You are on page 1of 21

Ang SINTAKSIS sa Wikang Filipino

kumbinasyon ng mga salita upang


makabuo ng mga parirala at ang pagsasama-
sama ng mga pariralang ito upang makabuo
ng pangungusap.

pangungusap – ay kalipunan ng mga salita na


nagpapahayag ng isang buong kaisipan.
Mga pangungusap na walang paksa:
1. Panawag
Itay!
2. Nagsasaad ng damdamin
Masakit!
3. Nag-uutos
Takbo!
4. Pormularyong panlipunan
Tuloy po kayo.
5. Panagot sa tanong
Opo.
6. Penomenal o pandiwang palikas
Bumabagyo.
7. Lipong may buong diwa
Mahirap mag-isip kapag may problema.
Mga uri ng pangungusap ayon sa layon o gamit
1. Ang mga mag-aaral ay matiyagang nag-aaral.
- pasalaysay o paturol
2. Paano ba talaga humanap ng tapat na
kaibigan?
- patanong
3. Pakiayos ng mga gamit mo.
Ayusin mo na ang mga gamit mo.
- pakiusap/pautos
4. Naku! Naiwan na nila ako.
- padamdam
Mga Uri ng Pangungusap ayon sa Anyo o
Kayarian
A. PAYAK
1. Ang Pilipinas ay isang mayamang bansa.
2. Sama-samang bomoto ang mga matatanda
at mga kabataan ng kanilang lugar.
3. Si Eunice ay humiram ng aklat at nagbasa ng
pahayagan sa silid-aklatan.
4. Ang mga bata at matanda ay sinuri at
binigyan ng libreng gamot.
B. TAMBALAN

1. Ang mga lalaki ay tumutugtog at ang mga


babae ay umaawit.
2. Nag-aral siya nang mabuti; naipasa niya ang
lahat ng kanyang pagsusulit.
C. HUGNAYAN
1. Iniwan niya ako nang malaman niyang
nagsiningaling ako sa kanya.
2. Binigyang-parangal ang mga bayani dahil
nag-alay sila ng buhay para sa bayan.
3. Patatawarin kita kung mangangako kang
magbabago ka.
4. Ang babae na nanalo sa lotto dahil
natamaan niya ang tamang kombinasyon
ay anak ni Tinong.
D. LANGKAPAN
1. Umalis na ako ng bahay nang tumila ang
ulan at dumating ang hinihintay kong
sasakyan.
2. Kapag yumaman ako, maglalakbay ako sa
buong mundo at bibilhin ko lahat ng bagay
na magustuhan ko.
A. Payak – kung ang pangungusap ay nagbibigay
ng iisang kaisipan lamang.
B. Tambalan- kung ang pangungusap ay
binubuo ng dalawa o mahigit pang mga
sugnay na makapag-iisa at pinag-uugnay ng
mga pangatnig na panimbang
(at, o, ngunit, habang, samantalang, pero) o
ng tuldok-kuwit (;)
C. Hugnayan – binubuo ng isang punong
sugnay at isa o higit pang pantulong na
sugnay. Pinag-uugnay ito ng pantulong na
pangatnig (nang, kung, kapag, kaya,
sapagkat, dahil ...)
D. Langkapan-binubuo ng dalawa o higit pang
malayang sugnay at isa o higit pang
pantulong na sugnay.
Mga BAHAGI ng Pananalita

1. Magtatrabaho ako nang maayos upang


manatiling masaya ang mga taong sa akin ay
umaasa.
2. Ating hangaan ang mga lumalaban sa kanilang
mga karamdaman upang manatiling buhay.
3. Alamin ang makakabuti para sa iyong sarili;
iwasan ang mga bagay na makapagdudulot sa
iyo ng mga alalahanin.
4. Nang maghulog ang Diyos ng kabutihan sa
mundo, maraming tao ang mahihimbing na
natutulog.
5. Ang umaga ay maaliwalas; harapin natin ang
maghapon nang buong sigla na para bang
punung-puno ng pag-asa.
6. Ang pagmamahal ay ipinagkakaloob sa lahat;
ito ay isang biyaya ng Maykapal.
DALAWANG BAHAGI ng Pangungusap

Ang umaga ay maaliwalas.


paksa panaguri

A. ANG PAKSA (simuno)


bahaging pinag-uusapan sa pangungusap
kumakatawan sa pinag-uusapan
Mga Uri ng Paksa

1. Paksang pangngalan/Pariralang pangngalan


– ang paksa ay nagtataglay ng pangngalan na
pinangungunahan ng panandang ang at si.
a. Ang aming paaralan ay malawak.
b. Nanalo sa eleksyon si Nonoy.
c. Nagpadala ng tulong ang NDCC.
2. Paksang panghalip/Pariralang panghalip
- ang paksa ay nagtataglay ng panghalip
panao
a. Tumutulong sila sa pamamahagi ng regalo.
b. Ako ay sasabay sa iyo mamaya.
c. Pumasyal kami sa Ilocos.
3. Paksang pang-uri/pariralang pang-uri – ang
paksa ay nagtataglay ng pang-uri o mga salitang
naglalarawan.
a. Ang madaya ay natatalo sa laro.
b. Masarap kausap ang magalang.

4. Paksang pandiwa/pariralang pandiwa – ang


paksa ay nagtataglay ng pandiwa.
a. Gusto kong pakinggan ang umaawit.
b. Ang mga dumarating ay mga kamag-anak ko.
5. Paksang pang-abay/pariralang pang-abay
– ang paksa ay nagtataglay ng pang-abay
a. Kinalulugdan ang magaling makipagkapwa.
b. Kakanta ang dito. Ang doon ay sasayaw.

6. Paksang pawatas/pariralang pawatas – ang


paksa ay nagtataglay ng pandiwang nasa
pawatas na anyo.
a. Pangarap niya ang magsayaw.
b. Kinaiinipan niya ang mag-aral.
B. Ang PANAGURI
bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng
kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa.

MGA URI ng PANAGURI


1. panaguring pangngalan
a. Pangulo ang bumisita.
b. Ang mga tumutulong ay mga kalalakihan.
2. Panaguring panghalip
a. Sila ang aming bisita.
b. Ang pag-asa ng bayan ay tayo.
3. Panaguring pang-uri
a. Ang bagoong ay maalat.
b. Madamdamin ang kanyang talumpati.
4. Panaguring pandiwa
a. Nanunuod ang mga bata.
b. Ang guro ay sumusulat ng nobela.
5. Panaguring pang-abay
a. Sa Linggo ang punta ko sa Hongkong.
b. Medyo malala na ang kanyang sakit.

6. Panaguring pawatas
a. Magplantsa ang aking bagong trabaho.
b. Ang paborito nilang libangan ay maglaro ng
DOTA
Magandang Araw!

You might also like