You are on page 1of 81

Modyul 5

Ang Nais Kong Kasama


Unang Araw
Layunin: Natutukoy ang
mga panghalip panao na
ginamit sa pangungusap.
Natutukoy ang gamit ng
panghalip panao na ako,
ikaw, siya, tayo, kayo,
kami. Nagagamit sa
sariling pangungusap ang
mga panghalip panao
Ako, Ikaw, Tayo, Bahagi ng
Sambayanan
Adaptation from: “It’s I Who Build
Community”

Ako, ako bahagi ng komunidad (3x)


Bahagi ng komunidad
La la la….
Sumayaw sayaw at umindak-indak
Sumayaw sayaw katulad ng dagat
Sumayaw sayaw at umindak indak
Sumayaw sayaw katulad ng dagat
a. Ako ay
magbubuo ng
mga komite para
sa ating
pagdiriwang,”
ang sabi ni G.
Aguilar.
b. “Lisa, ikaw
ang aking
ilalagay sa
komite para sa
pagbuo ng
islogan,”sabi
ng guro.
c. “Sabi po ni
Maria, siya
naman daw po
ang bahala sa
patimpalak sa
pagluluto, ”
dagdag pa ni Lisa
sa guro.
d. “Kami naman
po ang bahala
sa
patimpalak sa
pagsulat ng
sanaysay,” ang
wika ng grupo ni
Elena.
e. “Sila naman
po ang
mamamahala
sa patimpalak
sa pagguhit,”
turo ni Elena sa
grupo ni Jose.
f. Kayong lahat
ay talagang
maaasahan ko,
“tuwang-tuwa at
may
pagmamalaking
pagsaad ng
guro.
g. “Tayo ay
magkakaroon ng
patimpalak
para sa pagsulat ng
sanaysay, pagguhit,
pagbuo ng islogan,
at pagluluto,” sabi ni
G. Aguilar.
Sino ang tinutukoy ng salitang
ako? Ilan ang tinutukoy ng
salitang ako?

Sino ang tinutukoy ng salitang


ikaw? Ilan ang tinutukoy nito?

Sino ang tinutukoy ng salitang


siya? Ilan ang tinutukoy nito?
Sino ang tinutukoy ng
salitang kami? Ilan ang
tinutukoy nito?

Sino ang tinutukoy ng


salitang sila? Ilan ang
tinutukoy nito?
Sino ang tinutukoy ng
salitang kayo? Ilan ang
tinitukoy nito?

Sino ang tinutukoy ng


salitang tayo? Ilan ang
tinutukoy nito?
Tandaan
Ang mga
salitang
ipinapalit sa
pangalan ng tao
ay tinatawag na
panghalip
panao.
Ginagamit ang:
Ako - kapag ang tinutukoy
ng taong nagsasalita ay ang
kaniyang sarili

Ikaw - kapag ang tinutukoy


ng taong nagsasalita ay ang
isang tao na kaniyang
kausap.
Siya - kapag ang tinutukoy
ay ang isang tao na pinag-
uusapan.

Kami - kapag ang tinutukoy


ng nagsasalita ay dalawa o
higit pa kasama ang
kaniyang sarili.
Kayo - kapag tinutukoy
ng nagsasalita ay dalawa
o higit pang kausap.

Sila - kapag tinutukoy ay


dalawa o higit pang tao
na pinag-uuasapan
Tayo - kapag
tinutukoy ay
dalawa o higit pa
na taong kausap
kasama ang taong
nagsasalita.
Ano ang sasabihin mo
sa iyong kausap sa
sumusunod na
sitwasyon.
a. Nais mong ipaalam sa kaibigan
mong si Denia na siya ang
kapareha mo sa nakatakda
ninyong gawain sa paaralan.
b. Sasabihin mo sa inyong pangkat
na kayo ang inilagay na
mamamahala sa palatuntunan sa
pagtataas ng watawat.
c. Sasabihin mo sa
kabilang pangkat na
sila ang magdadala
ng bulaklak para sa
inyong palatuntunan.
Ibigay ang
angkop na
panghalip na
panao
upang mabuo
ang usapan sa
lobo.
___ ba ang
kasama Oo, ____
naming nga.
sa grupo?

a. Ako, Ikaw, Siya


Sige, saan
Tatay, magkakaroon po ba
___
___ ng praktis mamaya
para sa amingmagpapraktis?
programa,

b. Kami, Kayo, Sila, Ako


Bilugan ang panghalip
panao na ginamit sa
pangungusap. Gawin
sa kuwaderno.
1. Lito, ikaw ang
ilalaban ng klase sa
pag-awit.
2. Kami ang inatasang
mamili ng gagamitin
para sa pagdiriwang.
3. Si Linda ay mabait. Hindi siya
nakakasakit ng
damdamin ng kapwa.

4. Pupunta sila sa palengke


para bumili ng pandekorasyon.

5. “Kayo ang mamamahala sa


patimpalak,” sabi ni G. Aguilar.
Bilugan ang
wastong
panghalip panao
na angkop sa
bawat
pangungusap.
Gawin ito sa
sagutang papel.
a. Tatay, magkakaroon
po (kami, kayo) ng
lakbay-aral. Maari po
ba (akong, siyang)
sumama?
b. Lorena, (ikaw, ako) ang
inatasan ni Bb. Barbosa na
maging guro ng
palatuntunan . Makipag-
usap ka daw sa kaniya.
c. (Tayo, Sila) ang
kakatawan sa ating
paaralan sa darating
na patimpalak sa pag-
awit. Kailangan nating
maglaan ng panahon
para sa pagsasanay.
d. Ang inyong pangkat
ay kasali sa
palatuntunan.
(Kayo, Ikaw) ang
magbibigay ng
pangkatang pag-awit.
Ikalawang Araw
Layunin: Nakikilahok
nang masigla sa
talakayan ng grupo o
klase.
Nakapagbibigay ng
saloobin gamit ang
payak na
pangungusap.
Nakagagamit ng
mga salitang
angkop sa
sariling kultura sa
pagpapahayag
ng sariling
saloobin.
patimpalak –

Si Gani at Rita ay
kasali sa patimpalak.
Sila ay maglalaban
para sa pagalingan sa
pagluluto.
komite-

Si Lorna ay kasama sa
komite sa pagguhit.
Ang kanilang grupo
ang mamamahala sa
patimpalak na iyon.
Nakapanood na ba kayo
ng isang program o
palatuntunan?

Nakaranas na ba kayong
mamahala ng isang
programa?
Ang Batang Maaasahan
Akda ni Babylen Arit-Soner

Lunes ng umaga,
nagpaplano ang buong
klase ni G. Aguilar tungkol sa
gagawin nila para sa Buwan ng
Nutrisyon.
“Tayo ay magkakaroon
ng patimpalak para sa
pagsulat ng sanaysay,
pagguhit, pagbuo ng
islogan at pagluluto.
Ako ay magbubuo ng
mga komite para sa
ating pagdiriwang,”
ang sabi ni G. Aguilar.
“Ako po ang
bahala sa pagbuo ng
programa,” maagap
na sagot ni Kiko.
“Kami naman po ang
bahala sa
patimpalak sa
pagsulat ng
sanaysay,” ang wika
ng grupo ni Trina.
“Sila naman po ang
mamamahala sa patimpalak
sa pagguhit,” turo ni Trina sa
grupo ni Jose.
“Walang problema,”
ang sagot naman
nila.“Lisa, ikaw ang
aking ilalagay sa
komite para sa
pagbuo ng
islogan,”sabi ng
guro.
“Sige po,” sagot ni
Lisa.
“Siya naman
daw po ang
bahala sa
patimpalak sa
pagluluto, sabi
po ni Maria,”
dagdag pa ni
Lisa sa guro.
“Magaling
kayong lahat ay
talagang
maaasahan ko,
”tuwang-tuwa at
may
pagmamalaking
saad ng guro.
Bakit sila tinawag na mga
Tungkol saan ang kuwento?
batang maaasahan?
Pangkat I: Kuwento
Ko, Alalahanin Mo!
Sagutan ang “story
map”.Gawin ito sa
manila paper. Story
Map
Pamagat ng Kuwento:

Mga Tauhan:
Mga Mahahalagang
Pangyayari:
1.
2.
3.
Pangkat II:Saloobin Mo,
Iguhit Mo!

Sa isang manila paper,


iguhit ang
naramdaman ninyo sa
mga pangyayari sa
kuwento.
Ilagay ang masayang
mukha kung nagustuhan
ninyo ang ginawa ng
mga tauhan sa kuwento
at malungkot na mukha
naman kung hindi.
Ipaliwanag kung bakit
iyon ang inyong iginuhit.
Pangkat III: Wakas Ko,
Hulaan Mo!
Pag-usapan ninyo kung
ano ang posibleng
mangyari sa gagawing
pagdiriwang ng Buwan ng
Nutrisyon ng klase ni G.
Aguilar. Sagutin ang mga
tanong:
Ano ang pamagat ng
ating binasang kuwento?

Sino-sino ang mga tauhan


sa kuwento?

Ano-ano ang mahalagang


pangyayari sa kuwento?
Bakit ang pamagat ng
kuwento ay Ang Batang
Maasahan?

Ikaw ba ay matatawag
din na batang
maaasahan? Bakit?
Ano ang inyong saloobin
sa mga pangyayari sa
kuwento?
Bakit ito ang inyong
naramdaman?
Ano kaya ang mangyayari
sa pagdiriwang ng klase ni
G. Aguilar?
Paano mauunawaan ang
nilalaman ng isang kuwento?

Paano natutukoy ang


saloobin sa kuwentong
binasa?

Paano makapaghihinuha ng
maaaring mangyari sa
kuwento?
Ikatlong Araw
Layunin: Nakababasa
ng mga salitang may
klaster at maramihang
pantig
Nababasa nang may
kasanayan ang mga
salita sa unang kita na
naaayon sa baitang
Bibigkasin ko ang
salita isulat ito sa
pisara at basahin
nang malakas.
grupo

problemado

nagpaplano
programa

klase

Trina
patimpalak

mamamahala

pagmamalaki
magbubuo

maaasahan

pagdiriwang
Tandaan
Binabasa ang mga
salita ayon sa
pabaybay na pantig
nito.
Ginagamit ang tamang
diin sa bawat pantig
upang maibigay ang
wastong kahulugan ng
bawat salita.
Sa pagsulat ng
kuwento, nakapasok
ang unang
pangungusap sa bawat
talata. Sa pagsulat ng
pangungusap, lagi
itong nagsisimula sa
malaking letra at
nagtatapos sa wastong
bantas
May tamang
espasyo ang
pagkakasulat
ng bawat
salita sa
pangungusap.
Pangkatin ang mag-aaral
sa apat. Bawat pangkat
ay magbibigay ng
sampung salitang may
klaster at salitang may
maramihang pantig.
Basahin at baybayin nila
ang mga ito nang wasto.
Gamit ang mga salitang
ibinigay ng bawat
pangkat, ipabasa ito sa
buong klase, pangkatan,
dalawahan, at isahan na
may tamang intonasyon o
diin at pabaybay ng
pantig.
Magbigay pa ng
karagdagang mga salita na
mula sa talaan ng mga
salita sa unang kita na
naaayon sa baitang.
Ipabasa ito na may tamang
intonasyon o diin at
papantig na pagbaybay.
Ikaapat na Araw
Layunin: Nakasusulat ng
maikling kuwento na
sumusunod sa
pamantayan sa
pagsulat.
Nakikilala ang ugnayan
ng tunog at simbolo nito
at nagagamit ito sa
pagsulat
Bakit maaasahan ang
mga bata sa kuwentong
“Ang mga Batang
Maaasahan”?

Maaasahan rin ba kayong


bata?
Paano nakasulat ang unang
salita ng pangungusap ng
kuwento, paano ito
nagsisimula?

Paano ang pagkakasulat ng


bawat salita sa pangungusap,
at anong nakalagay sa hulihan
ng bawat pangungusap.
Sa pagsulat ng
kuwento, nakapasok ang
unang pangungusap sa
bawat talata.
Sa pagsulat ng
pangungusap, lagi
itong nagsisimula sa
malaking letra at
nagtatapos sa wastong
bantas.
May tamang
espasyo ang pagkakasulat
ng bawat salita sa
pangungusap.
Sumulat ng isang karanasan tulad
sa binasang kuwento kung saan
nagpapakita ng magandang
pag-uugali ang mga mag-aaral.
Sundin ang mga pamantayan
sa pagsulat.

___________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
Ikalimang Araw

PAGTATAYA
Isulat sa
patlang ang
angkop na
panghalip sa
bawat
pangungusap
1. Mayroon akong kaibigan.
______ ay si Babylyn.

2. Si Raquel at ako ay aawit.


_____ ay tutula rin.

3. Mababait sina Resmin, Juliet


at Cris. _____ ay nasa
ikalawang baitang.
4. Kaibigan ko rin si
Nancy._______ ay
mabait

5. Pupunta kami sa plasa


bukas. Pupunta rin ba
_____ sa plasa bukas?
Sumulat ng isang kuwento
tungkol sa masaya
karanasan kasama ang
iyong pamilya. Lagyan ng
angkop na pamagat,
tauhan at mga
pangyayari.
Iguhit ang iyong saloobin sa
kuwento na iyong isinulat
Sumulat ng pangungusap gamit
ang mga panghalip na panao
na natutuhan

(Ako, Ikaw, Siya, Kami, Kayo,


Sila, Tayo)
Sumulat ng kuwento
gamit ang mga
panghalip na
panao.Isaalang –alang
ang mga elemento ng
kuwento.

You might also like