You are on page 1of 2

I.

Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Natutukoy ang gamit ng pangawing sa pangungusap.
2. Nagagamit ang pangawing sa pangungusap.
II. Paksang-aralin: pangawing
Sanggunian: Santiago, A. at Tiangco N. (2003). Makabagong Balarilang Filipino, p. 231-
232
Kagamitan: Manila paper, pentel pen
III. Yugto ng Pagkatuto:
A. Panimula (5 min.)
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala sa lumiban
B. Balik-aral Balik-aral
Guro: Kahapon ay napag-aralan natin ang tungkol sa pantukoy o pang-
ukol.
Tanong: Papaano masasabi na ito ay pantukoy o pang-ukol, magbigay ng
halimbawa?
C. Pagganyak: “Punan mo, ang aking pagkukulang”
Guro: May inihanda akong mga pangungusap na may patlang, ngayon
gusto kong sagotan ninyo ito at tukoyin kung anong salita ito.
1. Ang Mansanas _ay_ masarap.
2. Ang ibon _ay_ umaawit.
3. Ang tubig _ay_ maginaw.
D. Paglalahad
Itanong : Tama ba ang salitang ating inilagay?
: Dapat ba itong gawing pangdugtong sa mga pangungusap?
: Sa inyong palagay ano ang tawag sa salitang inyong inilagay sa
patlang? (pangawing)
E. Pagtatalakay
Guro: Magaling at natumbok ninyo ang paksang tatalakayin natin ngayon.
Ang paksang tatalakayin natin ngayon ay ang Pangawing.

Pangawing (ay)
- ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang
karaniwang ayos ng pangungusap. Ang una ay panaguri sa paksa ay
nilalagyan ng pagbabago. Palatandaan ito na inilipat ng posisyon ang
bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pangdugtong sa mga
pangungusap na di-karaniwang ayos.

Guro: Upang lubusan pa ninyong maunawaan ang paksa natin ngayon,


ako ay magbibigay ng karagdagang mga halimbawa.

1.Ako ay kumain ng sorbetes.

2.Si Ben ay nanggaling sa palengke.

F. Abstraksyon
Guro: Ano ang kahalagahan ng pangawing sa pangungusap at kung bakit
natin ito kailangan pag-aralan?
G. Paglalapat
Pangkatang-gawain:
Panuto: Papangkatin ang klase sa dalawang pangkat. Unang
pangkat magtala ng inyong ginagawa sa bahay, gamit ang salitang ay. Hal:
Ako ay maagang natutulog. Ikalawang pangkat naman magtala ng inyong
mga ginagawa sa loob ng paaralan gamit ang salitang ay. Hal: Ako ay nag-
aaral ng mabuti.
IV. Pagtataya (5 min.)
Panuto: Tingnan ang iyong katabi at isulat ang kanyang katangian gamit ang pangawing.
V. Takdang-aralin
Panuto: Basahin ang kwento ng “Ang Munting Nayon” p. 100-102

You might also like