You are on page 1of 3

Banghay – Aralin sa FILIPINO 6

Student Teacher: Melyn A. Bacolcol Date: December 4, 2018 Time: 2: 00 pm Room: 9

Critique Teacher: Mrs. Erika Paula R. David

I. Mga Layunin:

1. Masusuri ang pandiwa sa pangungusap;


2. Matutukoy ang uri ng pandiwa sa pangungusap; at
3. Makabubuo ng wastong pangungusap at natutukoy ang uri ng pandiwa rito.

II. Paksang Aralin:


Uri ng Pandiwa
 Sanggunian: Pinagyamang Pluma sa Wika at Pagbasa para sa Elementarya 6 pp. 171 – 174
 Kagamitan: Aklat, pisara at yeso.

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

__________, pangunahan mo ang ating panalangin sa Opo, teacher (Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at Espirito
hapong ito. Santo,… Amen)

2. Pagbati

Magandang Hapon mga bata! Magandang Hapon rin po, teacher!

3. Pagtala ng Liban

(Tatawagin ng guro ang class monitor)


Wala po, teacher!
Sino ang liban sa araw na ito?

4. Takdang Aralin

Pakipasa nyo na yung takdang aralin nyo.

B. Pagganyak
Balik- aral
Noong nakaraang araw ay pinag-aralan natin ang
tungkol sa mga Aspekto ng Pandiwa.
Ano ba ang Pandiwa? Ang pandiwa ay isang salita (bahagi ng pananalita) na
At ano nga ang apat na Aspekto ng Pandiwa? nagsasaad ng kilos o galaw.
Ano ang ibig sabihin ng mga ito? Naganap o Perpektibo - nagsasaad na tapos na ang Gawain
Magbigay nga ng halimbawa. Hal.—Naglinis ako ng bahay kahapon
Perpektibong Katatapos – katatapos pa lamang ng
kilos bago nagsimula ang pagsasalita
Ha.—Kalilinis ko lng ng bahay kaya ‘wag kang
magkakalat
Nagaganap o Imperpektibo – nagsasaad na ang
sinimulang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at hindi
pa tapos
Hal.—Naglilinis ako ng bahay, mamaya ka na lang
tumawag.
Magaganap o Kontemplatibo – ang kilos ay
naumpisahan at gagawin pa lamang
Hal. – Maglilinis ako ng bahay mamaya.
Magaling!

C. Paglalahad ng Paksa

Ang pag-aaralan natin ngayon ay ang “Uri ng


Pandiwa”

Alam nyo ba kung ano ang dalawang uri ng Pandiwa?

D. Pagtatalakay

Ang dalawang uri ng Pandiwa ay ang Katawanin at


Palipat
Ano ang Katawanin? Pakibasa _____?
Ang Pandiwa ay walang tuwirang tumatanggap ng
Ano ang Palipat? Pakibasa______? kilos. Ang pandiwa ay ankatatayong mag-isa.
Ang pandiwa ay may tuwirang layong tumatanggap ng
kilos.
E. Kasanayan sa Pag-unlad

Bilugan ang Pandiwa. Isulat ang K kung ang uri


pangungusap ay Katawanin at P kung ito ay Palipat.

____1. Nagdarasal si David sa tuwi-tuwina.


____2. Pinagtago ni Jonathan David laban sa Nagdarasal. K
kanyang mga kaaway. Pinagtago. P

F. Paglalahat

Ano nga ulit ang dalawang uri ng Pandiwa?


Katawanin at Palipat
Ano ang palipat?
Ang palipat ay may tuwirang layong tumatanggap ng
Ano ang katawanin? kilos.
Hal.: Ang aking ina ay nagtutupi ng damit.
Magbigay nga ng halimbawa.
Ang katawanin ay walang tuwirang layong
tumatanggap ng kilos.
Hal.: Ang aking ina ay nagtupi ng mabilis.

IV. Pagtataya

Suriin at bilugan ang Pandiwa sa pangkat ng mga


pangungusap. Lgyan ng ekis (x) ang bilang na may
naiibang uri ng pandiwa.

____1. Pinatawag ng hari si David


____2. Nagpaubaya si David.
____3. Tumugtog ng harpa si David.
____4. Nakawawala ng alalahanin ang musika ni
David.
V. Takdang Aralin.

Pluma 6

Pahina 172 - 174

“Sagutin ang Subukin Pa Natin”

Ayusin ang ginulong mga salita upang mabuo ang


pangungusap. Bilugan ang pandiwa at isulat kung ito
ay katawanin o palipat.

“Tiyakin Na Natin”

Sundin ang hinihingi ng panuto upang makabuo ng


katawanin o palipat na pandiwa sa pangungusap.

Approved by: Approved by:

Mrs. Erika Paula R. David Dr. Teresita M. Navarro


Critique teacher Dean, College of Education

You might also like