You are on page 1of 2

Kabanata I

INTRODUKSYON

Kapaligiran ng Pag-aaral
Ang kultura ay salamin ng buhay. Nasasalamin ito ang pagkakaklanlan ng mga
tao at ang kanilang pinagmulan. Ito ay sumasalamin sa paniniwala, pagpapahalaga,
pananaw, kagamitan, kasuotan, pagkain at mga bagay na nakaugalian nang gawin ng
mga tao. Sa pamamagitan ng kultura ay nakikilala natin ang tunay na mukha ng mga
tao. Nakikita natin ang paraan at uri ng kanilang pamumuhay gayundin ang mga
tradisyon at pag-uugaling ipinamana ng kanilang mga ninuno mula sa sinaunang
panahon hanggang sa kasalukuyan.
Ang kultura ay kabuuan ng mga paniniwala, tradisyon, kaugalian at
pagpapahalagang moral na natutunan mula sa mga ninuno at sa mga
nakakasalamuhang tao sa kinabibilangang panlipunan. Ito rin ay pagsalin-salin ng
mga pananaw,kasabihan, wika, sining, panitikan at pamumuhay ng mga tao sa isang
lugar mula sa ninuno hanggang sa bagong henerasyon. Mahalagang malaman ng mga
tao ang kultura ng isang lahi maging ang paniniwala, identidad, kaugalian at wikang
nakapaloob mula rito upang maiwasan ang pangungutaya sa kanilang kalinangan.
Ang kultura ay kabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan. Ang pananaw
na ito ay hango sa mga paniniwal, tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga
bagay na nag-uugnay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang
nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain.
Ang bawat tao ay may kinagisnang kultura na siyang nagtuturo sa kaniya sa mga
papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at kung paano niya ito maisasagawa sa
pamaraang maituturing na kanais-nais. Higit sa lahat ang kulturang ito ang kanilang
sandigan at gabay sa kanilang paglalakbay tungo sa makabuluhang buhay.
Ayon kay Mooney (2011), ang kultura rin ay tumutukoy sa kahulugan at
paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. Samakatuwid ang
ginagawa ng mga tao sa pang-araw-araw na pamumuhay mula sa pagigising
hanggang sa bago matulog ay bahagi ng kanilang kultura. Pinatunayan din ni Panopio
(2007), na ang kultura rin ay kabuuang konseptong sangkap sa pamumuhay ng mga
tao, ang batayan ng kilos at gawi at ang kabuuang gawain ng tao.
Ang kultura rin ay tumutukoy sa paniniwala, kaugalian, at mga material na
bagay na sama-samang bumubuo sa pamamagaraan ng pamumuhay ng tao. Kabilang
din sa kultura kung paaano mag-isip at kung paano gumalaw, at ang mga bagay na
mayroon sa mga kabilang sa kulturang iyon.
Ilan sa mga elemento ng kultura ay ang pagpapasa ng mga nakagawian,
pag-iisip o kaalaman, paniniwala at kaugalian ng isang particular na grupo ng mga
tao o pamayanan sa susunod na henerasyon. Ang iba’t ibang elemento ng kultura ay
nahati sa dalawang uri; Materyal na kultura at di material na kultura

You might also like