You are on page 1of 26

Ano ang Kultura?

Elemento,
Kahulugan,
Kahalagahan
Ano ang kahulugan ng
kultura?

Ang kultura ay ang kabuuan ng
pinagsama-samang pananaw ng mga tao
sa kanilang lipunan. Nakapaloob sa
pananaw na ito ang koleksyon ng mga
kaugalian, nakasanayan, paniniwala,
tradisyon at iba pa. Maaring ang mga
pananaw na ito ay pamana pa ng mga
naunang henerasyon na naisalin
hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ito ay tumutukoy din sa paraan ng
pamumuhay ng mga tao. Nagbibigay

ito ng kahulugan at paglalarawan
sa lipunang kanyang ginagalawan.
Dagdag pa, nagsisilbi rin itong
batayan ng mga kilos at gawi ng mga
tao. Sa isang lipunan o kumunidad,
tumutulong ang kultura sa pagbibigay
ng katwiran kung ano nga ba ang
kaibahan ng tama sa mali, at mabuti
sa masama.
Ang kultura ay nagsisilbi ring
pagkakakilanlan ng isang lugar.

Nabubuo ang kultura upang tugunan
ang mga pangangailangan ng mga
indibidwal sa isang partikular na
lugar. Dahil bawat rehiyon ay
mayroong sariling pangangailangan,
nag-iiba ang mga kilos at gawi nila
kumpara sa iba pa.
Dahil bawat tao ay nabibilang sa
lipunan, ibig sabihin, nabibilang din

bawat

tayo sa kultura nito. Hinuhubog nito
ang indibidwal para
magampanan ang kanilang papel sa
lipunan sa kanais-nais na paraan. Sa
tulong nito, mas nagkakaroon ng
kabuluhan ang buhay ng isang tao at
mas nabubuo ang kanilang pagkatao.
Elemento
ng kultura
Ang sumusunod ay ang pito
(7) sa pangunahing elemento
ng kultura.
Kaugalian (Norms)

Ito ay ang mga asal, gawi o
kilos na nagiging pamantayan
ng isang indibidwal kung paano
siya gagalaw sa lipunan.
Apat uri ng Norms

 FOLKWAYS
 MORES
 TABOOS
 BATAS
FOLKWAYS

Ito ay ang pangkalahatang
batayan ng normal na pagkilos
ng mga tao sa isang lipunan.
Halimbawa, sa Pilipinas,
pangkaraniwan na sa mga bisita
na iwanan sa labas ng bahay
ang kanilang mga tsinelas.
MORES

Ito ay mas mahigpit na batayan ng
kilos, kung saan natutukoy ang
moralidad ng isang tao sa lipunang
kanyang ginagalawan. Halimbawa,
dapat magsuot ng maayos na
damit sa tuwing nagsisimba.
TABOOS

Ang taboos naman ay ang
paglabag sa mga mores, kung saan
ang moralidad ng isang tao ay
hindi angkop sa dapat na kilos.
Halimbawa, pagsuot ng maikling
mga shorts kapag magsisimba.
BATAS

Ito naman ang batayan ng kilos
na ipinatupad ng kinauukulan
para sundin ng mga mamamayan.
Ito ay kalimitang pormal at
nakasulat sa konstitusyon.
Pagpapahalaga (Values)

Tumutukoy naman ito sa pamantayan
ng lipunan kung ano ang mga
gawaing katanggap-tanggap at ano
ang mga kilos na hindi kanais-nais.
Basehan din ito sa kung ano ang tama
at mali, at kung anong mga kilos ang
mabuti at nararapat. Halimbawa, ang
pagmamano ng mga bata sa
nakakatanda.
Paniniwala (Beliefs)
Ito ay ang mga pananaw, ideya o
kaisipan na tinatanggap sa
lipunan bilang totoo. Halimbawa,
ang pananalig at paniniwala ng
ibang tao sa mga Albularyo.
Simbolo (Symbols)

Ang simbolo ay maaring mga materyal
na bagay na nagbibigay ng
kahulugan. Maari din itong paggamit
ng di-berbal na kumunikasyon. Sa
pamamagitan ng mga simbolo,
nabibigyan ng kahulugan ang isang
bagay kahit hindi ito gamitan ng wika.
Halimbawa ng bagay na nagbibigay
ng kahulugan ay ang Krus.
Para sa iba, ito ay tanda ng
pagsasakripisyo ni Kristo upang

tubusin tayo sa ating mga kasalanan;
Ang magandang halimbawa naman ng
simbolo na gumagamit ng hindi berbal
na kumunikasyon ay sign language at
pagkumpas (gestures).
Wika (Language)
Ang wika ang pinakamabisang
paraan ng komunikasyon. Ang wika
ay maaring nasa anyo ng sulat o
bigkas. Mahalaga ang wika sa
lipunan sapagkat sa pamamagitan
nito, mas nagkakaroon ng
pagkakaunawaan ang bawat
indibidwal.
Sining at Panitikan
(Arts and Literature)

Ang sining at panitikan ay ang produkto ng
imahinasyon ng mga tao. Sa pamamagitan
ng dalawang ito, mas naipapahayag ng
bawat tao ang kanilang emosyon at
nararamdaman sa mas masining na paraan.
Mahalaga ang sining at panitikan sa kultura
sapagkat sa pamamagitan nito, naipapakita
at naipapasa ng mga naunang henerasyon
ang ganda na nakaraan.
Relihiyon (Religion)

Ang relihiyon ay ang paniniwala at
pananalig ng mga tao sa mga ispiritwal
na bagay, tao, o pangyayari, partikular
na sa mga Diyos. Sa ibang lugar, ito ang
nagiging sentro ng kultura sapagkat dito
nakabase ang kanilang kaugalian,
pagpapahalaga at mga paniniwala.
Ang halimbawa ng relihiyon ay
Hudaismo, Kristiyanismo at Islam.
DALAWANG URI NG
KULTURA

Nahahati ang kultura sa dalawang
uri. Ito ay ang materyal at hindi
materyal na kultura. Ang
dalawang uring ito ay naiiba sa
isa’t isa.
Materyal na Kultura
 materyal na
Masasabingg ang
kultura ay mga bagay na makikita
mo sa iyong paligid. Ito ay mga
bagay na nilikha at iyong
nahahawakan. Ilang halimbawa
nito ay mga gusali o arkitektura,
mga likhang sining, mga kasuotan,
kagamitan, at iba pa.
Maari bang ding sabihin na ang

pagkain ay isang materyal na kultura
sapagkat ito ay masasabing
nagpapakita kung anong paniniwala o
mismong kultura ng isang pangkat o
grupo ng mga tao.
Di-Materyal na Kultura
Ang di-materyal na 
kultura ay mga bagay
na hindi nahahawakan ngunit maaring
maramdaman o iyong maobserbahan sa
iyong paligid. Kabilang dito ang mga ideya,
paniniwala, batas, mga kaugalian, at norms
ng isang lupon ng mga tao. Halimbawa sa
di-materyal na kultura ay ang paniniwala
ng isang tribo sa mga anito o sinasabing
diyos-diyosan.
Kahalagahan ng Kultura

 Nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang
isang pangkat ng mga tao.
 Napagbubuklod nito ang isang lugar at
bagbubunga ito ng pagkakaisa.
 Sa pamamagitan ng kultura, naipapakita
ng mga tao ang kanilang mga talento.
 Binubuo nito ang ating pagkatao
 Nagkakaroon tayo ang kaalaman sa ating
kasaysayan at nakaraan.
Konklusyon
Sa

pangkalahatan, ang kultura ay
ang pamamaraan ng pamumuhay
ng mga tao sa isang lipunan. Ang
mga pangunahing elemento nito ay
ang kaugalian, pagpapahalaga, pani
niwala, simbolo, wika, sining at pani
tikan, at relihiyon.
Nalaman din  natin na mag
dalawang klasipikasyon ang
kultura; Ang materyal at di-
materyal. Kung may nais kang
idagdag o imungkahi, mag-iwan
lamang ng puna sa ibaba.
Salamat sa pagbabasa!

You might also like