You are on page 1of 17

Aralin 2:

PANGNGALANG AT 
ANG URI NITO
LAYUNIN:
• Nalalaman ang kahulugan ng Pangngalan
• Natutukoy ang uri nito
• Nagagamit ang mga ito sa pangungusap
Ano ang nga ba Pangngalan?

Ang pangangalan ay tumutukoy sa ngalan


ng tao, bagay, hayop, lugar/pook, at
pangyayari.
URI NG PANGNGALAN
Mayroong dalawang (2)  uri ng Pangngalan...

PANTANGI AT PAMBALANA
Pantangi
 - tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar o pangyayari.
Isinusulat nang malaki ang unang titik nito.

Halimbawa:
Jose         Filipino 
Mayon        Don Bosco School
Mang Inasal    G. Llona
Halimbawa:

1. Si Jose ay umiiyak.
2. Kami ay kumain sa Mang Inasal.
3. Si G. Llona ang aming guro.
4. Ang hugis ng Mayon ay tatsulok.
Pambalana
 - tumutukoy sa karaniwang ngalan ng tao,
bagay, hayop, lugar o pangyayari. 

Isinusulat ang unang titik nito sa maliit


maliban na lamang kung ito’y nasa simula ng
pangungusap

Halimbawa:
bata          bulkan        paaralan
kainan       wika           guro
Halimbawa:

1. Ang bata ay umiiyak.
2. Ang mag-anak ay nagtungo sa kainan.
3. Ang aming guro ay nagtatalakay.
4. Ang bulkan ay kamangha-manghang
pagmasdan.
Pambalana                       Pantangi

bulkan                              Mayon
guro                                  G. Llona
paaralan                           Don Bosco School
wika                                  Filipino
tao                                    Jose De Jesus
Uri ng Pangngalang Ayon sa Konsepto:
Tahas o Kongkreto
- pangngalang nakikita, nahahawakan,
nalalasahan, naririnig, at naamoy.

Halimbawa:
bulaklak, gamit, sapatos, papel,
mangga, aso.
Halimbawa: 

1. Ang mansanas ay matamis.


2. Binilhan ako ng aking ina ng bagong
sapatos.
3. Masayang pagmasdan ang mga
bulaklak.
Basal o Di-Kongkreto
- pangngalang di-materyal o abstrak.
Ito'y ideya, diwa, kaisipan o damdamin
lamang.

Halimbawa:
kaluluwa, buhay, kamatayan, pag-asa
atbp.
Halimbawa:

1. Makulay ang buhay sa sinabawang


gulay!
2. Huwag kang mawalan ng pag-asa.
3. “Ramdam na ramdam ko ang
pagmamahal niya sa akin.”
Palansak / Lansakan
- pangngalang tumutukoy sa pangkat/grupo
ng tao, hayop, bagay o lugar.

Halimbawa:
pangkat, grupo, dosena,bungkos, tropa,
komite, atbp.
Halimbawa:

1. Isang batalyong sundalo ang nagbabantay


sa kaharian.
2. Ang bungkos ng mga bulaklak na
ito'y magaganda!
3. Bumili si Aling Maria ng isang
dosenang itlog sa palengke.
Bakit mahalagang pag-aralan
ang Pangngalan at
mga uri nito?

You might also like