You are on page 1of 3

ANG KALUPI

Ni Benjamin P. Pascual
(Maikling Kwentong Katutubong Kulay)

I. Pagkilala sa May-Akda

Si Benjamin Pascual ay ipinanganak sa Lungsod ng Laoag, Ilocos Norte. Isa siyang


kuwentista at nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling kuwento sa wikang Ilokano at
naka sulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito. Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiy
at ni Omar Khayam. Magkasama sila ni Jose Bragado na nag-edit ng Pamulinawen, isang
antolohiya ng mga tulang 36 namakata ng Ilokano. Siya ang Taga payong Legal ng GUMIL, Metro
Manila. Mula sa kanyang panulata ng maikling kuwentong Ang Mga Lawin naisinalin
ni Reynaldo Duque sa Tagalog.

II. Uri ng Panitikan

Ang maikling kwento ay isang anyong panitikan na nagsasalaysay nang tuloy-tuloy ng


isang pangyayaring hango sa tunay na buhay. Ito'y may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw
ng maikling panahon, may isang kasukdulan at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng
mambabasa. Ang kasukdulan ang bahaging kwento na nag bibigay ng pinaka masidhi o pinaka
mataas na kapananabikan o interes sa mambabasa. Ang kakintalan o impresyon na manang
kaisipa ng naiiwan sa isipan ng mga mambabasa. Ito ay matatapos sa isang upuan lamang,
maari itong magpakita ng iba't ibang damdamin at bumabase sa buhay ng isang tao, mayroon
naming kathang isip lamang. Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikan na ang mga
pangyayari ay umiinog sa buhay na mga pangunahing tauhan.

III. Layuninng May-Akda

Ang layunin ng Akda ay upang imulatang mga mata ng mga mambabasa sa mga maaring
kalabasan o kahantungan ng panghuhusga ng kapwa.
IV. Tema o Paksang Akda

"Huwag mong huhusgahan ang panlabas na kaanyuan kundi ang busilak na kalooban."

V. Mga Tauhan o Karakter sa Akda

Aling Marta:

 pumunta sa palengke para mamili ng sangkap sa lulutuing sangkap dahil yun ang
araw ng pagtatapos ng kanyang anak
 pinag-bintangan niya ang bata
 siya ang dahilan ng pagkamatay nito

Bata

 Batanganak
 Mahirap
 naka-bangga kay Aling Marta
 Ang pinag-bintangan ni Aling Marta sa palengke

VI. Tagpuan o Panahon

 Bahay - tinitirhan ni Aling Marta


 Palengke – doon niya nakabangga ang bata
 Pulisya – doon sila iniwan ng pulis para mag-usap
 Maaliwalas ang panahon nung namamalengke si Aling Marta

VII. Nilalaman/Balangkas ng mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng Akda

Ang pangayayari ay nagpapahayag ng pananawang may akda. Ang mga pagkapit ng mga
pangayayari ay may kaisahan mula umpisa hanggang wakas. Ang Akda ay nagtataglay at
nagpapahiwatig ng mga tiyak na sitwasyon o karanasan. And akda ay isang paniniwalang
kumokontrol sa buhay.

VIII. Istilong Pagkakasulat ng Akda

Ang istilo ng pagkakasul at ng akda ay binase sa isang sitwasyon, pangyayari o karanasan


sa buhay. Ito ay angkop sa antas ng pag-unawa ng mga mambabasa.

IX. Konklusyon

X. Buodng Akda

Isang maaliwalas na umagana ng naghahanda si Aling Marta para sa kanyang


pamamalengke.
Araw ngayon ng pagtatapos ng kanyang anak. Nais niyang makapag handa ng masarap na
putahe para sa tanghalian. Nasa palengke na si Aling Marta. Naririnig niya ang ingay mula sa
labas habang iniisip ang mga bibilhing sangkap para sa lulutuing ulam. Nasaloob pa ang bilihan
ng manok kaya pumasok siya sa loob. "Mag-iingat ka naman sa dinaraanan mo!" ang sabini
Aling Marta "Pasensya na po." Sabi ng bata. Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na
sa kahabaan ay pinag-ilang lilisang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa
balikat hanga ng pusod, naikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling
Marta na ang bata ay anak-mahirap. "Pasensiya!" sabi ni Aling Marta. "Kung lahat ng kawalang-
ingat mo ay pagpapasensiyahan nang pagpapasensiyahan ay makakapatay kang tao." Pagdaan
niya sa bilihan ng mga tuyong paninda ay bumili na rin siyang mantika. Nang mangyaring
kukunin na niya ang kanyang pitaka wala na ito sa kanyang bulsa. "Bakit ho?" anito. "E ... e,
nawawala ho ang aking pitaka," wala sa loob na sagot ni Aling Marta. "Ku, e, magkano ho
naman ang laman?" ang tanong ng babae. "Ang tanda niyang laman ng kanyang kalupi ay
pitumpong piso na siyang bigay na sahod ng kanyang asawa nang sinundang gabi, Sabado.

Ngunit ewan ba niya kung bakitang di pa ma'y nakikiramay na ng tonong nagtatanong ay


nakapag palaki ng kanyang loob upang sabihin, "E, sandaan at sampung piso." Nanatili siya sa
pagkakatayo nang ilangsaglit, wari'y tinakasan ng lakas, nag-iisip ng mga nakaraang pangyayari.
Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa kanya ng alaalaa ng gusgusing batang
kanyangnakabangga. Hinanap niya ito at nakita malapit sa tindahan ng kangkong. "Nakita rin
kita!" ang sabi niyang humihingal. "Ikawang dumukot ng pitakako, ano?

Huwag ka ng magkakaila!" Tiyak ang kanyang pagsasalita; ibig niyang sa pagkalito ng bata sa
pag-iisip ng isasagot ay masukol niyang buung-buo. Ngunit ang bata ay mahinahong
sumagot: "Ano hong pitaka?" ang sabi ng bata. "Wala ho akong kinukuhang pitaka sa
inyo." "Anong wala!" pasinghal na sabi ni Aling Marta. "Ikaw nga ang dumukot ng pitakako at
wala nang iba. Kunwari pa'y binangga mo ako, ano, ha? Magaling, magaling ang sistema ninyo
ng iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke." Maya-maya ay may dumating na pulis at kinausap
sila. Nagtanong ang pulis ng kaunting impormasyon tungkol sa bata. "Kung maari ay sumama
kayo sa amin sa pulisya upang pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito. Sumama ang dalawa sa
pulisya. Nang makarating sila roon ay iniwan muna sila ng pulis. Hindi na nakapagtimpi si Aling
Marta at hinablot ang bata. Sinaktan niya ito. "Kahit kapkapan niyo pa ako ay wala kayong
makikita sa akin!" Sabi ng bata sabay takbong walang lingun-lingun kasabay nito ang harurot ng
isang sasakyan na siya na mang dahilan ng pagkaaksidente ng bata. "Kahit nakapkapan niyo pa
ako. Wala kayongmakikita sa akin"

Ang Mga huling Salita na nasambit ng bata kasabay ng pagkawala nito. Namutla si Aling Marta.
Tila sinisisi ang sarili sa mga pangyayari. Sa kabilang banda ay naisip niya ang asawa at anak na
kanina pa ay naghihintay sa kanya. Inisip niya kung paano makapag-uuwi ng ulam samantalang
wala na siyang pera. Nangutang siya sa tindahan. Nang siya ay makauwi sinalubong siya ng
kanyang asawa at anak. "Saan po kayo kumuha ng pambili, inay?" tanong ng anak" "Saan pa, e
di sa pitaka." "Ngunit naiwan niyo ho ang inyong pitaka." Noon rin ay naalala ni Aling Marta ang
mga katagang sinabi ng bata na kanyang pinagbintangan. "Kahit na kapkapan niyo pa ako. Wala
kayong makikita sa akin.”

You might also like