You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA MOTHERTONGUE 2

Ikalawang Markahan

Petsa:___________
Oras:____________
Unang Linggo (Ikatlong Araw)

I. LAYUNIN
 Nakikilala at nagagamit nang wasto ang mga sumusunod na panghalip:
a.PanghalipPamatlig
b.PanghalipPanao
c.PanghalipPaari
 Nakikilala at nagagamit sa pangungusap ang “Simile” o Pagtutulad at Metapora.

II. PAKSA

Kamalayan sa Gramatika:Pagkilala at Paggamit nang wasto ng Mga Uri ng


Panghalip.(MT2GA-ll-a-e-2.2.2)
Talasalitaan at PaglinangsaKonsepto:
Pagkilala at Paggamit sa pangungusap ang “Simile” o pagtutulad at
Metapora.(MT2VCD-lla-i-3.4)
Sanggunian: K-12 Gabay saKurikulum ng MTB 2 -ll-a-e-2.2.2; lla-i-3.4
Definite Budget of Work-Qtr.2-Week 1-MTB 2-ll-a-e-2.2.2; lla-i-3.4 p.12
Bilang ng Araw ng Pagtuturo: 1 Araw
Kagamitan:
Tsart ng tula,kard ng mga salita, tsart ng mga pangungusap, mga larawan
Estratehiya: Explicit Teaching, Differentiated Instruction

II. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain (Opening It Up)
1. Pagsasanay
Basahin ang mga parirala.
mag- unahan tayo padala ito sa akin
paborito niya ang karots sa kaniyang kabaitan
gumagamit siya ng po at opo itong malalaking itlog
2. Balik-aral
Ano ang pangngalan? Tukuyin kung anong ngalan ang mga sumusunod.
Kaibigan,pusa, upuan, paaralan,pinsan, lapis, kaarawan
Awitin natin sa tonong ako ay masaya, ikaw ay masaya, tayong lahat ay masaya.Palitan
ng dito,diyan doon.
Ito,Iyan, Iyon
Ito, Ito, Ito ang akingulo (3x)
Ito ang akingulo
Itango-tango, at ibaling- baling.
Upang sumigla ang ating paningin (2x)

Iyan,iyan, iyan ang iyong bola.(3x)


Iyan ang iyong bola
Iugtol-ugtol at ihagis-hagis
Sabay ipasa ng malakas sa akin (2x)
Iyon, iyon,iyon ang bentelador (3x)
Iyon ang bentelador
Umikot-ikot at humangin-hangin
Init ng panahon ay napapawi man din (
B. Panlinang na Gawain (Teaching It)

1. Paglalahad- Ilahad ang aralin


Basahin ang mga pangungusap.

a. Ito ang aming bahay.


Dito kami nakatira.
Iyan pala ang ipinagmamalaki mong bahay.
Maganda at maaliwalas nga tingnan.

b. Ang aming guro ay nagtuturo.


Ayusin natin ang mga donasyon nila.

c. Ako ay kumain muna bago umalis ng bahay.


Kasama ko ang aking alagang si bantay.
d. Ikaw ay tulad ng bituin.
Ang aking mahal ay isang magandang rosas.

C. Pagtatalakay

1. Basahin natin ang mga salitang may salungguhit


sa letrang a,b,c. at d..Ano ang pinaguusapan sa letrang a? (aming bahay)
2. Anong salita ang ginamit sa pagsasabi ng bahay?
3. Saan sila nakatira?
4. Ano ang ipinagmamalaki niya?
5. Sa letrang b, sino ang nagtuturo? Sino ang mag aayos ng donasyon?Ano ang
malapit sa parke?
6. Sa letrang c, Sino ang kumain muna bago umalis ng bahay? Kaninong alaga si
bantay)
7. Sa letrang d, ano ang katulad mo? Ilan ang hinahambing dito?
(dalawang bagay na hindi magkatulad.) Ito ay tinatawag na simili. Anong
salita ang ginamit sa paghahambing? (tulad) Ano ang simili? Ang simili o
pagtutulad ay ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay,
tao,pangyayari, at iba pa.Ginagamitan ito ng mga salitang tulad ng paris ng,
tila, magkasing,parang at higit na.Ito ay tinatawag na pangatnig.Sa
pangalawang pangungusap ba ay may paghahambing? (wala) Ito naman ay
tinatawag na metapora.Ang metapora ay hindi gumagamit ng pangatnig.Ito ay
tiyak na paghahambing.

D. Ginabayang Pagsasanay (We Do)


Magbigay ng halimbawa ng mgapanghalip na paari,panao at pamatlig…Simili at
metapora.
PamantayansaPangkatang Gawain
 Basahin at unawain nang Mabuti ang task card.
 Gumawa nang tahimik.
 Makilahok sa pangkatang gawain
Pangkatang Gawain (Differentiated Activities)
Pangkat I-Iarte Mo!
Magpakitang gilas sa pamamagitan ng pag –arte gamit ang panghalip panao
Pangkat II- Gamit ang panghalip paari gumawa ng dyalogo.
Pangkat III-Hulaan Mo!
 Ako’y panghalip na pumapalit na panturo.Ano ito?
 Ako’y ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang
bagay,tao,pangyayari at iba pa.Ano ito?
 Ako’y panghalip na pumapalit sa ngalan na tao na nag mamay- ari. Ano ito?
 Ako’y ginagamit sa tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng
pangatnig.Ano ito?
Pangkat IV-Isulat Mo!
Bumuo ng pangungusap gamit ang mga salitang.
1.Ako
2.Iyon
3.Siya
4. Kanila
5.magkasing
E. Paglalahat
Ano-anong panghalip ang inyong napag- aralan?Magbigay ng halimbawa ng
panghalip panao, paari at pamatlig…Kailan natin ginagamit ang simili at metapora sa
paghahambing?
F. Pagpapahalaga
Bilang isang bata,kapag tayo ay nakakita ng isang bagay na hindi natin pag –aari
ano ang gagawin mo?

IV.Pagtataya

A. Basahin at isulat ang wastong panghalip sa salitang may guhit.


1. Bakit mo inihagis ang bola mo
Baka mawala ____________
2. Ang gandang relo na hawak mo.
___________ay bago.

B. Piliin at bilugan ang wastong panghalip para sa pangngalang may guhit.


3. Ikaw si Isabel.Ako at Ana. Ang pagkakaibigan nina Isabel at Ana ay matatag.
(naming ninyo, natin)
4. Siya si Lito.Ako siTonyo. Ang samahan nina Lito at Tonyo ay parang
magkapatid.
(naming ,ninyo, natin)
5. Ang guro ay pipili ng magiging kalahok sa paligsahan.
(Ako, Siya, Ikaw)

V. GAWAING BAHAY (Closing It)


Sumulat ng tigdalawang halimbawa ng pangungusap gamit ang simili at
metapora.
.

You might also like