:

Natutukoy ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa akda sa


pamamagitan ng:

Pagtunton sa mga pangyayari


Pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
Pagtiyak sa tagpuan
Pagtukoy sa wakas

Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa

binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng

halimbawa

Magpatuloy ka lang kasama mo ako sa buong paglalakbay na ito.

Paalala bago ka pagpapatuloy huwag mong kalimutan na gamitin mo ang iyong


sagutang papel para sa iyong mga kasagutan.

Tandaan na makasasama mo ako sa buong paglalakbay na ito.

3
Aralin Ang mga Alamat ng Ilog Pasig at Si
4.3 Kabesang Tales

Balikan

Humakbang ka pa! Alam kong sabik ka pa ring maipagpapatuloy ang iyong


karanasan sa pagkatuto sa araw na ito. Pero bago ‘yun ay sabay nating balikan ang
nakaraang leksiyon. Natutunan mo na sa naunang kabanata ng Nobelang El
Filibusterismo ang tungkol sa paglalakbay ng mga pangunahing tauhan sakay ng
Bapor Tabo. Inilarawan sa kabanatang ito ang mga paniniwala at pag-uugali ng
mga mayayaman at karaniwang mga pasahero gaya nalang nina Simoun, Donya
Victorina, Ben Zayb, Pari Florentino at iba pa.

Huwag kang mag-alala gagabayan kita hanggang mapagtagumpayan mo ang


gawaing ito. Sagutin mo muna ang mga sumusunod na mga tanong bilang
pagbabalik-aral.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na mga tanong/pahayag. Piliin


ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ito ang dahilan ng mabagal na pag-usad ng Bapor Tabo.


a. Kakulangan ng karanasan ng kapitan ng bapor
b. Sobra ang dami ng mga pasahero ng bapor.
c. Napakababaw ng ilog.
d. Masama ang panahon.

2. Paano naipapakita sa kabanata 1 at 2 ang pagkakaiba ng mga mayayaman


sa mahihirap sa panahong iyon?
a. Naipapakita ito sa kanilang pananamit.
b. Kapansin-pansin ang ito sa kanilang pananalita.
c. Sa pagkakaroon nila ng magkaibang puwesto sa bapor.
d. Sa kanilang pananalita.

3. Layunin ni Simoun sa kanyang pagbibigay ng kakaibang panukala at


suhestiyon sa kanilang usapan kasama ang mga may kapangyarihan sa
bapor.
a. Upang magkaroon siya ng maraming kaibigan.
b. Para magalit ang mga Pilipino sa pamahalaang kastila.
c. Nang magkaroon siya ng maraming benta ng alahas.
d. Upang makuha ang tiwala ng mga prayle.

4
Tuklasin

Binabati kita sa iyong patuloy na sigasig para sa gawain mong ito.


Napagtagumpayan mo na ang mga naunang mga bahagi at natitiyak kong
magagawa mo ito hanggang dulo.

Mahalagang maunawaan mo at mabasa nang buong husay ang mga


buod ng kabanata 3-4 ng El Filibusterismo upang higit mong malinang ang
mga kasanayang alam kong kayang-kaya mong maisagawa.

Tara isang malaking hakbang pa. Basahin mo nang may pang-unawa


ang mga buod ng Kabanata 3 at 4 ng El Filibusterismo

Ang Mga Alamat ng Ilog Pasig ( Kabanata 3)

(Buod ni Gng. Mercy T. Andujar)

Patuloy ang pag-uusap ng mga pasahero ng itaas ng bapor nang datnan


ni Padre Florentino. Paksa ng mga prayle ang tungkol sa mga hinaing ng mga
taong bayan sa pagtaas ng kanilang bayarin sa simbahan.

Dumating si Simoun at sinabing di niya nakita lahat ng mga lugar na


dinaanan ng bapor. Sinabi rin niyang wala rin namang saysay ang mga lugar
na iyon kung wala itong mga alamat. Kaya nagsimulang magkuwento tungkol
sa mga alamat ang mga pasahero pati narin ang Kapitan ng bapor.

Ikinuwento ng kapitan ang tungkol sa Alamat ng Malapad na Bato. Ang


mga batong ito ay pinanahanan daw ng mga ispiritu noon, ngunit nang ito ay
naging taguan ng mga tulisan ay nag-aalisan narin ang mga ispiritu.
Pinaniniwalaan ng mga tao na ang lugar na ito ay banal. Si Padre Florentino
naman ang nagkuwento tungkol sa alamat ni Donya Geronima.

5
May magkasintahan daw na mula sa Espanya na ang lalaki ay naging
arsobispo ng Maynila. Pinangakuan ng lalaki ang babae na sila ay magpapakasal
ngunit ang lalaki ay hindi na nakabalik. Nalaman ng dalaga na naging arsobispo
na ang kasintahan. Nagbalat-kayo siya bilang lalaki at pinuntahan ang
kasintahan at sinabing tuparin nito ang kanyang ipinangakong kasal. Naisip ng
arsobispo na itira ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.
Pinaalagaan niya ito at ang babae ay tumaba nang labis na hindi na nito kaya
pang ilabas ang katawan mula sa kuweba at doon na namatay.

Nagustuhan ni Donya Victorina ang alamat na ito, at ibig din daw niyang
manirahan sa yungib. Sinabi naman ni Simoun kay Pari Salvi na dapat daw ay
sa beateryo nalang pinatira ang babae. Ayon naman kay Pari Salvi wala daw
siyang maibigay na hatol sa ginawa ng arsobispo sa kasintahan. Para mabago
ang usapan isinalaysay ni Padre Salvi ang alamat ni San Nicolas tungkol sa
buwayang bato. May isang instik daw na mangangalakal sakay ng isang bangka
nang biglang lumapit ang isang buwaya. Tinawag daw ng intsik ang pangalan
ni San Nicolas at ang buwaya ay naging bato.

Nang dumating na sila sa lawa, itinanong ni Ben Zayb sa kapitan ng


bapor kung saang bahagi natagpuang patay ang nagngangalang Guevarra,
Navarra o Ibarra. Naghahanap naman si Donya Victorina ng bakas sa tubig sa
pangyayaring naganap labintatlong taon na ang nakalipas. Sinabi ni Padre
Sibyla na kasama ng anak ang bangkay ng ama. Sinabi pa ni BenZayb na iyon
na ang pinakamurang libing. Nagtawanan ang ibang nakikinig sa usapan.
Samantalang si Simoun ay namutla at sumamama raw ang pakiramdam.

Si Kabesang Tales ( Kabanata 4 )


Buod ni Gng. Mercy T. Andujar

Si Kabesang Tales ay umunlad sa buhay dahil sa kanyang kasipagan. Siya


ang anak ni Tandang Selo na siyang kumupkop kay Basilio sa gubat. Anak niya
si Huli na naging kasintahan naman ni Basilio.

Sa kanilang paghahawan ng lupa ay namatay ang kanyang asawa at anak na


dalaga na si Lucia . Namatay ang mga ito sa matinding lagnat. Naniniwala si
Tales na nagambala niya ang mga ispiritung nanahanan sa mga lupang kanyang
binungkal.

6
Yumaman si Tales sa kanyang kasipagan at pagtitiyaga at patuloy na
lumalaki ang lupang kanyang sinasaka. Naisip niyang pag-aralin din ang
kanyang anak na si Huli sa kolehiyo upang maging pantay man lang ito kay
Basilio na malapit na ring magtapos sa pagiging doktor.

Dahil sa patuloy na pag-unlad ng pamumuhay ni Tales ay pataas din


nang pataas ang buwis taon-taon. “ Isipin mo nalang anak lumalaki ang
buwaya’, ito ang sabi sa kanya ng amang si Tandang Selo. Hanggang sa hindi
na kinaya ni Tales at ayaw na niyang sundin pa ang kasakiman ng korporasyon
ng mga prayle. Handa na siyang ipaglaban ang kanyang lupa.

Inutos ng korporasyon ng mga prayle sa pamamagitan ng kanilang


katiwala na babawiin ang lupa niya. Ipinakita ni Tales ang kanyang titulo
ngunit hindi ito pinaniniwalaan ng katiwala at ng korporasyon. “ Sa lupang ito
nailibing at namatay ang aking asawa at anak na dalaga, magdilig muna sila ng
dugo bago nila makuha at maangkin ang lupang ito.” Ang sagot ni Tales sa
katiwala at sinabing handa siyang ipaglaban ang lupa. Mula noon, lagi ng
nagtatanod ng kanyang lupain si Tales. Napabalitang laging may dalang baril si
Tales kaya walang nakakapasok sa kanyang lupain. Ipinagbawal ang pagdadala
ng baril kaya arnis ang dala niya balita din siya na magaling sa arnis.
Ipinagbawal na ang pagdadala ng gulok kaya palakol ang dala niya.

Nahulog sa kamay ng mga tulisan si Tales sa kanyang pamamalagi sa


kanyang lupain. Isinanla ni Huli ang kanyang mga hiyas para pantubos kay
Kabesang Tales maliban sa agnos na bigay ni Basilio. Ngunit hindi parin sapat
ang pera na kanyang nalikom. Nangutang si Huli ng pera kay Hermana
Penchang ngunit kailangan niyang mamasukan bilang katulong.

Magaling! Magaling! Nakatutuwa ang ipinakita mong kasiglahan at


matagumpay mong natapos ang pagbabasa at pag-unawa sa pangatlo at pang-apat
na kabanata ng El Filibusterismo. Naniniwala akong nakikilala mo na ang mga
tauhan ng nobelang ito at magagawa mo nang buong husay ang mga gawaing
itinakda para sa iyong higit na pagkatuto.

Pero bago iyon, sagutin mo muna ang mga tanong sa pang-unawa. Lagi
mong tatandaan na gagabayan parin kita at kayang-kaya mong gawin ito. Kung
may mga tanong na hindi mo agad masasagot, ay maari mong balikan at basahin
muli ang buod ng bawat kabanata.

7
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa pang-unawa at isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.

1. Sa anong pagkakataon nagkakasama sina Pari Florentino, Simoun, Ben Zayb,


Donya Victorina at iba pang tauhan?
____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

2. Para sa pang-apat na kabanata, bakit nais angkinin ng korporasyon ng mga


prayle ang lupang sinasaka ni Kabesang Tales?
___________________________________________________________________

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Mahusay ang iyong ginawa, kung pagod ka na ay maari ka namang


magpahinga ngunit huwag kang titigil, nalalapit ka na sa iyong kahusayan.
Patuloy parin kitang gagabayan. Nakapagpahinga ka ba? Ngayon alam
kong handa ka na.

Humakbang pa tayo sa susunod na gawain. Tara!

8
Suriin
Nais kong malaman mo na mahalaga ang iyong pagbabasa at pag-unawa ng
buod sa pangatlo at pang-apat na kabanata ng nobelang El Filibusterismo upang
mapansin mo at maalala ang mga tauhang sangkot sa kabanatang ito. Para sa
paglilinaw narito ang mga tala ng mga tauhan na kailangan mong makilala upang
iyong malaman ang papel na kanilang ginagampanan sa pamamagitan ng
pagtunton sa mga pangyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang naganap,pagtiyak sa
tagpuan at pagtukoy sa wakas ng bawat kabanata.

Ang Mga Alamat ng Ilog Pasig Si Kabesang Tales


( Kabanata 3) ( Kabanata 4)

Mga Tauhan:
A. Simoun Mga Tauhan:
B. Ben Zayb • Kabesang Tales
C. Donya Victorina
• Tandang Selo
D. Pari Florentino
E. Kapitan ng Bapor • Huli
F. at iba pa • Katiwala ng mga Prayle

Pansinin mo ito. Ang isang nobela gaya ng El Filibusterismo ay binubuo


hindi lamang ng mga tauhan kundi ng banghay – ito ang mga
magkakasunud-sunod na mga pangyayari ; tagpuan- lugar na pinangyarihan
( kadalasan ang isang nobela ay may maraming tagpuan); tunggalian- ito ang
naging suliranin o problema kaya nagkaroon ng labanan; wakas- bahaging
katapusan ng isang nobela.

Mahalaga ang mga karagdagang kaalamang ito para sa iyong


pagpapatuloy sa susunod pang mga gawain. Bilang karagdagan kailangan
ding matutunan mo ang kahulugan ng mga matalinghagang salita na
maaring nakapaloob sa iyong binasa. Ang matalinghagang pahayag ay ang
mga salitang di – lantad o tago ang kahulugan.

9
Huwag mong kaligtaan ang mga kaalamang nabanggit sa itaas upang higit
pang malinang ang iyong kasanayan. Narito ang isang gawain para sa iyo.

Narito ang mga halimbawang pahayag at ang mga kahulugan nito mula sa mga
kabanatang inyong nabasa. Pansinin mo ang mga salitang nakaitalisado.

1. Isipin mo nalang anak na lumaki ang buwaya at umiwas nalang tayo sa gulo.

Ano kaya ang kahulugan ng salitang buwaya sa pangungusap na ito? ang


buwaya sa pahayag na ito ay tumutukoy sa mga taong mapanlamang sa kapwa.

2. Panuto: Hanapin mo sa hanay B ang katapat na kaisipan upang


mailarawan ang mga tauhan sa Hanay A. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

Hanay A Hanay B
1. Donya Victorina a. Ginawa ang lahat para matubos ang ma
2. Huli b. Tinanong ang tungkol kay Guevarra o Ibarra
3. Ben Zayb c. Gusto rin niyang tumira sa kuweba
4. Kabesang Tales d. Masipag siya at matiyaga
5. Kapitan ng Bapor e. Ikinuwento niya ang tungkol sa Alamat ng
Malapad na Bato

Pagyamanin

Binabati ulit kita! Alam kong mapagtagumpayan mo pa ang mga susunod


na mga gawain para sa iyong higit na pagkatuto.Sasamahan parin kita hanggang
dulo.

Gawain 1. Panuto: Character profile. Ibigay ang mga bagay na ginawa ng mga
tauhan sa bawat sitwasyong kinaroroonan.

10
Pangyayari: Nang nais ng agawin ng korporasyon ng mga prayle ang kanyang
lupa.

____________________________________________________

____________________________________________________
Kabesang
____________________________________________________ Tales

____________________________________________________

Pangyayari: Nang binanggit ang tungkol sa nagngangalang Guevarra,


Navaraa o Ibarra

____________________________________________________

____________________________________________________
Simoun
____________________________________________________

____________________________________________________

Isaisip

Humakbang ka pa! Maganda ang ipinakita mong kasiglahan sa iyong


pagsagawa sa mga naunang bahagi ng modyul na ito. Kaya ituluy-tuloy mo lang
kasama mo parin ako.

Push mo pa ito! Lagyan mo ng tsek ang iyong sagot sa mga katanungang ito?
Naging malinaw ba kung ano ang naging tunggalian ng pangatlong kabanata?
Oo _______
Hindi ______
Ipaliwanag ang iyong sagot : ________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

11
Malinaw ba ang paglalahad ng mga tagpuan sa pang-apat na kabanata?

Oo _______
Hindi ______
Ipaliwanag ang iyong sagot : ________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Binabati ulit kita sa iyong pagpupursige sa gawaing ibinigay sa iyo. Bago ka


magpatuloy sa susunod na hakbang ay sagutin mo muna ito. Ibigay ang iyong
pananaw tungkol dito.

Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng isang tauhan sa isang akda?

Isagawa
Yehey! Nalalapit ka na sa pagtatapos ng modyul na ito. Matagumpay mong
naisagawa ang mga gawain at naipakita mo ang iyong galing. Iilang hakbang
nalang at matatapos mo na ang modyul na ito. Gawin mo ang bahaging ito nang
buong husay.

Gawain 1. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at isulat


ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Kung ikaw si Huli paano mo tutulungan ang iyong ama nang pinilit siya ng
katiwala ng korporasyon ng mga prayle na isuko ang lupang kanyang
sinasaka?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

12
2. Sa sitwasyon natin ngayon sa iyong palagay meron pa kayang katulad ni
Ben Zayb na walang takot na magtatanong lalo na sa mga maseselan na
mga pangyayari sa lipunan? Sino-sino kaya ang mga taong ito? Saang
sektor ng lipunan sila kadalasan napabilang?

_______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

3. “ Isipin mo nalang anak lumaki ang buwaya’’, ano ang ibig sabihin ng
talinghagang ito? Kailan magiging angkop ang pahayag na ito sa panahon
natin ngayon?

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

_______________________________________________________________________

4. Paano nagwakas ang pangatlong kabanata na , Ang Mga alamat ng Ilog


Pasig?Bakit ganun ang naging wakas ng kabanta? May mga pangyayari ba
sa iyong buhay na hawig sa wakas na ito? Paano mo ito hinarap?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________

Binabati ulit kita! Matagumpay mo na namang naisagawa ang gawaing


inihanda para sa iyo. Ipagpatuloy mo pa ang iyong kasiglahan at nalalapit ka
na sa katuparan ng iyong ninanais na higit na pagkatuto .

Tayahin
Palakpak para sa iyong kasipagan. Sa wakas ay narito ka na sa huling bahagi ng
iyong modyul at nagawa mo ang mga naunang bahagi nang buong husay. Ngayon
panahon na upang malaman mo kung gaano na ang iyong natutunan. Sagutin mo
nang buong sigasig at husay ang pagsusulit na ito.

13
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag/katanungan. Isulat ang
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ang dahilan kung bakit, sa kanyang sakahan nadukot ng mga tulisan
si Kabesang Tales.
A. Malapit sa kampo ng mga tulisan ang lupa ni Kabesang Tales.
B. Lagi siyang pumupunta dito at wala siyang kasama.
C. Sa lugar na ito nasanay ang mga tulisan.
D. Iyon ang inuutos sa kanya.

2. Paano nakaapekto ang pagtatanong ni Ben Zayb tungkol sa


nagngangalang Guevarra, Navarra o Ibarra habang sila ay sakay sa bapor
Tabo sa pakiramdam ni Simoun?
A. Naging kabado si Simoun at lagi ng nakasimangot.
B. Nalungkot si Simoun nang maalala ang pangyayaring iyon.
C. Napukaw ang galit sa puso ni Simoun.
D. Naging balisa si Simoun at namutla sa pangamba na makilala na siya
dahil sa naungkat ang tungkol sa nangyari sa kanya.

3. Ano ang naging dulot ng pagsasalaysay ng mga tauhang sakay sa bapor


tungkol sa mga alamat ng Ilog Pasig sa takbo ng pangyayari sa kabanata
tatlo?
A. Napagaan nito ang kanilang paglalakbay.
B. Mas napalapit pa sila sa isa’t isa.
C. Nanariwa ang naganap kay Ibarra o Simoun labintatlong taon na ang
nakalipas.
D. Dumami ang humanga sa kapitan ng Bapor.

4. Ano ang naging dahilan ng suliranin ni Kabesang Tales sa lupang


kanyang sinasaka?
A. Ang kawalan niya ng pinanghahawakang papeles.
B. Kasakiman ng mga prayle.
C. Pagkabilanggo ng kanyang anak.
D. Ang pag-aaral ng kolehiyo ni Huli.

5. “Magdilig muna sila ng dugo bago nila makuha at maangkin ang lupang
ito”, ito ang pahayag ni Tales nang pilit kunin ang lupang kanyang
sinasaka. Ang matalinghagang pahayag na ito ay nangangahulugang –
A. Matakot muna sila sa dugo bago makuha ang kanyang lupa.
B. Magbuwis din sila ng buhay bago makuha ang lupa.
C. Makakapatay siya bago pa man makuha ang sinasakang lupa.
D. May-alay muna sila ng mga laman ng hayop bago maangkin ang lupa.

6. “ Isipin mo nalang anak lumaki ang buwaya’’, ito ang payo ni Tandang
Selo sa kanyang anak na si Kabesang Tales. Ano ang ibig sabihin ni
Tandang Selo sa pahayag na ito?
A. Magtiis nalang ang anak isipin ang alagang buwaya.
B. Huwag ng manlaban ang anak at pagtimpi nalang.
C. Isipin nalang ng anak ang sariling kapakanan.
D. Tanggapin nalang ang katotohanan na tumaas na ang buwis.

7. Ano ang naging epekto ng pagkadukot kay Kabesang Tales sa kanyang


anak na si Huli?
A. Sobrang nalungkot si Huli at laging umiiyak.

14
B. Sa matinding galit ng anak, namundok ito.
C. Bininta niya ang kanyang mga hiyas at nagpaalila para matubos ang
ama.
D. Tumakas siya kasama ang kanyang Lolo Selo.

8. Sino sa mga tauhan ng kabanata tatlo ang higit naging sanhi ng pagsama
ng pakiramdam ni Simoun sa wakas ng kabanata?
A. Ben Zayb
B. Donya Victorina
C. Pari Florentino
D. Kapitan ng Bapor

9. Sa aling pangyayari ng kabanata apat ipinapakita na Kabesang Tales ay


kanyang pagkamapamahiin?
A. Nang nagdala siya ng arnis sa sakahan niya.
B. Nang naniwala siya na nagambala niya ang mga ispiritung nanirahan
sa lupang sinasaka kaya namatay ang kanyang asawa at anak.
C. Nang ayaw niyang pag-aralin si Huli.
D. Nang lagi siyang nakatanod sa kanyang lupa.

10. Bakit nagkaroon ng interes ang mga prayle sa lupang sinasaka ni


Tales?
A. Masagana ang ani nito at kumikita ng malaki si Kabesang Tales.
B. Malapit kasi ito sa kumbento.
C. May nakabaong ginto dito.
D. Ito ang pinakamalaking lupain sa buong bayan.

Karagdagang Gawain

Masaya ako at nakasama kita sa karanasan mong ito. Sana ay naging masaya ka
rin. Bago mo ibalik ang modyul na ito ay tanggapin mo muna ang masayang
hamon ng karagdagang gawain para sa iyong higit na pagkatuto.

Panuto: Mamili ka ng isang tauhan mula sa kabanata tatlo at apat na nais


mong tularan at bakit? Isulat ang iyong sagot sa iyong journal.

15
Susi ng Pagwawasto

Sanggunian
Panitikang pandaigdig Filipino 10: Modyul para sa mag-aaral. Philippines.

Villanueva, Voltaire. Bahaghari 10 yaman ng panitikang pandaigdig aklat sa


Filipino: Wika at panitikn. Philippines: Pisara Publishing.

16

You might also like