You are on page 1of 82

PANGHALIP PANAO

Ang Nais Kong Kasama


Unang Araw
Layunin: Natutukoy ang mga
panghalip panao na ginamit sa
pangungusap.
Natutukoy ang gamit ng
panghalip panao na ako, ikaw,
siya, tayo, kayo, kami.
Nagagamit sa sariling
pangungusap ang mga
panghalip panao
Ako, Ikaw, Tayo’y isang komunidad.
Adaptation from: “It’s I Who Build
Community”

Ako, ako, akoy isang komunidad (3x)


Akoy isang komunidad.
La la la….
Sumayaw sayaw at umindak-indak
Sumayaw sayaw katulad ng dagat
Sumayaw sayaw at umindak indak
Sumayaw sayaw katulad ng dagat
a. Ako ay magbubuo
ng mga komite para
sa ating
pagdiriwang,” ang
sabi ni G. Aguilar.
b. “Lisa, ikaw
ang aking
ilalagay sa komite
para sa pagbuo
ng islogan,”sabi
ng guro.
c. “Sabi po ni Maria,
siya naman daw po
ang bahala sa
patimpalak sa
pagluluto, ” dagdag
pa ni Lisa sa guro.
d. “Kami naman
po ang bahala sa
patimpalak sa
pagsulat ng
sanaysay,” ang
wika ng grupo ni
Elena.
e. “Sila naman po
ang mamamahala
sa patimpalak sa
pagguhit,” turo ni
Elena sa grupo ni
Jose.
f. Kayong lahat ay
talagang
maaasahan ko,
“tuwang-tuwa at
may
pagmamalaking
pagsaad ng guro.
g. “Tayo ay
magkakaroon ng
patimpalak
para sa pagsulat ng
sanaysay, pagguhit,
pagbuo ng islogan, at
pagluluto,” sabi ni
G. Aguilar.
Sino ang tinutukoy ng salitang
ako? Ilan ang tinutukoy ng salitang
ako?

Sino ang tinutukoy ng salitang


ikaw? Ilan ang tinutukoy nito?

Sino ang tinutukoy ng salitang


siya? Ilan ang tinutukoy nito?
Sino ang tinutukoy ng salitang
kami? Ilan ang tinutukoy nito?

Sino ang tinutukoy ng


salitang sila? Ilan ang
tinutukoy nito?
Sino ang tinutukoy ng
salitang kayo? Ilan ang
tinitukoy nito?

Sino ang tinutukoy ng


salitang tayo? Ilan ang
tinutukoy nito?
Tandaan
Ang mga salitang
ipinapalit sa
pangalan ng tao ay
tinatawag na
panghalip panao.
Ginagamit ang:
Ako - kapag ang tinutukoy ng
taong nagsasalita ay ang
kaniyang sarili

Ikaw - kapag ang tinutukoy ng


taong nagsasalita ay ang isang
tao na kaniyang
kausap.
Siya - kapag ang tinutukoy ay
ang isang tao na pinag-uusapan.

Kami - kapag ang tinutukoy ng


nagsasalita ay dalawa o higit pa
kasama ang kaniyang sarili.
Kayo - kapag tinutukoy ng
nagsasalita ay dalawa o higit
pang kausap.

Sila - kapag tinutukoy ay


dalawa o higit pang tao na
pinag-uuasapan
Tayo - kapag
tinutukoy ay dalawa
o higit pa na taong
kausap kasama ang
taong nagsasalita.
Ano ang sasabihin mo sa
iyong kausap sa
sumusunod na sitwasyon.
a. Nais mong ipaalam sa kaibigan
mong si Denia na siya ang kapareha
mo sa nakatakda ninyong gawain sa
paaralan.
b. Sasabihin mo sa inyong pangkat na
kayo ang inilagay na mamamahala sa
palatuntunan sa
pagtataas ng watawat.
c. Sasabihin mo sa
kabilang pangkat na
sila ang magdadala ng
bulaklak para sa inyong
palatuntunan.
Ibigay ang angkop
na panghalip na
panao
upang mabuo ang
usapan sa lobo.
___ ba ang
kasama Oo, ____
naming nga.
sa grupo?

a. Ako, Ikaw, Siya


Tatay, magkakaroon po ___
Sige, saan ba ___
ng praktis mamaya para sa
magpapraktis?
aming programa,

b. Kami, Kayo, Sila, Ako


Bilugan ang panghalip
panao na ginamit sa
pangungusap. Gawin sa
kuwaderno.
1. Lito, ikaw ang ilalaban
ng klase sa pag-awit.

2. Kami ang inatasang


mamili ng gagamitin para
sa pagdiriwang.
3. Si Linda ay mabait. Hindi siya
nakakasakit ng
damdamin ng kapwa.

4. Pupunta sila sa palengke para


bumili ng pandekorasyon.

5. “Kayo ang mamamahala sa


patimpalak,” sabi ni G. Aguilar.
Bilugan ang wastong
panghalip panao na
angkop sa bawat
pangungusap. Gawin
ito sa sagutang papel.
a. Tatay, magkakaroon po
(kami, kayo) ng lakbay-
aral. Maari po ba (akong,
siyang) sumama?
b. Lorena, (ikaw, ako) ang
inatasan ni Bb. Barbosa na
maging guro ng
palatuntunan . Makipag-usap
ka daw sa kaniya.
c. (Tayo, Sila) ang
kakatawan sa ating
paaralan sa darating na
patimpalak sa pag- awit.
Kailangan nating maglaan
ng panahon para sa
pagsasanay.
d. Ang inyong pangkat ay
kasali sa palatuntunan.
(Kayo, Ikaw) ang
magbibigay ng pangkatang
pag-awit.
Ikalawang Araw
Layunin: Nakikilahok
nang masigla sa
talakayan ng grupo o
klase.
Nakapagbibigay ng
saloobin gamit ang payak
na pangungusap.
Nakagagamit ng
mga salitang angkop
sa sariling kultura
sa pagpapahayag ng
sariling saloobin.
patimpalak –

Si Gani at Rita ay kasali


sa patimpalak. Sila ay
maglalaban para sa
pagalingan sa pagluluto.
komite-

Si Lorna ay kasama sa
komite sa pagguhit. Ang
kanilang grupo ang
mamamahala sa
patimpalak na iyon.
Nakapanood na ba kayo ng
isang program o
palatuntunan?

Nakaranas na ba kayong
mamahala ng isang
programa?
Ang Batang Maaasahan
Akda ni Babylen Arit-Soner

Lunes ng umaga, nagpaplano


ang buong
klase ni G. Aguilar tungkol sa
gagawin nila para sa Buwan ng
Nutrisyon.
“Tayo ay magkakaroon
ng patimpalak para sa
pagsulat ng sanaysay,
pagguhit, pagbuo ng
islogan at pagluluto. Ako
ay magbubuo ng mga
komite para sa ating
pagdiriwang,” ang sabi ni
G. Aguilar.
“Ako po ang
bahala sa pagbuo ng
programa,” maagap na
sagot ni Kiko. “Kami
naman po ang bahala sa
patimpalak sa pagsulat
ng sanaysay,” ang wika
ng grupo ni Trina.
“Sila naman po ang
mamamahala sa patimpalak sa
pagguhit,” turo ni Trina sa grupo
ni Jose.
“Walang problema,”
ang sagot naman
nila.“Lisa, ikaw ang
aking ilalagay sa
komite para sa pagbuo
ng islogan,”sabi ng
guro.
“Sige po,” sagot ni
Lisa.
“Siya naman daw
po ang bahala sa
patimpalak sa
pagluluto, sabi po
ni Maria,” dagdag
pa ni Lisa sa guro.
“Magaling kayong
lahat ay talagang
maaasahan ko,
”tuwang-tuwa at
may
pagmamalaking
saad ng guro.
Bakit sila tinawag na mga
Tungkol saan ang kuwento?
batang maaasahan?
Pangkat I: Kuwento Ko,
Alalahanin Mo!
Sagutan ang “story
map”.Gawin ito sa
manila paper. Story Map
Pamagat ng Kuwento:
Mga Tauhan:
Mga Mahahalagang
Pangyayari:
1.
2.
3.
Pangkat II:Saloobin Mo,
Iguhit Mo!

Sa isang manila paper,


iguhit ang naramdaman
ninyo sa mga pangyayari
sa kuwento.
Ilagay ang masayang mukha
kung nagustuhan ninyo ang
ginawa ng mga tauhan sa
kuwento at malungkot na
mukha naman kung hindi.
Ipaliwanag kung bakit iyon
ang inyong iginuhit.
Pangkat III: Wakas Ko,
Hulaan Mo!
Pag-usapan ninyo kung ano
ang posibleng mangyari sa
gagawing pagdiriwang ng
Buwan ng Nutrisyon ng klase
ni G. Aguilar. Sagutin ang
mga tanong:
Ano ang pamagat ng ating
binasang kuwento?

Sino-sino ang mga tauhan sa


kuwento?

Ano-ano ang mahalagang


pangyayari sa kuwento?
Bakit ang pamagat ng
kuwento ay Ang Batang
Maasahan?

Ikaw ba ay matatawag din


na batang maaasahan?
Bakit?
Ano ang inyong saloobin sa
mga pangyayari sa kuwento?

Bakit ito ang inyong


naramdaman?
Ano kaya ang mangyayari sa
pagdiriwang ng klase ni G.
Aguilar?
Paano mauunawaan ang
nilalaman ng isang kuwento?

Paano natutukoy ang saloobin sa


kuwentong binasa?

Paano makapaghihinuha ng
maaaring mangyari sa kuwento?
Ikatlong Araw
Layunin: Nakababasa ng
mga salitang may klaster
at maramihang pantig
Nababasa nang may
kasanayan ang mga salita
sa unang kita na naaayon
sa baitang
Bibigkasin ko ang salita
isulat ito sa pisara at
basahin nang malakas.
grupo

problemado

nagpaplano
programa

klase

Trina
patimpalak

mamamahala

pagmamalaki
magbubuo

maaasahan

pagdiriwang
Tandaan
Binabasa ang mga salita
ayon sa pabaybay na pantig
nito.
Ginagamit ang tamang diin
sa bawat pantig upang
maibigay ang wastong
kahulugan ng bawat salita.
Sa pagsulat ng kuwento,
nakapasok ang unang
pangungusap sa bawat
talata. Sa pagsulat ng
pangungusap, lagi itong
nagsisimula sa malaking
letra at nagtatapos sa
wastong bantas
May tamang
espasyo ang
pagkakasulat ng
bawat salita sa
pangungusap.
Pangkatin ang mag-aaral sa
apat. Bawat pangkat ay
magbibigay ng sampung
salitang may klaster at
salitang may maramihang
pantig. Basahin at baybayin
nila ang mga ito nang wasto.
Gamit ang mga salitang
ibinigay ng bawat pangkat,
ipabasa ito sa buong klase,
pangkatan, dalawahan, at
isahan na may tamang
intonasyon o diin at pabaybay
ng pantig.
Magbigay pa ng karagdagang
mga salita na mula sa talaan ng
mga salita sa unang kita na
naaayon sa baitang. Ipabasa ito
na may tamang intonasyon o
diin at papantig na pagbaybay.
Ikaapat na Araw
Layunin: Nakasusulat ng
maikling kuwento na
sumusunod sa pamantayan
sa pagsulat.
Nakikilala ang ugnayan ng
tunog at simbolo nito at
nagagamit ito sa pagsulat
Bakit maaasahan ang mga
bata sa kuwentong “Ang mga
Batang Maaasahan”?

Maaasahan rin ba kayong


bata?
Paano nakasulat ang unang salita
ng pangungusap ng kuwento, paano
ito nagsisimula?

Paano ang pagkakasulat ng bawat


salita sa pangungusap, at anong
nakalagay sa hulihan ng bawat
pangungusap.
Sa pagsulat ng kuwento,
nakapasok ang unang
pangungusap sa bawat talata.
Sa pagsulat ng
pangungusap, lagi itong
nagsisimula sa malaking
letra at nagtatapos sa
wastong bantas.
May tamang espasyo ang
pagkakasulat ng bawat salita
sa pangungusap.
Sumulat ng isang karanasan tulad sa
binasang kuwento kung saan
nagpapakita ng magandang pag-
uugali ang mga mag-aaral.
Sundin ang mga pamantayan sa
pagsulat.

___________________________
________________________________
________________________________
________________________________
________________________________
Ikalimang Araw

PAGTATAYA
Isulat sa patlang
ang angkop na
panghalip sa
bawat
pangungusap
1. Mayroon akong kaibigan.
______ ay si Babylyn.

2. Si Raquel at ako ay aawit. _____


ay tutula rin.

3. Mababait sina Resmin, Juliet at


Cris. _____ ay nasa ikalawang
baitang.
4. Kaibigan ko rin si
Nancy._______ ay mabait

5. Pupunta kami sa plasa


bukas. Pupunta rin ba
_____ sa plasa bukas?
Sumulat ng isang kuwento
tungkol sa masaya karanasan
kasama ang iyong pamilya.
Lagyan ng angkop na
pamagat, tauhan at mga
pangyayari.
Iguhit ang iyong saloobin sa
kuwento na iyong isinulat
Sumulat ng pangungusap gamit ang
mga panghalip na panao na
natutuhan

(Ako, Ikaw, Siya, Kami, Kayo, Sila,


Tayo)
Sumulat ng kuwento gamit
ang mga panghalip na
panao.Isaalang –alang ang
mga elemento ng
kuwento.

You might also like