Professional Documents
Culture Documents
SI ALING ROSA AY ISANG BALO. SIYA AY MAY SAMMPUNG TAONG GULANG NA ANAK NA BABAE, SI PINANG.
MAHAL NA MAHAL NI ALING ROSA ANG KANYANG ANAK. NAIS NIYANG LUMAKING BIHASA SA GAWAING
BAHAY ANG ANAK. TINUTURUAN NIYA SI PINANG SA MGA GAWAING-BAHAY.
DAHIL
NA NIYANG
ISANG ARAW AY NAGKASAKIT SI ALING ROSA. HINDI SIYA MAKABANGON AT MAKAGAWA SA BAHAY.
NAPILITAN SI PINANG NA GUMAWA NG GAWAING-BAHAY. INUTUSAN SIYA NG INA NIYA NA MAGLUTO SIYA NG
LUGAW. KUMUHA SI PINANG NG ILANG DAKOT NA BIGAS, INILAGAY SA PALAYOK AT HINALUAN NG TUBIG.
ISINALANG NIYA ITO SA IBABAW NG APOY. INIWAN NIYA ANG NILULUTO AT NAGLARO NA. DAHIL SA
KAPABAYAAN, ANG ILALIM NG BAHAGI NG LUGAW AY NAMUO AT DUMIKIT SA PALAYOK. NAGPASENSIYA NA
LANG SI ALING ROSA. KAHIT PAPAANO NGA NAMAN AY NAPAGSILBIHAN SIYA NI PINANG.
NANATILI
MGA GAWAING-BAHAY.
SI PINANG
PINANG ANG
LUMAPIT SIYA SA INA AT NAGTANONG. NASUYA NA ANG INA SA KATATANONG NI PINANG. "NAKU,
PINANG SANA'Y MAGKAROON KA NG MARAMING MATA UPANG LAHAT NG BAGAY AY MAKITA MO AT HINDI KA
TANONG NANG TANONG!"
SANDOK.
ISANG
DAHIL GALIT ANG INA, HINDI NA UMIMIK SI PINANG. UMALIS SIYA UPANG HANAPIN ANG SANDOK.
KINAGABIHAN, NABAHALA SI ALING ROSA NANG HINDI PA BUMALIK ANG ANAK. NAGPILIT SIYANG
BUMANGONG UPANG KUMAIN. TINAWAG NIYA ANG ANAK NGUNI'T WALANG LUMALAPIT SA KANYA.
ISANG
BIGLANG
NAALALA NI
ALING ROSA
NOON
PINANG
TAHIMIK
ALING ROSA.
GAYUNPAMAN, INALAGAANG
BILANG PAG-ALAALA SA KANYANG
NA NANANGIS SI
MABUTI NI
ANAK.
AY TINAWAG NA
"PINYA."
PINANG
ALAMAT NG SAGING
Maraming taon na ang nakalipas nang manirahan ang isang napakabait na matanda dito sa
mundo. Ang matandang tinutukoy ay tinatawag nilang Apo Sagin.
Mag-isa man na naninirahan si Apo Sagin sa kanyang maliit na bahay kubo ay itinuring
naman na siyang kapamilya ng mga kapitbahay niya. Napamahal sa kanyang mga
kapitbahay si Apo Sagin dahil sa ito ay mabait at matulungin. Ang mga kapitbahay nito ay
hindi mapapahiya kapag sila ay lalapit sa kanya upang humingi ng tulong. Kahit mahirap
lang at matanda na ay binibigay ni Apo Sagin ang lahat ng kanyang makakaya.
Ang mga maliliit na bata ay malapit sa matanda. Itinuring na nila itong kanilang lolo. Sa
tuwing hapon ay nagpupunta ang mga bata sa bahay ng matanda upang makinig sa mga
kuwento ni Apo. Pagkatapos ay may nakahanda pang pagkain ang mga ito na niluto ng
matanda.
Hindi lamang sa mga taong bayan matulungin ang matanda kundi pati na rin sa ibang tao
maski hindi niya ito kakilala. Minsan habang nangangahoy siya sa gubat, may lumapit sa
kanyang isang lalaki na nanghihina sa gutom. Agad niya itong inuwi sa kanyang bahay at
inalagaan hanggang sa bumuti ang pakiramdam ng lalaki.
Noong minsan naman ay isang batang babae ang nanghingi ng limos sa kanya. Dinala niya
ito sa bahay niya at ipinaghanda niya ng makakain. Bago umalis ang bata, tinuruan niya
itong maghabi ng mga pinatuyong dahon upang gawing pamaypay upang maibenta. Sa
ganoon hindi na manglilimos ang bata. Laking pasasalamat ng bata sa matanda. Balang
araw ay makakabawi din daw siya sa kabutihang ipinakita sa kanya ng matanda. Napangiti
lang si Apo Sagin.
Isang araw, dinapuan ng sakit si Apo Sagin at dahil sa matanda na ito ay masama ang
naging tama nito sa kanya. Lubos na nanghina ang matanda. Marami ang dumalaw kay
Apo Sagin upang alagaan siya habang may sakit ito. Halinhinan ang kanyang mga
kapitbahay sa pagbabantay sa kanya. Maging ang mga batang kanyang kinukwentuhan sa
tuwing hapon ay nandoroon at kinukwentuhan ang kanilang mahal na lolo.
Dumating ang oras na naghihingalo na ang matanda. Ang lahat ng taong bayan ay andoon
upang makita ang mabait na matanda kahit sa huling pagkakataon man lamang. Mahinang
nagpaalam ang matanda at dahan-dahan itong binawian ng buhay.
Nag-iiyakan ang mga taong bayan nang may dumating na isang bata. Ito ang pulubing
tinulungan ni Sagin. Siya pala ay isang diwata. Ibinilin niya sa mga tao na ilibing si Sagin sa
may bakuran. Huwag na raw silang malungkot dahil si Sagin ay mananatili sa kanila at di
sila kailan pa man iiwanan. Ginawa nila ang sinabi ng diwata.
Makalipas ang ilang lingo, may isang halamang umusbong sa libingan ni Sagin. Ilang linggo
pa ang nakalipas may parang hugis puso ang nakita nila sa halaman. Naalala nila ang
sinabi ng diwata. Ang malaking puso ay halintulad ng matabang puso ni Sagin na punungpuno ng kabaitan at pagmamahal sa kapwa. Ang naging bunga nito ay marami at matamis.
Nanatili nga si Sagin sa mga taong bayan at hanggang ngayon ito pa rin ay nagbibigay ng
sobra-sobra. Ang puno ngayon ay tinawag ng taong bayan na Saging.
ALAMAT NG NIYOG
Noong unang panahon may mag-asawang taimtim na nagdarasal upang magkaroon ng
anak. May dalawang taon nang nagsasama ang mag-asawang Juan at Maria ngunit
wala pa rin silang mga supling.
Lahat na halos ng mga alam nilang paraan upang magka-anak ay kanila ng sinubukan.
Nagawa na nilang magsayaw sa kalye kasama ng iba pang mga mag-asawang hindi rin
magka-anak; nasubukan na rin nilang uminom ng ibat ibang dahon-dahon na ayon sa
matatanda ay makapagbibigay ng kanilang ninanais at kung ano-ano pang mga
seremonyas. Ngunit wala pa ring supling ang nabuo sa sinapupunan ng babae.
Nawawalan na ng pag-asa ang mag-asawa nang sa wakas ay nabuntis din si Maria.
Ngunit maselan siyang magbuntis. Halos buong maghapon ay nakahiga lamang ito
sapagkat palagi siyang nahihilo at naduduwal. Hindi lamang iyon, marami din siyang
hinihiling na kainin o di kayay pagmasdan.
Dahil sa matagal nilang inantay ang magkaroon ng anak, ibinibigay ni Juan ang lahat ng
pinaglilihian ng kanyang asawa maski pa mahirapan ito sa paghahanap. Lahat ng mga
kakaibang prutas, ibat ibang luto ng pagkain at kung ano-ano pang hinihiling ni Maria
ay pinipilit na hanapin ni Juan upang hindi magdamdam ang asawa at hindi mapasama
ang bata sa kanyang sinapupunan.
Isang araw, may iba na namang pinaglilihian si Maria. Gusto raw niya ng prutas na
bilugan ang hugis at sa loob nito ay may tubig at may puting laman na parehong ubod
ng sarap at nakakabusog. Naghanap si Juan ng prutas na sinasabi ng kanyang asawa
ngunit wala siyang makita na may ganoong paglalarawan. Maging ang mga kapitbahay
na kanyang pinagtanungan ay walang alam na prutas na may ganoon bunga. Umuwi si
Juan na bigo sa paghahanap ng nasabing prutas.
Dahil hindi nakakain ng pinaglilihian niyang prutas ay dinamdam ito ni Maria. Ayaw
niyang kumain ng kahit ano maliban sa pagkaing kanyang inilalarawan. Siya ay untiunting nanghina at nagkasakit. Nagmakaawa si Juan na kumain ang asawa dahil sa
buntis pa man din ito ngunit ayaw talagang kumain ni Maria hanggat matikman niya
ang hinahanap na prutas.
Patuloy na nanghina si Maria at di kalaunan ay namatay. Dahil sa lungkot, inilibing ni
Juan ang asawa sa kanilang bakuran. Ilang buwan ang nagdaan at may kakaibang
halamang umusbong sa pinaglibingan kay Maria. Inalagaan ito ni Juan dahil naaalala
niya ang yumaong asawa sa halamang ito.
Dumaan pa ang dalawang taon at nagkabunga ang halaman na ngayon ay isa ng
matayog na puno. Kumuha ng bunga si Juan at nang biyakin niya ito ay may laman
itong parang tubig at puting laman. Tinikman ni Juan ang prutas at ito ay ubod sarap.
Muli niyang naalala ang prutas na pinaglilihian ni Maria noon na ganoong-ganoon nga
ang paglalarawan. Sa pagkakataong iyon, alam niya na ang puno ay ang kanyang
namayapang asawa na si Maria.
ALAMAT NG ILANG-ILANG
Noong unang panahon, ang mga diyosa ang pumipili kung anong puno ang bibigyan nila ng
katangian upang mamulaklak. Ilan sa mga punong nabigyan ng ganitong kakayahan ay ang
mga punong kalachuchi, katuray, adelfa, manga at iba pa. Ngunit isa sa mga hindi pinagpala
upang mamulaklak ay ang puno ng Ilang-ilang.
Nalungkot si Ilang-ilang sapagkat gusto rin niyang magkaroon ng mga bulaklak. Narinig niya
ang kanyang mga katabing puno na pinagmamalaki ang kanilang mga magagandang bulaklak.
Naging mayabang ang mga ito na kesyo mas maganda sila. Ang mga puno daw na hindi
namumulaklak ay mas mabuting putulin na lamang upang gamitin sa paggawa ng bahay o di
kayay gawing panggatong para may pakinabang.
Mas lalong nalungkot si Ilang-ilang. Sa gabi ito umiiyak upang sa gayon ay walang makarinig sa
kanyang mga hikbi. Walang magawa si Ilang-ilang kayat hinayaan na lamang niya ang mga
mayayabang na mga kapitbahay.
Isang araw, umulan ng malakas at tila babagyo pa ata. Ang lahat ng puno ay nagsipaghanda.
Ang mga may bulaklak ay hinigpitan ang kapit upang hindi matangay ng hangin at ulan ang
kanilang pinaka-iingatang mga bulaklak. Dahil sa wala namang bulaklak si Ilang-ilang, ito ay
kampante na makakaraos sa bagyo.
Sa di kalayuan, dalawang higad ang naghahanap ng masisilungan mula sa ulan. Naka-ilang
tanong na ang mga ito, nakikiusap sa mga puno na sila ay patuluyin pansamantalang may
bagyo. Ngunit lahat ng mga puno ay tumanggi sa kanila, lalo na ang mga bulaklak. Siguradong
ubos hindi lamang ang mga dahon kundi pati na rin ang kanilang mga bulaklak ani nila.
Walang magawa ang mga kawawang higad. Umalis sila na nangangamba na anomang oras ay
tatangin sila ng baha.
Narinig ni Ilang-ilang ang pagpapalayas ng mga ibang puno sa dalawa kayat pasigaw nitong
tinawag ang mga higad. Inialok nito na sa kanya na lamang tumuloy ang dalawa. Total, aniya,
wala naman siyang mga bulaklak at di hamak na mas mahalaga ang buhay ng mga higad
kaysa sa kanyang mga dahon. Kumain lang daw sila ng maski ilang dahon ang gusto nila.
Matagal bago natapos ang unos. Nang sumikat ang araw hinanap ni Ilang-ilang ang mga
kaibigang higad ngunit wala na ang mga ito. Nalungkot siya na baka nahulog ang mga ito dahil
sa malakas na hangin at ulan.
Sa halip, may nakita si Ilang-ilang na parang mga bulaklak na nakasabit sa kanyang mga
sanga. Ito na nga ang dalawang higad na sa gitna ng unos ay naging mga ganap na paru-paro.
Nalaman ng mga diyosa ang kagitingang ginawa ni Ilang-ilang. Binisita nila ang puno na may
dalang magandang balita. Pagkakalooban si Ilang-ilang ng pabuya dahil sa inisip muna niya
ang kapakanan ng iba bago ang sarili.
Simula noon ay magkakaroon na siya ng mga bulaklak na katulad ng mga naka-tiklop na
pakpak ng mga kinalinga niyang paru-paro. Hindi lamang yun, ang kanyang mga bulaklak ay
magkakaroon ng bango na hahalimuyak sa buong kakahoyan. Natuwa si Ilang-ilang, sa wakas
magkakaroon na rin siya ng bulaklak.
ALAMAT NG PAGONG
Noong unang panahon ang talukab ng pagong ay makinis at walang mga lamat tulad ng
sa ngayon. Palaging ipinagmamalaki ni pagong ang kanyang talukab. Araw-araw niya
itong nililinis at pinapakintab. Ipinagmamayabang niya sa lahat na sa sobrang kinis at
kintab nito ay maaring kang magsalamin dito.
Hindi lamang kilala si pagong dahil sa kanyang makinis at makintab na talukab. Kilala
din siya na isa sa mga madadaldal na hayop sa gubat. Hindi nauubusan ng kuwento si
pagong. Minsan nang nag-kausap sila ng kaibigan niyang si palaka ay hindi man
lamang nakaimik ang madaldal ding si palaka dahil sa dami ng kuwento ni pagong.
Halos buong maghapon na nagkuwento si pagong tungkol sa ibat ibang bagay na
nakikita nito sa kagubatan.
Isang araw habang nakikipag-kwentuhan si pagong sa mga kaibigang bibe ay may mga
galang tagak ang huminto upang uminom sa may batis. Napagod sila sa kanilang
biyahe galing sa ibang lugar kung kayat minabuti nilang huminto panandalian upang
makapagpahinga.
Ang mga tagak ay maingay na nag-uusap tungkol sa kanilang mga nasaksihan sa
kabilang ibayo kung saan sila nanggaling. Masaya silang nagtatawanan habang
inaalala ang kagandahan ng bayan na kanilang binisita.
Narinig ng pagong ang kanilang pinag-uusapan at sa unang pagkakataon ay ito ay
napatigil sa pagsasalita. Nakanganga ito habang nakikinig sa mga tagak. Samantalang
nagtataka naman ang mga kaibigang bibe kung napano ang madaldal na pagong.
Habang nag-uusap pa rin ang mga tagak ay dali-daling sumabat si pagong. Gusto rin
daw nitong sumama at makita ang mga sinasabi nilang mga lugar. Tiyak na maganda
raw ito at marami pang masasarap na pagkain. Gusto niyang sumama upang sa
ganoon ay maikukuwento rin niya sa mga kaibigan kung ano mga makikita niya roon.
Naisip niya na meron na naman siyang bagong maikukuwento sa mga kaibigan lalo na
at hindi pa rin nakakapunta ang mga iyon sa ibang lugar maliban sa kanilang
tinitirahang gubat.
Nagtinginan ang mga tagak. Gusto man daw nila siyang isama ay hindi naman nila
alam kung paano. Hindi naman siya nakakalipad tulad nila. Nag-isip ang mga tagak at
si pagong kung paano nila maisasama ang hayop sa kanilang gala.
Nawawalan na nang pag-asa ang pagong ng biglang may naisip ang isa sa mga tagak.
Pinag-usapan nila ito at maya-maya ay ipinaalam kay pagong ang plano. Maaari daw
nila itong isama kung ito ay kakagat sa isang piraso ng kahoy na kagat-kagat naman ng
dalawang tagak sa magkabilang dulo nang sa gayon mabubuhat nila si pagong. Ngunit
kinakailangan ni pagong na manahimik at hindi magsalita ng matagal sapagkat malayo
ang kanilang lalakbayin at baka ito ay mahulog.
Pumayag ang pagong. Kaya daw nitong hindi magsalita ng matagal kayat maya-maya
ay lumuwas na nga ang mga tagak kasama siya.
Mahigpit ang kagat ni pagong sa kahoy nang sila ay nag-umpisang lumipad ngunit hindi
pa sila nakakalayo ay nayamot na siya dahil sa katahimikang naririnig. Binukas niya
ang kanyang bibig at uumpisahan na sanang kuwentuhan ang dalawang tagak na may
hawak sa kanya nang bigla siyang bumulusok pababa. Walang nagawa ang dalawang
tagak kundi tignan ang pagong ng mabilis na nahulog pababa.
Nahulog si pagong at pagbasak sa lupa ay tumama ang kanyang talukab sa isang
malaking bato. Buti na lamang at ang matigas ang talukab at hindi ang kanyang ulo ang
tumama sa bato. Sa taas at lakas ng pagbagsak niya ay nagkalamat-lamat ang
kanyang talukab. Simula noon ay binawasan na ni pagong ang pagiging madaldal at
ang kanyang makinang at makinis na talukab ay nagka-lamat-lamat na.
Ang bundok ay pinalibutan ng tubig at maging ang butas sa tuktok ng bundok ay nagkaroon
ng lawa upang walang sinoman ang makakuha ng mga kayamanan. Simula noon ay
tinawag ang bundok na Taal mula sa matandang pinuno.
ALAMAT NG BAYABAS
Noong unang panahon, may isang bayan na pinamumunuan ng isang sakim at
mapagmataas na hari. Si Haring Barabas ay kinatatakutan ng kanyang mga sinasakupan
ngunit palihim din nila itong kinamumuhian. Walang ibang alam gawin ang hari kundi ang
mag-utos at pagalitan ang kanyang mga alipin. Ang mga utos pa man din nito ay
imposibleng gawin at hindi makatwiran. Ang hari ay mahilig kumain, matulog at mag-aksaya
ng kayamanan niya.
Nagkaroon ng matinding taghirap sa kanyang kaharian. Hindi maganda ang naging ani ng
mga magsasaka at naging mahina ang benta ng mga mangangalakal. Ang lahat sa
kaharian ay inutusang magtipid upang maka-alpas sa taghirap na kanilang nararanasan.
Lahat nga ng tao ay gumawa ng kanya-kanyang paraan upang makatipid maliban sa isang
tao. Ang mismong hari na si Barabas ay hindi sumusunod sa kanyang utos. Walang itong
pakialam na naghihirap ang mga taong kanyang nasasakupan. Patuloy siya sa paglustay
ng kanyang kayamanan sa mga walang kwentang mga bagay.
Habang ang lahat ng tao ay nagtitipid at minsan lang sa isang araw kung kumain, ang hari
ay parang piyesta kung magpaluto sa kanyang mga alipin. Ibat ibang putahe ng ibat ibang
mahal na klase ng pagkain ang kanyang ipinapahanda. At ang masaklap pa dun ay siya
lamang ang kakain ng mga pinaluto niya. Maski sobra ang mga pagkain ay hindi niya
niyayaya ang kanyang mga kasambahay o ang mga taombayan na saluhan siyang kumain.
Ang mga hindi niya maubos ay hinahayaan lang niya hanggang sa tuluyan na itong masira
at hindi na puwedeng makain.
Isang araw habang nagpipiyesta ang hari sa harapan ng kanyang palasyo ay may lumapit
na isang matandang pulubi. Humingi ng limos ang pulubi maski pagkain na lamang
pantawid sa kanyang gutom ngunit hindi pinansin ng hari ang matanda. Sa halip,
pinagtabuyan pa niya ito. Nawawalan daw siya ng ganang kumain dahil sa mabahong amoy
ng pulubi.
Nagalit ang pulubi at sinabi sa hari na dahil sa kasakiman nito ay bibigyan niya ito ng isang
leksiyong hindi niya makakalimutan. Hindi pa natatapos magsalita ang matanda ay biglang
kumulog at kumidlat. Ang hari ay unti-unting nagbago ng anyo. Nagsisigaw itong humihingi
ng tawad sa matanda ngunit huli na ang lahat. Biglang naglaho ang matanda habang ang
hari ay naging isang ganap na halaman.
Nakita ng taombayan ang lahat ng pangyayari at ng lapitan ang halaman ay may nakita
silang bunga nito. Ito ay bilugan at may koronang nakapatong. Ito na nga ang kanilang hari
na si Barabas na dahil sa kasakiman ay naging isang halaman.
Mula noon tinawag nila ang halaman na bayabas mula sa pangalan ni Haring Barabas.
ALAMAT NG MAIS
Noong unang panahon, may isang mag-asawa na ang ikinabubuhay ay ang pagtatanim
ng mga gulay. Ito ay kanilang binebenta at kung minsan ay kanila na ring kinakain.
Ang mag-asawa ay biniyayaan ng isang magandang anak na babae. Tinawag nila itong
Maita. Ang bata ay may maganda, madulas at malambot na buhok. Kapag nasisinagan
ng araw, ang buhok ni Maita ay naninilaw na parang ginto. Mahilig ang bata na magayos sa sarili. Upang mapanatili nitong maganda at malambot ang buhok ay halos
minu-minuto nitong sinusuklay at inaayos ang buhok.
Kadalasan pinagsasabihan si Maita ng kanyang ama na itigil ang sobrang pagsusuklay
at tumulong naman sa gawaing bahay. Ngunit natutuwa ang kanyang ina sa pagiging
maayos nito sa sarili kayat hinahayaan lang niya ito. Bata pa naman daw si Maita;
magsasawa din ito sa kanyang buhok at balang araw tutulong din daw siya sa mga
gawaing bahay.
Subalit, nagkamali ang kanyang nanay. Sa halip mas lalo pang tumindi ang paghanga
nito sa sarili at sa kanyang buhok. Kung noon ay minuto lang ang ginugugol nito sa
pagsusuklay at pag-aayos ng buhok, ngayon ay inaabot siya ng ilang oras kung minsan
pa nga ay buong araw.
Isang araw, nagkasakit ang kanyang ama. Kinailangan ng kanyang ina na magbenta ng
kanilang pananim na gulay upang sa ganoon ay meron silang pambili ng makakain at
ng gamot para sa ama.
Mahigpit na pinagbilinan ng kanyang ina si Maita na gawin ang mga gawaing bahay.
Ipinagbilin niyang mag-luto siya ng makakain at siguradong gabi na ito makakauwi mula
sa bayan. Bantayan daw siya ang kanyang ama at pakainin na rin ito upang lumukas.
Pinaalala din niyang huwag kalimutang diligan ang kanilang mga tanim na gulay
sapagkat tigang ang lupa sa kanilang bakuran. Nayayamot na pumayag ang bata. Siya
na raw ang bahala sa kanyang ama at sa kanilang bahay.
Uumpisahan na sanang gawin ni Maita ang mga pinag-uutos ng kanyang ina nang siya
ay mapadaan sa kanilang salamin at masulyapan ang kanyang buhok. Napatigil ito at
kinuha ang kanyang suklay. Naisip ng bata na maaga pa. Mag-aayos daw muna siya
ng kanyang buhok. Nagsuklay nga ng nagsuklay si Maita. Nawili ito at hindi napansin
ang mga nagdaang oras. Maging ang mahinang pagtawag ng kanyang ama na
humihingi ng makakain ay hindi narinig ng bata. Abala ito sa pag-aayos ng kanyang
magandang buhok.
Lumubog na ang araw at dumating na ang ina ni Maita. Nagtataka ito ng makita ang
kanilang mga pananim na gulay na natuyo dahil sa hindi nadiligan buong mag-hapon.
Hinanap nito si Maita at nakita nga niya ang anak na abalang nagsusuklay sa harap ng
salamin.
Pinagalitan si Maita ng kanyang ina dahil sa wala man lang itong nagawa sa mga
pinagbilin sa kanya. Maging ang pakainin ang may sakit na ama ay hindi nagawa ni
Maita. Mariing wika ng matanda sa bata na sana ay numipis na lang ang kanyang
buhok upang sa ganoon ay hindi na niya ito pag-aaksayahan ng panahong suklayin.
Bukas na bukas din ay ipapaputol na raw ng matanda ang buhok ni Maita. Umiiyak na
tumakbo palabas ang bata.
Ngunit hindi na ito sinundan ng ina, nagpunta ito sa kusina upang ipagluto ang asawang
nanghina lalo sa gutom.
Nang mahimasmasan sa galit ang ina ni Maita ay hinanap niya ang bata sa bakuran
ngunit hindi niya ito nakita. Ipinagtanong din niya ito sa mga kapitbahay ngunit walang
nakakita sa bata. Matagal na hinanap ng ina si Maita subalit walang may alam kung
nasaan ang bata.
Isang umaga nang nagwawalis sa may bakuran ang ina ay may nakita itong bagong
halaman na umusbong. Ito ay may mahahabang dahon. Diniligan ito ng matanda.
Makalipas ang ilang lingo ay nagkabunga ang halaman. Nang pitasin at balatan ang
bunga, nakita ng mag-asawa na ito may butil-butil na kulay dilaw. Ang bunga ay may
mga maninipis ding ginituang buhok na ubod ng dulas at ganda. Naluha ang magasawa ng makita ang magandang buhok. Naalala nila ang buhok ng anak nilang si
Maita na ganoon na ganoon ding madulas at maganda.
Naisip nilang parehas na marahil ito na nga ang nawawalang anak. Simula noon,
tinawag nilang mais ang halaman.
Ngunit isang hapon nagising ang hari bago makauwi si Aurora at nalaman
nito ang ginawang paglabas ng asawa. Inantay nitong dumating si Aurora
at pinagalitan. Napagbuhatan ni Haring Araw si Aurora nang sabihin nitong
hindi niya mahal ang asawa kung hindi lamang niya ito tinakot na
ipakukulong ang mga magulang ay hindi ito magpapakasal sa kanya.
Tumakbo palayo si Aurora. Iiwanan na daw niya ang masungit na asawa.
Hinabol siya ni Haring Buwan na humihingi ng tawad sa kanya.
Nahawakan ng hari ang kamay ng asawa ngunit nagpumiglas ito at patuloy
na tumakbo. Dahil dito, naputol ang pulseras na ibinigay ng hari sa asawa.
Umiyak si Haring Buwan at napagtanto nito na mali ang kanyang nagawa
sa asawa. Pinulot ni Haring Buwan ang mga makikinang na bato at itinago
baka sakaling bumalik pa ang asawa ay muli niya itong ipapagawang
pulseras para sa kanya.
Ngunit hindi na bumalik si Aurora sa kaharian. Nagpakalayo ito kasama
ang mga magulang upang hindi na mahanap pa ng hari. Dahil sa lungkot,
napagpasyahan ni Haring Buwan na sa langit na lamang maglagi. Kinuha
nito ang mga makikinang na mga bato mula sa naputol na pulseras ng
asawa at isinaboy ito sa kalawakan. Ang mga ito ay naging mga bituin. Sa
gabi, si Haring Buwan ay lumalabas kasama ng mga makikinang na bato
nagbabaka sakaling makita ni Aurora ang mga ito at mapag-isipang
bumalik sa piling niya.