You are on page 1of 4

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY

Autonomous Status – CHED


GRADUATE SCHOOL
Roxas Avenue, Roxas City, 5800, Capiz, Philippines
Tel No. (036) 6212-317 ; Fax No. (036) 6213 – 0725
Website: http://www.filamer.edu.ph

GRADUATE SCHOOL

Ipinasa ni: Ruby S. Villasenor Ipinasa kay: Maribel N. Buenavides


MAT Student Professor

Katuturan ng Guniguni at mga Halimbawang Tula

Guniguni- ayon kay Rufino Alejandro, ang guniguni ay kapangyarihan ng isip na


maglarawan magturo at lumikha. Ito ri ay tinatawag na malikhaing pagmunimuni o
creative imagination. Ang paggamit ng guniguni sa pagsulat ng tula ay nakapagbibigay
ng malinaw na paglalarawan, nakapagtuturo, nakalilikha ng bagong kaisipan,
nagpapaalala sa lumipas at nakabubuo ng bagong kaisipan.

Dalawang Paraan ng pag-uuri ng guniguni


1. Ayon sa Sensory Modality
2. Ayon sa Mode ng Hitsura

Mga uri ng guni-guni ayon sa Sensory Modality

1. Mga guni-guni ng visual


Isa sa pinakakilala. Nangyayari ang mga ito kapag nakikita ng tao ang mga
bagay na wala talaga; halimbawa, sa pamamagitan ng pagtingin sa isang indibidwal na
wala. Sa mga kaso tulad ng schizophrenia na taong may sakit maaari ring magkaroon
ng isang relasyon sa nilalang na nilalang. Ang mga visual na guni-guni ay maaari ding
maging mga flash ng ilaw o autoscopy, iyon ay, nakikita ang sarili mula sa labas.

2. Auditory
Ito rin ay pinakakilala. Mayroong paniniwala na ang mga guni-guni na ito ay mga
tinig na inilabas ng isang pangatlong tao at mayroon silang kahulugan, halimbawa,
pananakit sa isang tao, ngunit maaari din silang maging solong mga salita o tunog. Mas
madalas itong maranasan ng mga taong may schizophrenia.

3. Gustatory
Ang mga guni-guni na ito ay hindi gaanong madalas kaysa sa mga nauna.
Karaniwan silang lilitaw sa ilang mga karamdaman, halimbawa, pagkalungkot.
Napansin ng tao ang mga lasa ng mga elemento na wala talaga doon.

4. Olfactory
Bihira rin ang mga ito, at nagsasama ng mga hindi mabangong guni-guni.
Karaniwan silang nangyayari dahil sa paggamit ng droga at sa pangkalahatan ay hindi
kanais-nais na amoy. Minsan lumilitaw din ang mga ito sa mga sandali kung saan ito
ipinahayag kasama ang ilang mga uri ng sobrang sakit ng ulo, pati na rin ang lasa at
pandinig.

5. Somatic
Ang mga guni-guni na ito ay kasama ang mga sensasyon ng katawan ng
indibidwal na nagpapahirap sa kanila, na sa palagay nila ay totoo. Ang ilang mga tao ay
nag-ulat ng pakiramdam na mayroon silang mga metal na organo, inaangkin na
pakiramdam nila wala silang mga organo o na hindi nila namalayan ang mga bahagi ng
katawan.

6. Pindutin
Kilala rin bilang haptic guni-guni at isama ang mga may kinalaman sa
pakiramdam ng ugnayan. Posibleng makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng thermal
(sensations ng malamig o init) o hydric (halimbawa, napansin nila na mayroon silang
tubig sa kanilang baga)

7. Paresthesias
Ang mga ito ay kabilang sa dating pangkat ngunit madalas sa ilang mga
karamdaman tulad ng Wernicke-Korsakov. Ang tao ay nakakaranas ng isang pang-
igting na pakiramdam, na para bang mayroon siyang mga langgam na gumagapang sa
kanyang balat. Kadalasan din sila sa pag-inom ng iba pang mga gamot tulad ng
cocaine.

8. Kinesics
Ang mga kinesic o kinesthetic na guni-guni ay ang mga iyon nauugnay sa
paggalaw ng katawan. Kadalasan sila sa mga pasyente na may Parkinson at mga
indibidwal na kumakain ng mga psychoactive na sangkap.

Mga uri ng guni-guni ayon sa mode ng hitsura

1. Functional na guni-guni
Ay iprinisenta kapag ang isang stimulus ay nagpapalitaw ng isa pa sa parehong
sensory modalidad. Halimbawa, kapag ang isang tao ay nakakarinig ng ingay ng tunog
trapiko at napansin ang tunog ng balita bilang guni-guni.

2. Mga reflexes
Ito ay katulad ng naunang isa dahil ang tao ay may isang guni-guni sa
pagkakaroon ng isa pang pampasigla. Gayunpaman, ang pampasigla na ito ay hindi
kabilang sa parehong sensory modalidad.

3. Negatibo
Tao nakikita na ang isang bagay na talagang mayroon ay hindi naroroon. Iyon
ay, isang bagay ay hindi lilitaw o makakita ng isang bagay na wala talaga doon sa oras
o lugar na iyon, ngunit may isang bagay na naroon na nawala.

4. Mga negatibong autoscopie


Ito ang kumpletong kabaligtaran ng autoscopy. Kung sa autoscopy ang tao ay
nakikita mula sa labas na parang ito ay isang salamin, sa negatibong autoscopy ng tao,
kapag pumunta ka upang tumingin sa salamin, hindi mo nakikita.

5. Extracampinas
Ganyan ba ang mga guni-guni wala sa aming visual na larangan. Halimbawa,
kapag nakikita ang isang tao sa harap na parang nasa likuran sila, o kapag naririnig ang
isang boses na nasa ibang lungsod.

6. Pseudo-guni-guni
Ang mga pseudohallucination ay ang kung saan ang tao alam mong hindi totoo
ang mga guni-guni na naranasan mo. Halimbawa, kapag nakita ng isang indibidwal ang
boses ng isang namatay na kamag-anak ngunit alam na hindi ito maaaring totoo
sapagkat maraming taon na silang namatay.
7. Hypnagogic
Ito ay isang uri ng guni-guni na nangyayari rin sa mga taong walang anumang uri
ng pagbabago ng neurological sa paglipat sa pagitan ng paggising at pagtulog. Maaari
silang pandinig, paningin, o pandamdam.

Halimbawang tula na kakikitaan at mayaman sa guniguni

ISANG PUNONGKAHOY
Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong bundok,


Ako’y tila isang nakadipang krus
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos!

Organo, sa loob ng isang simbahan,


Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan. . .

Sa aking paanan ay may isang batis,


Maghapo’t magdamag na nagtutumangis,
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa kinislap-kislap ng batis na iyan


Asa mo ri’y agos ng lubhang nunukal
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam!

Ang mga kampana sa tuwing orasyon,


Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy
Ibon sa sanga ko’y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko’y may luha ng daloy.

Ngunit tingnan niyo ang aking narating,


Natuyo, namatay sa sariling aliw,
Naging krus ako ng pagsuyong laing ,
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

Wala na, ang gabi ay lambong ng luksa,


Panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga
Ni ibon ni tao’y hindi na natuwa!

At iyong isipin nang nagdaang araw,


Isang kahoy akong malago’t malabay,
Ngayon ang sanga ko’y kurus sa libingan,
Dahon ko’y ginawang korona ng buhay.
. PAGPAPALIWANAG SA BAWAT SAKNONG

Ang tulang Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus ay naghahalintulad


sa kanya sa isang punong kahoy. Ang unang saknong ay naglalarawan sa may akda na
nag-iisip. “Kung tatanawin mo sa malayong pook”. Ito’y nangangahulugang ang may
akda ay nagsimulang nagguni-guni. Sa kanyang guni-guni ay inilalarawan niya ang
kanyang sarili na sumasamba sa Panginoong Diyos. Sa napakatagal na
pagkakaluhod,Parang hinahagkanang paa ng Diyos!Ginamit ang salitang “hinahagkan”
upang ipahiwatig ang tindi ng mensahe at ilarawan ang kalabisan ng pagpapahayag na
malayo sa katotohanan at imposimbleng mangyari sa tunay na buhay.
Sa pangalawang saknong, inilalarawan niya ang posibling mangyayari kung
nasa lamay na siya. Sa una at ikalawang taludtud, ay nangangahulugan na naririnig sa
kanyang lamayan ang mga musikang tinutugtug din sa simbahan. Samantalang, sa
ikatlo at ikaapat na taludtud ay naglalarawan sa kanyang lamay na ang mga kandila ay
inihalintulad sa mga tanod na nag-aabang sa kanyang lamay.
Sa ikatlong saknong, ang salitang batis ay nangangahulugang luha. “Sa aking
paanan ay may isang batis”. Dito ipinapahiwatig na may umiiyak sa kanyang paanan,
malamang nalulungkot sa kanyang pagkamatay kaya doon ay may patuloy na umiiyak
at umaagos ang luha, at sabi pa na hanggang maghapon at magdamag na walang tigil
sa pag-iyak, ang kahulugan. Sa ikatlo at ikaapat na taludtud ay inilalarawan ng may
akda ang kanyang kabaong na inihahalintulad sa sanga. Sa kanyang kabaong ay may
nakasabit na pangalan ng kanyang pamilya na nagmamahal sa kanya.
Sa ikaapat na saknong ay nangangahulugan na ang pag-iyak ng mga
nagmamahal sa kanya ay totoo. Nalaman niya na may tunay o totoong nagmamahal at
nagmamalasakit sa kanya. Kaya nang nalaman niya ito, ay naging masaya siya at
tanggap na niya.
Sa ikalimang saknong ay nangngahulugan na ang kampana ng simbaha ay
tumunog bago ialis ang kabaong. Ito’y nagpapatunay na malapit na syang ihatid sa
kanyang huling hantungan. At ang mga taong nagmamahal sa kanya ay isa-isang
naghahagis ng bulaklak sa kanyang kabaong. At may tao pa rin na patuloy na umiiyak
at humagulgol sa paanan ng kanyang kabaong.

Ibig sabihin sa ikaanim na saknong yaong naihatid na siya sa kanyang huling


hantungan at nang matabunan ng lupa ay nawala lahat ang kanyang kaligayahan,
nararamdaman ang kalungkutan at nag-iisa sa dilim. Sa puntod na yaon ay wala nang
nagbabantay sa kanya.
Sa ikapitong saknong, ay naalimpungatan na siya sa kanyang pagguni-guni
nang napagtanto niya na ang kanyang mga guni-guni ay hindi nakakatuwa.

Sa huling saknong naman, ay nagmuni-muni siya sa panahon ng kanyang


kabataan, inaasahan niya at kanyang inilaan na ang kanyang mga gawa ay maging
inspirasyon sa kapwa.

Sanggunian:
https://tl.warbletoncouncil.org/tipos-de-alucinaciones-3108
http://ffaijm.blogspot.com/2017/06/guniguni-simbolo-sagimsim-at-mga.html
https://www.coursehero.com/file/117190988/Guniguni-Sagimsim-Simbolodocx/

You might also like