You are on page 1of 27

PANGKAT 2

YUNIT III- RETORIKA AT BALARILA


1. BAYLON, JINKY ROSE D- Gamit ng Idyoma
2. BAJALA, CHERRY P- Wastong Gamit ng Salita
3. BALDADO, ANGELICA A.- Ang Tayutay o
Patalinhagang Pagpapahayag
4. VILLANUEVA, CHARLES GIL A. - Mga Uri ng
Tayutay
5. BALIGUAT, MARY GRACE C. – Pagkakaiba ng
Idyoma sa Tayutay
6. BACUD, CRIS AN M. - 2009 Gabay sa
Ortograpiyakng Filipino (KWF)
7. SAMONTE, JOEMARY O. – 2009 Gabay sa
Ortograpiyakng Filipino (KWF)
8. BEJO, ANA JANE D. – Kahulugan ng
Panghihiram / Mga Paraan ng Panghihiram
sa Ingles
CHERRY P. BAJALA
Taga-ulat
Ang Tayutay o Patalinghagang Pagpapahayag

Taga-ulat: ANGELICA A. BALDADO Professor: Gng. Melody J. Blance

Ang retorika bilang isang sining ay nangangailangan ng masining o malikhain at maingat na


pananalita upang maging kaakit-akit at magbubunsod na magmuni muna ang mga tagapakinig at
mambabasa. Higit na magiging mabisa at malikhain ang pagpapahayag kapag ginagamitan ng
matatalinghagang pahayag tulad ng tayutay. Nakatutulong ito sa pagpapayaman ng nilalaman ng
isang salita.
Ang sining ng panitikan ay hindi lamang nakasentro sa simpleng pagsasabi ng mga salita,
kundi ito rin ay naglalaman ng iba’t ibang elemento na nagpapalalim at nagpapayaman sa ating
pagkaunawa. Sa artikulong ito, ating tatalakayin ang isa sa mga mahahalagang elemento ng
panitikan – ang tayutay. Ating pag-uusapan kung ano nga ba ang tayutay, mga halimbawa nito, at
iba’t ibang uri ng tayutay.
Hitik sa talinghaga ang tula. Ito ang nagsisilbing palamuti ng tula upang manatili ang
kasiningan at kariktan nito. Ayon kay Lope K. Santos, ang talinghaga ay hindi lamang sumasakop
sa mga tayutay tulad ng sinkedoke, metapora, metonimiya, kundi sa kabuuan ng retorika (masining
na pagpapahayag) at poetika na tumatalakay sa mga kaisipan at sari-saring pamamaraan ng
pamamahayag nito. Inuri rin ni Lope K. Santos ang talinghaga sa dalawa: ang mababaw, at ang
malalim. Ang mababaw na talinghaga ay madaling maunawaan ng nagbabasa samantalang ang
malalim na talinghaga ay nangangailangan ng malalim na pag-iisip at tuon upang maunawaan ang
kahulugan.
Para kay Virgilio Almario, ang talinghaga ay buod ng pagtula. Binanggit pa niya na upang
mapagkuro kung ano ang talinghaga ay mahalagang dalumatin ang panloob at panlabas na puwersa
ng tula. Ang panloob na puwersa ay mahihinuhang may kaugnayan sa mga salita o sagisag na
ginagamit sa loob ng tula, samantalang ang panlabas na puwersa ay may kaugnayan umano sa
anumang umaantig o nakaantig sa diwa o guniguni.
Ayon naman kay Roberto Añonuevo, ang talinghaga ay maaring magtaglay ng mga
sumusunod na katangian: 1) sisidlan ng diwa; 2) palaisipan na nakasakay sa pahiwatig at ligoy; 3)
disenyo at paraan ng pagpapahayag, paglalarawan, o pagsasalaysay; at 4) buod na nilalaman ng tula.

MATALINGHAGANG PAHAYAG – Ang mga matalinghagang pahayag ay mga pahayag na may


malalalim na kahulugan. Ito ay mga elspresyong may malalim na salita o hindi tiyak na kahulugan.
Sinasalamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang Filipino. Ang paggamit ng mga
matalinghagang pahayag ay nagdudulot ng kagandahan at pagkamalikhain sa ating wika. Ito ay
nakahuhubog sa mga intelektwal ng isang tao. Narito ang ilang mga halimbawa ng
matatalinghagang pahayag at ang kahulugan ng mga ito.
HALIMBAWA:
1. Kapilas ng buhay - asawa
2. Bukas ang palad - matulungin
3. Tuyo ang papel - magandang imahe
4. Pagsusunog ng kilay - pagsisipag sa pag-aaral

Ano ang tayutay?


Ang tayutay (figure of speech) ay mga salita o pariralang ginagamit upang maging mabisa at
kaakit-akit ang pagpapahayag. Sa pagtatayutay, ang pagpapahayag ay nagiging matalinghaga at may
lalim ang kahulugang nais ipabatid sa kausap o sa mambabasa. Kung magkagayo'y ang tayutay ay
sadyang paglihis sa karaniwang pagpapakahulugan ng mga salitang ginarmt sa pahayag upang
gawing lalong mabisa, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.
Ang tayutay (figure of speech): talinghaga, pahayag na pahiwatig. Ang tayutay ay buhat sa
salitang taytay (bamboo plank or bridge); tulay o andamyo. Sa kolokyal ay itinatayong tulay. Sa salita,
na ang layunin ay maging maganda ang pagpapahayag; pasalita o pasulat.
Iniuugnay ang retorika sa pag-aaral ng tayutay sapagkat ito ay nagtataglay ng talinghaga na
nagpapasining at nagpapaganda rito. Kadalasang hindi natin namamalayang gumagamit tayo ng
tayutay na pagpapahayag na tinatawag nating "bulaklak ng dila". Ito ay totoo kapag sinabi nating
“nagbabanta ang langit”, “parang kinurot ang puso ko”, “mabigat ang loob ko sa taong iyan” o
“masama ang pakiramdam”. Mapapansing ang gamit ng nagbabanta, kinukurot at mabigat ay
kakaiba sa karaniwang gamit ng mga salitang iyon. Karamihan sa ating mga pagpapahayag ay kusa
o di kinukusang naglalaman ng ganitong mga palamuti. Ayon kay Arrogante (1994), ang
pagtatayutay ay nagmumula sa isang imahinasyon na sa tulong ng malawak na karanasan sa buhay,
mayamang bokabularyo, at maunlad na kasanayan sa pagsasalita, kahit di na pag-isipan pa, kusa
itong pumipilantik sa dila.
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita sa paraang patayutay, nadaragdagan ang
kapangyarihan at pahiwatig ng salita. Pinalilinaw ng tayutay ang pagpapahayag, pinagiging-tiyak
kundi man binibigyan ng angkop na paglalarawang madaling nakahihikayat ng damdamin.
Mga Halimbawa ng Tayutay
Ang mga sumusunod ay ang sampung (10) halimbawa ng tayutay:
1. Ang ama ni Solomon ay leon sa bagsik.
2. Kaya kong sungkitin ang mga bituin mapasagot lamang kita.
3. May anim na mga matang nakatingin sa iyo.
4. Ang buhay ay parang gulong ng palad.
5. Para kang tala na nagniningning sa gabing madilim.
6. Napangiti ang langit sa iyong pagdating.
7. Hulog ng langit ang batang si Kendra.
8. Wala nang hihigit pa sa aming ilaw ng tahanan.
9. Ang iyong mga mata ay tila bituing maningning.
10. Sa Perlas ng Silangan ako isinilang.
Mga Halimbawa ng Tula na may Tayutay
Personipikasyon
1. Dahong kumakaway sa saya
Tampok mga pusong kumakanta
Mga sangang humaharang
Sa mag-irog bakas na andukha.

2. Mga ngiting namumutawi’t nangungusap


Sa landas na tinatahak anumang hirap
Mukhang salamin ng malagim na trahedya
Sa kapalarang nagsusumamo ng hustisya.

Simili / pagtutulad
1. Animo’y kalabaw na walang kapaguran
Kayod sa umaga’t maghapon man
At tulad ng langgam na kay liit
Tinatarok tirik ng ibong pipit.

2. Animo’y alapaap na kay sarap damhin


Ang pag-ibig na aking inaangkin
Singhalimuyak ng rosas sa ardin
Ang tamis ng pagmamahal na sumasalin.

Hayperboli
1. Galun-galong pighati’t lungkot
Suliraning kanya umiikot
Isang kutsarang luhang hakot
Ng solusyong laging poot.

2. Maria Clarang malibog-kiri


Kagandahan ang pinahahari
Kabaong ng pakitang kimi
Pang-akit kindat sa lalaki
Ang Ilang Tayutay na Madalas na Ginagamit

 Simili o pagtutulad
 Metapora o pagwawangis
 Personipikasyon o pagbibigay-katauhan
 Apostrope o pagtawag o panawagan
 Aliterasyon o paripantig
 Anapora o paimuna
 Anadiplosis o paugnay
 Epipora o padulo
 Antimetabole o empanodos o pabalik na pag-uulit
 Katapora
 Pagmamalabis o hayperbole o pasawig
 Panghihimig o onomatopeya
 Sarkasmo o pag-uyam o pauroy

Sanggunian:

https://aralipunan.com/halimbawa-ng-tayutay/

https://noypi.com.ph/tayutay/

http://astrodeus.blogspot.com/2008/12/tayutay-at-talinghaga-pangunahing.html

https://www.google.com.ph/books/edition/Retorika_Mabisang_Pagsasalita_at_Pagsula/QY2UCDSYFGAC?hl=e
n&gbpv=1&dq=maunlad+na+retorika:+tayutay&printsec=frontcover

https://www.scribd.com/document/359395164/122925815-Mga-Patalinghagang-Pagpapahayag-o-Tayutay#

https://www.scribd.com/doc/42740264/halimbawa-ng-mga-tayutay-sa-tula
CHARLES GIL A. VILLANUEVA PROF. MELODY J. BLANCE
Taga-ulat Tagalinang ng Kurso

Yunit 3: Retorika at Balarila (D. Mga Uri ng Tayutay)

Kahulugan ng Tayutay

• Ang tayutay o “figure of speech” sa wikang ingles ay mga salita o mga


pahayag na gumagamit ng mga salitang matalinghaga upang ang
pagpapahayag ay mas maging kaakit-akit, makulay, at mabisa.
• Ang isang salita o parirala sa isang tayutay ay nagtataglay ng hiwalay na
kahulugan mula sa literal na kahulugan nito. Ginagamit ito upang bigyang
diin ang isang kaisipan o damdamin.

Uri ng Tayutay

1. Pagtutulad o Simile
-Paghahambing ng dalawang magkaibang tao, bagay, o pangyayari. Tinatawag din
itong simile sa Ingles.
-Maaari itong gamitan ng mga salitang tulad ng, paris ng, kawangis
ng, tila, sing-, sim-, magkasing-, at magkasim-
HALIMBAWA:
 Paris ng malamig na kape ang pakikitungo niya sa akin.
 Si Mang Mario ay kawangis ng aming ama ng tahanan.
 Bigla na lamang siyang nawala tulad ng isang ninja.
 Tila kalapating mababa ang lipad kung manamit itong si Elsa.

2. Pagwawangis o Metapora
-Ito naman ang tiyak o tuwirang paghahambing ngunit hindi na kailangang
gamitan ng pangatnig sa pangungusap hindi ito gumagamit ng mga salita gaya
ng sa pagtutulad. Tinatawag din itong metaphor sa wikang Ingles.

HALIMBAWA:
 Ang oras ay ginto.
 Ang pagtawa ay ang musika ng kaluluwa.
 Ang ina ni Joshua ay bituing tanglaw niya sa landas ng buhay.
3. Personipikasyon o pagsasatao
- ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao -
talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga
pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa. Personification ito sa
Ingles.

HALIMBAWA:
 Nilamon ng daluyong ang mga kabahayan.
 Sumayaw ang kidlat sa kalangitan.
 Kumaway ang mga dahon sa hangin.

4. Hyperbole o Pagmamalabis
-ito ay lagpas-lagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o kakulangan ng isang
tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o
katayuan.
- Maaaring lagpas sa katotohanan o eksaherado ang mga pahayag kung iyong
susuriin. Tinatawag din itong hyperbole sa wikang Ingles.

HALIMBAWA:
 Namuti na ang mga mata ni Johny kahihintay kay Myla.
 Handa kong kunin ang buwan at mga bituin mapasagot lang kita.
 Naglakad ako ng isang milyong milya para makarating dito.

5. Pagtawag o Apostrope
-Ito ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito ay isang tao.
Kilala ito bilang apostrophe sa wikang Ingles.
-Ang entidad na tinutugunan ay maaaring isang walang buhay na bagay (tulad ng
mga bituin o karagatan), isang abstrak na ideya (tulad ng pag-ibig o kapalaran).

HALIMBAWA:
 Kasiyahan, bakit tila’y hindi kita nararamdaman?
 O mga alon, lunurin mo ang aking kalungkutan!
 Pag-asa, ikaw ba ay nariyan pa?

6. Onomatopeya o Panghihimig
-ay ang proseso ng paglikha ng isang salita na ginagaya, kahawig, o
nagmumungkahi ng tunog na inilalarawan nito.

HALIMBAWA:
 Nagulat ako sa lakas ng beep-beep ng truck.
 May naririnig akong nag meow-meow sa likod ng bahay naming.
 Ang tik-tak ng relo ay napakaingay.
7. Pag-uyam
-Ang pag-uyam ay isang tayutay kung saan ang isang komento ay sinadya upang
masaktan o kutyain ang isang bagay ngunit nakabalatkayo na paraang
nakakapuri.

HALIMBAWA:
 Talaga palang mabait ka, kasing bait mo si hudas.
 Ikaw ang pinaka maganda sa lahat kapag ikaw ay naka talikod.
 Ang ganda naman ng damit mo, kay ganda gawing basahan.

8. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke
-ay isang tayutay kung saan ang isang salita o parirala na tumutukoy sa isang
bahagi ng isang bagay ay hinahalili upang tumayo sa kabuuan, o kabaliktaran.
HALIMBAWA:
 Hihingin ko na ang kaniyang kamay bukas.
 Walong bibig ang umasa kay Ben.
 Nang dahil sa sampung kamay ay natapos rin ang aming proyekto.
9. Paglilipat-wika
-ay isang termino na tumutukoy sa proseso ng paglilipat ng mga katangian ng
tao sa mga bagay na walang buhay. Ginagamitan ito ng mga pang-uri.

HALIMBAWA:
 Napakatahimik ng mga bintana sa kwarto ni Anna.
 Ang mapagkumbabang sapatos ni Lilia ay kaniya ng nilinisan.
 Ang mapagmataas na sombrero ni Henry ay natangay ng hangin.

10. Pagpapalit-tawag
-Ito ang pagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy. Maaaring
ito’y sa pamamagitan ng paggamit ng sagisag para sa sinasagisag, paggamit sa
lalagyan para sa bagay na inilalagay, o pagbanggit ng simula para sa wakas o
wakas para sa simula.Kilala rin ito sa tawag na metonymy sa wikang Ingles.

HALIMBAWA:
 Si Prinsipe William ang susunod na magmamana ng korona
 Sila ang aking ikalawang tahanan.

11. Pasukdol o Climax


-ang mga sunud-sunod na salita, parirala, sugnay, o pangungusap ay nakaayos
sa pataas na pagkakasunud-sunod ng kahalagahan.

HALIMBAWA:
 “Tingnan mo! Sa langit! Ito ay isang ibon! Ito ay isang eroplano! Ito ay
Superman!”
 “Nakita ko ang pagdilim ng paligid at paglakas ng ihip ng hangin na tila
nagbabadya ng isang malakas na bagyong paparating.”
12. Antiklaymaks
-tumutukoy sa isang pananalita kung saan unti-unting bumababa ang mga
pahayag ayon sa kahalagahan. Ito rin ang pagkakaayos ng isang serye ng mga
salita, parirala, o sugnay sa pagkakasunud-sunod ng pagbaba ng kahalagahan.

HALIMBAWA:
 “Ang kabutihan niya sa akin ay tila nawala, naglaho, at napawi..”
 “Hayaang kilalanin ng isang tao ang kaniyang obligasyon sa kaniyang sarili,
sa kaniyang pamilya, sa kaniyang bansa, at sa kaniyang Diyos.

13. Paglumanay
-Tinatawag na euphemism sa ingles ay ginagamit upang ipahayag ang isang
banayad, hindi direkta, o hindi malinaw na salita or parirala upang palitan ang
isang malupit, mapurol, o nakakasakit na termino.

HALIMBAWA:
 “Huwag ka sanang mabibigla ngunit ang iyong anak ay natagpuan na
pantay na ang mga paa.” (patay na)
 “Tinatawag na ako ng kalikasan.”

14. Pagtatambis
-Ang pagtatambis o oxymoron sa ingles, ay isang tayutay na pinagsasama ang
dalawang salita na magkasalungat.

HALIMBAWA:
 “Gaano kadalas ang minsan?”
 “Umaakto ka na naman na parang banal na demonyo.”
 “Ang buhay ay parang gulong; minsan sa ibabaw, minsan sa ilalim.”

Mga Sanggunian
• https://filipino.net.ph/tayutay/
• https://noypi.com.ph/tayutay/
• https://www.slideshare.net/JhaymieRRDagohoy/presentation1-
36409576
• https://tl.wikipedia.org/wiki/Tayutay
• https://www.tagaloglang.com/mga-uri-ng-tayutay/
• https://www.scribd.com/presentation/508597769/TAYUTAY-Mga-
iba-t-ibang-uri-at-halimbawa
Bb. Mary Grace C.Baliguat PROF. MELODY J. BLANCE
Taga-ulat Propesora

FILIPINO 416

PAGKAKAIBA NG IDYOMA SA TAYUTAY

IDYOMA O SAWIKAIN

Inilarawan ni Binas, (2013), ang idyoma ay karaniwang hinahango ang kahulugan nito sa karanasan
ng tao gaya ng mga pangyayari sa buhay o mga bagay-bagay sa ating paligid.

Ayon kay Arenal, (2018), ang mga idyoma o idyomatikong pahayag o salitang matalinghaga ay
parirala o pangungusap na ang kahulugan ay kumpletong magkaiba ang literal na kahulugan ng
salitang gawa sa matalinghagang salita.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng idyoma at mga kahulugan ng bawat isa:

• ilaw ng tahanan – ina

• haligi ng tahanan – ama

• bukas ang palad – matulungin

• taingang kawali – nagbibingi-bingihan

• buwayang lubog – taksil sa kapwa

• malaki ang ulo – mayabang

• pantay na ang mga paa – patay na

• maitim ang budhi – tuso

• kapilas ng buhay – asawa

• bahag ang buntot – duwag

TAYUTAY

Ayon kay Casanova, et al. (2001), ang tayutay ay may angking kagandahan sa wika. Naipapakita ng
mga ito ang kakayahan ng wika ng kanlungin ng isang konsepto sa pamamagitan ng pamamahayag
sa tulong ng isang manlilikha. Inilarawan ang tayutay bilang kaluluwa ng panitikan.

Ayon naman kay Evasco, et al. (2016), ang tayutay o figurative language ay wikang nagpapahayag
ng kahulugan na iba sa literal na kahulugan nito. Ang talinghaga ng panitikan ay makikita sa
kahusayan ng mga tayutay na bumubuo nito. Nilalaman nito ang utak at damdamin na humuhubog
sa ating panitikan at literatura.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng tayutay:

• Ang buhay ay parang gulong ng palad.

• Sumayaw ang kidlat sa kalangitan.

• Hulog ka talaga ng langit.

• Lumuluha ang langit ng siya ay mawala.

• Parang maamong tupa ang magnanakaw ng mahuli ng mga pulis.

• Ang iyong mga ngiti ay nagnining na parang bituin.


Pagkakaiba ng Idyoma sa Tayutay

Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal sa
ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo
samantala ang tayutay ay salita o isang pahayag na ginagamit upang bigyan diin ang isang kaisipan
o damdamin. Sinasadya ng pagpapayahag na gumamit ng talinghaga o di-karaniwang salita upang
bigyan diin ang saloobin ng naghahayag. Gumagamit din ito ng mga di-literal na pananalita upang
maging mabisa ang ibig sabihin ng pahayag.

Mga Sanggunian

filipino.net.ph
https:www.courseherocom
JOEMARY O. SAMONTE PROF. MELODY J. BLANCE
CRIS AN M. BACUD GURO
TAGA-ULAT

Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino (2009)


Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay nagsasagawa ng reporma sa alpabeto at tuntunin sa
pagbaybay. Tinawag itong Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Filipino. Ang gabay na ito ang ipapatupad
simula sa petsang ito. Ang Implementasyon ng 2001 Revisyon ng Alpabeto at patnubay sa Ispeling ng
Wikang Filipino ay pansamantalang ipinatigil noong 2006 at iminungkahing ang 1987 Alpabeto at
Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino ang gamiting sanggunian sa pagtuturo at sa korespondensya
opisyal sa bisa ng kautusang Pangkagawaran Blg. 42,s. 2006.

Ang sa Ortograpiya ng Wikang Filipino

Ang gabay sa ortograpiya ng wikang Filipino ay binubuo ng mga kalakaran kung paano sumusulat ang
mga Pilipino sa kanilang wikang pambansa. Inilalahad sa ortograpiyang ito ang istandardisadong mga
grapema (o pasulat na mga simbolo) at mga tuntuni sa paggamit at pagbigkas ng mga simbolong ito.

I.MGA GRAPEMA
Ang mga grapema sa praktikal na ortograpiya ng wikang pambansa ay binubuo ng:

A. Letra. Ang serye ng mga letra ay tinatawag na alpabeto. Ito ay binubuo ng dalawampu’t walong
(28) simbolo.

Aa Bb Cc Dd Ee Ff Gg Hh Ii Jj Kk Ll Mm
“ey” “bi” “si” “di” “i” “ef” “ji” “eych” “ay” “jey” “key” “el” “em”

Nn Ńñ NGng Oo Pp Qq Rr Ss Tt Uu Vv Ww
“en” “enye” “en ji” “ow” “pi” “kyu” “ar” “es” “ti” “yu” “vi” “dobolyu”

Xx Yy Zz
“eks” “way” “zi”

Di letra na maaaring buuin ng:


Gitling (-) at paiwa (\), na sumisimbolo sa impit na tunog (?)
Tuldok na pahilis (/) na sumisimbolo din at/o haba.
Bantas, gaya ng tuldok (.) pananong (?)
Padamdam (!), kuwit (,), Tulduk-kuwit (;) at kudlit (‘) at gitling (-).

MGA TUNTUNING PANLAHAT SA PAGBAYBAY


A. PASALITANG PABAYBAY
Paletra ang pasalitang pagbaybay sa Filipino na ang ibig sabihin ay isa-isan pagbigkas sa maayos
na pagkakasunod-sunod ng mga letrang bumubuo sa isang salita, pantig, daglat, akronim, inisyal,
simbolong pang-agham, atb.

PAGSULAT PAGBIGKAS

Salita

plano /bi-ow-ti-ow/
Fajardo /kapital ef-ey-jey-ey-ar-di-ow/
vinta /vi-ay-eych-ey-di/

Pantig

it /ay-ti/
kon /key-ow-en/
trans /ti-ar-ey-en-es/

Akronim

 Meralco (Manila Electric Company) /em-i-ar-ey-el-si-ow/


 PASATAF (Pambansang samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod ng Filipino) /pi-ey-es-
ey-ti-ey-ef/
 ARMM ( Autonomous Region of Muslim Mindanao) /ey-ar-em-em/
 ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) /ey-es-i-en/

Daglat

 Bb. (Binibini) /Kapital bi-bi/


 G. (Ginoo) /capital ji/
 Gng. (Ginang) /capital ji-en-ji/
 Kgg. (Kagalang-galang) /Kapital key-ji-ji/
 Dr. (Doktor) /capital di-ar/

Inisyal ng Tao

 MLQ (Manuel L. Quezon) /em-el-kyu/


 CPR ( Carlos P. Romulo ) /si-pi-ar/
 JVP ( Jose Villa Panganiban) / jey-vi-pi/
 LKS (Lope K. Santos) /el-key-es/
 AGA ( Alejandro G. Abadilla) / ey-ji-ey/

Inisyal ng Samahan/Institusyon

KWF ( Komisyon sa Wikang Filipino) /key-dobolyu-ef/


PSLF (Pambansang Samahan sa Lingguwistikang Filipino ) /pi-es-el-ef/
KBP (Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas) /key-bi-pi/
NGO (Non-Government Organization) /en-ji-ow/

Simbolong Pang-agham/Pangmatematika

Fe (iron) /ef-i/
H2O (water) /eych-tu-ow/
NaCI(sodium) /en-ey-si-el/
kg (kilogram) /key-ji/
lb.( pound) /el-bi/
B. PASULAT NA PABAYBAY

b. 1. Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas.

“vakul” (vatan) panakip sa ulo na yari sa palmera na ginagamit bilang pananggalang sa ulan at init ng
araw.

“payyo/ayew” (Ifugaw) pangkalahatang tawag sa palayan ng mga Ifugaw.

“banana” (hudhud) sa halip na hagdan-hagdang palayan (rice terraces)

“butanding” (bikol) sa halip na whale shark

“ cabalen” (Pampango) kababayan

b. 2. Sa pagbaybay ng mga hiram na salita mula sa mga banyagang wika, panatilihin ang orihinal
nitong anyo.

“pizza pie” “french fries”


“ bouquet” “ samurai”

b. 3. Sa pagbabaybay ng mga salitang mula sa Espanyol, baybayin ito


ayon sa ABAKADA.

“familia” pamilya
“cheque” tseke
“baño” banyo
“maquina” makina

b. 4. Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na “e” hindi ito pinapalitan ng letrang “i”.
Kinakabitan ng pang-ugnay/linker (-ng) at ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.

Berde - berdeng-berde
Kape - kapeng-kape
Karne - karneng-karne
Libre - libreng-libre
b. 5. Sa pag-uulit ng salitang-ugat na nagtatapos sa patinig na “o” hindi ito pinapalitan ng letrang “u”.
Ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat.

ano - ano-ano
sino - sino-sino
pito - pito-pito
piso - piso-piso

 May mga salitang nabubuo sa pag-uulit ng salitang-ugat na hindi ginagamitan ng gitling. Ang
hindi paggamit ng gitling ay nagpapahiwatig na hindi na taglay ng salitang –ugat ang kahulugan
nito, at sa halip, nagkaroon ng bagong kahulugan ang nabuuong salita tulad ng:

haluhalo (pagkain)
salusalo (piging/handaan)
Hindi kasama ang paruparo at gamugamo dahil walang salitang-ugat na paro at gamo at hindi
makatayong mag-isa.

b.6. Kapag hinuhulapian ang huling pantig ng salitang-ugat na nagtatapos sa “e”, ito ay nagiging “i” at
ang “o” ay “u”.

korte - kortihan ballot - balutin


atake - atakihin hinto - hintuan
salbahe- salbahihin

Gayunman, may mga salitang nananatili ang “e” kahit hinuhulapian.

sine - sinehan
bote - botehan
onse - onsehan
base - basehan

b.7. Makabuluhan ang tunog na “e” at “o” kapag inihahambing ang mga hiram na salita sa mga
katutubo o hiram na salita.

“mesa” -“misa”
“uso” - “oso”
“tela” - “tila”

b.8. Gayunman, hindi puwedeng palitan ng “i” ang “e” at “o.” sa “u”. Dapat pa ring gamitin ang
baybay na matagal na o lagi nang ginagamit.

“babae”, hindi “babai”


“buhos”, hindi “buhus”
“sampu”, hindi “sampo”

III. ANG PANTIG AT PALAPANTIGAN


1. Ang Pantig
Ang pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita. May isa (1)
lamang patinig sa bawat pantig.

Halimbawa:
“oras” - o.ras
“ulo” - u.lo
“asin” - a.sin
“alam” - a.lam

2. Kayarian ng Pantig
Tinutukoy ang pantig ayon sa kayarian nito sa pamamagitan ng paggamit ng simbolo: K para sa
katinig, P para sa patinig.

Kayarian Halimbawa
P i.log
KP bu.nga
PK us.bong
KPK blu.sa
KKP pri.to
PKK eks.per.to
KKPK plan.tsa
KKPKK trans.krip.syon
KKPKKK shorts

3. Pagpapatig
Ang pagpapantig ay paraan ng paghahati ng salita. Ito ay ibinabatay sa grapema o nakasulat na
simbolo.

3.1 Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang pantig sa posisyong inisyal, midyal at pinal ng
salita, ito ay hiwalay na mga pantig.

Halimbawa:

Salita Mga Pantig

Aakyat a.ak.yat
Aalis a.a.lis
Alaala a.la.a.la
Uuwi u.u.wi

3.2 Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita, katutubo man o hiram, ang una ay
kasama sa patinig na sinusundan at ang pangalawa ay sa kasunod na patinig.

Halimbawa:

Salita Pantig
Aklat ak.lat
Bunso bun.so
Impok im.pok
Isda is.da

3.3 Kapag may tatlo o higit pang katinig na magkakasunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa
ay sama sa patinig na sinundan at ang huli ay sa kasunod na patinig.

Halimbawa:

Salita Pantig
Eksperto eks.per.to
Transpormer trans.por.mer
Ekskomunikado eks.ko.mu.ni.ka.do
Transportasyon trans.por.tas.yon

3.4. Kapag ang una sa tatlong magkasunod na katinig ay m,o,n at ang kasunod na dalawa ay alinman
sa bl,br,dr,pl,tr, ang unang katinig (m,o,n) ay sa sinusundang patinig kasama ang huling dalawa ay
kasunod na patinig.
Halimbawa:

Salita Pantig
Asembleya a.sem.ble.ya
Alambre a.lam.bre
Balandra ba.lan.dra
Empleyado em.ple.ya.do

3.5 Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa loob ng isang salita, ang unang dalawang katinig
ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling dalawa ay sa patinig na kasunod.

Halimbawa:

Salita Pantig
Ekstra eks.tra
Eksklusibo eks.klu.si.bo
Ekstradisyon eks.tra.dis.yon

4. Ang Pag-uulit ng Pantig


Ang mga tuntunin sa pag-uulit ng pantig ay ang sumusunod:

Halimbawa:
Salita Pantig
Alis a.a.lis
Iwan i.i.wan
Ulam u.u.lam

Sinusunod din ang tuntuning ito kahit may unlapi ang salita.

Halimbawa:
Maiwan ma.i.i.wan
Uminom u.mi.i.nom
Mag-agiw mag.a.a.giw

4.2 Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay nagsisimula sa KP, ang katinig at kasunod na pantig
lamang ang inu-ulit.

Halimbawa:

Ba.ha ba.ba.ha mag.ba.ba.ha


Pu.lot pu.pu.lot mag.pu.pu.lot
Su.lat su.su.lat mag.su.su.lat

4.3 Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may kambal-katinig o klaster, inuulit lamang ang unang
katinig at patinig.

Halimbawa:

Plan.tsa pa.plan.tsa.hin mag.pa.plan.tsa


Pri.to pi.pri.tu.hin mag.pi.pri.to
ANA JANE D. BEJO GNG. MELODY J. BLANCE
Taga- ulat Propesora

KAHULUGAN NG PANGHIHIRAM

Ang panghihiram ay angkop itong gamitin kung walang salitang Filipino ang maaring itumbas sa mga
bagay, pangyayari o konsepto na may kaugnayan sa ating mga Filipino.

Ayon sa pag-aaral:
Limang libong salitang kastila na hiniram sa Filipino.
Tatlong libong salitang Malay.
Isang libo sa Ingles at daang-daang mga salita rin ang hiniram natin sa Intsik, Arabe, Sanskrito,
Latin, Niponggo, Aleman, Pranses at iba pa.
Salitang teknikal at pang-agham ang una nating hiniram. Sa halip na lumikha tayo ng salita, hiniram na
lamang natin ang mga salitang ito.
May mga salitang panteknikal at pang-agham ang Maugnayang Pilipino na ginagamit sa pinatatanyag ng
Araneta University, subalit ang mga ito ay hindi itinatagubilin ng komisyon ng wikang Filipino kaya hindi palasak
na ginagamit sa mga paaralan.

HALIMBAWA NG MAUGNAYANG PILIPINO

Daktinig (mikropono)
Agsikap (inhinyero)
Miksipat (mikroskopyo)
Batidwad (telegrama)
Sipnayan (matematika)
Liknayan (pisika)

MGA PARAAN SA PANGHIHIRAM SA INGLES

Paraan I - Pagkuha sa katumbas sa Kastila ng hiniram na salitang Ingles at pagbabaybay dito nang
ayon sa palabaybayang Filipino. Kung hihiramin, halimbawa, ang salitang “electricity”, kunin ang katumbas
nito sa Kastila- “electricidad” at pagkatapos ay baybayin ito nang “elektrisidad”.

Halimbawa:

(Ingles) (kastila) (baybay)


Electricity electicidad elektrisidad

Iba pang mga halimbawa

Ingles Kastila Filipino


population populacion populasyon
liquid liquido likido
delegate delegado delegado
biology biologia Byolohiya – biyolohiya
mathematics matematica matematika
cemetery cementerio sementeryo
ceremony ceremonia seremonya

Paraan II - Kung hindi maaari ang paraan I (kung walang katumbas sa Kastila), hiramin ang salitang Ingles at
baybayin sa palabaybaying Filipino

HALIMBAWA:

INGLES FILIPINO
Truck trak
Train tren

Paraan III – Kapag hindi maari ang Paraan I at Paraan II, hiramin ang salitang Ingles at walang pagbabagong
gawin sa pagbaybay.

Ilang Halimbawa:
 Lingua franca
Manila Zoo
 Chess
 Golf
 Coke
 Visa
 Quezon City
 Juan dela Cruz
 Roxas

Mga sanggunian:

Almario, Virgilio S. (2018) Sining ng Paglikha at Panghihiram ng Salita:


Gusali Watspn, 1610 Kalye J.P. Laurel,
San Miguel< Maynial 1005
Cataga, Ryan (2013) Panghihiram ng mga Salita , date retrieved February 26,
2020:retrieved from
https://www.slideshare.net/mobile/rac-4e ng-mga-salita-23904123

You might also like