You are on page 1of 7

Modyul para sa ikatlo at ikaapat na Linggo

Aralin 3 Wika: Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa


Pagbibigay ng Sanhi at Bunga

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isang Epiko mula sa Mindanao.

Prinsipe Bantugan (Epiko ng Mindanao)


Ikatlong Salaysay ng Darangan

Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng Bumbaran.


Dahil sa kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran.
Bukod sa pagiging matapang ni Bantugan, siya pa rin ang naghahari at namamayani
sa puso ng maraming mga kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang
kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito na walang makikipag-usap kay
Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya (Bantugan) ay parurusahan ng
kamatayan.
Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at dahil sa laki
ng kanyang pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil sa matinding pagod sa
paglalakbay kung saan-saan, si Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay abutin
ng kamatayan sa pintuan ng palasyo ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng
dalawang dagat.
Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid nitong hari, sila ay
nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag ng magkapatid ang
konseho upang isangguni kung ano ang kanilang dapat gawin. Habang sila ay
naguusap, isang loro ang dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya ay galing
sa Kaharian ng Bumbaran at ang bangkay ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng
Bumbaran.
Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay Haring Madali ang
pagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa langit si Haring Madali kasama ang
isang kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Samantala, dinala naman
ni Prinsipe Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring
Madali ay pinilit niyang ibalik ang kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si
Bantugan ay nagsaya ang lahat at nagbago si Haring Madali.
Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si
Bantugan ay namatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang
kawal sa
Bumbaran. Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang
nagdiriwang dahil sa pagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi nalalaman ni
Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang at ito ay napalitan ng paglalabanan.
Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay nakipaghamok sa mga
kalaban. Dahil sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni
Bantugan sa kamatayan, siya ay nanghina hanggang sa mabihag ng kanyang mga
kaaway. Siya ay iginapos subalit unti-unti ring nagbalik ang kanyang lakas nang
makapagpahinga. Nalagot niya ang pagkakagapos sa kanya at muling lumaban.
Dahil

sa malaking galit sa mga kaaway, higit siyang naging malakas hanggang sa


mapuksang lahat ang mga kalaban. Pagkatapos ng labanan ay dinalaw ni Bantugan
ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran at pinakasalang lahat ang kanyang mga
katipan at sila ay dinala sa kanyang kaharian. Sinalubong sila ni Haring Madali nang
buong katuwaan at muli, lahat ay nagdiwang. Nabuhay nang maligaya si Bantugan
sa piling ng kanyang mga babaeng pinakasalan.

https://www.rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-
2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%207%20Q1.pdf

Aralin 4 Panitikan: Maikling Kuwento


Wika: Mga Retorikal na Pang-ugnay
Alam mo ba?

Ang Maikling Kuwento ay isang uri ng akdang panitikan na nasa anyong


tuluyan. Ito ay naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangigibabaw na
pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip
ng mga mambabasa.

Mayroong mga elementong bumubuo sa maikling kuwento. Ito ay ang mga


sumusunod:
1. Tauhan - ito ang gumanap ng aksyon sa kuwento na maaring isang tao,
hayop o bagay.
2. Tagpuan- lugar kung saan naganap ang mga kilos sa kuwento. Kasama rin
sa tagpuan ang oras at anyo ng panahon.

3. Banghay- o ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.


Nakapaloob sa banghay ang:

a. Simula – kung paano nagsimula ang isang kuwento,


b. Pataas na aksyon – inihahayag sa bahaging ito ang ilang
suliranin sa kuwento,
c. Kasukdulan – o klimax kung saan nagaganap ang
pinakamaigting na bahagi ng kuwento,
d. Kakasalasan – paglutas ng suliranin o resolusyon, at ang 
Wakas – huling bahagi o ang kahihinantan ng kuwento.
4. Tunggalian- naman nakapaloob ang mga pinaglalabanang suliranin o
sitwasyon sa kuwento, maaring Tao vs Tao, Tao vs Sarili, Tao vs Lipunan at
Tao vs Kalikasan, at ang huling elemento ay ang

5. 4. Kakintalan, ito ay ang aral o mensaheng naiwan sa manbabasa


pagkaraang mabasa ang kuwento.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kasunod na kuwento.

Regalo
ni Valdwin Jay Daphin

Inalog ko ang baryang matagal nang nakaimbak sa bulsa ng aking kupas nang
pantalon habang nakadikit ang aking mukha sa salamin sa labas ng tindahan ng mga
laruan. Sumimangot ang aking mukha nang makita ang nakatayong karatula ng
presyo. Inalog ko ulit ang aking bulsa, kinapa ang kakaunting barya sa isang araw
kong pagtitinda at paglalako ng dyaryo at sampagita malapit sa simbahan. Nakabenta
ako ng marami ngayong araw na ito. Subalit ang hilaw na tunog ng baryang inalog ko
ay hindi ata kakasya sa singkwenta pesos na nakasulat sa karatula ng mga laruang
kanina ko pa minamasdan.

Idiniin ko nang maigi ang nakadikit kong mukha sa salamin upang makita nang
maayos ang mga makukulay na laruan. Siguradong matutuwa si Jun-Jun sa
matitingkad na pula, berde, asul at dilaw na kulay sa laruang sasakyan at baril-
barilan. Huminga ako ng malalim. Kasabay ng aking pagbubuntong-hininga ay ang
paglapit sa akin ng isang seylsleydi at nag-akmang paaalisin ako. Binitawan ko ang
barya sa aking bulsa, inilayo ang mukha sa papalapit na babae mula sa tindahan, at
humakbang ng ilang apak papalayo. Iniwan ko ang pagbabaka-sakali ng aking isipan.

“Sa susunod na lang siguro,” bulong ko sa sarili. “Balang araw, mabibili rin kita.”
Humakbang na ako palayo sa tindahan. Kitang-kita ko pa rin ang karatula ng
presyo . Sa di kalayuan, nakita ko ang isang tumatakbong lalaking nakaitim at may
takip sa mukha na papunta sa akin. Mabilis akong umilag ngunit huli na nang
mabangga niya ako at tumilapon kami sa daan. Nabitawan niya ang bitbit na maitim
na bag dahil sa pagmamadali niya.
Tumayo akong masakit ang kaliwang paa. Paika-ikang tumayo at nang
makatayo’y pinagpag ang sariling kupas na pantalon. Sa sandaling iyon, nakita ko
ang isang pulis at isang matabang babae patungo sa aking kinaroroonan.
“Bata, may nakita ka bang isang lalaking may dalang bag at tumatakbo
patungo rito?” Tanong sa akin ng pulis.
“Opo,” ang maigsi kong sagot. “Lumiko po siya rito.” Sabay turo sa eskinitang
pinagtakbuhan ng lalaki. “Naiwan niya itong bag dahil nagkabanggaan kami kanina.”
Inabot ko ang bag sa pulis.
Pagkakita sa bag ay agad akong niyakap ng matabang ale. Tinungo naman ng
pulis ang itinuro kong daan.
“Isa kang anghel!” Tuwang-tuwang sabi ng ale habang hawak-hawak ang bag.
“Ano ba ang pangalan mo?” tanong sa akin ng ale.

“Valdwin po,” ang magalang kong sagot.

“Heto ang pagpapasalamat ko sa iyo. Kung hindi dahil sa iyo hinding-hindi ko


makukuha ulit ang bag ko.” Iniabot ng ale ang perang papel sa akin. Nanlaki ang
aking mata nang abutin ko ang singkwenta pesos galing sa ale.
“Tanggapin mo ang pagpapasalamat ko,” sabi ng ale habang ginugulo ang
aking buhok.

“Sa-salamat po,” ang tuwang tuwa kong sagot.


Bumalik ako sa tindahan. Inayos ko ang buhok ko’t ipinagpag ang pantalon.
Sa isang saglit ay bitbit ko na ang laruang sasakyan na may iba’t ibang kulay. May
ngiti ang aking labi. Nagmamadali na akong umuwi.

“Saan ka nanggaling, anak?” Ang salubong na tanong sa akin ni Inay


pagkarating ko sa bahay. “Nag istambay ka na naman ba roon sa tindahan ni Aling
Betty?” “Opo, madali po kasing naubos ang mga paninda ko,” sagot ko kay Inay
habang tinutungo ang aking kuwarto kung saan mahimbing na natutulog si Jun-Jun.
Maayos kong inilapag ang laruang sasakyan sa lamesa katabi ng kamang
kaniyang tinutulugan. “Maligayang ikaapat na kaarawan, mahal kong kapatid,” bulong
ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang noo.

“Halika na rito anak at maghapunan ka na,” sabi ni Inay.

“Opo, Inay,” sagot ko. “Maligayang kaarawan ulit.” May ngiti ang aking mga labi.

WIKA:
Alam mo ba?
Ang pang-ugnay ay mga salitang bahagi ng wika na ang pangunahing
tungkulin ay umagapay sa pag-uugnay ng konsepto o kaisipang taglay ng mga
salita sa isang pahayag.

 kung, kapag, pag, sakali,sana


Pansinin ang gamit ng mga ito batay sa halimbawang mga pangungusap.
a) Kung nagtapos ka sana ng iyong pag-aaral, maginhawa sana ang iyong
buhay.
Maaayos ang iyong buhay kapag/ sa sandaling/ basta magbalik-loob ka sa Diyos.
Mapapansing sa unang paraan (salungat sa katotohanan ang kondisyon),
ginagamit ang pang-ugnay na kung at karaniwan itong sinasamahan ng sana
upang maipakitang salungat nga sa katotohanan ang bunga o kinalabasan. Sa
ikalawa, ginagamit ang kapag, sa sandaling o basta upang ipahayag na maaaring
maganap ang isang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng documentary.

I-Witness: PINOY FRONTLINERS


Isang Bahagi ng Dokumentaryo ni Raffy Tima

Simula nang kumalat sa Pilipinas ang COVID-19, hinikayat ang lahat na manatili
sa loob ng kanilang mga tahanan upang hindi mahawa sa nakamamatay na sakit.
Ngunit mayroong iilan na buong tapang na humarap para labanan ang kinatatakutang
virus -- ang frontliners. Pero ang frontliners na inaasahan ng marami, labis na ring
naaapektuhan ng takot, pagod at iba pang suliranin.
Sa gitna ng tunog ng mga makina, kalmado at kalkulado ang galaw ng mga
medical worker na ito sa Medical City sa Pasig. Ang Intubation o ang paglalagay ng
tubo sa trachea ng pasyente para tulungan siyang huminga, tila isa ng
pangkaraniwang proseso para sa kanila.
Sa panahon ng Covid-19, ito na halos ang araw-araw nilang gawain. Silang mga
tinaguriang frontliners.
Siya si Dra. Sally Mae Abelanez. Emergency Medicine Physician sa The Medical
City sa Ortigas, Pasig. Pumayag siyang ipasok ang aming kamera sa loob ng
emergency department ng kanilang ospital para madokumento ang kanilang
pinagdadaanan.
“Guys bigyan nyo ng gloves per station ninyo. Kasi every entry- exit ninyo ay
magpalit kayo ng gloves”, ani Dra. Abelanez.
Ganito sila kaingat laban sa sakit na Covid-19. Ano mang droplet mula sa
pasyente, posibleng dala ang virus at makahawa sa dadapuan nito. Kaya ang dating
puting uniporme ng mga doktor at nars, may dalawang patong pa ng proteksyong
bahagi ng kanilang Personal Protective Equipment o PPE.
Kada hawak nila sa kanilang pasyente, kailangan nilang magtanggal ng panlabas
na medical gloves. Ganito kagastos sa gamit ang pagharap ng mga medical worker
sa sakit na ito.
Mula nang magsimula ang sakit na ito, libo-libong medical worker na ang tinamaan
ng virus. Ilan sa kanila, pumanaw sa mismong sakit na kanilang nilalabanan.
Dahil puno na ang kanilang Intensive Care Unit, karamihan dito mga may sakit na
Covid-19, mistula nang extension ng ICU ang ER ng Medical City.
“Ang history nito Dok, diabetic hypertensive. Ang dinala niya talaga dito Dok ay
ung wife nya na 42 years old. Hingal din tapos nilalagnat. So nauna na yung wife
niyang magpatingin. Pero nandito na din si sir, hingal na din at nilalagnat kaya
nagpatingin na din. Noong una urgent din sya, hindi pa intubatable, hingal lang. pero
later on, noong hapon na-intubate na din”.
Ang halos lahat ng kanilang pasyente dito, nagpapakita ng sintomas ng Covid-19
. Pero dahil kakapasok lang noon sa ER, naghihintay pa sila ng resulta ng kanilang
mga test.
Dahil isa itong bagong sakit, tulad sa iba pang mga ospital, naninibago ang lahat.
“Dapat kumpleto. Kung wala kayong face shield hindi rin pwede. Walang gown,
hindi rin pwede. Sa dredge, kapag dumating hindi nyo kailangang mag-pump, hindi
nyo kailangan sumampa doon na tulad ng ginagawa natin dati. Diretso, dalhin na
lang agad natin dun sa isolation.”
Ang dating normal na daily briefing ay mistulang paghahanda sa isang giyera.
Bawat isang medical worker, inaasahang gagampanan ang mas dumadami pang
responsibildad.
Dagdag proteksyon para sa mga medical worker ang acrylic box para hindi sila
matalsikan ng anumang likido o aerosol droplets mula sa mga pasyente. Pero dahil
mabilisan ang galaw para mailigtas ang kanilang mga pasyente, kung minsan hindi
na nila magamit ang mga ito, isang sakripisyong kailangan nilang gawin alang-alang
sa kaligtasan ng pasyente.
Aminado si Dr. Abelanez, bayani man sila kung ituring ngayon, nananatili ang
takot at pangamba ng ilan sa kanila.
“Meron na ring ilang nagsesend ng kanilang resignation form and resignation
letters kasi natatakot din ang families namin kung itutuloy namin ito o hindi. Majority
naman sa amin ay meron yung thinking na, kung aalis kami sino pa ang maiiwan” –
Dr. Abelanez
Kung dati, mahirap na para sa kanila ang mamatayan ng pasyente, ngayon lalo
pa itong tumindi.
“Lagi kaming nakakakakita ng patay sa ER pero hindi katulad ngayon na every
single day ay merong namamatay.”

At kung dati natatapos na ang kanilang trabaho, oras na ideklara nang pumanaw
ag kanilang pasyente. Ngayon may dagdag silang kailangang gawin. Ang
ipanalangin ang kanilang mga pasyente.
“Sa amin dito sa ER, mayroon kaming two-way radio, so during the prayer, while
we are praying inside, we had the family hold the walky-talky para naririnig nila
habang nagpi-pray. And before mag - expire yung patient o kamamatay lang nung
patient ilalapit namin yung walky-talky sa patient’s ear para makapagsabi yung
family ng last words to their love ones. But it is really a very sad death because
everyone is alone in the isolation and they can’t even see their family for the last
time.”
Bagama’t isa silang pribadong ospital, hirap din sina Dr. Abelanez sa gamit lalo
na sa mga N95 mask.
“Lahat kami nabi-burn-out na din especially to the looming faces of the patients.
Yung parang kailangan na naming mag-reuse ng PPE. So, yun yung time na parang
marami ang sinasabihan na ng family nila na mag-resign na lang kasi nga hindi
safe. Pero our hospital actually gives us a good psychosocial support. Binibigyan din
nila kami ng individual psychiatrist when we are stressed or burn-out. They give us
counseling.”
Kung may mga bumibigay sa sakit na ito, mas marami naman ang gumagaling at
nagtatagumpay sa kanilang laban. Ang mga ganitong pagkakataon, nagsisilbing
okasyon para magdiwang ang buong medical staff.

https://www.youtube.com/watch?v=xCp4d-0MYTg

Narito ang balangkas ng pagsusuri na magiging gabay mo sa iyong gawain. (Performance


Task)
Balangkas ng Pagsusuri ng isang Doku-film o Freeze Story

A. Pamagat – Ano ang pamagat ng kuwento? Ipaliwanag ang


bawat salitang bumubuo dito? Naipakikita ba nito ang tema o tono
ng kuwento?

B. Kaligirang Pangksaysayan – Sino ang may-akda nito (Kung


walang mahanap, ilagay na walang tala). Anong taon ito naisulat?
Saan ito isinulat? Pagbatayan ang nilalaman ng akda.
C. Layunin ng Kuwento – Ano ang layunin ng kuwento? Ano ang
nais nitong ikintal sa isipan ng mga mambabasa?

D. Buod ng Kuwento – Isulat muli ang buod ng kuwento. Tiyaking


maisasalaysay ang wastong pagkakasunod-sunod ng panyayari at
nagagamit ng tama ang mga retorikal na pang-ugay na
pagpapahayag ng diwa.

E. Reaksyon sa Nabasa – Ano ang reaksiyon mo matapos mabasa


ang akda? Naging sapat ba ang pagamit ng salita ng may akda
upang maipahayag ang diwa ng kuwento? Ito ba ay
napapanahon? Paano ito nakaapekto sa iyo? Paano nito binago
ang pagtingin mo sa realidad ng buhay?

F. Aral o Mensahe – Anong mensahe ang nakuha mo sa iyong


nabasa? Paano mo maisasabuhay ang aral na nakuha mo mula
rito?

You might also like