You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Filamer Christian University


Paaralang Gradwado
Lungsod ng Roxas
Mat-Filipino
________________________________________________________________________

Michaella M. Aboy Prof. Melody Blance


Tagapag-ulat Guro sa Fil 416

LAYUNIN NG RETORIKA

RETORIKA

Galing sa salitang Griyego na "rhetor" na nangangahulugang "guro" o mahusay na orador


o mananalumpati.

Ayon Kay Sebastian, ang retorika ay Isang mahalagang kaalaman ng pagpapahayag na


Kung saan ay tinutukoy Kung maganda o kaakit-akit ang pagsusulat at pagsasalita. Maari
rin itong tawagin bilang pag-aaral o kahusayan ng isang indibidwal sa pagpili ng mga
salitang gagamitin sa pagsulat o pagsasalita.

Ayon sa Wikipedia (2015), ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang


maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang
nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid.

LAYUNIN MG RETORIKA

* Nagbibigay daan sa Komunikasyon

* Nagdidistrak

* Nagpapalawak ng pananaw

* Nagbibigay ng Pangalan

* Nagbibigay kapangyarihan

* Makapagdebelop ng kritikal na pag-iisip

* Makapagpapokus ng atensyon ng tagapakinig

MGA SANGGUNIAN

https://aralinph.com/retorika-kahulugan-at-halimbawa/

http://inspiringmodelsofeducation.blogspot.com/2015/10/ano-ang-kahulugan-ng-retorika-ang_14.html?m=1

FILAMER CHRISTIAN
https://www.panitikan.com.ph/ano-ang-layunin-ng-retorika
UNIVERSITY
http://maestroaeious.blogspot.com/2015/05/layunin-at-gampanin-ng-retorika.html?m=1
GRADUATE SCHOOL
Autonomous Status – CHED
Roxas Avenue, Roxas City 5800, Capiz, Philippines Tel. No.
(036) 6212-317 Fax No. (036) 6213-075
Website: http://www.filamer.edu.ph

FILIPINO 416: MAUNLAD NA RETORIKA

Bb. Mary Kristine J. Alejaga


Bb.Mary Chiel B. Atong PROF. MELODY J. BLANCE
Taga-ulat Guro

SANGKAP AT ELEMENTO NG
RETORIKA

Ano ang retorika?

Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa


sining ng maganda at kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita. Ito ay sining ng mabisa at
magandang pagpapahayag na sumasaklay sa maraming sangkap na may kaugnayan sa
pagsusulat gaya ng pananalita, himig, struktura at kalinawan sa pagpapahayag, sulat,
memo, ulat, pagsusuri, pamanahong papel, paghahanda sa mga proposal ng mga
proyekto o ano mang klase na may kaugnayan sa pagsusulat o paglalarawan.

SANGKAP AT ELEMENTO NG
RETORIKA
SANGKAP NG RETORIKA

 Ang kaisipang gustong ipahayag.

- Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais nating magpahayag. May
mahalaga tayong kaisipang nais ipahayag.
 Ang pagbuo o organisasyon.

- Ito ay kumakatawan sa kaayusan ng pagkakabuo.


 Ang istilo ng pagpapapahayag

- Ang anyo o kaayusang akda o komposisyon ay nakasalalay sa mga paraan


ng pagpapahayag hindi lamang sa kawastuhan ng balarila kungdi maging sa
panitikan.
ELEMENTO NG RETORIKA

PAKSA

Ang paksa ang pinakasentral na ideya sa sulatin. Sa pagbuo ng isang sulatin, kailangang
may sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang susulatin, may kasanayan sa pagsulat at may
karanasan. Kinakailangang magsaliksik tungkol sa paksang susulatin.
Mga maaaring mapagkunan ng mga impormasyon:
 Encyclopedia
 Diksyunaryo
 Alamanac at Taunang Aklat sa Estadistika
 Internet

KAAYUSAN NG MGA BAHAGI

Sa kaayusan ng mga bahagi kailangang may introduksyon, katawan at konklusyon.


Kadalasang ang paggawa ng balangkas ang ginagamit sa pagsasaayos ng mga bahagi ng isang
sulatin. Kinakailangang sa pagbasa pa lang ng balangkas ay magkarooon na ng ideya ang iyong
awdyens kung tungkol saanba ang iyong isinulat.

ESTILO

Bawat tao ay may kanya-kanyang estilo sa pagsusulat. Ang pagsulat ang nagsisilbing
mapagkakakilanlan sa isang manunulat.
Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng estilong gagamitin sa pagpapahayag:
 Layunin
 Tono
 Katibayan
 Estruktura
 Awdyens
 Wikang gagamitin sa pagsulat Iba’t
Ibang Estilo ng Pagpapahayag
1. Paglalahad

2. Paglalarawan

3. Paghahambing at Pag-iiba
4. Sanhi at Bunga

5. Pagsasalaysay
6. Pangangatwiran

7. Pagsusuri
SHARED KNOWLEDGE (PAREHONG KAALAMANG TAGLAY NG
MANUNULAT AT AWDYENS)
Ang manunulat at awdyens ay may shared knowledge. Ilan dito ang kultura,
wika, pangyayari, paniniwala at kaugalian. Sa pamamagian nito ay maaaring
maiangkop ng manunulat sa kanilang target na awdyens ang kanyang isinulat.

PAGLILIPAT NG MENSAHE

Masasabing nalilipat ang mensahe na nais ipabatid ng manunulat kung


mayroong agarang feedback galling sa kanyang mga awdyens.
Dalawang Pamamaraan ng Palilipat ng Mensahe
 Pasalita na Pagpapahayag
 Pasulat na Pagpapahayag

SANGGUNIAN:
https://www.scribd.com/document/448195330/mga-elemento-ng-retorika
https://www.course.com/file38423240/elemento-ng-retorikadocx/
https://www.scribd.com/document/443251777/mga-elemento-ng-retorika-docx
https://youtu.be/Mr_BB34bb4c
FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY
GRADUATE SCHOOL
Tel. No. (036) 6212-317 Fax No. (036) 6213-075
Autonomous Status – CHED
Roxas Avenue, Roxas City 5800, Capiz, Philippines
Website: http://www.filamer.edu.ph

FILIPINO 416: KATANGIAN NG MASINING NA PAHAYAG

Bb. Kimberly B. Apolinario PROF. MELODY J. BLANCE


Taga-ulat Guro

KATANGIAN NG MASINING NA PAHAYAG

ISANG KOOPERATIBONG SINING: (hindi ito maaaring gawin mag-isa)


- Ito ay ginagawa para sa iba sapagkat sa reaksyon ng iba nagkakaroon ito ng
kaganapan.

ISANG PANTAONG SINING:


- Wika ang midyum ng retorika, pasalita man o pasulat. Dahil ang wika ay isang
eksklusibong pag-aari ng tao, ang Retorika ay nagiging isang eksklusibo ring
sining ng tao at para sa tao.

ISANG TEMPORAL NA SINING:


- Ang retorika ay nakabatay sa panahon. Ang iba pang sangkap ng retorika tulad
ng paksa at paraan ay laging naiimpluwensyahan ng kasalukuyang panahon.

ISANG LIMITADONG SINING:


- Sa realidad hindi lahat ng bagay ay magagawa nito. Ang retorika ay hindi
Diyos na nakakapagpagalaw ng bundok, nakakapagparaming pagkain o
nakakakpaghati ng dagat. Samakatuwid,kung sa imahinasyon ay walang
limitasyon ang retorika, sa realidad ay limitado ang kayang gawin nito.

ISANG MAY KABIGUANG SINING:


- Hindi lahat ng tao ay magaling sa paghawak ng wika, marami sa atin ang
limitado lamang ang kaalaman at kasanayan sa wika. Bunga nito, hindi lahat
ng tao ay nagtatagumpay sa layunin sa lahat ng pagkakataon, sa ilang mga tao,
sa ilang mga okasyon; ang retorika ay nagiging frustrating na karanasan.

ISANG NAGSUSUPLING SINING:


- Ang retorika ay nagsusupling ng mga kaalaman.

ANG EPEKTIBO AT MASINING NA PAGPAPAHAYAG


Sining ng epektibo at masining na pagpapahayag ang retorika. Nakaugnay ito sa
maraming sangkap ng pagsulat, pananalita, himig, estruktura, at kalinawan ng
pagpapahayag. Isinasaalang-alang nito ang tamang gamit ng wika, kaya saklaw rin ang
mga tuntunin ng balarila. Hindi kinaliligtaan ng retorika ang balarila sa mga aspektong
may kinalaman sa wastong gamit, kabuuan, kaanyuan, at leksikograpiya.
Magkalangkap ang dalawa sa paglinang ng iba’t ibang kasanayan – sa pasalita at
pasulat, kailangang may kontrol sa wastong paggamit ng wika ng epektibong salita.
Masusukat kung mabisa o epektibo ang pagpapahayag kung nakapaghatid ito ng
maliwanag na impormasyon, nakapagpahayag ng makabuluhang ideya, at nakapagkintal
ng mga kaalaman sa isipan ng mambabasa o tagapakinig. Masusukat kung masining ang
pagpapahayag kung ang mga salitang ginamit ay nagsaalang-alang sa himig o tono, sa
ritmo, at sa talinghaga.
Tandaang masining at mabisa ang pahayag kung nakapupukaw at
nakapagpapasidhi ng isipan, kung nakaaantig ng damdamin, at kung nakatutulong ang
iba’t ibang estruktura sa masining, maganda, at malinaw na pagpapahayag (Bisa 1992).

May mga batayang simulain o prinsipyong kailangan para sa mahusay na pagsulat. Ito ay
ang mga sumusunod:

1. Katapatan – maging matapat; huwag tangkaing baguhin ang iyong mga ideya.
2. Kalinawan – huwag lituhin ang iyong mambabasa.
3. Katiyakan o katipiran sa pagsasabi – maging tiyak at matipid sa sasabihin:
huwag sayangin ang panahon ng iyong mambabasa.
4. Pagkakaiba-iba ng paraan – magsikap na mapagiba-iba ang paraan ng
pagpapahayag; pag-iba-ibahin ang haba ng mga pangungusap; subuking
mapasigla ang paraan.

SANGGUNIAN:

https://www.coursehero.com/file/12079362/Retorika/

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY


GRADUATE SCHOOL
Autonomous Status – CHED
Roxas Avenue, Roxas City 5800, Capiz, Philippines
Tel. No. (036) 6212-317 Fax No. (036) 6213-075
Website: http://www.filamer.edu.ph

FILIPINO 416:MAUNLAD NA RETORIKA (ADVANCE RHETORIC)


KAHALAGAHAN NG MASINING NA PAHAYAG

G. ROMEO V. APONIO JR. PROF. MELODY J. BLANCE


Taga-ulat Guro
KAHALAGAHAN NG MASINING NA PAHAYAG
RETORIKA

Ito ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng


maganda at kaakit-akit na pagsulat at pagsasalita.

ANO ANG MASINING NA PAHAYAG?

Ang masining na pahayag ay isang paraan ng pagpapahayag na tumutukoy sa kasiningan


ng kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat upang maunawaan, mahikayat at kaluguran ng
mga nakikinig o bumabasa.

Masusukat kung mabisa ang o epektibo ang pagpapahayag kung nakapaghatid ito ng
maliwanag na impormasyon, nakapagpapahayag ng makabuluhang ideya, at
nakapagkintal ng mga kaalaman sa isipan ng mga mambabasa o tagapakinig. Masusukat
kung masining ang pagpapahayag kung ang mga salitang ginamit ay nagsaalang-alang sa
himig o tono, at sa talinghaga.

Ang mahusay na pagpapahayag ay gumagamit ng pili at angkop na salita batay sa


kahulugan at damdaming ibig ipaabot subalit dapat ding wasto ang mga salita batay sa
tuntunin ng gramatika. Samakatuwid ang sining ng pagpapahayag ay naipapamalas sa
mabisang paglalangkap ng gramatika at retorika. Ang gramatika ay gagabay sa
kawastuhan ng pahayag at ang retorika naman ay titingin sa kagandahan ng pahayag nito.

KAHALAGAHAN NG MASINING NA PAHAYAG

 Kahalagahang Pangkomunikatibo – ano man ang ating iniisip nating ipahayag sa


pasalita o pasulat na paraan upang maunawaan ng iba pang tao. Samakatuwid,
dahil sa retorika, ang dalawa o higit pang tao ay nagkakaroon ng komunikasyon.
 Kahalagahang Panrelihiyon – salita ang puhunan ng mga pari at ministro
alinmang sekta ng relihiyon sa kanilang pagpapalaganap ng pananampalataya.
Nakasalalay sa kanilang makarismatikong tinig, malinaw at madaling
maintindihang pananalita at maengganyong pagsasalita ang tagumpay ng kanilang
misyon at nila mismo bilang relihiyosong lider.
 Kahalagahang Pampanitikan – sa isang manunulat, ang kanyang tagumpay sa
pagsusulat ay nasa paggamit niya ng mga salita. Dapat ang gamit niyang wika at
ang estilo ng kanyang pagpapahayag sa kaniyang mga akda ay parang buhay na
tubig na natural na sumisibol at dumadaloy sa personalidad ng kanyang tauhan at
sa kapaligirang kanilang ginagalawan.
 Kahalagahang Pangmedia – ang mga artista sa teatro, telebisyon at pelikula,
gayundin ang mga personalidad sa iba’t ibang media ay nakararating sa rurok ng
kanilang tagumpay sa pamamagitan ng mga katangi-tangi nilang pagsasalita at
mga kaakit-akit nilang boses na humuhubog sa kanilang personalidad para
makilala ng madla. Ito ang nagsisilbing puhunan sa pag-unlad.
 Kahalagahang Pampulitika – maraming pulitiko ang namumuhunan sa
maretorikang pagpapahayag. Sa sandali ng kanilang pangangampanya,
kapananabik ng pagbibitiw nila ng mga pananalita lalo’t naglalaman ng mga
platapormang mapangako sa mga kalagayang naghihintay ng pagbabago.
TANDAAN:
Nagiging masining at mabisa ang pahayag kung nakapupukaw at nakapagpapasidhi ng
isipan, kung nakaaantig ng damdamin at kung nakatutulong ang iba’t ibang estruktura sa
masining, maganda, at malinaw na pagpapahayag. (Bisa 1992)

SANGGUNIAN:

https://www.studocu.com/ph/document/university-of-the-east-philippines/accountancy/
module-1-retorika-filipino/24975278

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY


GRADUATE SCHOOL
Autonomous Status-CHED
Roxas Avenue, Roxas City 5800, Capiz, Philippines
Tel.No. (036) 6212 -317 Fax No. (036) 6213-075
Website: http://www.filamer.edu.ph

Filipino 416: Tungkulin ng Retorika

EUNEIL CRIS D. ANIPAN


REGIE L. ARLANTE PROF. MELODY J. BLANCE
Taga-ulat Propesora

MGA TUNGKULIN NG RETORIKA


Ano man ang ating iniisip o nadarama ay maari nating ipahayag na paraang
maunawaan ng ibang tao. Samakatuwid dahil sa retorika, ang dalawa o higit pang tao ay
nagkakaroon ng komunikasyon. Mahalaga ito sa pang-araw-araw na buhay ng tao dahil
ito ay nagbibigay daan sa mga aktibidades na ginagawa ng tao tulad ng pakikipag-
usap,pakikipag-argumento at paghahanap ng impormasyon at kaalaman.

1. Paraan ng talamitan. Napakahalaga ng retorika sa pang-araw-araw na


pakikipag-usap o talamitan ng tao sa kaniyang kapwa. Gumagamit tayo ng
retorika upang mapadali at mapagaan ang mga bagay na nasa isip na nais
iparating ng pasalita o pasulat.
Halimbawa:
Tanaw na tanaw na namin ang maluwag na bibig ng bulkan.
Tanaw na tanaw na namin ang maluwag na bunganga ng bulkan.

Ooperahin bukas ang mata ni Angelita.


Inoperahan si Olive kaninang umaga.

Pahirin mo ang pawis mo sa noo.


Pahiran mo ng Vicks ang likod ng bata.

P.S. Nagbabago ang diwa batay sa isang tiyak na salita na ginamit sa loob ng
pangungusap.

2. Nakakukuha ng atensyon. Bunga ng mga nababasa at naririnig natin sa mga


telenobela, pagbabalita, pagkukuwento sa mga pangyayari; naaagaw nito ang
ating atensyon, anu man ang ating ginagawa. Ang mga ganitong naidudulot ng
retorika ang mga makapagpapagaan sa ating mga alalahanin at pangamba.
Dagdag pa rito maikintal sa isip at loob ang kaisipang sinasabi.

3. Nagngangalan. Dahil sa retorika ay sumisikat ang isang produkto o lugar dahil sa


ngalang ibinigay dito tulad ng “dampa” (restaurant ng mga paluto”; “Jollibee”
(burger store); “Starbucks” (coffee shop); at iba pa.

4. Nagbibgay ng kapangyarihan. Maraming kilalang tao sa mundo. Ang


nakakilala at naging tanyag dahil sa galling nilang magsalita at maglahad tulad
nina Dr. Jose P. Rizal; Pang. Ferdinand Marcos; US Pres. Abraham Lincoln;
Adolf Hitler; Martin Luther King; at iba pa bungag talion nila sa pagsasalita,
maraming tao ang sa kanila ay nakinig at napaniwala na nagluklok sa kanila sa
kapangyarihan.

Mga Sanggunian:
Aguilar, Reynaldo et. al (2012) Masining nap AGPAPAHAYAG (Retorika). Grand
Books Publishing, Inc. 50 M. Flores St. Cor. Lorenzo, Sto. Rosario, Kanluran,
Pateros, Metro Manila
Badayos. Paquito B. (2016). Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika. Metro Manila:
Grandbooks Publishing Inc. p. 193.
Retorika. n.d. Retrieval date: July 30, 2023. https://www.termpaperwarehouse
.com/essay-on/Retorika/131983
Retorika. n.d. Retrieval date: July 30, 2023. https://www.studocu.com/ph/document/
university-of-the-east-philippines/accountancy/modyul-1-retorika-filipino/24975278
YUNIT 2:
ANG LAYUNIN
AT
SANGKAP NG
RETORIKA

Group 1:
Michaella M. Aboy - Layunin ng Retorika
Mary Kristine J. Alejaga & Mary Chiel B. Atong - Sangkap at
Elemento ng Retorika
Kimberly B. Apolinario – Katangian ng Masining na Pahayag
Romeo V. Aponio Jr. – Kahalagahan ng Masining na Pahayag

You might also like