You are on page 1of 4

ANO ANG KULTURA?

KULTURA
Ang kultura ay ang pagsalin-salin ng
kaugalian, tradisyon, paniniwala, sining at
pamumuahay ng tao sa isang lugar. Ang
kultura ay tinatawag rin na kalinangan sa
pangkalahatan.
Tumutukoy sa kahulugan at paraan ng
pamumuhay na naglalarawan sa isang
lipunan (Mooney, 2011).
Ito ang kabuuang konsepto ng sangkap
sa pamumhay ng mga tao, ang batayan ng
kilos at gawi at ang kabuuang gawain ng
tao (Panopio, 2017).
Isang komplikadong sistema ng ugnayan
na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan
o isang kabuuan (Andersen at Taylor,
2007).
ELEMENTO NG KULTURA
• Paniniwala- tumutukoy sa mga kahulugan at
paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap
na totoo.
• Pagpapahalaga- maituturing ito na batyan ng isang
grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang
katanggap-tanggap at kung ano ang hindi. Batayan
ito ng tam o mali.
• Norms- tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na
binuo at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan.
• Simbolo- ito ang paglalapat ng kahulugan sa isang
bagay ng mga taong gumagamit nito.

You might also like