You are on page 1of 3

PANG-ABAY NA PAMANAHON, PANLUNAN,

at IBA PANG URI NG PANG-ABAY

Pang-abay
ang tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa,
pang-uri o kapwa pang-abay.

Pamaraan
nagsasaad kung paano ginawa, ginagawa, o gagawin ang kilos.
Ginagamitan ito ng mga panandang nang, na, o -ng.

Halimbawa
 Naglakad si Eman nang marahan palabas ng silid.
 Umiyak siya nang malakas.
 Lumabas siya na nakangiti.

Pamanahon
Pang-abay na nagsasaad kung kalian ginanap, ginaganap, o gaganapin ang
sinasabi ng pandiwa sa pangungusap. Napapangkat sa dalawa ang
ganitong uri ng pang-abay; ang may pananda at yaong walang pananda.

A. Pamanahong may Pananda


Ito ay ginagamitan ng mga
panandang nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
o hanggang.
Halimbawa
Ako ay mag-eehersisyo umpisa bukas.
Tuwing bakasyon ay namamasyal kaming magpamilya.
Buhat ng akoy magkaisip ay nagtitinda na ako ng bulaklak.

B. Pamanahong Walang Pananda


Ito ay ginagamitan ng mga
panandang kahapon, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, atbp.
Halimbawa
Mamaya ay mag-iikot kame.
Kahapon ay pumunta kame sa kasal ni Lina.
Bukas ay mamamasyal kame sa Parke.

Panlunan
Pang-abay na tinatawag na pariralang sa. Kumakatawan ito sa lugar kung
saan ginagawa ang kilos.
Halimbawa
Sa buong mundo ay laganap ang iba’t-ibang kuwento o alamat tungkol sa
pingmulan ng iba’t-ibang bagay.
Hindi niya gustong dumaan sa Edsa dahil sa sobrang traffic.

Panggano
Ang pang-abay nagsasaad ng sukat o timbang.
Halimbawa:
Ang mga taong nakabasa ng alamat ay dumami ng isang daang porsyento.
Siya ay may timbang na 45 kg. sa edad na labing anim na taon.

Kataga o Ingklitik
katagang karaniwang sumusunod sa unang salita ng pangungusap.

May 16 na kilalang pang-abay na ingklitik. Ito ay ang mga sumusunod:


man kasi sana nang
kaya yata tuloy lamang/lang
din/rin ba pa muna
pala na naman daw/raw

Halimbawa:
Makikita rin ang paniniwala at kultura ng isang pamayanan sa
pamamagitan ng alamat.
Nawaldas din ang kanyang pinaghirapan.
Tanging ang kapatid niya lamang ang kasama niya sa buhay.

Tukuyin ang mga pang-abay at ang uri nito sa pangungusap:


1.Makikipagkita ako kay Edwin sa simbahan.
2.Si Luisa ay kanina pa naghihintay kay Luis.
3.Kung iba ang panahon noon.
4.Nagbihis ako nang mabilis.
5.Hindi yata kaya ni Teller ang trabaho sa Pabrika.

You might also like